DUMAGUNDONG ang malakas na kidlat. Tinitigan ni Luke ang pinto ng buger shop. Ilang segundo siyang tahimik lang na nakamasid bago hinarap muli si Rex. "I'm sorry. Hindi ka tuloy makalabas."
Hindi inasahan ni Luke na makakalasalubong niya si Rex habang nasa daan. Wala rin siyang mapuntahan at ayaw niyang kumilos man lang kanina. Gusto na lang niyang magtago saglit tapos haharap sa lahat kapag ayos na siya.
Hindi niya malimutan ang naging usapan nina Miley at Logan kanina. Hanggang ngayon ay napanghihinaan pa rin siya ng tuhod.
“...he couldn't even try harder. That guy went so low...even the foster parents can't handle him. Hindi man lang siya nagbago!”
“...alam mo, Logan, ang mga taong gaya niya, hindi deserve na mabigyan ng pagkakataon. Because they're animals! Kaya siguro iniwan siya ng parents niya't ipinamigay kasi naramdaman nilang napakamalas niya..."
Sino pa ba ang pinag-uusapan ng mga ito? Malamang ay si
LOGAN won't let him work. Napaupo na lamang si Luke sa gilid, tinitingnan ang aligagang hitsura ng lalaki habang nag-aayos ng mga kagamitan sa kusina. Miley was assisting him. With Logan's bulky built and Miley's slender form, they created a perfect harmony.The two looked so good together that Luke can't bare to look at them straight."I'm sorry...hindi ako nakapunta kahapon. Logan, sobra itong ibinayad mo. I can't take this," sabi ni Luke. Miley snorted subalit hindi ito nagsalita.Ngumiti si Logan. Ang salamin nito sa mata ay tumabingi na dahil sa pagiging maligalig. "Treat it as your bonus.""Bonus? Ang laki noon e para mo na nga siyang binigyan ng separation pay!" Miley feigned surprise. Kumindat pa ito kay Luke bago sinabi, "He's so generous with you."'Generous?' Tumuwid ang labi ni Luke. "Oh, maraming salamat."Logan stiffened visibly. Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata bago nagpatuloy sa ginagawa. "You sound too fo
LOGAN pulled up outside Felix' house. Finding a spot for his car, he recalled the reason for this sudden visit. Gamuntik na niyang iatras ang kotse at mas piliin ang umalis. After fifteen minutes, he gave in and sluggishly went out. Hindi niya rin ito maililihim sa kaibigan. Isa pa, wala namang kakaiba sa kaniyang sasabihin. 'We're just going to talk about Luke.'Mukhang gising pa ang kaniyang kaibigan dahil bukas pa ang ilaw sa sala nito. Logan knew that after talking it out, wala siyang makukuhang matinong sagot kay Felix. Still, kailangan niya ng mapagsasabihan.Mabigat ang mga hakbang na pinuntahan ni Logan ang gate. Pipindutin na sana niya ang doorbell nang may mapansin siya.Sa hindi kalayuan ay isang kotseng paparating. Nang mahinto ito sa bahay na katabi lamang ng kay Felix, lumabas sa sasakyan ang isang lalaking kaedaran niya lamang. Nakasuot ito ng unipormeng pang pulis. Logan acknowledged the man's hanging eye bags. ‘Hindi ng
WARM hands roamed over Luke's abdomen. Halos mapahalinghing siya nang maramdaman ang paunti-unting pagbaba ng palad hanggang sa ibabaw ng kaniyang kasarinlan. The familiar scent of the man above him sent his soul overdrive. Kilalang kilala niya ito.Luke's member twitched in excitement. Ngayon lamang siya nakaramdam ng ganito. Ayaw na niya itong matapos. The hand left his body. Luke bent his waist to chase over that feeling.A wet mouth kissed his shoulder. Ang amoy ng alak at tsokolate ay nangibabaw sa gitna ng kaniyang pagkahilo. Bumuka ang labing iyon at nagsimulang umatake sa kaniyang leeg.The man mouthed his skin. Heavy and pained breath entered his ear along with the man's pleading voice saying, "Luke, baby…let me."Luke woke up with a heavy feeling inside his tight briefs. Napakasakit ng kaniyang puson. Hindi niya maipaliwanag ang matinding pagkailang na nadarama subalit alam niyang dapat maibsan iyon. He won't be able to slee
NAUNA pa si Rex kaysa kay Luke nang matapos ang kaniyang klase. Hindi niya inasahan ang pagdating ng lalaki sa Gate 2 ng kanilang campus.Dala pa nito ang kotse. Na para bang isang celebrity ang susuduin nito.Luke felt glad with Rex' attention. Tuwing nakikita niya ang maaliwalas na mukha ng lalaki ay naninibago siya. Paano siya nagawang gustuhin ng lalaking ganito ka guwapo?'I'm not deserving...' Lalo pa tuwing naaalala ang nangyari kagabi.Bumalik ang alaala ni Luke sa tahimik na pagtuturo ni Logan sa klase nila kanina. Karamihan sa mga estudyanteng babae ay hindi sa lesson nakapokus kundi sa mukha ng nagtuturo.Isa si Luke sa mga estudyanteng halo mapatulala sa guro. Maghang-mangha siya rito. Ang Logan sa kaniyang panaginip ay walang wala rito.Sa kaniyang panaginip ay walang suot na salamin sa mata. Logan without his glasses is charming, a sight refreshing for the eyes. Subalit kapag suot ang salamin sa mata? He se
"LUKE! Luke, naman!"Umigkas si Luke sa hawak ni Ethan at umiling dito. "Hindi. Tuwing nandya ka, lumalapit si Rex at nagkukunwaring may gusto sa akin kahit wala naman.""Oh?" Umingos si Ethan. "'Wag kang magkakagusto do'n. Sinungaling 'yon. Tara na.""Hindi mo ba naiintindihan ang ibig sabihin no'n, Ethan?" Hinarap ni Luke ang kaibigan at pinanlisikan ito ng mga mata."Mapagmantala sya. 'Yon." Naglapit ang kilay ni Ethan. "'Wag kang maniniwala kapag inuuto ka niya, Luke. May sa demonyo ang lalaking 'yon. Ramdam ko. Kapag nasa malapit siya nanginginig ang sikmura ko."Napahilamos ng palad si Luke. 'Ikaw naman ay manhid.'"Luke, hindi ko rin maintindihan kung bakit siya ganiyan." Huminga nang malalim si Ethan at buong kaseryosohan na nangako. "Hindi ko na siya papansinin. Kaya 'wag ka na magalit at mag-aalala pa. Hininto din siya, siguro mga next week!"Inilibot ni Luke ang tingin sa kawalan. Napapagod siyang umili
"SHE'S into cooking, kahit pa hindi naman talaga siya gifted sa aspetong iyon." Felix stared at his Momma lovingly. "Nilulunok nalang namin ang tutong niluto niyang cake na para bang cookies 'yon." Napabungisngis si Luke habang ini-imagine iyon. Mukha ngang gagawin iyon ni Felix para sa kaniyang lola. "You know, hindi ka talaga papasa bilang Logan." Naumid si Luke. Sumimangot siya na siyang dahilan kung bakit bumunghalit ng tawa si Felix. "You must take this as a compliment, Luke!" "Bakit naman?" Idinuyan ni Luke ang sarili. May maliit na playground para sa mga apo ang bahay ng lola ni Felix. Tuwing reunion at pasko ay nandito nagtitipon ang kanilang buong mag-anak. Mukhang madalas din si Logan dito dati. Sinabi kasi ni Felix na dito natutulog ang kaibigan kapag may naganap na namang gulo sa bahay nito. Nagpasalamat si Luke sa Diyos dahil may kaibigang gaya ni Felix si Logan. Kung wala ito noong panahong iyon, kanino kaya
NAKAKAPANIBAGO ang magbalik muli sa maiingay na lugar gaya ng isang bar. Para kay Luke, isang memorable na gabi ang pagkakataong ito. Ito ay mabibilang sa iilang panahon na nakapasok siya sa ganitong eksena.Mas maganda sana kung hindi siya napaggigitnaan ng dalawang lalaking nagpapalakasan ng boses sa kaniyang bawat tainga."Luke, I don't really know him. Bakit siya umaarteng ganiyan?" Rex leaned closer to him. "Order everything you like and just point me. Ako magbabayad, okay?""Luke, kita mo? Hindi niya raw alam! Anong ibinubulong-bulong mo sa kaibigan ko? Hindi ka niyan papaniwalaan dahil lang sa pera mo! Oh, dinala na kita dito para maalala mo pero nagmamaang-maangan ka parin talaga?""As I've said, I'm courting Luke. Stop being such a lunatic, Ethan.""Lunatic?" Umusok ang ilong ni Ethan. Tumayo ito mula sa pagkakalagak sa silya. "Sinabi ko na sa 'yong huwag mo akong iniingles kapag galit ako, e!"Napahilamos ng pal
MALAYONG malayo ang ipinagkaiba ng kanina lang ay party at itong pag-uusap ni Luke at Ethan. Tahimik at halos walang tao sa daan. Maagang nagsara ang club dahil may suntukan na naganap ilang minuto lang matapos lumikha si Ethan ng ingay. Rex paid for the damage Ethan has made. The guy left without a single glance at them."Ethan, gusto kong maintindihan ang lahat." Napahawak si Luke sa ulo at napailing na lamang. Tila ang dami pa niyang hindi alam sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Lahat may kaniya-kaniyang sikreto. "Totoo ba 'yong sinabi ni Rex?"Niyakap ni Ethan ang sarili at sumagot. "Oo. Totoo 'yon."Nag-init ang mga mata ni Luke. Hindi niya namalayang ito pala ang pinakamahirap na tanong sa lahat. "Nitong taon na naging magkaibigan tayo… alin doon sa mga sinabi mo ang totoo?""Luke! Luke…" Sinabunutan ni Ethan ang sarili. "Luke, hindi ko gustong magsinungaling, okay? Takot lang ako na baka talikuran mo ako oras na malaman
KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay. Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life. Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in? Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon. Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.
IT WAS a special occasion for Felix. Sa panahong gaya nito, malayo na ang inaabot niya dahil sa pamimigay ng regalo. Mawalan man ng alaala ang kaniyang Momma, hindi naman nawawala sa kanilang tradisyon ang pamimigay ng aguinaldo sa bawat malalapit na tao sa kanilang pamilya.Felix enjoyed it so much. Especially that he's a people person, and that he love kids. Siya ang nakatoka lagi na mamigay ng mga regalong ibinalot mismo ng kanilang Momma.Felix had always done this alone throughout these years. Ngunit sa taong ito, espesyal ang mangyayari dahil nariyan si Lander upang tulungan siya.Felix imagined it to be magical. Halos hindi pa nga siya makatulog dahil sa paghihintay na dumating agad ang bente-kwatro kinabukasan.Nang dumating nga ang araw na iyon, he was immensely disappointed.Nagpresinta si Lander na gamitin ang kotse nito sa paghahatid. Felix was touched. But not for long.It turns out, madaling tumirik ang sasa
LUKE decided to go inside. Hindi pamilyar sa kanya ang coffee shop na ito. Nag-excuse lamang siya sa trabaho upang sumaglit sa sinabing lugar ni Felix. Hindi niya aakalaing ganito kadilim ang loob. Si Felix siguro ang nagma-manage nitong shop. Imposibleng makapasok siya sa estadong ito nang hindi makakasuhan. Wala man lang sign ng 'open' o 'close' ang labasan. Gayunpaman, pumasok na lamang siya. The address was correct. Walang rason upang huwag siyang tumuloy. Luke eyed the interior design and approved. Welcoming ang ambience ng lugar at simple sa paningin. Iyon nga lang ay nakasara lahat ng ilaw at mukhang walang tao sa loob. Kaunti lang ang kaniyang nakikita. "Felix?" Napayakap si Luke sa sarili. Hindi kaya pinagbawalan ito ni Lander na pumunta? Hindi nabigla si Luke sa pagsasama ng dalawa subalit namamangha siya sa kakayahan ng mga itong tanggapin ang pagkakaiba ng kanilang partner. Pati ang pagiging seloso ni Lander ay
BIHIS na bihis si Luke sa modernong suot at hapit na hapit na pang-ibaba. Ngayong gabi ay magpa-party siya kasama ang iilang barkada na nakilala niya sa trabaho. This night, he's a free man willing to mingle and have a fling for a couple of hours. Luke needed this to redeem himself back. Nang marinig niya ang sinabi ni Logan ay halos gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa at huwag ng bumangon. Ngayon napagtanto niyang kailangan niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Kung hindi siya kayang mahalin ni Logan ay may ibang tao pa na kaya siyang alagaan. Hindi lang si Logan ang tao sa mundo. "Rex, nandyan na kayo?" Inipit ni Luke ang telepono sa pagitan ng leeg at balikat. "Uh, naghahanda pa ako. Be sure. Tie Ethan para hindi 'yan makawala. Baka araruhin niyan ang lahat ng tao sa daan oras na malasing." "I'll…be there alone. Tulungan n'yo akong makahanap ng partner." Isang gaybar ang kanilang pupuntahan. Nakaramdam ng k
IBINULSA ni Luke ang hawak na cell phone. Hindi niya matawagan si Ethan. Para bang iniwan siya nito bigla sa gitna ng walang katapusang push up at laps na siyang dapat nilang takbuhin. Hindi siya matingnan sa mata ni Ethan. Nauwi tuloy sa pag-iisip si Luke na baka may ginawa itong masama. Nang tanungin niya si Rex, bigla nalang humalakhak ang lalaki at sinabing wala. Mukhang nag-e-enjoy ito sa bagay na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang pinansin ni Luke ang kaniyang kaibigan. Baka kasi ay umandar na naman ang pagiging sensitibo nito. Matapos malaman ni Luke ang totoo tungkol kina Rex at Ethan, nagsimula siyang idistansya ang sarili mula sa dalawa. May pagka-sintu-sinto kasi ang mga ito. Takot si Luke na maubos ng mga ito ang tiwala niya. "Sir Felix! Sir!" sigaw ni Luke nang makita ang lalaki na naglalakad sa plaza. Mukhang may klase itong pupuntahan. Natalisod pa ito dahilan kung bakit napatigil si Luke sa pagtawag. Ba
NAHILIG si Rex sa pag-mo-mobile games nitong mga araw. Maganda iyon para kay Ethan na siyang hirap na hirap sa paghahabol sa mga lesson na kaniyang nakalimutan na. Makakapag-concentrate siya sa ginagawa nang hindi ginugulo ng kaniyang nobyo. 'Nakakainis!' Asar na tiningnan ni Ethan ang nakahilatang si Rex sa higaan nito. "Hindi ka ba talaga tutulong?" "Akala ko ba independent ka?" Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata. Umiling si Ethan bago pinandilatan siya ng mga mata. "Anong independent? Kailan ko sinabi 'yan?" "Oh, so you don't remember." Iwinakli ni Ethan ang hawak na ballpen at saka lumundag sa direksyon ng lalaki. Mabilis na gumulong si Rex palayo. Mas lalong nainis si Ethan. "Gustong gusto mo talagang inuulit-ulit 'yan?" Bumunghalit ng tawa si Rex. Tumunghay ito't nanghamon. "Why not? My boyfriend defended me in front of his parents." Sumilay ang isang ngiti sa bibig ni Ethan. Dinuro niya saglit ang lalaki
"PAANO kung hindi babagay?" Umiling si Luke at pinilit si Logan na ibalik ang hinila nitong bedsheet. "That's teal… may ganito ka bang kulay na pillowcase?""No. Baka may nakalagay d'yan. They're suppose to be a set."Sinserong tinitigan ni Logan ang bedsheet bago umiling. "No, they don't have even one. Okay, iwan na natin 'yan."Kaswal na humalakhak si Luke. Sinamahan niya sa pamimili ng gamit si Logan. Balak daw nitong bumili ng mga bagong gamit para sa kwarto. Humingi ito ng tulong kay Luke kaya naman matapos ang eskwela, nagmadali siya sa paghabol dito sa mall."You're sweating." Iniumang ni Logan ang dalang panyo. "Take a rest first. Kumain ka na ba?""Hindi pa!" Nagkibit-balikat si Luke. "Hindi pa naman ako gutom. Pagkatapos nalang mamili saka ako kakain.""Sa bahay ka na maghapunan. Nagdala ka ba ng damit?"Nag-iwas ng tingin si Luke sa implikasyon na maririnig sa boses ni Logan. "Uh, oo."Mata
WALANG humpay ang tambol sa pitso ni Luke. Hindi niya aakalain na babalik sa kaniya ang ginawa. Ang gusto niya lang sana ay bigyan ng isang halik ang lalaki bago matulog. Hindi siya handa sa posibilidad na hindi naman talaga lasing si Logan. "Stop hiding your face, Luke. Hindi 'yan ang sagot." Logan even used his stern voice. Mas gusto na lamang ni Luke na magpalamon sa lumbay at 'wag ng bumalik. "You dare kiss me, but you can't even talk to me?" "Logan!" daing ni Luke habang sinisilip ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga daliri. "Nag-so-sorry na ako, ayaw mo naman tanggapin, e." "How can I accept that? Doesn't sound sincere to me." 'Hindi sincere?' Nag-isang linya ang labi ni Luke. Iyon ay hindi naman talaga siya nagsisisi! Ginawa nito iyon sa kaniya noong isang araw nang walang pahintulot. Ngayon, kwits na sila! 'Hindi ko man lang nga ipinasok 'yong dila ko gaya nung ginawa mo!' sumbat ni Luke sa isip. 'Ako pa talaga na
HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate