Share

Chapter 100

Marami pa kaming oras para makapagpahinga muna. Umalis saglit sina Angelica, Cheri, at Alice para bumili ng pandagdag na inumin. Nagpabili na rin ako ng yakult at mogu-mogu dahil hindi naman ako iinom ng marami. Kaunting tikim lang, okay na 'yon. Kailangan kong kontrolin ang aking sarili para hindi malasing.

Ako, si Juvi, at Gwen ay nandito sa sala ngayon. Umalis si Nisha at pumasok muna sa room ni Angelica dahil mayroon siyang kausap sa phone.

"Guys, mayroon ako nabasa sa news feed ko kagabi. Nitong nakaraan lang ako nahilig magbasa ng kung ano-ano sa online. 'Di ba nagbabasa ka rin, Juness?" sambit ni Juvi.

"Yep, nakuwento ko 'yon sa 'yo noon," turan ko.

"Oo, dahil nga roon ay nahikayat din akong magbasa. 'Yon nga lang, hindi sa app na kinuwento mo. 'Yung mga pino-post lang dito sa news feed 'yung sinubukan ko," aniya.

"Wow, congrats! Nakakatanggal din kasi ng stress ang pagbabasa," tugon ko pa.

"True 'yan, basta interesting 'yung binabasa mo," aniya. Tumango naman ako bilang tugon.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status