Share

CHAPTER 5

Author: twtl_trtd
last update Last Updated: 2021-03-25 15:47:12

     MADILIM na noong magpasyang umalis si Luke kina Logan. Nagpresinta pa ang lalaki na ihatid siya pauwi dahil wala siyang duty ngayon sa burger shop. Naging maingat siya sa bawat kilos para walang maipintas ang lalaki sa kaniya. Napansin niya sa sarili na ayaw niyang kinaiinisan siya ni Logan. He blamed himself for being sensitive ngunit hindi niya naman masabihan ang sarili na huwag itong indahin.

Hindi na sinuot ni Logan ang salamin nito sa mata. Ginagamit lang nito iyon kapag nagbababad sa laptop o hindi kaya ay nagbabasa. Tuwing gabi madalas ay nagsusuot ito ng maluluwag na damit, nakatsinelas lamang at short. Madalas na abangan ni Luke ang pagbibihis nito bago siya umalis. Ang palusot niya ay babantayan niya muna ang mga bata habang nagbibihis ito. 'No. Hindi ako interesadong makita ang hulma ng katawan niya at nope, ayaw ko ring makita ang kaswal niyang mood.' Luke tightened his grip on the seatbelt, sighing noisily.

Sumaglit ang mga mata ni Logan sa kaniya bago ito bumalik sa daan. "If you're tired, you can take a nap. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo sa inyo."

"Ah, 'wag na," agap niya, "malapit lang ang bahay ko rito."

"Hmn." Logan nodded. "Alam ko kung sa'n 'yong address na binigay mo."

Sumilay ang makukulay na ilaw sa mukha ni Logan. Saglit na natigilan si Luke upang pakatitigan ang mukha ng lalaki. Logan is thirty years old. Lubhang matanda kaysa sa bente dos anyos niyang edad. It's an eight year gap. Usap-usapan sa eskwela ang dalawang batang propesor ng pisika na kapapasok lamang no'ng isang taon. Logan might be considered old for some people ngunit ang mga achievement na nakuha nito sa edad na trenta ay nakamamangha para kay Luke.

Oo nga at istrikto ang lalaki subalit kung lagi ba naman itong nagtuturo at nakaupo sa isang sulok ng eskwela, natural lang na mainis ito at mabagot. Lalo pa at ang mga kasama nito ay mga matatanda mula sa iba't ibang department.

'Hindi ko naman siya hinihintay na pansinin ako,' bulong ni Luke sa sarili. Isa pa ay hindi siya nito magugustuhan. Alam niya na wala siya ng mga bagay na tiyak na gusto nito.

Mula noong na-realize ni Luke na imposible para sa kaniya ang umibig sa babae, inisip niya kung anong klase kaya ng lalaki ang makapupukaw sa kaniyang atensyon. Nitong mga nagdaang taon ay wala masiyadong interesante ang nangyari sa kaniyang love life. Puro kasi mga kaedad niya ang mga nakapalibot sa kaniya. Napansin ni Luke na madalas siyang magka-crush sa mga lalaking mas mature.

Mas matanda sa kaniya ng iilang taon.

Iyon ay dahil madalas ay responsable sila. Nasa wasto ng edad at tiyak naghahanap ng seryosong relasyon. Ayaw ni Luke ng pangmadalian at walang kasiguraduhan. He wanted a relationship that will last. Isang taong kaya niyang pagkatiwalaan at dependahan.

Isa si Logan sa mga taong hulog sa tipo niyang lalaki.

'Sa kasamaang palad, hindi siya puwede.'

Hindi napansin ni Luke ang mariing titig na iginawad sa kaniya ni Logan nang mag-angat ito ng tingin sa rearview mirror. Nahuli na siya ni Logan at hindi niya ito alam.

Nagkibit-balikat si Luke. "Logan, 'wag mo sana 'tong masamain."

"What is it?" Humigpit ang hawak ni Logan sa manibela. "Kinakabahan ka."

Malamyang ngumiti si Luke bago tumikhim. "Si Tanya kasi kanina, kinausap niya 'ko. May sinabi siya sa 'kin kanina't hindi ko alam kung dapat ba akong makialam pero tutal para ito sa relasyon n'yo mga bata, gusto ko lang kumpirmahin ito..."

Logan stiffened. Ang akala niya ay tatanungin siya ni Luke kung may girlfriend siya o hindi. Iniwas niya ang tingin at hinintay itong matapos.

"…may gusto ka ba sa ina ng mga bata? Kaya ba hindi mo sila pinapansin dahil ayaw mo sa kanila?"

Hindi kaagad nagrehistro kay Logan ang kaniyang narinig. Noong maintindihan niya ang implikasyon ni Luke, mabilis niyang inihinto ang kotse. "Ano?" bulalas niya, "Say that again!"

Mabilis na ipinagkrus ni Luke ang kaniyang mga braso. "'Wag mo 'kong saktan, okay? Kumalma ka." Hindi niya inasahan ang reaksyong ito mula kay Logan.

"May gusto ako sa ina ng mga bata and that I don't like them," pag-uulit ni Logan, "Seryoso ka ba, Luke?"

Nangangatal na ngumiti si Luke. Sumandal siya sa bintana upang ilayo ang sari sa nag-aapoy na mga mata ni Logan. "Iyon ang sabi ni Tanya sa akin. Hindi ko naman alam na magagalit ka nang ganito…"

"Hindi ako galit," Logan snapped, "Hindi ko lang maisip kung ba't 'yan sinabi ni Tanya sa 'yo. Who said that to her?"

"Uh, si Travis. Paniguradong narinig lang 'yon ng mga bata mula sa kung kanino." Inilihis ni Luke ang tingin sa bintana. Malapit na siya sa bahay. "They feel unloved, Sir Logan."

"Fuck…" Namilog ang mga mata ni Luke. Ito ang unang beses na narinig niyang magmura ang kapita-pitagang ginoo! Pero dahil suplado ito at may kamalditohan din, hindi na nakagugulat para sa kaniya ang naibulong nito. "…must be my mom and dad."

"Bakit?" Umiling si Luke. "Kung ayaw mong sagutin, ayos lang sa 'kin."

'Sabihin mo sa 'kin, bilis!' Ipinagkrus ni Luke ang mga daliri sa kamay.

Maingay na bumuntong hininga si Logan. Pinaglandas nito ang palad sa buhok dahilan upang maging magulo ito. Luke eyed his every move. Naiinis siya sa napaka-manly na kilos ni Logan. Hindi niya maihiwalay ang kaniyang mga mata rito.

"It started in highschool." Nagkibit-balikat si Logan. "Magkaklase kami ni Jasmine, mommy ni Travis at Tanya. Madalas kaming pinagpa-partner. She liked me. Araw-araw niya akong sundan at binibigyan ng regalo noon. She tried everything. I tried to like her too pero hindi ko kaya…"

'Baka kagaya ko ang gusto mo, Logan?' pilyong ani Luke sa isipan, 'Willing ako!' Sinaway niya ang sarili pagkatapos. Namomroblema ang lalaki tapos heto siya't pinagtitripan ito.

"…to the point where she asked Stephen for help. Habang tinutulungan siya ni Stephen, nahulog ang loob ng kapatid ko sa kaniya. I knew it because the way he looked at her, it's obvious." Tumingala si Logan at hinilot ang sintido. "Gumawa ako ng paraan para mabaling ang atensyon ni Jasmine kay Stephen pero hindi ako nagtagumpay. One day, they partied then ended up drunk. Two weeks later, Jasmine conceived."

Bumagsak ang panga ni Luke. Hindi niya ito maisara kaagad dahil sa gulat. Naabutan ni Logan ang ganoong ekspresyon ni Luke. Hindi nito mapigilan ang mapangiti. "Shocked, aren't you?"

"Sinong hindi magugulat do'n!" kastigo ni Luke.

Logan grinned. "There's more, though. Sinubukan niyang ipasa bilang sa 'kin 'yong batang dinadala niya but my brother won't allow it. Iyon ang dahilan kung bakit tinanggap ko ang offer sa akin na mag-aral sa ibang bansa. Upang makalayo sa kanila. Jasmine's parents and mine agreed na ipakasal silang dalawa. Doon nagkaroon ng batang Travis."

Nanlumo si Luke sa kwento ni Logan. "Pero naging happy naman sila, ano?"

Bagsak ang balikat na umiling ang lalaki. "Matagal akong nawala pero alam ko ang mga problema nilang mag-asawa. My parents knew it too. Hindi ako sinisisi ni Stephen kung bakit ayaw siyang mahalin ni Jasmine kahit nandiyan na si Travis. Hindi niya kayang magalit sa 'kin." Logan started the car. "Eventually, dumating si Tanya. They promised to make it better, kahit para man lang sa mga bata pero nawala naman si Jasmine."

Dismayadong umiling si Luke. Pagkatapos mawalan ng ina, ilang taon lang ay sumunod naman ang ama ng mga ito. Nag-uumapaw ang awa ni Luke ngayon para sa mga bata. Hindi niya napansin ang maliit na ngiting nasa dulo ng labi ni Logan. 'He's still a kid.'

"Hindi ko alam na ganoon na pala ang tingin ng mga bata sa akin. Salamat at sinabi mo 'to."

"Gusto kong…" Nanuyo ang lalamunan ni Luke. "…gusto kong maging masaya ang mga bata."

"Gusto ko rin ang best para sa kanila. Sadyang hindi pa ako sanay." Logan squinted. "I promise, mas magiging attentive ako sa kanila."

'Sa akin siya nagpapaalam,' gulat na naisambit ni Luke sa kawalan. Nawala ang lumbay sa kaniya at mabilis na napalitan iyon ng kaunting saya. "Magtulungan tayo, okay?"

"Yes," sang-ayon ni Logan. Minaniobra nito ang kotse pauwi.​

Related chapters

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 6

    "BAKA naman kasi totoo talagang may gagawin siya—nabusy lang, Luke," agam-agam ni Ethan habang ngumunguya ng pananghalian nila. Sumubo si Luke ng kanin kasabay ang pagtango-tango rito. "Ano naman kung nangako siya sa 'yong babawi siya sa mga bata tapos one week later nganga pa rin, 'di ba? At least, nangako!"Naibuga ni Luke ang kaning nginunguya. Uubo-ubo siyang humarap kay Ethan. "Alam mo, hindi mo pinagagaan ang loob ko.""Dapat ba kitang i-comfort?" Nagkibit-balikat ito. "Busy 'yong tao. Hello, isa siya sa dalawang pinakabatang prof sa iskul. Tingin mo nakuha niya iyon nang pa-chill-chill lang?"'Tama naman,' ungot ni Luke sa isipan, 'pero nakadidismaya pa rin!' Para siyang babae na i-ni-ndian ng kaniyang asawa."Kumusta naman 'yong mga batang inaalagaan mo? Hindi naman ba pasaway?" Inabot ni Ethan ang bote ng tubig sa gilid ni Luke at tinungga iyon. "Pansin ko lagi kang tulala pero hindi naman malungkot. Blooming."Na

    Last Updated : 2021-03-25
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 7

    "EVERYTHING is ready, sweetheart?" Logan asked Tanya. Mayuming tumango ang bata dala-dala ang lollipop nito. "Ang ganda dito, Uncle!"Maingat na ibinaba ni Logan si Tanya sa buhangin. Nagtatakbo agad ito pagkatapak pa lamang. Sumunod si Travis sa kapatid nang may malalaking hakbang. "Thank you for this, Uncle Logan!""No problem, kid."Sunod ay inayos ni Logan ang mga gagamitin nila sa cottage na kaniyang pinili. Ngayon ay wala si Luke dahil may gagawin ito sa school. Siya lamang kasama ang mga bata. 'It's perfect.' Sapantaha niya ay hindi pa lumulubog ang araw, makukuha na niyang muli ang loob ng mga bata.Tanya is a softhearted kid. Mabilis niya itong mapapaamo dahil daddy's girl ito noon pa man. Ang tiyak na magpapahirap sa kaniya ay ang otso anyos na si Travis. Hindi madaling makalimot ang batang ito at kung magkimkim ng sama ng loob ay purong-puro."Travis, won't you help me set our cottage?" Ngumiti si Logan sa direk

    Last Updated : 2021-03-25
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 8

    "I'M FULL." Pinagpag ni Tanya ang nadumihang damit bago itinabi ang biskwit na hindi nito naubos. Nang makitang walang ibang lalagyan ay inabot ng bata ang kamay ni Logan upang doon ilagay ang natitirang piraso. "Yours, uncle.""Hmn." Isinubo ni Logan ang biskwit kahit ayaw niya sa lasa nito. Mamasa-masa pa ang pagkain dahil kay Tanya pero sulit naman ang kaniyang ginawa dahil tinapik-tapik siya nito sa pisngi. "Very good," sabi nito.Hinaplos ni Logan ang buhok ni Tanya. Kamukhang kamukha nito ang inang si Jasmine. Ang pabilog na hugis ng mukha nito't maninipis na kilay ay bakas ng pagiging half-Chinese ng ina. Ang nakuha nito kay Stephen ay ang kulay ng balat lamang at tuwid na buhok.Habang si Travis naman ay para bang ikalawang Stephen. Mula sa kilos, mukha pati na rin ang pananamit nito ay may bahid ng ina. 'H'wag kalimutan ang pagiging matigas ang ulo at pasaway. That's just what Stephen is,' komento ni Logan sa isip."Maggagabi

    Last Updated : 2021-03-25
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 9

    "I DON'T know why I feel this way but…" Huminga nang malalim si Travis. Maingat namang naghintay sa susunod na sasabihin nito si Luke. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na isang umiiyak na Travis sa madilim na parte ng dalampasigan ang kaniyang madaratnan. Nakakatakot.Hindi niya tuloy maiwasang hanapin si Logan at uriratin ito sa kung ano ba ang pinanggalingan ng gulong ito subalit mas mabuting pakalmahin muna si Travis bago ang lahat.Ang akala niya'y isang masayang samahan ang kaniyang makikita. Paano na lamang kung hindi siya dumating gayong hindi pa natatagpuan ni Logan si Travis? Mabuti na lamang at pumunta kaagad siya noong sabihin ni Sir Felix na kailangan niyang pumunta. Ang akala niya ay kailangan lamang ni Logan ng ekstrang kamay pantulong sa pagbubuhat at pamimili ng kung ano."…I'm jealous of Tanya."Natigilan si Luke sa hindi inaasahang sagot ni Travis. Hindi siya makaimik ng ilang seg

    Last Updated : 2021-03-25
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 10

    TINANGGAP ni Luke ang inuming ibinigay ni Logan sa kaniya. Sinubaybayan niya ang kilos ng lalaki. Mula sa kalmado nitong pag-upo sa silya hanggang sa marahang pag-inom ng alak sa harap ng kalangitang puno ng tala. Hindi na bagsak ang balikat nito. Sa katunayan ay mas naging magaan ang bawat galaw ni Logan. Wala na ang madalas na napapansin niyang bigat sa bawat hakbang nito."Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong ideya nilang may interes ako kay Jasmine kahit wala naman." Pumikit ito. "Hindi ko maintindihan.""Mga bata lang sila. Kung ano ang sabi ng matatanda, natural na papaniwalaan nila."Hinilot-hilot ni Logan ang sintido. Wala na ang salamin nito sa mata kaya doble ang lamig na nadarama ni Luke sa bawat titig nito. Nakasuot ng simpleng t-shirt at pajama si Logan. Gayunpaman ay hindi nababawasan ang sinsero nitong awra. Ang intense pa rin nito kahit anong gawin."Tingin mo, anong mainam na gawin?"Sinimsim ni Luke ang mapait n

    Last Updated : 2021-03-25
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 11

    "Thank you so much, Luke," mayuming inipit ni Miley ang tikwas ng buhok sa likod ng tainga habang sinusubuan si Tanya. "Baby, you eat so well. Ang cute mo!""Thank you." Tuwid na nakaupo ang batang babae, pinipilit gayahin ang postura ni Miley. May paghanga sa mga mata nito habang tinitingnan ang nobya ni Logan. Hindi maiwasan ni Luke ang mapangiti. "Walang anuman," aniya kay Miley, "babysitter lang ako ng mga bata."Miley hummed. Nagugustuhan na ni Luke ang maamo nitong pagkilos. Kung ito ang makakatuluyan ni Logan, mapapalagay siya at hindi na mag-iimbot. 'Hindi na. Magseselos na lang.'Mayamaya pa, narinig ni Luke ang maingay na pagtama ng isang pinggan sa babasagin niyang baso. Natahimik ang kanilang mesa. Pati ang maingay na pagnguya ni Travis ay huminto pansamantala.Lumingon si Luke kay Logan. Ito ang may gawa ng ingay. Iniuumang nito ang isang plato ng itlog. Kitang kita pa rin ang ngiwi nito sa bawat pagkilos dahil sa hangover. Hi

    Last Updated : 2021-03-27
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 12

    MATAPOS mag-almusal, naunang bumaba sina Luke at Logan upang ikarga ang mga dinalang gamit sa kotse. Mukhang sasabay sa kanila si Miley at sa isang hindi matukoy na dahilan, may dala itong maraming bagahe. May hinuha si Luke sa kung ano ang posibleng balak nito. Habang ginugugol ang tahimik na sandali sa pag-iisip ng maaaring dahilan nito, hindi niya napigilan ang unti-unting pagsikip ng kaniyang lalamunan.Paanong sa kaunting panahon ay ganito na lang siya kung magdamdam kay Logan?Nasusuklam na pinanood niya ang pagbinat ng balikat nito habang inaayos ang pagkakahanay ng mga gamit sa likuran ng sasakyan.Hindi si Logan ang tipo ng lalaki na maraming pandesal sa tiyan at mabato ang braso. Subalit hindi rin ito iyong tipo na may malaking bilbil. May hulma ang tiyan ni Logan, alam na alam iyon ni Luke. Hindi iyon gaanong pormado subalit sa laki ng katawan nito at tangkad, alam niyang hindi basta-basta ang lakas nito.Kaya siya nitong ibalib

    Last Updated : 2021-03-29
  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 13

    ISINARA ni Luke ang pinto ng silid ni Tanya bago nagpasyang tulungan si Logan sa pagdidiskarga ng gamit. Si Miley ay naghahanda ng maiinom sa kusina. Noong magprisinta ito, halos ikatakot pa ni Luke ang kung anong puwede nitong ilagay sa kaniyang inumin. 'Lalasunin niya kaya ako?' Sa huli, mas pinili ni Luke na ilipat sa silid ang mga batang nakatulog na habang nasa biyahe.Natatawa siya habang iniisip na mas napagod pa ang mga ito sa pag-upo kaysa sa mismong nagmaneho ng sasakyan. Aminadong napaka-boring ng biyahe lalo pa at ang nagsasalita lamang sa buong panahon na iyon ay si Miley. Kung saang lugar na ito napunta, kung sino-sinong malalaking tao ang nakilala nito at ang laki ng perang nakuha niya dahil sa pagsisikap.Hindi kontra si Luke sa kasiyahan ng iba. Lalo na kung hard-earned iyon. Kaya niyang matuwa para sa kanila subalit hindi niya maiwasang mainis tuwing ikinukumpara siya rito.“It's really good. Imagine seeing Senator Rosales up c

    Last Updated : 2021-04-07

Latest chapter

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   EXTRA (2)

    KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay. Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life. Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in? Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon. Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   EXTRA (1)

    IT WAS a special occasion for Felix. Sa panahong gaya nito, malayo na ang inaabot niya dahil sa pamimigay ng regalo. Mawalan man ng alaala ang kaniyang Momma, hindi naman nawawala sa kanilang tradisyon ang pamimigay ng aguinaldo sa bawat malalapit na tao sa kanilang pamilya.Felix enjoyed it so much. Especially that he's a people person, and that he love kids. Siya ang nakatoka lagi na mamigay ng mga regalong ibinalot mismo ng kanilang Momma.Felix had always done this alone throughout these years. Ngunit sa taong ito, espesyal ang mangyayari dahil nariyan si Lander upang tulungan siya.Felix imagined it to be magical. Halos hindi pa nga siya makatulog dahil sa paghihintay na dumating agad ang bente-kwatro kinabukasan.Nang dumating nga ang araw na iyon, he was immensely disappointed.Nagpresinta si Lander na gamitin ang kotse nito sa paghahatid. Felix was touched. But not for long.It turns out, madaling tumirik ang sasa

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 40

    LUKE decided to go inside. Hindi pamilyar sa kanya ang coffee shop na ito. Nag-excuse lamang siya sa trabaho upang sumaglit sa sinabing lugar ni Felix. Hindi niya aakalaing ganito kadilim ang loob. Si Felix siguro ang nagma-manage nitong shop. Imposibleng makapasok siya sa estadong ito nang hindi makakasuhan. Wala man lang sign ng 'open' o 'close' ang labasan. Gayunpaman, pumasok na lamang siya. The address was correct. Walang rason upang huwag siyang tumuloy. Luke eyed the interior design and approved. Welcoming ang ambience ng lugar at simple sa paningin. Iyon nga lang ay nakasara lahat ng ilaw at mukhang walang tao sa loob. Kaunti lang ang kaniyang nakikita. "Felix?" Napayakap si Luke sa sarili. Hindi kaya pinagbawalan ito ni Lander na pumunta? Hindi nabigla si Luke sa pagsasama ng dalawa subalit namamangha siya sa kakayahan ng mga itong tanggapin ang pagkakaiba ng kanilang partner. Pati ang pagiging seloso ni Lander ay

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 39

    BIHIS na bihis si Luke sa modernong suot at hapit na hapit na pang-ibaba. Ngayong gabi ay magpa-party siya kasama ang iilang barkada na nakilala niya sa trabaho. This night, he's a free man willing to mingle and have a fling for a couple of hours. Luke needed this to redeem himself back. Nang marinig niya ang sinabi ni Logan ay halos gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa at huwag ng bumangon. Ngayon napagtanto niyang kailangan niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Kung hindi siya kayang mahalin ni Logan ay may ibang tao pa na kaya siyang alagaan. Hindi lang si Logan ang tao sa mundo. "Rex, nandyan na kayo?" Inipit ni Luke ang telepono sa pagitan ng leeg at balikat. "Uh, naghahanda pa ako. Be sure. Tie Ethan para hindi 'yan makawala. Baka araruhin niyan ang lahat ng tao sa daan oras na malasing." "I'll…be there alone. Tulungan n'yo akong makahanap ng partner." Isang gaybar ang kanilang pupuntahan. Nakaramdam ng k

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 38

    IBINULSA ni Luke ang hawak na cell phone. Hindi niya matawagan si Ethan. Para bang iniwan siya nito bigla sa gitna ng walang katapusang push up at laps na siyang dapat nilang takbuhin. Hindi siya matingnan sa mata ni Ethan. Nauwi tuloy sa pag-iisip si Luke na baka may ginawa itong masama. Nang tanungin niya si Rex, bigla nalang humalakhak ang lalaki at sinabing wala. Mukhang nag-e-enjoy ito sa bagay na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang pinansin ni Luke ang kaniyang kaibigan. Baka kasi ay umandar na naman ang pagiging sensitibo nito. Matapos malaman ni Luke ang totoo tungkol kina Rex at Ethan, nagsimula siyang idistansya ang sarili mula sa dalawa. May pagka-sintu-sinto kasi ang mga ito. Takot si Luke na maubos ng mga ito ang tiwala niya. "Sir Felix! Sir!" sigaw ni Luke nang makita ang lalaki na naglalakad sa plaza. Mukhang may klase itong pupuntahan. Natalisod pa ito dahilan kung bakit napatigil si Luke sa pagtawag. Ba

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 37

    NAHILIG si Rex sa pag-mo-mobile games nitong mga araw. Maganda iyon para kay Ethan na siyang hirap na hirap sa paghahabol sa mga lesson na kaniyang nakalimutan na. Makakapag-concentrate siya sa ginagawa nang hindi ginugulo ng kaniyang nobyo. 'Nakakainis!' Asar na tiningnan ni Ethan ang nakahilatang si Rex sa higaan nito. "Hindi ka ba talaga tutulong?" "Akala ko ba independent ka?" Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata. Umiling si Ethan bago pinandilatan siya ng mga mata. "Anong independent? Kailan ko sinabi 'yan?" "Oh, so you don't remember." Iwinakli ni Ethan ang hawak na ballpen at saka lumundag sa direksyon ng lalaki. Mabilis na gumulong si Rex palayo. Mas lalong nainis si Ethan. "Gustong gusto mo talagang inuulit-ulit 'yan?" Bumunghalit ng tawa si Rex. Tumunghay ito't nanghamon. "Why not? My boyfriend defended me in front of his parents." Sumilay ang isang ngiti sa bibig ni Ethan. Dinuro niya saglit ang lalaki

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 36

    "PAANO kung hindi babagay?" Umiling si Luke at pinilit si Logan na ibalik ang hinila nitong bedsheet. "That's teal… may ganito ka bang kulay na pillowcase?""No. Baka may nakalagay d'yan. They're suppose to be a set."Sinserong tinitigan ni Logan ang bedsheet bago umiling. "No, they don't have even one. Okay, iwan na natin 'yan."Kaswal na humalakhak si Luke. Sinamahan niya sa pamimili ng gamit si Logan. Balak daw nitong bumili ng mga bagong gamit para sa kwarto. Humingi ito ng tulong kay Luke kaya naman matapos ang eskwela, nagmadali siya sa paghabol dito sa mall."You're sweating." Iniumang ni Logan ang dalang panyo. "Take a rest first. Kumain ka na ba?""Hindi pa!" Nagkibit-balikat si Luke. "Hindi pa naman ako gutom. Pagkatapos nalang mamili saka ako kakain.""Sa bahay ka na maghapunan. Nagdala ka ba ng damit?"Nag-iwas ng tingin si Luke sa implikasyon na maririnig sa boses ni Logan. "Uh, oo."Mata

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 35

    WALANG humpay ang tambol sa pitso ni Luke. Hindi niya aakalain na babalik sa kaniya ang ginawa. Ang gusto niya lang sana ay bigyan ng isang halik ang lalaki bago matulog. Hindi siya handa sa posibilidad na hindi naman talaga lasing si Logan. "Stop hiding your face, Luke. Hindi 'yan ang sagot." Logan even used his stern voice. Mas gusto na lamang ni Luke na magpalamon sa lumbay at 'wag ng bumalik. "You dare kiss me, but you can't even talk to me?" "Logan!" daing ni Luke habang sinisilip ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga daliri. "Nag-so-sorry na ako, ayaw mo naman tanggapin, e." "How can I accept that? Doesn't sound sincere to me." 'Hindi sincere?' Nag-isang linya ang labi ni Luke. Iyon ay hindi naman talaga siya nagsisisi! Ginawa nito iyon sa kaniya noong isang araw nang walang pahintulot. Ngayon, kwits na sila! 'Hindi ko man lang nga ipinasok 'yong dila ko gaya nung ginawa mo!' sumbat ni Luke sa isip. 'Ako pa talaga na

  • UNLUCKY LUKE (Tagalog)   CHAPTER 34

    HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate

DMCA.com Protection Status