ISINARA ni Luke ang pinto ng silid ni Tanya bago nagpasyang tulungan si Logan sa pagdidiskarga ng gamit. Si Miley ay naghahanda ng maiinom sa kusina. Noong magprisinta ito, halos ikatakot pa ni Luke ang kung anong puwede nitong ilagay sa kaniyang inumin. 'Lalasunin niya kaya ako?' Sa huli, mas pinili ni Luke na ilipat sa silid ang mga batang nakatulog na habang nasa biyahe.
Natatawa siya habang iniisip na mas napagod pa ang mga ito sa pag-upo kaysa sa mismong nagmaneho ng sasakyan. Aminadong napaka-boring ng biyahe lalo pa at ang nagsasalita lamang sa buong panahon na iyon ay si Miley. Kung saang lugar na ito napunta, kung sino-sinong malalaking tao ang nakilala nito at ang laki ng perang nakuha niya dahil sa pagsisikap.
Hindi kontra si Luke sa kasiyahan ng iba. Lalo na kung hard-earned iyon. Kaya niyang matuwa para sa kanila subalit hindi niya maiwasang mainis tuwing ikinukumpara siya rito.
“It's really good. Imagine seeing Senator Rosales up c
"LUKE! Pakilabas naman nito sa likod. Sumisikip lang lalo ang daan dito."Mabilis na kumilos si Luke. Tumayo siya mula sa pag-aayos ng condiments at nagpunta sa kusina ng burger shop. Hindi magkandaugaga ang mga taong nagtatrabaho. Ilang oras pa bago ang kanilang off kung kaya ganoon na lang ang pagiging bibo ng mga trabahante. 'Bakit hindi? Uwian na.'"Ito na ho ba lahat?" Tinipon ni Luke ang supot ng mga basura. Hindi na niya hihintayin pang matapos ang oras sa trabaho para itapon ito. Sisikip lamang ang espasyo sa kusina. Halos magkabanggaan na ang dalawang tao sa loob nito. Lalo naman kapag pumasok ang mga server. Ang iilang balde at supot ng basura sa silid ay takaw lugar sa mga taong ga-ipo-ipo kung kumilos."`Yan na, bata."Mag-isang kinarga ni Luke ang tatlong supot ng basura pati na ang isang balde. Ang laman ng mga ito ay karton at plastik mula sa stock na dumating kaninang umaga. Dapat ay itinapon na ito ng naunang pumasok na ka
MUKHANG may party sa loob ng bahay. Iyan ang unang sumagi sa isip ni Luke noong marinig ang ingay na nanggagaling sa bahay nina Logan. It's a muffled sound yet he knew it so well—tawa iyon ng mga bata. Malayong si Logan ang kakulitan ng mga ito. Umayos man nang bahagya ang relasyon ni Logan sa mga bata, hindi pa iyon umabot sa puntong kaswal na nagtatawanan ang mga ito. Isa lamang ang sagot na posible kay Luke sa ngayon, naroon ang girlfriend ni Logan at nakikipagkulitan sa mga bata.Irasyunal na inggit at pagkainis. Hindi niya alam kung bakit ganito nalang ang kaniyang paninibugho gayong wala naman siya sa lugar. Ganoon pa man, alam niyang ganito ang emosyon ng mga tao. Hindi mapipigilan kahit pa harangan ng sibat."Hoy, bata!"Luke flinched. Mabilis niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses. Naroon si Lola Selma, ang matandang kinatatakutan ng mga bata. Nakatira lamang iilang dipa ang layo mula sa bahay nina Logan. May hawak itong walis at i
Lumingon si Luke sa direksyon ng entrance ng mall ngunit wala pa rin kahit anino ni Logan. Mukhang matatagalan pa ito bago makahabol sa kanila. Hinabol ng tingin ni Luke ang mga batang naglalaro sa arcade, alam niyang nagugutom na ang mga ito. Kanina pa sila alas kwatro na nandito. Dapithapon nalang at wala pa rin ang uncle ng mga bata. Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag sa mga ito.“We'll go shopping with the kids.” Iyan ang pangako nito sa kaniya. Tuwang tuwa pa naman ang mga bata noong marinig iyon."Kuya Luke, wala pa rin po ba si Uncle Logan?" Huminto na sa pagtutulak ng gumagalaw na silya ni Tanya ang nakatatandang kapatid. Tumayo ito sa tabi ni Luke. "He's not here.""Paparating na 'yon dito. Don't worry." Hinawalan ni Luke ang ulo nito. "How about we play a shooting game? Alam mo, master ako do'n. You can't beat me."Ngumisi si Travis. "Treat me some ice cream kapag nanalo ako, okay?""Sure." Muling sinilip ni Luke ang
MATAPOS ang kainang napuno ng aligagang pagpupunas ng bibig sa mga bata, dumako naman sa pakikipaghilahan sina Luke sa mga ito pagkatapos. Napakarami ng gustong bilhin ng mga bata. Lahat naman ito ay laruan na makalipas ang iilang araw ay masisira rin!"Kuya, how about this ball?" eksayted na inilahad ni Travis ang isang inflatable na bola. Mainam iyon sa pagbi-beach. "Kung hindi natin siya gagamitin, we can just fold this somewhere."Ngumiti si Luke bago sumagot, "Hindi puwede. Madaling masira 'yan at minsan lang natin magagamit. You take fancy on it now because of its nice colors pero gugustuhin mo ba 'yang dalhin sa playground para makipaglaro sa ibang bata?""O, shucks. They will laugh at me." Travis wrinkled his nose."Sa tubig lang 'yan puwedeng laruin. Masisira 'yan ng mga bato. Put it back, pumili ka ng iba.""Kuya Luke! Uncle Logan helped me choose this one. Maganda ba?" Iwinagayway ni Tanya ang isang hairclip. Umiling si Lu
LOGAN took off his coat. Isinablay niya iyon sa likod ng kaniyang upuan bago tumingin sa direksyon ni Felix. Titig na titig ito sa dalang cell phone at halos hindi na makausap nang maayos. Logan couldn't help himself but feel mischievous. "Ang seryoso ng mukha mo. Bakit? Nag-away kayo ng misis mo?""Misis your face, Logan." Sumandal si Felix sa upuan bago nagpasyang ibulsa nalang ang telepono. "Hindi ko na siya sasagutin. Attempting a civil conversation with that man kills my braincells.""Who?" Napakurap si Logan noong may mapagtanto. "Seriously, you guys are not done with the underwear issue?""Sue him for that. Masiyadong maarte!"Humalakhak si Logan. Mas mabuti na rin na lumilipad ang isip nito sa kung saan kaysa asarin siya. Dalawa lang ang hobby ni Felix sa buhay, ang paggi-gymn at pambu-bully sa kaniya."H'wag mo hayaang umabot pa 'yan sa mga nakatatanda ng subduvision n'yo. Mas masakit sila sa ulo kaysa sa mga bata."Um
MULING tinitigan ni Luke ang mukha sa salamin. Inayos niya ang buhok. Dapat ay wala ni isang hibla nito ang wala sa ayos. Mukhang dapat din siyang magpulbo. Pumasaere ang kaniyang kamay upang sana kunin ang lalagyan. Natigilan siya noong mapansing may kakaiba sa kaniyang kilos. "O, come on. Luke, bakit ka pa ba nag-aayos?"'Para namang titingnan ka ni Logan oras na nagpulbos ka!'Inis na hinalbot ni Luke ang cap sa ibabaw ng drawer at pwersahang ikinabit iyon sa ulo. Bumakas ang disgusto sa kaniya nang mapansin na sa kaniyang baywang, isang kabibili lamang na pantalon ang nakasuot. Ito iyong isa sa pares ng pantalong hindi niya man lang nasubukan muna bago inuwi. Ayaw niyang makulong muli sa isang cubicle kasama si Logan lalo pa't naroon lamang si Miley sa gilid at nakamasid.Isa na ngang himalang maituturing na hindi sila sinita ng saleslady roon. Siguro iyon ay dahil doon madalas mamili ng damit si Logan.Tumunog ang telepono ni Luke. Ma
"DALAWANG pack 'yang balloons, okay? Tatlong rolyo ng birthday laces..."Luke struggled to keep up with Miley's demands. Halos hindi niya maisaulo ang lahat ng gusto nitong ipabili. Hindi pa naman niya dala ang perang ipon. Baka hindi niya mapagkasya ang dalang pera sa ngayon."Luke, you hear me? Pumunta ka agad dito pagkatapos. I need this to be perfect for the kids. Bakit ba kasi hindi mo nalang ako tulungang mapalapit sa kanila?" Luke could practically see Miley rolling her eyes trough the phone. Hindi pa rin makapaniwala si Luke na ang ganoon kaamong mukha ay may taglay na maitim na buto."Why don't you just text me the list?" Napakarami ng utos nito! Hindi niya na iyon kasalanan kung 'di niya man iyon mabili."What? Ang weak mo naman."Pumalatak si Luke. "Okay, sige. I'll just call Logan para siya na mismo ang magbigay ng listahan sa 'kin. At least, Logan won't scold me for nothing!""Shut up ka nga!" Miley shrieked, "Fine
DUMAGUNDONG ang malakas na kidlat. Tinitigan ni Luke ang pinto ng buger shop. Ilang segundo siyang tahimik lang na nakamasid bago hinarap muli si Rex. "I'm sorry. Hindi ka tuloy makalabas."Hindi inasahan ni Luke na makakalasalubong niya si Rex habang nasa daan. Wala rin siyang mapuntahan at ayaw niyang kumilos man lang kanina. Gusto na lang niyang magtago saglit tapos haharap sa lahat kapag ayos na siya.Hindi niya malimutan ang naging usapan nina Miley at Logan kanina. Hanggang ngayon ay napanghihinaan pa rin siya ng tuhod.“...he couldn't even try harder. That guy went so low...even the foster parents can't handle him. Hindi man lang siya nagbago!”“...alam mo, Logan, ang mga taong gaya niya, hindi deserve na mabigyan ng pagkakataon. Because they're animals! Kaya siguro iniwan siya ng parents niya't ipinamigay kasi naramdaman nilang napakamalas niya..."Sino pa ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Malamang ay si
KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay. Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life. Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in? Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon. Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.
IT WAS a special occasion for Felix. Sa panahong gaya nito, malayo na ang inaabot niya dahil sa pamimigay ng regalo. Mawalan man ng alaala ang kaniyang Momma, hindi naman nawawala sa kanilang tradisyon ang pamimigay ng aguinaldo sa bawat malalapit na tao sa kanilang pamilya.Felix enjoyed it so much. Especially that he's a people person, and that he love kids. Siya ang nakatoka lagi na mamigay ng mga regalong ibinalot mismo ng kanilang Momma.Felix had always done this alone throughout these years. Ngunit sa taong ito, espesyal ang mangyayari dahil nariyan si Lander upang tulungan siya.Felix imagined it to be magical. Halos hindi pa nga siya makatulog dahil sa paghihintay na dumating agad ang bente-kwatro kinabukasan.Nang dumating nga ang araw na iyon, he was immensely disappointed.Nagpresinta si Lander na gamitin ang kotse nito sa paghahatid. Felix was touched. But not for long.It turns out, madaling tumirik ang sasa
LUKE decided to go inside. Hindi pamilyar sa kanya ang coffee shop na ito. Nag-excuse lamang siya sa trabaho upang sumaglit sa sinabing lugar ni Felix. Hindi niya aakalaing ganito kadilim ang loob. Si Felix siguro ang nagma-manage nitong shop. Imposibleng makapasok siya sa estadong ito nang hindi makakasuhan. Wala man lang sign ng 'open' o 'close' ang labasan. Gayunpaman, pumasok na lamang siya. The address was correct. Walang rason upang huwag siyang tumuloy. Luke eyed the interior design and approved. Welcoming ang ambience ng lugar at simple sa paningin. Iyon nga lang ay nakasara lahat ng ilaw at mukhang walang tao sa loob. Kaunti lang ang kaniyang nakikita. "Felix?" Napayakap si Luke sa sarili. Hindi kaya pinagbawalan ito ni Lander na pumunta? Hindi nabigla si Luke sa pagsasama ng dalawa subalit namamangha siya sa kakayahan ng mga itong tanggapin ang pagkakaiba ng kanilang partner. Pati ang pagiging seloso ni Lander ay
BIHIS na bihis si Luke sa modernong suot at hapit na hapit na pang-ibaba. Ngayong gabi ay magpa-party siya kasama ang iilang barkada na nakilala niya sa trabaho. This night, he's a free man willing to mingle and have a fling for a couple of hours. Luke needed this to redeem himself back. Nang marinig niya ang sinabi ni Logan ay halos gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa at huwag ng bumangon. Ngayon napagtanto niyang kailangan niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Kung hindi siya kayang mahalin ni Logan ay may ibang tao pa na kaya siyang alagaan. Hindi lang si Logan ang tao sa mundo. "Rex, nandyan na kayo?" Inipit ni Luke ang telepono sa pagitan ng leeg at balikat. "Uh, naghahanda pa ako. Be sure. Tie Ethan para hindi 'yan makawala. Baka araruhin niyan ang lahat ng tao sa daan oras na malasing." "I'll…be there alone. Tulungan n'yo akong makahanap ng partner." Isang gaybar ang kanilang pupuntahan. Nakaramdam ng k
IBINULSA ni Luke ang hawak na cell phone. Hindi niya matawagan si Ethan. Para bang iniwan siya nito bigla sa gitna ng walang katapusang push up at laps na siyang dapat nilang takbuhin. Hindi siya matingnan sa mata ni Ethan. Nauwi tuloy sa pag-iisip si Luke na baka may ginawa itong masama. Nang tanungin niya si Rex, bigla nalang humalakhak ang lalaki at sinabing wala. Mukhang nag-e-enjoy ito sa bagay na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang pinansin ni Luke ang kaniyang kaibigan. Baka kasi ay umandar na naman ang pagiging sensitibo nito. Matapos malaman ni Luke ang totoo tungkol kina Rex at Ethan, nagsimula siyang idistansya ang sarili mula sa dalawa. May pagka-sintu-sinto kasi ang mga ito. Takot si Luke na maubos ng mga ito ang tiwala niya. "Sir Felix! Sir!" sigaw ni Luke nang makita ang lalaki na naglalakad sa plaza. Mukhang may klase itong pupuntahan. Natalisod pa ito dahilan kung bakit napatigil si Luke sa pagtawag. Ba
NAHILIG si Rex sa pag-mo-mobile games nitong mga araw. Maganda iyon para kay Ethan na siyang hirap na hirap sa paghahabol sa mga lesson na kaniyang nakalimutan na. Makakapag-concentrate siya sa ginagawa nang hindi ginugulo ng kaniyang nobyo. 'Nakakainis!' Asar na tiningnan ni Ethan ang nakahilatang si Rex sa higaan nito. "Hindi ka ba talaga tutulong?" "Akala ko ba independent ka?" Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata. Umiling si Ethan bago pinandilatan siya ng mga mata. "Anong independent? Kailan ko sinabi 'yan?" "Oh, so you don't remember." Iwinakli ni Ethan ang hawak na ballpen at saka lumundag sa direksyon ng lalaki. Mabilis na gumulong si Rex palayo. Mas lalong nainis si Ethan. "Gustong gusto mo talagang inuulit-ulit 'yan?" Bumunghalit ng tawa si Rex. Tumunghay ito't nanghamon. "Why not? My boyfriend defended me in front of his parents." Sumilay ang isang ngiti sa bibig ni Ethan. Dinuro niya saglit ang lalaki
"PAANO kung hindi babagay?" Umiling si Luke at pinilit si Logan na ibalik ang hinila nitong bedsheet. "That's teal… may ganito ka bang kulay na pillowcase?""No. Baka may nakalagay d'yan. They're suppose to be a set."Sinserong tinitigan ni Logan ang bedsheet bago umiling. "No, they don't have even one. Okay, iwan na natin 'yan."Kaswal na humalakhak si Luke. Sinamahan niya sa pamimili ng gamit si Logan. Balak daw nitong bumili ng mga bagong gamit para sa kwarto. Humingi ito ng tulong kay Luke kaya naman matapos ang eskwela, nagmadali siya sa paghabol dito sa mall."You're sweating." Iniumang ni Logan ang dalang panyo. "Take a rest first. Kumain ka na ba?""Hindi pa!" Nagkibit-balikat si Luke. "Hindi pa naman ako gutom. Pagkatapos nalang mamili saka ako kakain.""Sa bahay ka na maghapunan. Nagdala ka ba ng damit?"Nag-iwas ng tingin si Luke sa implikasyon na maririnig sa boses ni Logan. "Uh, oo."Mata
WALANG humpay ang tambol sa pitso ni Luke. Hindi niya aakalain na babalik sa kaniya ang ginawa. Ang gusto niya lang sana ay bigyan ng isang halik ang lalaki bago matulog. Hindi siya handa sa posibilidad na hindi naman talaga lasing si Logan. "Stop hiding your face, Luke. Hindi 'yan ang sagot." Logan even used his stern voice. Mas gusto na lamang ni Luke na magpalamon sa lumbay at 'wag ng bumalik. "You dare kiss me, but you can't even talk to me?" "Logan!" daing ni Luke habang sinisilip ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga daliri. "Nag-so-sorry na ako, ayaw mo naman tanggapin, e." "How can I accept that? Doesn't sound sincere to me." 'Hindi sincere?' Nag-isang linya ang labi ni Luke. Iyon ay hindi naman talaga siya nagsisisi! Ginawa nito iyon sa kaniya noong isang araw nang walang pahintulot. Ngayon, kwits na sila! 'Hindi ko man lang nga ipinasok 'yong dila ko gaya nung ginawa mo!' sumbat ni Luke sa isip. 'Ako pa talaga na
HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate