Nahuli ng ilang minuto si Luke sa pagsundo sa mga bata. Marami kasi siyang tinapos sa kanilang paaralan kaya naman hindi niya namalayan ang oras. Noong matapos siya, dali-dali siyang nanakbo hanggang sa makita siya ng isa niyang kaklase at inayang isabay papunta sa eskwelahan ng mga bata.
Ginalugad ng tingin ni Luke ang gate ng eskwela bago tuluyang pumasok. Nang makitang wala ang mga bata ay saka na siya tumakbo papunta sa playground.
Si Tanya ay kanina pang natapos sa klase. Si Travis ay mayamaya pa ang labas.
"Gotcha!" tili ng isang bulilit kasabay ang pagyapos nito sa baywang ni Luke. "I caught you, kuya!"
Nakahinga siya nang maluwag. "Tanya, kumusta ang araw mo, hmn?"
Nakasuot ng mahabang palda ang batang babae. Umabot ito sa bukong bukong. Ang mahaba nitong buhok ay nakapusod. Batang bata pa man ay mukha na itong dalaga dahil sa hitsura nito. Astang college student na stressed sa gawain. "Gusto mo bang ayusan kita? Hindi pa lumalabas si Travis."
Pinalobo ng bata ang pisngi bago sumagot. "Okay! I won't promise that I'll be good in it. Ayaw ni Uncle Logan na nag-pe-pretty ako, e."
"Bakit naman?" Inalis ni Luke ang suot na jacket at ibinuklat ito sa damuhan. Pinaupo niya si Tanya rito habang siya'y umupo sa likuran ng bata. Habang hinihintay si Travis ay aayusan niya muna ito. "Dapat pretty ka kasi only girl ka namin."
"Hmn. I don't know too. Ayaw niya daw na magka-boyfriend ako." Ngumiti si Tanya. "Okay, please fix my hair then."
'Magka-boyfriend?' Halos mapahalakhak doon si Luke. 'Masyado ka pang bata para pagbawalan!' Baka nga ay hindi pa nito alam kung ano ang ibig sabihin ng pagnonobyo.
"You're pretty." Maingat na sinuklay ni Luke ang buhok ni Tanya gamit ang mga daliri. Kahit kasi suklay ay wala ang bata sa bag nito. Kakausapin niya si Logan tungkol dito. Dapat habang bata pa ay marunong ng mag-ayos ang mga ito dahil ang first impression ay matagal na tumatatak! Isa pa, dapat masanay ang mga bata na maging presentable at maayos ang pananamit. "Siguro nakuha mo 'yan sa mommy mo, ano?"
"Yes po." Nanatiling tuwid ang likod ni Tanya. Takot na maistorbo ang pag-bi-braid ni Luke. "I heard something before. Kuya Luke, ang sabi nila si Uncle Logan ay may gusto sa mommy ko."
Napamulagat si Luke dahil doon. Huminto ang mga kamay niya sa pagkilos. Kahit ang bibig niya ay nagbukas-sara at hindi alam kung ano ang sasabihin. "Sinong nagsabi sa 'yo niyan?"
Tanya smiled sheepishly. "Si Kuya Travis! Hindi siya magsisinungaling sa akin. I know what he said was real."
Tumango-tango si Luke at nakinig sa mga sinabi ni Tanya pagkatapos noon pero hindi niya naman talaga ito naisasaulo.
Si Logan ay may gusto sa ina ng mga bata?
Kung ganoon ay kaya naman pala hindi ito malapit at napakaistrikto pa kina Travis at Tanya!
Hindi man tsismoso si Luke ay napukaw ang kaniyang interes. Tungkol ito kay Logan. Dapat alam niya ang mga kahinaan nito. Ngunit tama bang pati ang bagay na ito ay pagkainteresan pa niya? Sigurado siyang pati ang mga bata ay nalilito. Mukhang matagal na nila itong kinikimkim at naghahanap ng kumpirmasyon kaya ganoon na lang ang tiwala ng mga itong sabihin iyon sa kaniya.
Puwede kayang tanungin niya si Logan tungkol dito? Tutal ay para iyon sa ikatatahimik ng mga bata.
'Ang mga bata nga kaya?' kuwestyon ni Luke sa sarili. Umiling siya at pinandilatan ng mga mata ang kalangitan. Mula noong mag-usap sila ni Logan kagabi, sa kaniyang isip ay nagbago na rin ang pananaw niya rito. Masama si Logan pero hindi sa puntong ganoon na kagrabe.
Pinalakas ni Luke ang loob at nagpasya. Tatanungin niya si Logan mamaya.
"LOGAN!" Umigkas si Felix sa bolang papel na nilukot mismo ni Logan. Humalakhak ito dahil problemado niyang ekspresyon. Sumigok-sigok pa ito bago siya binuyo. "Nako, ha, iba pakiramdam ko sa batang 'yan. I've seen him. He's hard working, fine. Pero may kutob akong medyo pusong babae 'yang si Luke."
Logan shrugged. Tumunog ang kaniyang telepono. Mabilis na sinilip ni Logan ang pangalan ng tumatawag bago diretsong pinatay iyon. 'Istorbo.'
"What? She's still coming on to you?" Ngumisi si Felix. Umiling si Logan bago humugot ng hangin. "Unfortunately," sagot niya.
"Woah!" Manghang lumapit si Felix sa kaniya. "Why not make a deal with her, then? Kung kaya niyang bantayan ang mga sisiw mo sa bahay, marry her."
Nalukot ang mukha ni Logan. "Hindi ako ganoon kababaw."
Felix rolled his eyes. "Maniniwala na sana ako diyan kung hindi mo lang ako tinawagan kagabi at inaming nagseselos ka kay Luke kasi mas gusto na siya ng mga bata." Huminto ito ng ilang segundo bago bumunghalit ng tawa. "Logan, nababaliw ka na ba? You hired him for that tapos ikaw 'tong ganiyan."
Logan kept a straight face but his gums is itching from the need to grit his teeth. "Nag-sorry ako kaagad. That shows that I'm still mature—"
"—you said sorry after I've scolded you," kastigo ni Felix, "admit it. Mali ka naman talaga kagabi."
"Fine. Mali ako kagabi." Logan eyed Felix' unfinished lunch. "Hindi binabae si Luke. He's just a sweet kid."
Naningkit ang mga mata ni Felix. "Sweet."
Kumibot ang labi ni Logan dahil sa pagkukuwestyon ni Felix. Umiling siya't ibinida si Luke upang ipakita na hindi na siya nagtatago ng sama ng loob sa lalaki. "Actually, ever since he came, naging mas tahimik na ang bahay—" 'Dahil sa kuwarto na sila nag-iingay palagi at hindi na sa sala.' "—the kids are fed in the exact time—" 'Yeah, that kid can cook. I am convinced.' "—at hindi na ako nag-aalala tuwing hapon at nasa eskwela pa sila dahil nag-te-text lagi si Luke sa akin. See? I do appreciate him."
Felix guffawed. "Logan, para ka talagang bata!"
Logan threw his hands up. Sumenyas siya na umalis na si Felix upang makapag-umpisa na siya sa kaniyang trabaho. Hindi niya gusto ang tabas ng dila nito kapag siya ang kinukutya. Lagi itong tuwang tuwa sa kaniya at nangangati na siyang bangasan ito.
Logan's phone issued an angry tone. Pinakatitigan ni Logan ang pangalan ng tumatawag bago nababagot na pinatay ito muli.
"But seriously though, Logan. My intuition never disappoints. 'Wag mo sabihing hindi mo napapansin ang kakaibang kilos ni Luke?" Felix sighed. "Either he's gay or bi."
Logan lowered his eyes. Nakaharap sa kaniya ang blankong presentation. Kumikilos ang kaniyang mga kamay ngunit walang nababago sa monitor.
Napapansin niya ang sinabi ni Felix kay Luke. Imposibleng hindi. Natutukoy niya ang interes at mga tanong sa mga mata nito. Sa katunayan ang sagot niya ay 'hindi puwede'.
Logan is a straight man. At kahit pa maging silahis siya ay hindi niya pipiliin si Luke. Si Luke ang taong bersyon ng salitang 'komplikado'.
'But those eyes are indeed worthy of attention.' Sumandal si Logan sa silya at nagpasyang sagutin ang tawag ng babaeng kanina pa tumatawag sa kaniya. Kailangan niya ng makakausap ngayong gabi upang alisin ang kaniyang pagkalito.
"Hey, baby? Salamat naman at sumagot ka na!"
Logan fixed his glasses. "Miley."
MADILIM na noong magpasyang umalis si Luke kina Logan. Nagpresinta pa ang lalaki na ihatid siya pauwi dahil wala siyang duty ngayon sa burger shop. Naging maingat siya sa bawat kilos para walang maipintas ang lalaki sa kaniya. Napansin niya sa sarili na ayaw niyang kinaiinisan siya ni Logan. He blamed himself for being sensitive ngunit hindi niya naman masabihan ang sarili na huwag itong indahin.Hindi na sinuot ni Logan ang salamin nito sa mata. Ginagamit lang nito iyon kapag nagbababad sa laptop o hindi kaya ay nagbabasa. Tuwing gabi madalas ay nagsusuot ito ng maluluwag na damit, nakatsinelas lamang at short. Madalas na abangan ni Luke ang pagbibihis nito bago siya umalis. Ang palusot niya ay babantayan niya muna ang mga bata habang nagbibihis ito. 'No. Hindi ako interesadong makita ang hulma ng katawan niya at nope, ayaw ko ring makita ang kaswal niyang mood.' Luke tightened his grip on the seatbelt, sighing noisily.Sumaglit ang mga ma
"BAKA naman kasi totoo talagang may gagawin siya—nabusy lang, Luke," agam-agam ni Ethan habang ngumunguya ng pananghalian nila. Sumubo si Luke ng kanin kasabay ang pagtango-tango rito. "Ano naman kung nangako siya sa 'yong babawi siya sa mga bata tapos one week later nganga pa rin, 'di ba? At least, nangako!"Naibuga ni Luke ang kaning nginunguya. Uubo-ubo siyang humarap kay Ethan. "Alam mo, hindi mo pinagagaan ang loob ko.""Dapat ba kitang i-comfort?" Nagkibit-balikat ito. "Busy 'yong tao. Hello, isa siya sa dalawang pinakabatang prof sa iskul. Tingin mo nakuha niya iyon nang pa-chill-chill lang?"'Tama naman,' ungot ni Luke sa isipan, 'pero nakadidismaya pa rin!' Para siyang babae na i-ni-ndian ng kaniyang asawa."Kumusta naman 'yong mga batang inaalagaan mo? Hindi naman ba pasaway?" Inabot ni Ethan ang bote ng tubig sa gilid ni Luke at tinungga iyon. "Pansin ko lagi kang tulala pero hindi naman malungkot. Blooming."Na
"EVERYTHING is ready, sweetheart?" Logan asked Tanya. Mayuming tumango ang bata dala-dala ang lollipop nito. "Ang ganda dito, Uncle!"Maingat na ibinaba ni Logan si Tanya sa buhangin. Nagtatakbo agad ito pagkatapak pa lamang. Sumunod si Travis sa kapatid nang may malalaking hakbang. "Thank you for this, Uncle Logan!""No problem, kid."Sunod ay inayos ni Logan ang mga gagamitin nila sa cottage na kaniyang pinili. Ngayon ay wala si Luke dahil may gagawin ito sa school. Siya lamang kasama ang mga bata. 'It's perfect.' Sapantaha niya ay hindi pa lumulubog ang araw, makukuha na niyang muli ang loob ng mga bata.Tanya is a softhearted kid. Mabilis niya itong mapapaamo dahil daddy's girl ito noon pa man. Ang tiyak na magpapahirap sa kaniya ay ang otso anyos na si Travis. Hindi madaling makalimot ang batang ito at kung magkimkim ng sama ng loob ay purong-puro."Travis, won't you help me set our cottage?" Ngumiti si Logan sa direk
"I'M FULL." Pinagpag ni Tanya ang nadumihang damit bago itinabi ang biskwit na hindi nito naubos. Nang makitang walang ibang lalagyan ay inabot ng bata ang kamay ni Logan upang doon ilagay ang natitirang piraso. "Yours, uncle.""Hmn." Isinubo ni Logan ang biskwit kahit ayaw niya sa lasa nito. Mamasa-masa pa ang pagkain dahil kay Tanya pero sulit naman ang kaniyang ginawa dahil tinapik-tapik siya nito sa pisngi. "Very good," sabi nito.Hinaplos ni Logan ang buhok ni Tanya. Kamukhang kamukha nito ang inang si Jasmine. Ang pabilog na hugis ng mukha nito't maninipis na kilay ay bakas ng pagiging half-Chinese ng ina. Ang nakuha nito kay Stephen ay ang kulay ng balat lamang at tuwid na buhok.Habang si Travis naman ay para bang ikalawang Stephen. Mula sa kilos, mukha pati na rin ang pananamit nito ay may bahid ng ina. 'H'wag kalimutan ang pagiging matigas ang ulo at pasaway. That's just what Stephen is,' komento ni Logan sa isip."Maggagabi
"I DON'T know why I feel this way but…" Huminga nang malalim si Travis. Maingat namang naghintay sa susunod na sasabihin nito si Luke. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na isang umiiyak na Travis sa madilim na parte ng dalampasigan ang kaniyang madaratnan. Nakakatakot.Hindi niya tuloy maiwasang hanapin si Logan at uriratin ito sa kung ano ba ang pinanggalingan ng gulong ito subalit mas mabuting pakalmahin muna si Travis bago ang lahat.Ang akala niya'y isang masayang samahan ang kaniyang makikita. Paano na lamang kung hindi siya dumating gayong hindi pa natatagpuan ni Logan si Travis? Mabuti na lamang at pumunta kaagad siya noong sabihin ni Sir Felix na kailangan niyang pumunta. Ang akala niya ay kailangan lamang ni Logan ng ekstrang kamay pantulong sa pagbubuhat at pamimili ng kung ano."…I'm jealous of Tanya."Natigilan si Luke sa hindi inaasahang sagot ni Travis. Hindi siya makaimik ng ilang seg
TINANGGAP ni Luke ang inuming ibinigay ni Logan sa kaniya. Sinubaybayan niya ang kilos ng lalaki. Mula sa kalmado nitong pag-upo sa silya hanggang sa marahang pag-inom ng alak sa harap ng kalangitang puno ng tala. Hindi na bagsak ang balikat nito. Sa katunayan ay mas naging magaan ang bawat galaw ni Logan. Wala na ang madalas na napapansin niyang bigat sa bawat hakbang nito."Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong ideya nilang may interes ako kay Jasmine kahit wala naman." Pumikit ito. "Hindi ko maintindihan.""Mga bata lang sila. Kung ano ang sabi ng matatanda, natural na papaniwalaan nila."Hinilot-hilot ni Logan ang sintido. Wala na ang salamin nito sa mata kaya doble ang lamig na nadarama ni Luke sa bawat titig nito. Nakasuot ng simpleng t-shirt at pajama si Logan. Gayunpaman ay hindi nababawasan ang sinsero nitong awra. Ang intense pa rin nito kahit anong gawin."Tingin mo, anong mainam na gawin?"Sinimsim ni Luke ang mapait n
"Thank you so much, Luke," mayuming inipit ni Miley ang tikwas ng buhok sa likod ng tainga habang sinusubuan si Tanya. "Baby, you eat so well. Ang cute mo!""Thank you." Tuwid na nakaupo ang batang babae, pinipilit gayahin ang postura ni Miley. May paghanga sa mga mata nito habang tinitingnan ang nobya ni Logan. Hindi maiwasan ni Luke ang mapangiti. "Walang anuman," aniya kay Miley, "babysitter lang ako ng mga bata."Miley hummed. Nagugustuhan na ni Luke ang maamo nitong pagkilos. Kung ito ang makakatuluyan ni Logan, mapapalagay siya at hindi na mag-iimbot. 'Hindi na. Magseselos na lang.'Mayamaya pa, narinig ni Luke ang maingay na pagtama ng isang pinggan sa babasagin niyang baso. Natahimik ang kanilang mesa. Pati ang maingay na pagnguya ni Travis ay huminto pansamantala.Lumingon si Luke kay Logan. Ito ang may gawa ng ingay. Iniuumang nito ang isang plato ng itlog. Kitang kita pa rin ang ngiwi nito sa bawat pagkilos dahil sa hangover. Hi
MATAPOS mag-almusal, naunang bumaba sina Luke at Logan upang ikarga ang mga dinalang gamit sa kotse. Mukhang sasabay sa kanila si Miley at sa isang hindi matukoy na dahilan, may dala itong maraming bagahe. May hinuha si Luke sa kung ano ang posibleng balak nito. Habang ginugugol ang tahimik na sandali sa pag-iisip ng maaaring dahilan nito, hindi niya napigilan ang unti-unting pagsikip ng kaniyang lalamunan.Paanong sa kaunting panahon ay ganito na lang siya kung magdamdam kay Logan?Nasusuklam na pinanood niya ang pagbinat ng balikat nito habang inaayos ang pagkakahanay ng mga gamit sa likuran ng sasakyan.Hindi si Logan ang tipo ng lalaki na maraming pandesal sa tiyan at mabato ang braso. Subalit hindi rin ito iyong tipo na may malaking bilbil. May hulma ang tiyan ni Logan, alam na alam iyon ni Luke. Hindi iyon gaanong pormado subalit sa laki ng katawan nito at tangkad, alam niyang hindi basta-basta ang lakas nito.Kaya siya nitong ibalib
KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay. Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life. Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in? Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon. Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.
IT WAS a special occasion for Felix. Sa panahong gaya nito, malayo na ang inaabot niya dahil sa pamimigay ng regalo. Mawalan man ng alaala ang kaniyang Momma, hindi naman nawawala sa kanilang tradisyon ang pamimigay ng aguinaldo sa bawat malalapit na tao sa kanilang pamilya.Felix enjoyed it so much. Especially that he's a people person, and that he love kids. Siya ang nakatoka lagi na mamigay ng mga regalong ibinalot mismo ng kanilang Momma.Felix had always done this alone throughout these years. Ngunit sa taong ito, espesyal ang mangyayari dahil nariyan si Lander upang tulungan siya.Felix imagined it to be magical. Halos hindi pa nga siya makatulog dahil sa paghihintay na dumating agad ang bente-kwatro kinabukasan.Nang dumating nga ang araw na iyon, he was immensely disappointed.Nagpresinta si Lander na gamitin ang kotse nito sa paghahatid. Felix was touched. But not for long.It turns out, madaling tumirik ang sasa
LUKE decided to go inside. Hindi pamilyar sa kanya ang coffee shop na ito. Nag-excuse lamang siya sa trabaho upang sumaglit sa sinabing lugar ni Felix. Hindi niya aakalaing ganito kadilim ang loob. Si Felix siguro ang nagma-manage nitong shop. Imposibleng makapasok siya sa estadong ito nang hindi makakasuhan. Wala man lang sign ng 'open' o 'close' ang labasan. Gayunpaman, pumasok na lamang siya. The address was correct. Walang rason upang huwag siyang tumuloy. Luke eyed the interior design and approved. Welcoming ang ambience ng lugar at simple sa paningin. Iyon nga lang ay nakasara lahat ng ilaw at mukhang walang tao sa loob. Kaunti lang ang kaniyang nakikita. "Felix?" Napayakap si Luke sa sarili. Hindi kaya pinagbawalan ito ni Lander na pumunta? Hindi nabigla si Luke sa pagsasama ng dalawa subalit namamangha siya sa kakayahan ng mga itong tanggapin ang pagkakaiba ng kanilang partner. Pati ang pagiging seloso ni Lander ay
BIHIS na bihis si Luke sa modernong suot at hapit na hapit na pang-ibaba. Ngayong gabi ay magpa-party siya kasama ang iilang barkada na nakilala niya sa trabaho. This night, he's a free man willing to mingle and have a fling for a couple of hours. Luke needed this to redeem himself back. Nang marinig niya ang sinabi ni Logan ay halos gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa at huwag ng bumangon. Ngayon napagtanto niyang kailangan niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Kung hindi siya kayang mahalin ni Logan ay may ibang tao pa na kaya siyang alagaan. Hindi lang si Logan ang tao sa mundo. "Rex, nandyan na kayo?" Inipit ni Luke ang telepono sa pagitan ng leeg at balikat. "Uh, naghahanda pa ako. Be sure. Tie Ethan para hindi 'yan makawala. Baka araruhin niyan ang lahat ng tao sa daan oras na malasing." "I'll…be there alone. Tulungan n'yo akong makahanap ng partner." Isang gaybar ang kanilang pupuntahan. Nakaramdam ng k
IBINULSA ni Luke ang hawak na cell phone. Hindi niya matawagan si Ethan. Para bang iniwan siya nito bigla sa gitna ng walang katapusang push up at laps na siyang dapat nilang takbuhin. Hindi siya matingnan sa mata ni Ethan. Nauwi tuloy sa pag-iisip si Luke na baka may ginawa itong masama. Nang tanungin niya si Rex, bigla nalang humalakhak ang lalaki at sinabing wala. Mukhang nag-e-enjoy ito sa bagay na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang pinansin ni Luke ang kaniyang kaibigan. Baka kasi ay umandar na naman ang pagiging sensitibo nito. Matapos malaman ni Luke ang totoo tungkol kina Rex at Ethan, nagsimula siyang idistansya ang sarili mula sa dalawa. May pagka-sintu-sinto kasi ang mga ito. Takot si Luke na maubos ng mga ito ang tiwala niya. "Sir Felix! Sir!" sigaw ni Luke nang makita ang lalaki na naglalakad sa plaza. Mukhang may klase itong pupuntahan. Natalisod pa ito dahilan kung bakit napatigil si Luke sa pagtawag. Ba
NAHILIG si Rex sa pag-mo-mobile games nitong mga araw. Maganda iyon para kay Ethan na siyang hirap na hirap sa paghahabol sa mga lesson na kaniyang nakalimutan na. Makakapag-concentrate siya sa ginagawa nang hindi ginugulo ng kaniyang nobyo. 'Nakakainis!' Asar na tiningnan ni Ethan ang nakahilatang si Rex sa higaan nito. "Hindi ka ba talaga tutulong?" "Akala ko ba independent ka?" Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata. Umiling si Ethan bago pinandilatan siya ng mga mata. "Anong independent? Kailan ko sinabi 'yan?" "Oh, so you don't remember." Iwinakli ni Ethan ang hawak na ballpen at saka lumundag sa direksyon ng lalaki. Mabilis na gumulong si Rex palayo. Mas lalong nainis si Ethan. "Gustong gusto mo talagang inuulit-ulit 'yan?" Bumunghalit ng tawa si Rex. Tumunghay ito't nanghamon. "Why not? My boyfriend defended me in front of his parents." Sumilay ang isang ngiti sa bibig ni Ethan. Dinuro niya saglit ang lalaki
"PAANO kung hindi babagay?" Umiling si Luke at pinilit si Logan na ibalik ang hinila nitong bedsheet. "That's teal… may ganito ka bang kulay na pillowcase?""No. Baka may nakalagay d'yan. They're suppose to be a set."Sinserong tinitigan ni Logan ang bedsheet bago umiling. "No, they don't have even one. Okay, iwan na natin 'yan."Kaswal na humalakhak si Luke. Sinamahan niya sa pamimili ng gamit si Logan. Balak daw nitong bumili ng mga bagong gamit para sa kwarto. Humingi ito ng tulong kay Luke kaya naman matapos ang eskwela, nagmadali siya sa paghabol dito sa mall."You're sweating." Iniumang ni Logan ang dalang panyo. "Take a rest first. Kumain ka na ba?""Hindi pa!" Nagkibit-balikat si Luke. "Hindi pa naman ako gutom. Pagkatapos nalang mamili saka ako kakain.""Sa bahay ka na maghapunan. Nagdala ka ba ng damit?"Nag-iwas ng tingin si Luke sa implikasyon na maririnig sa boses ni Logan. "Uh, oo."Mata
WALANG humpay ang tambol sa pitso ni Luke. Hindi niya aakalain na babalik sa kaniya ang ginawa. Ang gusto niya lang sana ay bigyan ng isang halik ang lalaki bago matulog. Hindi siya handa sa posibilidad na hindi naman talaga lasing si Logan. "Stop hiding your face, Luke. Hindi 'yan ang sagot." Logan even used his stern voice. Mas gusto na lamang ni Luke na magpalamon sa lumbay at 'wag ng bumalik. "You dare kiss me, but you can't even talk to me?" "Logan!" daing ni Luke habang sinisilip ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga daliri. "Nag-so-sorry na ako, ayaw mo naman tanggapin, e." "How can I accept that? Doesn't sound sincere to me." 'Hindi sincere?' Nag-isang linya ang labi ni Luke. Iyon ay hindi naman talaga siya nagsisisi! Ginawa nito iyon sa kaniya noong isang araw nang walang pahintulot. Ngayon, kwits na sila! 'Hindi ko man lang nga ipinasok 'yong dila ko gaya nung ginawa mo!' sumbat ni Luke sa isip. 'Ako pa talaga na
HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate