Share

Chapter 101

Nang dumating sina Angelica, marami-rami nga silang bitbit na kutkutin kagaya ng chichirya. Nabili rin naman niya 'yung yakult at mogu-mogu kaya goods na 'ko ro'n.

"Oo nga pala, nasaan si Cheri?" tanong ko. Silang dalawa lang kasi ni Alice ang dumating ngayon.

"Paakyat pa lang sila ni Amos," turan niya.

"Ha?" nagugulumihanan kong tanong.

"Sorry, Juness. Nakasalubong kasi namin si Amos sa pinagbilhan namin. Sa dami ng aming binili, alam niya na kung ano ang magiging ganap. Hindi naman talaga namin siya gustong isama kaso mapilit, e," wika ni Agelica.

"Pasensiya na rin, Juness. Maski ako ay hindi ko na siya napigilan. Pang all girls lang dapat 'tong party, e," saad ni Alice.

"Naku, huwag ninyong alalahanin 'yon. Okay lang naman sa 'kin," tugon ko.

Kung tutuusin, ayaw kong nandito si Amos. Baka kulitin niya lang ako at sasabihin na naman niyang mag-usap kami. Pero nandito na, e, wala naman na akong magagawa pa. Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan dahil hindi naman ako ang may-ari n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status