Friday na ngayon, ang bilis ng araw. Dalawa na lang ang exam namin. Sa P.E. mamayang first subject at sa Filipino, 'yung presentation namin mamaya. Social science talaga ang subject namin ng hapon kapag Friday, nakipagpalit lang 'yung prof namin sa Filipino para pulido na, at wala na kaming iintindihin pagkatapos. Madali lang naman daw ang exam namin sa P.E. dahil identification, multiple choice, enumeration, at true or false lang ito sabi ng prof namin. Karamihan ay mga terminologies. Kung magaling kaming mag-memorize, may chance pa raw na ma-perfect namin 'yung exam. Hindi ako gano'n kagaling sa pagkakabisa pero kinakaya naman. Kapag enumeration nga, gumagawa pa ako ng acronym para mas madali itong matandaan.Sabay kaming papasok ngayon ni Yatco, maaga rin kasi ang first class niya kaya naisipan niya na lang din na sunduin ako. Ayaw ko pa nga no'ng una dahil pabebe mode lang, try ko lang kung ipipilit niya na sunduin ako at hindi nga ako nagkamali."Anak, bigay mo 'tong suman sa bo
Natapos ng mag-perform ang apat na grupo. Ngayon, kami na. Masasabi kong magagaling din ang ibang grupo, ang magiging iba lang talaga ay kung paano nila ito i-d-in-eliver. Magaling execution ng grupo nila Gela, may chance na sila ang pinakamahigpit na katunggali ng aming grupo. Nag-aayos na ng props sa stage 'yung iba naming kasama. Ready na kami, hindi kami dapat magpalamon sa kaba. Ang maganda lang sa performance namin ay hindi na namin need magsalita dahil recorded na. Sa practice pa lang ay malakas na ang impact ng mga tauhan namin, walang oras akong hindi nagtatawa dahil ang lakas ng humor nina Lilibeth at Oliver. Kagaya ng nakagawian, pinapanget namin ang mga bida kaya nang pumasok pa lang sila sa stage, agad ng nagtawanan 'yung mga kaklase namin. Hagalpak kung hagalpak, napatingin tuloy ako sa prof namin na nakangiti lang nang malawak. Na-emphasize kasi 'yung nilagay naming itim sa may butas ng ilong ng aming mga bida kaya sa tuwing mag-da-dub sila, mas lalong pumapanget ang
Maagang namalengke si Mama kasama si Ate kanina. Mamaya kasing tanghali ay dito kakain si Yatco, baka abutin pa hanggang hapunan kapag nagkataon. Excited si Mama, akala mo naman mayroon talagang okasyon. Magka-chat na kami ni Yatco pagkagising namin. Maski siya ay hindi makapaghintay, kulang na lang yata ay isama niya ang magulang niya mamaya. Pagkabangon ko at bumaba na ako agad. Sinuri ko kung malinis ba ang sahig at 'yon, mayroon pang kaunting alikabok kaya minabuti ko na munang magwalis-walis. Nakakahiya naman sa bisita naman kung dadatnan niyang gano'n ang bahay namin. Pagkatapos no'n ay pumunta na ako sa kusina. May pagkain naman na sa lamesa, pritong hotdog. Kumuha lang ako ng ketchup at kumain na rin ako.Pagka-check ko ng oras, 8am na. Hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko. Mayamaya lang ay bumaba na rin si Januarius at kumain. Hindi ko na nahintay 'yung pinagkainan niya dahil tapos na akong maghugas habang siya'y kumakain pa."Januarius, pagkakain mo, hugasan mo na 'yang p
Napatayo tuloy ako sa aking higaan nang dahil doon. Nagdadalawang-isip tuloy ako ngayon kung pupuntahan ko ba siya o hindi. Para kasing hindi okay ang lagay niya. Hindi naman siya tatawag sa 'kin nang gano'n lang. Wala ba siyang kasama sa bahay nila? Maaga pa naman, hindi naman nagyaya kahapon si Yatco na magsimba. Kung mag-text man diya, baka mamaya pang hapon kung sakali man. Mabilis lang naman siguro kung pupunta ako kina Amos. Pero sandali, bakit ko ba siya iniisip? Wala na nga dapat akong pakialam sa kaniya. Hindi ako dapat nag-aalala. Nagtatalo ngayon ang puso at isip ko. Sabi ng puso ko, push lang. Puntahan ko 'yung tao bilang pagmamalasakit man lang. Sabi naman ng isip ko, huwag ko nang ituloy ang binabalak ko. Binasura niya na 'ko ako kaya hindi ko na siya dapat pagtuunan pa ng pansin. Nahihirapan akong mag-decide kung ano ba talaga. Ilang saglit pa, ipinaubaya ko na ang lahat sa barya. Kumuha ako ng piso sa loob ng aking bag para ito na ang magdesisyon kung pupuntahan ko
Alas dos pasado nang dumating si Yatco sa bahay. Hindi ko nga namalayan na nand'yan na siya. Hindi rin naman siya bumusina sa labas nang dumating siya. Tamang hilata pa naman ang ginagawa ko sa may sala nang pumasok siya sa loob ng bahay namin."Mahal, ang aga mo naman," sambit ko. Napabalikwas talaga ako sa aking kinahihigaan nang makita kong pumasok siya."Sabi mo kasi ipaalam kita kay Tita kaya inagahan ko na ang pagpunta," turan niya."Ayan, dapat nag-text ka man lang. Nakapambahay pa man din ako. Maupa ka na muna sa may sofa at magbibihis lang ako saglit," wika ko.Ngingisi-ngisi lang siyang naupo sa may sofa. Ako naman, nagkukumahog akong tumungo sa aking silid para magbihis. Nagkalkal ako sa damitan ko para maghanap nang magandang maisusuot. Hindi naman kailangang bongga, basta presentable ay okay na. Una kong namataan 'yung shorts ko na kulay puti. Hindi naman 'to maikli kaya puwede ko 'tong suotin. Itinabi ko na muna 'yon at naghanap ako ng babagay roon. Sunod kong nakita 'y
Nang makapagpababa kami ng kinain ay naglakad-lakad na muna kami para matagtag. Nagtingin-tingin lang kami ng damit pero hindi naman kami bumili. Dumaan din kami sa mga sapatos at tiningnan naman kung may mga magandang labas ngayon. Ako kasi, hindi naman ako nag-be-base sa brand, 'yung feeling na sa unang kita ko pa lang ay magagandahan na ako, 'yon ang binibili ko. Pagkatapos no'n ay pumunta kami sa mga palaruan sa may taas. Gusto raw kasing magliwaliw ni Yatco at maglaro doon ng basketball. Go lang naman ako at sinamahan ko siya. Talaga nga namang kita-kita ang galing niya sa paglalaro ng basketball dahil sa galing niyang mag-shoot. Bihira lang ang mga pumalyang bola na hindi na-shoot sa ring. Taga-cheer lang naman ako rito sa gilid at taga-palakpak sa tuwing nakaka-shoot siya.Marami rin kaming nakuhang ticket nang dahil do'n. Sunod naman ay doon sa may arcade. Naglaro lang kaming dalawa ng tekken ay s'yempre, siya ang nanalo. Nag-enjoy naman ako sa paglalaro kahit na hindi ito an
Pauwi na kami ngayon ni Yatco. Bago kami tuluyang umuwi, dumaan na muna kami sa KK para bumili ng donuts. Pasalubong niya na raw kina Mama at Januarius."Naku, hindi ka na dapat nag-abala pa," turan ko pagkabayad niya sa may counter."Wala 'yon sa 'kin. Ang mahalaga, masaya ka. Alam mo naman, kailangang sumipsip kay Ate," maloko niyang sambit."Hindi mo na kailangang sumipsip kay Mama, malakas ka na ro'n," biro ko."Talaga ba?" nakangiti niyang sambit habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.After no'n ay lumabas na kami at dumiretso na sa parking para makauwi na. Pagkasakay ko sa loob, napatingin lang ako kay Yatco. Hindi ko alam kung gaano ako kasuwerte sa kaniya. Deserve ko ba talaga siya? Deserve niya ba ako? "Mahal, maraming salamat nga pala," sambit ko matapos niyang paandarin ang makina ng sasakyan."Para saan na naman 'yan, mahal?" tanong niya."Sa lahat-lahat. Lalo ngayong araw, talagang napasaya mo ako," ani ko."Ikaw ang higit na nagpapasaya sa 'kin," hirit niya sabay
Sabay dapat kaming uuwi ngayon ni Yatco pero mayroon siyang biglaan na gagawin. Bawi na lang daw siya bukas. Hindi ko naman siya puwedeng pigilan kaya hinayaan ko na lang. Alas dos pa lang naman at wala naman na akong pasok. Okay lang din, mas maaga akong uuwi. Habang nag-ce-cell phpne ako ay biglang mayroon unknown number na nag-text. Nabasa ko pa lang siya sa notification kaya hindi ko buong nabasa 'yung nilalaman. Dulot ng kuryosidad, agad ko naman itong binuksan at binasa.From: Unknown numberHi, Juness! Kumusta ka na? What time ka available? Yayain sana kitang mag-coffee. Mariz nga pala 'to, Ate ni Amos. *insert heart and smiling emoji*Pagkabasa ko no'n, hindi ko alam kung kikitain ko ba siya. Bakit naman ako naisipang kitain ng ate ni Amos? Hindi niya ba alam na hiwalay na kami ng kapatid niya? At the same time, may part din sa isip ko na gusto ko siyang i-meet. Wala naman akong gagawin kaya nag-reply ako sa kaniya.To: Ate MarizHello po, available naman na po ako ngayon. Wa