"Naiintindihan naman kita, bibigyan na muna kita ng oras. Alam kong nagulat at nabigla ka rin sa mga nalaman mo ngayon. Huwag kang magalit sa kapatid ko kung sakali mang may poot pang natitira r'yan sa puso mo. Alam kong nasaktan ka noon dahil biglang nawala si Martin na parang bula sa buhay mo ni wala man lang paalam. Ngayong alam mo na ang totoong nangyari, sana... mawala na ang galit na namuo sa puso mo..." wika niya.Totoo naman ang sinabi ni Ate Aly. Si Martin ang naging dahilan kung bakit ako naging wasted no'ng high school. Nagalit talaga ako sa kaniya, aaminin ko. Maski sino naman ay magagalit sa sitwasiyong kinahinatnan ko noon. Naka-move on naman na ako at pinatawad ko na siya no'n pero 'yung lamat na iniwan niya sa aking puso, iyon ang hindi na mabubura pa. Ngayon, naaawa ako sa kaniya, lalo na sa kalagayan niya ngayon. "Heto nga pala ang number ko. Puwede mo akong i-text o 'di kaya ay tawagan d'yan," ani Ate Aly sabay abot sa 'kin ng calling card niya. Agad ko naman 'yong
Friday na, social science at P.E. na lang ang hindi ko pa alam ang score. No pressure naman at alam kong papasa ako roon. Naipasa ko na ang lahat ng major kaya hayahay na talaga. Wala naman akong ganap mamaya, ipapakilala lang sa 'kin ni Yatco 'yung kaibigan niya. Hindi niya raw ako susunduin ngayon para may surprise factor daw mamaya. Ang corny, naman ang surprise roon? Nagpapa-miss lang 'yon siguro.Una naming subject ngayon ay 'yung P.E. nag-check lang din kami ng test paper and after no'n, bahala na kaming gawin kung ano ang aming nais. Niyaya ko lang na magmiryenda muna sina Lilibeth at Jessa sa may burger-an malapit sa SSG office. Na-miss ko kasi 'yung tinda nila roon na bacon with egg sandwich. Pagkarating ko roon ay iyon nga ang binili ko. Si Jessa naman ay double patty burger habang si Lilibeth ay cheese burger. Habang kumakain kami malapit sa SSG office, may inilabas namang pastillas si Jessa. Agad kong naalala roon si Gela. Speaking of Gela, mamaya na ang laban nila. Ipagd
Namomroblema ako kanina habang nasa biyahe kami pauwi sa 'min. Wala kasing kulungan 'yung aso kaya hindi ko alam kung saan ko siya ilalagay. "Sa sala na lang, may tali naman akong binili," turan ni Yatco."Ih, hindi puwede. Baka mag-poop 'yon doon. Mapapagalitan ako ni Mama," sambit ko. Tatawa-tawa lang si Yatco habang nasa biyahe kami."Huwag ka nga kasing mag-overthink, kalma ka lang," saad niya pa. Pinagtatawanan niya pa rin ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko."Naku, hindi ako makakakalma hangga't walang solusyon sa problema ko," giit ko. Mayamaya pa, may bigla akong naisip na paraan."Habang wala pa kaming kulungan para sa aso, okay naman siguro kung sa kahon ko na lang siya ilalagay. Daan muna tayo sa may tindahan bago sa kanto malapit sa 'min. Hihingi na muna ako sa kanila o 'di kaya bilhin ko na lang kung may bayad," turan ko.Umiling-iling lang si Yatco habang nakangisi. "Oh, anong reaksiyon 'yan? Okay naman 'yung suhestiyon ko, 'di ba?" saad ko."Hindi ko kinaya '
Napakamot na lang ako sa aking ulo nang ibigay sa 'kin ni Angelica 'yung cell phone niya. Mabuti na nga lang at kabisado ko 'yung number ni Mama kaya agad ko siyang tinawagan."Hello, Ma?" bungad ko."Juness?" sambit ni Ate sa kabilang linya. Tangan niya siguro 'yung cell phone ni Mama kaya siya ang nakasagot ng tawag ko."Oo, Ate. Ako 'to, si Juness. Nakitawag lang ako sa cell phone ng kaibigan ko," wika ko."Oh, paano ka nakitawag sa cell phone ng kaibigan mo e nasa bahay ka lang naman, 'di ba?" aniya."Oo, Ate, kanina. Pero ngayon, papunta na kami sa condo niya. Sinundo kasi nila ako sa bahay kaya hindi na ako nakapagpaalam nang maayos. Pakisabi naman kay Mama na baka gabi na ako makauwi," saad ko."Ma! Umalis si Juness ng bahay. Mamayang gabi na raw po siya uuwi, kasama niya raw po mga kaibigan niya!" sigaw ni Ate sa kabilang linya."Sige, okay lang kamo!" tugon ni Mama. Nagulat ako dahil pumayag si Mama nang walang kuskos-balungos."Ano ang nakain ni Mama at mukha good mood yata
"Guys, anong part two ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ko dulot ng kuryosidad."Secret muna, basta masaya 'yon," tugon ni Cheri. Inilabas niya naman agad 'yung cell phone niya at wari mo'y mayroon siyang tinawagan."Nasaan ka na?" tanong ni Cheri."May dinaanan lang ako saglit. Mga 20 minutes siguro, nand'yan na 'ko," anito. Naka-loud speaker kasi 'yung phone niya kaya rinig namin 'yung kausap niya."O sige, text ka na lang kapag nandiyan ka na sa may looby," saad niya pa."Sure," tugon nito. After no'n ay pinatay na ni Cheri ang tawag."Alright, tuloy ang plano," wika niya. Napapalakpak naman sina Gwen at Juvi matapos 'yon.Sunod nilang inayos 'yung disco light sa may sahig. Dalawa 'yong dala nila at nilagay nila 'yon sa magkabilaang sulok. Isinara naman ni Gwen ang mga kurtina at pinatay ni Juvi ang mga ilaw. Pagkabukas ni Cheri sa on nito, umilaw na ang disco light. Ang ganda, tila ba magkakaroon na naman ng party-party dito mamaya. Naku, tiyak na hindi mawawala ang inuman portion.
Marami pa kaming oras para makapagpahinga muna. Umalis saglit sina Angelica, Cheri, at Alice para bumili ng pandagdag na inumin. Nagpabili na rin ako ng yakult at mogu-mogu dahil hindi naman ako iinom ng marami. Kaunting tikim lang, okay na 'yon. Kailangan kong kontrolin ang aking sarili para hindi malasing.Ako, si Juvi, at Gwen ay nandito sa sala ngayon. Umalis si Nisha at pumasok muna sa room ni Angelica dahil mayroon siyang kausap sa phone."Guys, mayroon ako nabasa sa news feed ko kagabi. Nitong nakaraan lang ako nahilig magbasa ng kung ano-ano sa online. 'Di ba nagbabasa ka rin, Juness?" sambit ni Juvi."Yep, nakuwento ko 'yon sa 'yo noon," turan ko."Oo, dahil nga roon ay nahikayat din akong magbasa. 'Yon nga lang, hindi sa app na kinuwento mo. 'Yung mga pino-post lang dito sa news feed 'yung sinubukan ko," aniya."Wow, congrats! Nakakatanggal din kasi ng stress ang pagbabasa," tugon ko pa."True 'yan, basta interesting 'yung binabasa mo," aniya. Tumango naman ako bilang tugon.
Nang dumating sina Angelica, marami-rami nga silang bitbit na kutkutin kagaya ng chichirya. Nabili rin naman niya 'yung yakult at mogu-mogu kaya goods na 'ko ro'n. "Oo nga pala, nasaan si Cheri?" tanong ko. Silang dalawa lang kasi ni Alice ang dumating ngayon."Paakyat pa lang sila ni Amos," turan niya."Ha?" nagugulumihanan kong tanong."Sorry, Juness. Nakasalubong kasi namin si Amos sa pinagbilhan namin. Sa dami ng aming binili, alam niya na kung ano ang magiging ganap. Hindi naman talaga namin siya gustong isama kaso mapilit, e," wika ni Agelica."Pasensiya na rin, Juness. Maski ako ay hindi ko na siya napigilan. Pang all girls lang dapat 'tong party, e," saad ni Alice."Naku, huwag ninyong alalahanin 'yon. Okay lang naman sa 'kin," tugon ko.Kung tutuusin, ayaw kong nandito si Amos. Baka kulitin niya lang ako at sasabihin na naman niyang mag-usap kami. Pero nandito na, e, wala naman na akong magagawa pa. Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan dahil hindi naman ako ang may-ari n
After ng dare ni Juvi, napaisip akong bigla. Dapat, ako 'yung nag-isip ng dare niya at hindi si Amos. Bakit ba nawala sa isip ko na ako dapat ang magtatanong ng truth or dare? Bakit si Amos ang nag-take charge? Nang mapagtanto ko 'yon ay umalma talaga ako."Sandali lang, guys. 'Di ba ako dapat ang nagtanong kay Juvi ng truth or dare since ako 'yung huling natapatan ng bote bago si Juvi?" saad ko."Ay oo nga, tama ka ro'n. Bakit si Amos ang nagpa-truth or dare sa 'kin? Nawala rin sa isip ko," sambit ni Juvi."Nadala lang siguro ako ng emosyon. Akala ko ako na, ikaw nga pala ang gumawa ng dare at hindi ako," ani Amos."Hayaan na, natapos na. Kapag si Amos naman na ang nakatapos sa truth or dare, ikaw naman Juness ang mag-take over sa pa-truth or dare niya," wika ni Angelica."Okay, sige," tugon ko.Matapos ang munti kong patalastas ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalaro. Sa pagpapaikot ni Juvi ng bote, si Alice naman ang tinapatan nito."Ayan, Alice... ang suwerte mo naman ngayon. O si