"Guys, anong part two ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ko dulot ng kuryosidad."Secret muna, basta masaya 'yon," tugon ni Cheri. Inilabas niya naman agad 'yung cell phone niya at wari mo'y mayroon siyang tinawagan."Nasaan ka na?" tanong ni Cheri."May dinaanan lang ako saglit. Mga 20 minutes siguro, nand'yan na 'ko," anito. Naka-loud speaker kasi 'yung phone niya kaya rinig namin 'yung kausap niya."O sige, text ka na lang kapag nandiyan ka na sa may looby," saad niya pa."Sure," tugon nito. After no'n ay pinatay na ni Cheri ang tawag."Alright, tuloy ang plano," wika niya. Napapalakpak naman sina Gwen at Juvi matapos 'yon.Sunod nilang inayos 'yung disco light sa may sahig. Dalawa 'yong dala nila at nilagay nila 'yon sa magkabilaang sulok. Isinara naman ni Gwen ang mga kurtina at pinatay ni Juvi ang mga ilaw. Pagkabukas ni Cheri sa on nito, umilaw na ang disco light. Ang ganda, tila ba magkakaroon na naman ng party-party dito mamaya. Naku, tiyak na hindi mawawala ang inuman portion.
Marami pa kaming oras para makapagpahinga muna. Umalis saglit sina Angelica, Cheri, at Alice para bumili ng pandagdag na inumin. Nagpabili na rin ako ng yakult at mogu-mogu dahil hindi naman ako iinom ng marami. Kaunting tikim lang, okay na 'yon. Kailangan kong kontrolin ang aking sarili para hindi malasing.Ako, si Juvi, at Gwen ay nandito sa sala ngayon. Umalis si Nisha at pumasok muna sa room ni Angelica dahil mayroon siyang kausap sa phone."Guys, mayroon ako nabasa sa news feed ko kagabi. Nitong nakaraan lang ako nahilig magbasa ng kung ano-ano sa online. 'Di ba nagbabasa ka rin, Juness?" sambit ni Juvi."Yep, nakuwento ko 'yon sa 'yo noon," turan ko."Oo, dahil nga roon ay nahikayat din akong magbasa. 'Yon nga lang, hindi sa app na kinuwento mo. 'Yung mga pino-post lang dito sa news feed 'yung sinubukan ko," aniya."Wow, congrats! Nakakatanggal din kasi ng stress ang pagbabasa," tugon ko pa."True 'yan, basta interesting 'yung binabasa mo," aniya. Tumango naman ako bilang tugon.
Nang dumating sina Angelica, marami-rami nga silang bitbit na kutkutin kagaya ng chichirya. Nabili rin naman niya 'yung yakult at mogu-mogu kaya goods na 'ko ro'n. "Oo nga pala, nasaan si Cheri?" tanong ko. Silang dalawa lang kasi ni Alice ang dumating ngayon."Paakyat pa lang sila ni Amos," turan niya."Ha?" nagugulumihanan kong tanong."Sorry, Juness. Nakasalubong kasi namin si Amos sa pinagbilhan namin. Sa dami ng aming binili, alam niya na kung ano ang magiging ganap. Hindi naman talaga namin siya gustong isama kaso mapilit, e," wika ni Agelica."Pasensiya na rin, Juness. Maski ako ay hindi ko na siya napigilan. Pang all girls lang dapat 'tong party, e," saad ni Alice."Naku, huwag ninyong alalahanin 'yon. Okay lang naman sa 'kin," tugon ko.Kung tutuusin, ayaw kong nandito si Amos. Baka kulitin niya lang ako at sasabihin na naman niyang mag-usap kami. Pero nandito na, e, wala naman na akong magagawa pa. Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan dahil hindi naman ako ang may-ari n
After ng dare ni Juvi, napaisip akong bigla. Dapat, ako 'yung nag-isip ng dare niya at hindi si Amos. Bakit ba nawala sa isip ko na ako dapat ang magtatanong ng truth or dare? Bakit si Amos ang nag-take charge? Nang mapagtanto ko 'yon ay umalma talaga ako."Sandali lang, guys. 'Di ba ako dapat ang nagtanong kay Juvi ng truth or dare since ako 'yung huling natapatan ng bote bago si Juvi?" saad ko."Ay oo nga, tama ka ro'n. Bakit si Amos ang nagpa-truth or dare sa 'kin? Nawala rin sa isip ko," sambit ni Juvi."Nadala lang siguro ako ng emosyon. Akala ko ako na, ikaw nga pala ang gumawa ng dare at hindi ako," ani Amos."Hayaan na, natapos na. Kapag si Amos naman na ang nakatapos sa truth or dare, ikaw naman Juness ang mag-take over sa pa-truth or dare niya," wika ni Angelica."Okay, sige," tugon ko.Matapos ang munti kong patalastas ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalaro. Sa pagpapaikot ni Juvi ng bote, si Alice naman ang tinapatan nito."Ayan, Alice... ang suwerte mo naman ngayon. O si
"Ano'ng nangyari? Bakit ka sumisigaw?" bungad ni Angelica. Halatang nataranta silang lahat sa pagsigaw ko na 'yon."Pagsabihan ninyo si Amos, hindi tama ang ginagawa niya," wika ko. Ibinaling naman nila ang tingin dito."Nagpaalam ka lang sa 'min na mag-c-CR saglit tapos hindi ka na bumalik..." ani Alice. Nakayuko lang si Amos na wari mo'y hindi sila matingnan nang diretso."Pasensiya na guys, hindi ko rin alam kung ano 'tong ginagawa ko. Patawad din, Juness... hindi ko sinasadya. Basta ang alam ko lang ay nakakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan. Hindi ko matiis," pahayag ni Amos.Napatakip na lang bigla ng bibig si Cheri. "Hala, umepekto na," sambit niya pa."Don't tell us..." ani Angelica. Tumango na lang si Cheri bilang tugon."Amos, kailangan mo nga talagang pumunta sa CR," saad ni Angelica at hinila niya 'to patungo roon.Pagkaalis nina Angelica at Amos at agad namang lumapit sa 'kin si Cheri. "Girl, pasensiya na. Hindi ko naman alam na magiging gano'n ang epekto ng gamot kay Am
Papasok na 'ko ngayon. Hindi man lang nag-reply sa text ko kagabi si Yatco, nagtatampo siguro 'yon. Mukhang kailangan ko pa siyang suyuin kaya nag-text ulit ako sa kaniya kaninang pagkagising ko. Matutuwa na siguro 'yon at papansinin niya na ako mamaya. Mas okay siguro kung ako ang pupunta sa building nila.Pagkarating ko sa babaan ng jeep, tila ba namataan ko si Klarisse. Siya lang ulit mag-isa, mayroon siguro siyang hinihintay. Nang makarating ako sa may tapat niya bigla niya akong tinawag. "Juness," seryoso niyang sambit.Napahinto naman ako saglit. "Bakit, Klarisse?" tanong ko na may sinseridad."Kailangan nating mag-usap, kahit sa park na lang. Huwag kang mag-alala, saglit lang naman 'to," aniya."Gaano ba 'yan kaimportante, Klarisse? Hindi ba puwedeng dito na lang? Baka kasi ma-late pa ako kapag nagkataon," ani ko."Sige, pagbibigyan kita kung dito ang gusto mo," saad niya. Tumabi kami saglit sa may malapit sa puno. Nakatayo lang kami roon dahil wala namang mauupuan. "Patungk
Nag-text na ako kay Yatco na nasa library ako. Pagkarating ko roon, hindi naman masyadong marami ang tao, sakto lang. Naghanap ako ng tahimik na puwesto para mapayapa ang mundo ko. Sa may bandang sulok malapit sa bookshelves, doon ako naupo. Naglagay lang ako ng earphones at nagpatugtog ako.Mayamaya pa ay may tumabi sa 'kin. Pagtingin ko sa kaniya, isang lalaki. Hindi ko siya kilala, ngayon ko lang siya nakita."Hi, Miss," bungad niya sa 'kin. Tinanggal ko ang isang earphone na nakakabit sa aking kaliwang tainga."Hello," pagbati ko pabalik."Puwedeng makipagkilala?" aniya sabay pakawala ng isang malawak na ngiti."Pasensiya na pero taken na 'ko," tugon ko. Binigyan ko rin siya ng isang malawak na ngiti."Okay lang, walang problema sa 'kin 'yon," saad niya sabay kindat sa 'kin.Naku, ayaw kong mag-judge pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking 'to. Mukhang isa rin siya sa mga mahilig makipaglaro sa apoy. Dapat ko siyang iwasan. Hindi ko na lang siya kinausap pa matapos 'yon. Nagpaka-bu
Kumanta-kanta lang ako sa biyahe na tila nag-co-concert ako rito sa loob ng sasakyan. Hinayaan lang ako ni Yatco, tatawa-tawa lang siya kapag alam niyang sintunado ako o 'di kaya'y hindi ko kabisado ang lyrics. Nag-enjoy naman ako sa biyahe hanggang sa makarating kami sa kanila."Salamat sa libreng concert, mahal," pantutuya ni Yatco matapos niyang mai-parking 'yung kaniyang sasakyan."Sure, mahal, basta ikaw..." pang-aalaska ko naman. Nginitian niya lang ako bago niya binuksan 'yung pintuan ng sasakyan sa gilid niya. Bumaba na rin ako pagkababa niya.Pagkarating namin sa kanila ay agad na bumungad sa 'min si Lola Anita."Magandang hapon sa inyo mga apo..." aniya sabay yakap sa 'min."Mga apo talaga, Lola?" sambit ni Yatco."Oo naman, ngayon pa lang ay naniniwala akong kayo na talaga ang magkakatuluyan. Kung tutuusin nga, hindi pa kayo mag-jowa... botong-boto na 'ko sa dalagang 'to," turan ni Lola."Naku Lola, nawa'y magdilang-anghel ka," sambit ko."O siya, halina kayo sa may kusina.