Share

Chapter 99

"Guys, anong part two ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ko dulot ng kuryosidad.

"Secret muna, basta masaya 'yon," tugon ni Cheri. Inilabas niya naman agad 'yung cell phone niya at wari mo'y mayroon siyang tinawagan.

"Nasaan ka na?" tanong ni Cheri.

"May dinaanan lang ako saglit. Mga 20 minutes siguro, nand'yan na 'ko," anito. Naka-loud speaker kasi 'yung phone niya kaya rinig namin 'yung kausap niya.

"O sige, text ka na lang kapag nandiyan ka na sa may looby," saad niya pa.

"Sure," tugon nito. After no'n ay pinatay na ni Cheri ang tawag.

"Alright, tuloy ang plano," wika niya. Napapalakpak naman sina Gwen at Juvi matapos 'yon.

Sunod nilang inayos 'yung disco light sa may sahig. Dalawa 'yong dala nila at nilagay nila 'yon sa magkabilaang sulok. Isinara naman ni Gwen ang mga kurtina at pinatay ni Juvi ang mga ilaw. Pagkabukas ni Cheri sa on nito, umilaw na ang disco light. Ang ganda, tila ba magkakaroon na naman ng party-party dito mamaya. Naku, tiyak na hindi mawawala ang inuman portion.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status