Nang makapagpababa kami ng kinain ay naglakad-lakad na muna kami para matagtag. Nagtingin-tingin lang kami ng damit pero hindi naman kami bumili. Dumaan din kami sa mga sapatos at tiningnan naman kung may mga magandang labas ngayon. Ako kasi, hindi naman ako nag-be-base sa brand, 'yung feeling na sa unang kita ko pa lang ay magagandahan na ako, 'yon ang binibili ko. Pagkatapos no'n ay pumunta kami sa mga palaruan sa may taas. Gusto raw kasing magliwaliw ni Yatco at maglaro doon ng basketball. Go lang naman ako at sinamahan ko siya. Talaga nga namang kita-kita ang galing niya sa paglalaro ng basketball dahil sa galing niyang mag-shoot. Bihira lang ang mga pumalyang bola na hindi na-shoot sa ring. Taga-cheer lang naman ako rito sa gilid at taga-palakpak sa tuwing nakaka-shoot siya.Marami rin kaming nakuhang ticket nang dahil do'n. Sunod naman ay doon sa may arcade. Naglaro lang kaming dalawa ng tekken ay s'yempre, siya ang nanalo. Nag-enjoy naman ako sa paglalaro kahit na hindi ito an
Pauwi na kami ngayon ni Yatco. Bago kami tuluyang umuwi, dumaan na muna kami sa KK para bumili ng donuts. Pasalubong niya na raw kina Mama at Januarius."Naku, hindi ka na dapat nag-abala pa," turan ko pagkabayad niya sa may counter."Wala 'yon sa 'kin. Ang mahalaga, masaya ka. Alam mo naman, kailangang sumipsip kay Ate," maloko niyang sambit."Hindi mo na kailangang sumipsip kay Mama, malakas ka na ro'n," biro ko."Talaga ba?" nakangiti niyang sambit habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.After no'n ay lumabas na kami at dumiretso na sa parking para makauwi na. Pagkasakay ko sa loob, napatingin lang ako kay Yatco. Hindi ko alam kung gaano ako kasuwerte sa kaniya. Deserve ko ba talaga siya? Deserve niya ba ako? "Mahal, maraming salamat nga pala," sambit ko matapos niyang paandarin ang makina ng sasakyan."Para saan na naman 'yan, mahal?" tanong niya."Sa lahat-lahat. Lalo ngayong araw, talagang napasaya mo ako," ani ko."Ikaw ang higit na nagpapasaya sa 'kin," hirit niya sabay
Sabay dapat kaming uuwi ngayon ni Yatco pero mayroon siyang biglaan na gagawin. Bawi na lang daw siya bukas. Hindi ko naman siya puwedeng pigilan kaya hinayaan ko na lang. Alas dos pa lang naman at wala naman na akong pasok. Okay lang din, mas maaga akong uuwi. Habang nag-ce-cell phpne ako ay biglang mayroon unknown number na nag-text. Nabasa ko pa lang siya sa notification kaya hindi ko buong nabasa 'yung nilalaman. Dulot ng kuryosidad, agad ko naman itong binuksan at binasa.From: Unknown numberHi, Juness! Kumusta ka na? What time ka available? Yayain sana kitang mag-coffee. Mariz nga pala 'to, Ate ni Amos. *insert heart and smiling emoji*Pagkabasa ko no'n, hindi ko alam kung kikitain ko ba siya. Bakit naman ako naisipang kitain ng ate ni Amos? Hindi niya ba alam na hiwalay na kami ng kapatid niya? At the same time, may part din sa isip ko na gusto ko siyang i-meet. Wala naman akong gagawin kaya nag-reply ako sa kaniya.To: Ate MarizHello po, available naman na po ako ngayon. Wa
Muli, nag-check kami ng test paper namin sa aming last subject. Lahat naman kaming magkaklase ay pumasa. Nang umalis 'yung prof namin, para kaming mga nakawala sa koral dahil sa sobrang tuwa. Kulang na lang ay magbatuhan ng upuan 'yung mga kaklase ko dahil sa pagiging wild.Umalis naman agad no'n sina Gela at Osang. Si Gela ay tiyak na may practice, si Osang naman at tiyak na uuwi na. Nagpaalam naman ako agad kina Jessa at Lilibeth na lalabas na muna ako. Maaga pa naman, mamaya pa ang uwi ni Yatco. Balak ko munang sundan 'yung dalawa dulot ng kuryosidad.S'yempre, hindi ako nagpahalata na sundan sila. Tumungo sila sa may second floor na siyang pinagtataka ko. Wala naman silang gagawin do'n. Mga computer laboratory, organization's room, at faculty room ang nandoon. Nakatago lang ako sa isang malaking pasilyo at pasilip-silip lang ako para hindi nila mahalata. Kamukatmukat, pumasok silang dalawa sa may faculty room. Ang laking question mark no'n sa isipan ko dahil wala naman kaming dapa
Ako saka si Jessa ang bumili ng tubig. Magkasama naman sina Shammy at Zendi na nag-iikot-ikot. Si Lilibeth naman ay tumungo sa ice cream section at nagtingin-tingin doon ng iuuwi niya raw sa kaniyang kapatid. Pagkakuha namin ni Jessa ng limang tubig ay agad kaming tumungo sa may counter. Trese lang kasi ang tubig dito kaya malaki rin ang natipid namin. Pagkarating namin sa counter ay bigla kong namataan si Martin sa 'di kalayuan. Tama nga sina Gela at Osang, nandito na si Martin, 'yung ex ko. Pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Hindi man lang siya nagparamdam sa 'kin.Nasa kabilang counter lang siya ngayon, dalawa hanggang tatlong dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang direksiyon para hindi niya ako makita. Ayaw ko ring magpahalata kay Jessa na may iniiwasan ako kaya umakto pa rin ako ng normal. Si Jessa na muna ang nagpaluwal sa binili naming tubig. Mamaya kami magbabayad sa kaniya. Napagkasunduan naman namin na magkita-kita na lang kami sa
Ngayon na ibibigay 'yung grade namin sa Filipino. Hindi na pumasok 'yung prof namin, hinihintay na lang namin 'yung announcement ng president namin para sa nakuha naming grade sa presentation."Guys, heto na... na-i-chat na sa 'kin 'yung grade natin sa presentation," panimula niya.Nakatayo siya sa may gitna habang kami ay maayos na nakaupo at nakikinig lang sa sasabihin niya. Tahimik at maayos talaga ang mga kaklase ko ngayon, walang pasaway ni isa. After naman kasi nito ay puwede na kaming umuwi."Ang group 1 and group 3, pareho silang nakakuha ng 95 percent," sambit niya. Nagpalakpakan naman kaming lahat. Iniiwasan naming mag-ingay kagaya ng pagsigaw sapagkat may mga nagkaklase pa sa ibang room. Respect na lang din para hindi namin sila mabulabog."Ang group 5 ay nakakuha ng 96 percent," dugtong niya pa. Muli, nagpalakpakan kami."Dalawang group na lang ang hinihintay natin. Unahin ko na 'yung group 2. Sila ay nakakuha ng... 97 percent!" masigla niyang sambit. Patuloy pa rin sa pag
"Naiintindihan naman kita, bibigyan na muna kita ng oras. Alam kong nagulat at nabigla ka rin sa mga nalaman mo ngayon. Huwag kang magalit sa kapatid ko kung sakali mang may poot pang natitira r'yan sa puso mo. Alam kong nasaktan ka noon dahil biglang nawala si Martin na parang bula sa buhay mo ni wala man lang paalam. Ngayong alam mo na ang totoong nangyari, sana... mawala na ang galit na namuo sa puso mo..." wika niya.Totoo naman ang sinabi ni Ate Aly. Si Martin ang naging dahilan kung bakit ako naging wasted no'ng high school. Nagalit talaga ako sa kaniya, aaminin ko. Maski sino naman ay magagalit sa sitwasiyong kinahinatnan ko noon. Naka-move on naman na ako at pinatawad ko na siya no'n pero 'yung lamat na iniwan niya sa aking puso, iyon ang hindi na mabubura pa. Ngayon, naaawa ako sa kaniya, lalo na sa kalagayan niya ngayon. "Heto nga pala ang number ko. Puwede mo akong i-text o 'di kaya ay tawagan d'yan," ani Ate Aly sabay abot sa 'kin ng calling card niya. Agad ko naman 'yong
Friday na, social science at P.E. na lang ang hindi ko pa alam ang score. No pressure naman at alam kong papasa ako roon. Naipasa ko na ang lahat ng major kaya hayahay na talaga. Wala naman akong ganap mamaya, ipapakilala lang sa 'kin ni Yatco 'yung kaibigan niya. Hindi niya raw ako susunduin ngayon para may surprise factor daw mamaya. Ang corny, naman ang surprise roon? Nagpapa-miss lang 'yon siguro.Una naming subject ngayon ay 'yung P.E. nag-check lang din kami ng test paper and after no'n, bahala na kaming gawin kung ano ang aming nais. Niyaya ko lang na magmiryenda muna sina Lilibeth at Jessa sa may burger-an malapit sa SSG office. Na-miss ko kasi 'yung tinda nila roon na bacon with egg sandwich. Pagkarating ko roon ay iyon nga ang binili ko. Si Jessa naman ay double patty burger habang si Lilibeth ay cheese burger. Habang kumakain kami malapit sa SSG office, may inilabas namang pastillas si Jessa. Agad kong naalala roon si Gela. Speaking of Gela, mamaya na ang laban nila. Ipagd