Tanghali na akong gumising since Linggo naman. Pagkababa ko, nagse-cell phone lang 'yung dalawa kong kapatid sa may sofa. Si Ate, ka-chat 'yung jowa niya. Si Januarius naman ay naglalaro lang ng online games."Ate, nasaan si Mama?" tanong ko."Ah, umalis lang saglit. Nagpa-pedicure lang sa may amiga niya," turan niya. Napatango na lamang ako matapos 'yon. Mukhang kumain naman na sila kaya tumungo na ako sa may kusina. Pagkarating ko roon, tiningnan ko kung ano ang ulam, nilagang baboy. Ininit ko muna ito sandali at kumuha na ako ng pinggan. Kahit tanghaling tapat, masarap pa ring humihop ng mainit na sabaw. Pinatay ko na 'yung kalan matapos ang limang minuto. Nagsandok na rin ako ng ulam at s'yempre, dinamihan ko 'yung sabaw. Si Mama naman, dinadagdagan niya 'yung sabaw kapag uulamin namin ulit sa gabi kaya nakakatipid kami sa ulam. Naglagay rin ako ng saging na saba dahil swak na swak talaga 'to sa nilaga.Habang kumakain ako, nag-open ako ng social media account ko. In-accept na n
Monday na naman, may exam kami mamaya sa chemistry. Kailangan kong mag-refresh mamaaya sa may jeep habang nasa biyahe o 'di kaya sa may room na lang. Mabuti na lang at maaga akong papasok ngayon. Pagkarating ko sa may sakayan ng jeep, hindi pa naman mahaba ang pila kaya hindi naman ako nainip sa kaantay. Nagsimula ng magsakay 'yung jeep kaya sumakay na 'ko. Sa bandang gitna ako ulit naupo. Nakakatamad at wala naman akong ibang gagawin kaya kinuha ko na lang 'yung reviewer ko at nag-review ako ulit habang nasa biyahe.Pagkarating sa school, isinalaksak ko na 'yung reviewer ko sa loob ng aking bag. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad papasok sa may gate, bungad sa 'kin si Klarisse at ang dalawa niyang alipores."Juness..." sambit niya habang nakahalukipkip. Napahinto naman ako nang dahil doon."Oh, Klarisse... ano na naman ang kailangan mo sa 'kin?" saad ko."Nagkakausap ba kayo ulit ni Amos?" seryoso niyang tanong."Hindi, tahimik na ang buhay ko sa piling ni Arthur," giit ko."Kung hi
Nakatayo lang siya sa may bukana ng pintuan. Nakangiti lang siya sa 'kin nang malawak. Hindi ko ma-imagine na puwedeng magkatotoo 'yung ganitong scenario. Akala ko sa mga palabas lang 'to nagaganap pero puwede rin palang mangyari sa reyalidad. Mayamaya pa, biglang nag-play si Zendi ng recording."Sa bawat ngiti mo, binibihag mo ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa tuwing ngumingiti ka, loko-loko siguro 'tong damdamin ko," aniya. Alam kong boses ni Yatco 'yung nasa recording. Kailan pa nila pinagplanuhan 'to?Pero sa una niyang sinabi, maski ako'y apektado na rin sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti, nakakahawa. Idagdag mo pa 'yung mata niyang nawawala kaya ang cute lang."Sa bawat tawa mo ay sadyang kahali-halina. Ang sarap pakinggan na masayang-masaya ka. Wala kang pinoproblema at tanging iniisip mo lang ay ang lumigaya. Napakagaan ng puso ko sa tuwing gano'n ka," aniya pa. Humakbang siya ng isa matapos 'yon. Natuwa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Bigla ko tul
Maaga akong gumising ngayon dahil kailangan ko pang mag-refresh ng aking ni-review dahil mamaya na ang exam namin sa algebra. Medyo madugong rebyuhan ang kailangan kong gawin para wala akong makalimutan. Naabutan ako ni Mama na nag-re-review dito sa may kusina. Hindi ko namalayan na alas syete na pala.Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang si Mama naman ay nagluto ng aming almusal. Sunny side up lang ang ginawang luto ni Mama sa itlog para mabilis. Mayamaya pa, pinaghainan na 'ko ni Mama at nilagay iyon sa aking tabi."Kumain ka na muna, anak. Mas mabuting may laman ang iyong tiyan para hindi mo makalimutan agad 'yung mga pinag-aralan mo," ani Mama."Thank you, Ma," ani ko sabay ngiti sa kaniya.Itinabi ko na muna 'yung reviewer ko at kumain na 'ko agad. Tama nga naman si Mama, mas madali kong matatandaan 'yung mga pinag-aralan ko kapag may laman ang aking tiyan. Ngayon ko lang din naalala na makakatulong 'yung dark chocolate saka mani para pampatalas ng memorya. Makabili nga m
Maayos at matiwasay kong nasagutan ang exam namin sa trigonometry, salamat sa ipinahiram ni Osang na calculator. Nandito ako ngayon sa labas ng aming silid at hinihintay kong makalabas siya. Si Gela, nakalabas na kani-kanina. Hindi niya na nahintay si Osang dahil sa pagkakaalam ko, ongoing na 'yung practice nila ni Tyron dahil sila nga ang napili bilang representative sa dance contest.Makalipas ang ilang sandali, tumayo na si Osang sa kaniyang kinauupuan at ipinasa ang kaniyang papel. Mukhang confident naman siya sa sagot niya kaya alam kong maipapasa niya ang aming pagsusulit. Matapos niyang mag-ayos ng gamit ay lumabas na siya. Sinalubong ko siya pagkalabas niya sa may bukana ng pintuan."Osang, maraming salamat nga pala sa calculator na pinahiram mo. Ang laki ng naitulong nito sa 'kin para makasagot ako sa exam," wika ko. Inilahad ko naman 'yung tangan kong calculator sa kaniya."Mabuti naman kung gano'n," matipid niyang tugon sabay higit sa calculator na ipinahiram niya. Cold pa
Friday na ngayon, ang bilis ng araw. Dalawa na lang ang exam namin. Sa P.E. mamayang first subject at sa Filipino, 'yung presentation namin mamaya. Social science talaga ang subject namin ng hapon kapag Friday, nakipagpalit lang 'yung prof namin sa Filipino para pulido na, at wala na kaming iintindihin pagkatapos. Madali lang naman daw ang exam namin sa P.E. dahil identification, multiple choice, enumeration, at true or false lang ito sabi ng prof namin. Karamihan ay mga terminologies. Kung magaling kaming mag-memorize, may chance pa raw na ma-perfect namin 'yung exam. Hindi ako gano'n kagaling sa pagkakabisa pero kinakaya naman. Kapag enumeration nga, gumagawa pa ako ng acronym para mas madali itong matandaan.Sabay kaming papasok ngayon ni Yatco, maaga rin kasi ang first class niya kaya naisipan niya na lang din na sunduin ako. Ayaw ko pa nga no'ng una dahil pabebe mode lang, try ko lang kung ipipilit niya na sunduin ako at hindi nga ako nagkamali."Anak, bigay mo 'tong suman sa bo
Natapos ng mag-perform ang apat na grupo. Ngayon, kami na. Masasabi kong magagaling din ang ibang grupo, ang magiging iba lang talaga ay kung paano nila ito i-d-in-eliver. Magaling execution ng grupo nila Gela, may chance na sila ang pinakamahigpit na katunggali ng aming grupo. Nag-aayos na ng props sa stage 'yung iba naming kasama. Ready na kami, hindi kami dapat magpalamon sa kaba. Ang maganda lang sa performance namin ay hindi na namin need magsalita dahil recorded na. Sa practice pa lang ay malakas na ang impact ng mga tauhan namin, walang oras akong hindi nagtatawa dahil ang lakas ng humor nina Lilibeth at Oliver. Kagaya ng nakagawian, pinapanget namin ang mga bida kaya nang pumasok pa lang sila sa stage, agad ng nagtawanan 'yung mga kaklase namin. Hagalpak kung hagalpak, napatingin tuloy ako sa prof namin na nakangiti lang nang malawak. Na-emphasize kasi 'yung nilagay naming itim sa may butas ng ilong ng aming mga bida kaya sa tuwing mag-da-dub sila, mas lalong pumapanget ang
Maagang namalengke si Mama kasama si Ate kanina. Mamaya kasing tanghali ay dito kakain si Yatco, baka abutin pa hanggang hapunan kapag nagkataon. Excited si Mama, akala mo naman mayroon talagang okasyon. Magka-chat na kami ni Yatco pagkagising namin. Maski siya ay hindi makapaghintay, kulang na lang yata ay isama niya ang magulang niya mamaya. Pagkabangon ko at bumaba na ako agad. Sinuri ko kung malinis ba ang sahig at 'yon, mayroon pang kaunting alikabok kaya minabuti ko na munang magwalis-walis. Nakakahiya naman sa bisita naman kung dadatnan niyang gano'n ang bahay namin. Pagkatapos no'n ay pumunta na ako sa kusina. May pagkain naman na sa lamesa, pritong hotdog. Kumuha lang ako ng ketchup at kumain na rin ako.Pagka-check ko ng oras, 8am na. Hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Mayamaya lang ay bumaba na rin si Januarius at kumain. Hindi ko na nahintay 'yung pinagkainan niya dahil tapos na akong maghugas habang siya'y kumakain pa."Januarius, pagkakain mo, hugasan mo na 'yang p