UNLUCKY LUKE (Tagalog)

UNLUCKY LUKE (Tagalog)

last updateLast Updated : 2021-06-20
By:  twtl_trtd  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
42Chapters
6.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Luke Cabrera is a struggling 22 year old male left with nothing but a note full of debts. Desperado na siya at sa hindi inaasahang pagpihit ng kaniyang mundo, natagpuan niya ang sarili na nag-iisa. Ang kagimbal-gimbal pa ay naubusan siya ng pagpipilian kung kaya't ganoon na lang ang pamumursigi niyang magtrabaho sa ilalim ng taong siya ring dahilan ng paghihirap niya ngayon. Sa bawat kilos niyang inuulan ng kamalasan, darating pa kaya ang inaasam-asam na suwerte?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

"LUKE?" Umabot ng ikalimang tawag at saka pa lamang naagaw nang tuluyan ni Ethan ang atensyon ni Luke. Nakatulala ito sa isang tabi at halos hindi makausap. Nag-aalala siya para sa kaibigan. Hindi madali ang pinagdadaanan ni Luke ngayon.Mula sa pagkawala ng foster parents nito hanggang sa scholarship grant na unti-unting nag-ba-bye-bye, alam niyang dapat ngang maging aligaga ito. Gayunpaman ay hindi niya maiwasang mainis sa pagkakataon. Bakit ngayon pa at bakit kay Luke pa ito nangyari? Hindi nito deserve ang patong-patong na kamalasan!"Luke, kanina pa tayo wala sa klase ni Ma'am Geneva pero hanggang ngayon nakanganga ka pa rin.""Oh," usal ni Luke, "I'm sorry."Umiling si Ethan at itinuro ang malapad na plaza ng kanilang campus. "Gusto mong mag-warm up? Alam ko may tatlong oras ka pa bago 'yong sideline mo sa burger shop."Kaagad na umayos si Luke nang banggitin niya ang pagtakbo. Marahas itong umiling. "Huwag na. Okay na

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Angel Redenius
bl?just wondering
2022-10-23 09:18:34
2
42 Chapters

CHAPTER 1

    "LUKE?" Umabot ng ikalimang tawag at saka pa lamang naagaw nang tuluyan ni Ethan ang atensyon ni Luke. Nakatulala ito sa isang tabi at halos hindi makausap. Nag-aalala siya para sa kaibigan. Hindi madali ang pinagdadaanan ni Luke ngayon.Mula sa pagkawala ng foster parents nito hanggang sa scholarship grant na unti-unting nag-ba-bye-bye, alam niyang dapat ngang maging aligaga ito. Gayunpaman ay hindi niya maiwasang mainis sa pagkakataon. Bakit ngayon pa at bakit kay Luke pa ito nangyari? Hindi nito deserve ang patong-patong na kamalasan!"Luke, kanina pa tayo wala sa klase ni Ma'am Geneva pero hanggang ngayon nakanganga ka pa rin.""Oh," usal ni Luke, "I'm sorry."Umiling si Ethan at itinuro ang malapad na plaza ng kanilang campus. "Gusto mong mag-warm up? Alam ko may tatlong oras ka pa bago 'yong sideline mo sa burger shop."Kaagad na umayos si Luke nang banggitin niya ang pagtakbo. Marahas itong umiling. "Huwag na. Okay na
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 2

     "SIR! Bakit naman ho ito lang ang grado ko?"Ibinaba ni Logan ang librong hawak. Tinitigan niya ang estudyanteng nagsusumamo ngayon sa kaniyang opisina bago nagsalita, "Tatlong araw kang hindi pumasok sa klase ko, Mr. Delos Reyes. Tatlong quizzes din ang hindi mo nasagutan noong kamakailan lang. Ngayon tatanungin kita, nasa'n ka no'ng mga araw na `yon?""Pero, sir. Nagbigay naman po ako ng excuse letter—""Hindi ito highschool. Hindi ka na rin bata. Maraming araw na puwedeng pumunta ka sa akin at mag-request na mag-take ng quiz pero hindi mo ginawa." Hinilot ni Logan ang kumikirot na sintido. "Stop wasting my time, Mr. Delos Reyes. Hintayin mo ang announcement ko sa inyo."Bagsak ang mga balikat na umalis ang estudyante ni Logan. Nakahinga siya nang maluwag. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling huwag mag-alala sa kalagayan ng mga bata ngayon.'Come on, there's Luke. Hindi niya ipapahamak ang mga bata.'"Oy, Lo
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 3

     'ILANG hakbang na lang…' Naihilig ni Luke ang noo sa malamig na poste. Inilibot niya ang tingin sa tahimik na kalsada bago nagpasyang magpatuloy. Kauuwi niya lamang galing sa burger shop at napagtanto niyang sa mga buwang nagdaan, ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng pagod. Naiinis siya.Gusto niyang humanap ng makakaaway ngayon upang may patunayan. Subalit sino nga ba ang gusto niyang pakitaan ng gilas?Si Logan Caraig.Hindi niya nagustuhan ang mapang-akusang titig ng malalamig nitong mga mata sa kaniya. Ang lalaking iyon, kaya siguro nitong gawing yelo ang isang tao gamit lang ang mariing paninitig. Sigurado siyang naramdaman nito ang panginginig ng kaniyang kalamnan dahil sa kaba.Umuwi ang lalaki nang pagod at halatang may iniinda. Hindi man nakakunot ang noo nito ay may awrang bumabalot kay Logan na nagsasabing huwag itong lapitan.Naging masyado itong istrikto sa mga pamangkin kanina! Kahit ang batang s
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 4

     "LUKE, you in?" Hinihingal na idiniin ni Luke ang telepono sa kaniyang tainga. Sumagot siya sa kaklase bago tuluyang ibinaba ang tawag. "Sige. No problem."Nahuli ng ilang minuto si Luke sa pagsundo sa mga bata. Marami kasi siyang tinapos sa kanilang paaralan kaya naman hindi niya namalayan ang oras. Noong matapos siya, dali-dali siyang nanakbo hanggang sa makita siya ng isa niyang kaklase at inayang isabay papunta sa eskwelahan ng mga bata.Ginalugad ng tingin ni Luke ang gate ng eskwela bago tuluyang pumasok. Nang makitang wala ang mga bata ay saka na siya tumakbo papunta sa playground.Si Tanya ay kanina pang natapos sa klase. Si Travis ay mayamaya pa ang labas."Gotcha!" tili ng isang bulilit kasabay ang pagyapos nito sa baywang ni Luke. "I caught you, kuya!"Nakahinga siya nang maluwag. "Tanya, kumusta ang araw mo, hmn?"Nakasuot ng mahabang palda ang batang babae. Umabot ito sa bukong bukong. Ang mahaba nitong buhok a
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 5

     MADILIM na noong magpasyang umalis si Luke kina Logan. Nagpresinta pa ang lalaki na ihatid siya pauwi dahil wala siyang duty ngayon sa burger shop. Naging maingat siya sa bawat kilos para walang maipintas ang lalaki sa kaniya. Napansin niya sa sarili na ayaw niyang kinaiinisan siya ni Logan. He blamed himself for being sensitive ngunit hindi niya naman masabihan ang sarili na huwag itong indahin.Hindi na sinuot ni Logan ang salamin nito sa mata. Ginagamit lang nito iyon kapag nagbababad sa laptop o hindi kaya ay nagbabasa. Tuwing gabi madalas ay nagsusuot ito ng maluluwag na damit, nakatsinelas lamang at short. Madalas na abangan ni Luke ang pagbibihis nito bago siya umalis. Ang palusot niya ay babantayan niya muna ang mga bata habang nagbibihis ito. 'No. Hindi ako interesadong makita ang hulma ng katawan niya at nope, ayaw ko ring makita ang kaswal niyang mood.' Luke tightened his grip on the seatbelt, sighing noisily.Sumaglit ang mga ma
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 6

     "BAKA naman kasi totoo talagang may gagawin siya—nabusy lang, Luke," agam-agam ni Ethan habang ngumunguya ng pananghalian nila. Sumubo si Luke ng kanin kasabay ang pagtango-tango rito. "Ano naman kung nangako siya sa 'yong babawi siya sa mga bata tapos one week later nganga pa rin, 'di ba? At least, nangako!"Naibuga ni Luke ang kaning nginunguya. Uubo-ubo siyang humarap kay Ethan. "Alam mo, hindi mo pinagagaan ang loob ko.""Dapat ba kitang i-comfort?" Nagkibit-balikat ito. "Busy 'yong tao. Hello, isa siya sa dalawang pinakabatang prof sa iskul. Tingin mo nakuha niya iyon nang pa-chill-chill lang?"'Tama naman,' ungot ni Luke sa isipan, 'pero nakadidismaya pa rin!' Para siyang babae na i-ni-ndian ng kaniyang asawa."Kumusta naman 'yong mga batang inaalagaan mo? Hindi naman ba pasaway?" Inabot ni Ethan ang bote ng tubig sa gilid ni Luke at tinungga iyon. "Pansin ko lagi kang tulala pero hindi naman malungkot. Blooming."Na
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 7

     "EVERYTHING is ready, sweetheart?" Logan asked Tanya. Mayuming tumango ang bata dala-dala ang lollipop nito. "Ang ganda dito, Uncle!"Maingat na ibinaba ni Logan si Tanya sa buhangin. Nagtatakbo agad ito pagkatapak pa lamang. Sumunod si Travis sa kapatid nang may malalaking hakbang. "Thank you for this, Uncle Logan!""No problem, kid."Sunod ay inayos ni Logan ang mga gagamitin nila sa cottage na kaniyang pinili. Ngayon ay wala si Luke dahil may gagawin ito sa school. Siya lamang kasama ang mga bata. 'It's perfect.' Sapantaha niya ay hindi pa lumulubog ang araw, makukuha na niyang muli ang loob ng mga bata.Tanya is a softhearted kid. Mabilis niya itong mapapaamo dahil daddy's girl ito noon pa man. Ang tiyak na magpapahirap sa kaniya ay ang otso anyos na si Travis. Hindi madaling makalimot ang batang ito at kung magkimkim ng sama ng loob ay purong-puro."Travis, won't you help me set our cottage?" Ngumiti si Logan sa direk
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 8

     "I'M FULL." Pinagpag ni Tanya ang nadumihang damit bago itinabi ang biskwit na hindi nito naubos. Nang makitang walang ibang lalagyan ay inabot ng bata ang kamay ni Logan upang doon ilagay ang natitirang piraso. "Yours, uncle.""Hmn." Isinubo ni Logan ang biskwit kahit ayaw niya sa lasa nito. Mamasa-masa pa ang pagkain dahil kay Tanya pero sulit naman ang kaniyang ginawa dahil tinapik-tapik siya nito sa pisngi. "Very good," sabi nito.Hinaplos ni Logan ang buhok ni Tanya. Kamukhang kamukha nito ang inang si Jasmine. Ang pabilog na hugis ng mukha nito't maninipis na kilay ay bakas ng pagiging half-Chinese ng ina. Ang nakuha nito kay Stephen ay ang kulay ng balat lamang at tuwid na buhok.Habang si Travis naman ay para bang ikalawang Stephen. Mula sa kilos, mukha pati na rin ang pananamit nito ay may bahid ng ina. 'H'wag kalimutan ang pagiging matigas ang ulo at pasaway. That's just what Stephen is,' komento ni Logan sa isip."Maggagabi
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 9

     "I DON'T know why I feel this way but…" Huminga nang malalim si Travis. Maingat namang naghintay sa susunod na sasabihin nito si Luke. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na isang umiiyak na Travis sa madilim na parte ng dalampasigan ang kaniyang madaratnan. Nakakatakot.Hindi niya tuloy maiwasang hanapin si Logan at uriratin ito sa kung ano ba ang pinanggalingan ng gulong ito subalit mas mabuting pakalmahin muna si Travis bago ang lahat.Ang akala niya'y isang masayang samahan ang kaniyang makikita. Paano na lamang kung hindi siya dumating gayong hindi pa natatagpuan ni Logan si Travis? Mabuti na lamang at pumunta kaagad siya noong sabihin ni Sir Felix na kailangan niyang pumunta. Ang akala niya ay kailangan lamang ni Logan ng ekstrang kamay pantulong sa pagbubuhat at pamimili ng kung ano."…I'm jealous of Tanya."Natigilan si Luke sa hindi inaasahang sagot ni Travis. Hindi siya makaimik ng ilang seg
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more

CHAPTER 10

     TINANGGAP ni Luke ang inuming ibinigay ni Logan sa kaniya. Sinubaybayan niya ang kilos ng lalaki. Mula sa kalmado nitong pag-upo sa silya hanggang sa marahang pag-inom ng alak sa harap ng kalangitang puno ng tala. Hindi na bagsak ang balikat nito. Sa katunayan ay mas naging magaan ang bawat galaw ni Logan. Wala na ang madalas na napapansin niyang bigat sa bawat hakbang nito."Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong ideya nilang may interes ako kay Jasmine kahit wala naman." Pumikit ito. "Hindi ko maintindihan.""Mga bata lang sila. Kung ano ang sabi ng matatanda, natural na papaniwalaan nila."Hinilot-hilot ni Logan ang sintido. Wala na ang salamin nito sa mata kaya doble ang lamig na nadarama ni Luke sa bawat titig nito. Nakasuot ng simpleng t-shirt at pajama si Logan. Gayunpaman ay hindi nababawasan ang sinsero nitong awra. Ang intense pa rin nito kahit anong gawin."Tingin mo, anong mainam na gawin?"Sinimsim ni Luke ang mapait n
last updateLast Updated : 2024-10-29
Read more
DMCA.com Protection Status