Share

Chapter 97

Author: risingservant
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Namomroblema ako kanina habang nasa biyahe kami pauwi sa 'min. Wala kasing kulungan 'yung aso kaya hindi ko alam kung saan ko siya ilalagay.

"Sa sala na lang, may tali naman akong binili," turan ni Yatco.

"Ih, hindi puwede. Baka mag-poop 'yon doon. Mapapagalitan ako ni Mama," sambit ko. Tatawa-tawa lang si Yatco habang nasa biyahe kami.

"Huwag ka nga kasing mag-overthink, kalma ka lang," saad niya pa. Pinagtatawanan niya pa rin ako dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Naku, hindi ako makakakalma hangga't walang solusyon sa problema ko," giit ko. Mayamaya pa, may bigla akong naisip na paraan.

"Habang wala pa kaming kulungan para sa aso, okay naman siguro kung sa kahon ko na lang siya ilalagay. Daan muna tayo sa may tindahan bago sa kanto malapit sa 'min. Hihingi na muna ako sa kanila o 'di kaya bilhin ko na lang kung may bayad," turan ko.

Umiling-iling lang si Yatco habang nakangisi. "Oh, anong reaksiyon 'yan? Okay naman 'yung suhestiyon ko, 'di ba?" saad ko.

"Hindi ko kinaya '
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Sweet Disposition   Chapter 98

    Napakamot na lang ako sa aking ulo nang ibigay sa 'kin ni Angelica 'yung cell phone niya. Mabuti na nga lang at kabisado ko 'yung number ni Mama kaya agad ko siyang tinawagan."Hello, Ma?" bungad ko."Juness?" sambit ni Ate sa kabilang linya. Tangan niya siguro 'yung cell phone ni Mama kaya siya ang nakasagot ng tawag ko."Oo, Ate. Ako 'to, si Juness. Nakitawag lang ako sa cell phone ng kaibigan ko," wika ko."Oh, paano ka nakitawag sa cell phone ng kaibigan mo e nasa bahay ka lang naman, 'di ba?" aniya."Oo, Ate, kanina. Pero ngayon, papunta na kami sa condo niya. Sinundo kasi nila ako sa bahay kaya hindi na ako nakapagpaalam nang maayos. Pakisabi naman kay Mama na baka gabi na ako makauwi," saad ko."Ma! Umalis si Juness ng bahay. Mamayang gabi na raw po siya uuwi, kasama niya raw po mga kaibigan niya!" sigaw ni Ate sa kabilang linya."Sige, okay lang kamo!" tugon ni Mama. Nagulat ako dahil pumayag si Mama nang walang kuskos-balungos."Ano ang nakain ni Mama at mukha good mood yata

  • Sweet Disposition   Chapter 99

    "Guys, anong part two ba ang tinutukoy ninyo?" tanong ko dulot ng kuryosidad."Secret muna, basta masaya 'yon," tugon ni Cheri. Inilabas niya naman agad 'yung cell phone niya at wari mo'y mayroon siyang tinawagan."Nasaan ka na?" tanong ni Cheri."May dinaanan lang ako saglit. Mga 20 minutes siguro, nand'yan na 'ko," anito. Naka-loud speaker kasi 'yung phone niya kaya rinig namin 'yung kausap niya."O sige, text ka na lang kapag nandiyan ka na sa may looby," saad niya pa."Sure," tugon nito. After no'n ay pinatay na ni Cheri ang tawag."Alright, tuloy ang plano," wika niya. Napapalakpak naman sina Gwen at Juvi matapos 'yon.Sunod nilang inayos 'yung disco light sa may sahig. Dalawa 'yong dala nila at nilagay nila 'yon sa magkabilaang sulok. Isinara naman ni Gwen ang mga kurtina at pinatay ni Juvi ang mga ilaw. Pagkabukas ni Cheri sa on nito, umilaw na ang disco light. Ang ganda, tila ba magkakaroon na naman ng party-party dito mamaya. Naku, tiyak na hindi mawawala ang inuman portion.

  • Sweet Disposition   Chapter 100

    Marami pa kaming oras para makapagpahinga muna. Umalis saglit sina Angelica, Cheri, at Alice para bumili ng pandagdag na inumin. Nagpabili na rin ako ng yakult at mogu-mogu dahil hindi naman ako iinom ng marami. Kaunting tikim lang, okay na 'yon. Kailangan kong kontrolin ang aking sarili para hindi malasing.Ako, si Juvi, at Gwen ay nandito sa sala ngayon. Umalis si Nisha at pumasok muna sa room ni Angelica dahil mayroon siyang kausap sa phone."Guys, mayroon ako nabasa sa news feed ko kagabi. Nitong nakaraan lang ako nahilig magbasa ng kung ano-ano sa online. 'Di ba nagbabasa ka rin, Juness?" sambit ni Juvi."Yep, nakuwento ko 'yon sa 'yo noon," turan ko."Oo, dahil nga roon ay nahikayat din akong magbasa. 'Yon nga lang, hindi sa app na kinuwento mo. 'Yung mga pino-post lang dito sa news feed 'yung sinubukan ko," aniya."Wow, congrats! Nakakatanggal din kasi ng stress ang pagbabasa," tugon ko pa."True 'yan, basta interesting 'yung binabasa mo," aniya. Tumango naman ako bilang tugon.

  • Sweet Disposition   Chapter 101

    Nang dumating sina Angelica, marami-rami nga silang bitbit na kutkutin kagaya ng chichirya. Nabili rin naman niya 'yung yakult at mogu-mogu kaya goods na 'ko ro'n. "Oo nga pala, nasaan si Cheri?" tanong ko. Silang dalawa lang kasi ni Alice ang dumating ngayon."Paakyat pa lang sila ni Amos," turan niya."Ha?" nagugulumihanan kong tanong."Sorry, Juness. Nakasalubong kasi namin si Amos sa pinagbilhan namin. Sa dami ng aming binili, alam niya na kung ano ang magiging ganap. Hindi naman talaga namin siya gustong isama kaso mapilit, e," wika ni Agelica."Pasensiya na rin, Juness. Maski ako ay hindi ko na siya napigilan. Pang all girls lang dapat 'tong party, e," saad ni Alice."Naku, huwag ninyong alalahanin 'yon. Okay lang naman sa 'kin," tugon ko.Kung tutuusin, ayaw kong nandito si Amos. Baka kulitin niya lang ako at sasabihin na naman niyang mag-usap kami. Pero nandito na, e, wala naman na akong magagawa pa. Hindi ko naman siya puwedeng ipagtabuyan dahil hindi naman ako ang may-ari n

  • Sweet Disposition   Chapter 102

    After ng dare ni Juvi, napaisip akong bigla. Dapat, ako 'yung nag-isip ng dare niya at hindi si Amos. Bakit ba nawala sa isip ko na ako dapat ang magtatanong ng truth or dare? Bakit si Amos ang nag-take charge? Nang mapagtanto ko 'yon ay umalma talaga ako."Sandali lang, guys. 'Di ba ako dapat ang nagtanong kay Juvi ng truth or dare since ako 'yung huling natapatan ng bote bago si Juvi?" saad ko."Ay oo nga, tama ka ro'n. Bakit si Amos ang nagpa-truth or dare sa 'kin? Nawala rin sa isip ko," sambit ni Juvi."Nadala lang siguro ako ng emosyon. Akala ko ako na, ikaw nga pala ang gumawa ng dare at hindi ako," ani Amos."Hayaan na, natapos na. Kapag si Amos naman na ang nakatapos sa truth or dare, ikaw naman Juness ang mag-take over sa pa-truth or dare niya," wika ni Angelica."Okay, sige," tugon ko.Matapos ang munti kong patalastas ay nagpatuloy na ulit kami sa paglalaro. Sa pagpapaikot ni Juvi ng bote, si Alice naman ang tinapatan nito."Ayan, Alice... ang suwerte mo naman ngayon. O si

  • Sweet Disposition   Chapter 103

    "Ano'ng nangyari? Bakit ka sumisigaw?" bungad ni Angelica. Halatang nataranta silang lahat sa pagsigaw ko na 'yon."Pagsabihan ninyo si Amos, hindi tama ang ginagawa niya," wika ko. Ibinaling naman nila ang tingin dito."Nagpaalam ka lang sa 'min na mag-c-CR saglit tapos hindi ka na bumalik..." ani Alice. Nakayuko lang si Amos na wari mo'y hindi sila matingnan nang diretso."Pasensiya na guys, hindi ko rin alam kung ano 'tong ginagawa ko. Patawad din, Juness... hindi ko sinasadya. Basta ang alam ko lang ay nakakaramdam ako ng pag-iinit ng katawan. Hindi ko matiis," pahayag ni Amos.Napatakip na lang bigla ng bibig si Cheri. "Hala, umepekto na," sambit niya pa."Don't tell us..." ani Angelica. Tumango na lang si Cheri bilang tugon."Amos, kailangan mo nga talagang pumunta sa CR," saad ni Angelica at hinila niya 'to patungo roon.Pagkaalis nina Angelica at Amos at agad namang lumapit sa 'kin si Cheri. "Girl, pasensiya na. Hindi ko naman alam na magiging gano'n ang epekto ng gamot kay Am

  • Sweet Disposition   Chapter 104

    Papasok na 'ko ngayon. Hindi man lang nag-reply sa text ko kagabi si Yatco, nagtatampo siguro 'yon. Mukhang kailangan ko pa siyang suyuin kaya nag-text ulit ako sa kaniya kaninang pagkagising ko. Matutuwa na siguro 'yon at papansinin niya na ako mamaya. Mas okay siguro kung ako ang pupunta sa building nila.Pagkarating ko sa babaan ng jeep, tila ba namataan ko si Klarisse. Siya lang ulit mag-isa, mayroon siguro siyang hinihintay. Nang makarating ako sa may tapat niya bigla niya akong tinawag. "Juness," seryoso niyang sambit.Napahinto naman ako saglit. "Bakit, Klarisse?" tanong ko na may sinseridad."Kailangan nating mag-usap, kahit sa park na lang. Huwag kang mag-alala, saglit lang naman 'to," aniya."Gaano ba 'yan kaimportante, Klarisse? Hindi ba puwedeng dito na lang? Baka kasi ma-late pa ako kapag nagkataon," ani ko."Sige, pagbibigyan kita kung dito ang gusto mo," saad niya. Tumabi kami saglit sa may malapit sa puno. Nakatayo lang kami roon dahil wala namang mauupuan. "Patungk

  • Sweet Disposition   Chapter 105

    Nag-text na ako kay Yatco na nasa library ako. Pagkarating ko roon, hindi naman masyadong marami ang tao, sakto lang. Naghanap ako ng tahimik na puwesto para mapayapa ang mundo ko. Sa may bandang sulok malapit sa bookshelves, doon ako naupo. Naglagay lang ako ng earphones at nagpatugtog ako.Mayamaya pa ay may tumabi sa 'kin. Pagtingin ko sa kaniya, isang lalaki. Hindi ko siya kilala, ngayon ko lang siya nakita."Hi, Miss," bungad niya sa 'kin. Tinanggal ko ang isang earphone na nakakabit sa aking kaliwang tainga."Hello," pagbati ko pabalik."Puwedeng makipagkilala?" aniya sabay pakawala ng isang malawak na ngiti."Pasensiya na pero taken na 'ko," tugon ko. Binigyan ko rin siya ng isang malawak na ngiti."Okay lang, walang problema sa 'kin 'yon," saad niya sabay kindat sa 'kin.Naku, ayaw kong mag-judge pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking 'to. Mukhang isa rin siya sa mga mahilig makipaglaro sa apoy. Dapat ko siyang iwasan. Hindi ko na lang siya kinausap pa matapos 'yon. Nagpaka-bu

Pinakabagong kabanata

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

  • Sweet Disposition   Chapter 110

    Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi

  • Sweet Disposition   Chapter 109

    Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U

  • Sweet Disposition   Chapter 108

    Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa

DMCA.com Protection Status