Ibinaba ni Logan ang librong hawak. Tinitigan niya ang estudyanteng nagsusumamo ngayon sa kaniyang opisina bago nagsalita, "Tatlong araw kang hindi pumasok sa klase ko, Mr. Delos Reyes. Tatlong quizzes din ang hindi mo nasagutan noong kamakailan lang. Ngayon tatanungin kita, nasa'n ka no'ng mga araw na `yon?"
"Pero, sir. Nagbigay naman po ako ng excuse letter—"
"Hindi ito highschool. Hindi ka na rin bata. Maraming araw na puwedeng pumunta ka sa akin at mag-request na mag-take ng quiz pero hindi mo ginawa." Hinilot ni Logan ang kumikirot na sintido. "Stop wasting my time, Mr. Delos Reyes. Hintayin mo ang announcement ko sa inyo."
Bagsak ang mga balikat na umalis ang estudyante ni Logan. Nakahinga siya nang maluwag. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling huwag mag-alala sa kalagayan ng mga bata ngayon.
'Come on, there's Luke. Hindi niya ipapahamak ang mga bata.'
"Oy, Logan!" bulyaw ni Felix, "Dude, kay aga pa nag-iinit na 'yang ulo mo. Akala ko ba nakakuha ka na ng babysitter?"
"Hmn," sagot niya, "Luke is with the kids right now."
Umupo si Felix sa corner nito bago humarap sa kaniya. Ngumisi ito kaunti bago nag-angat ng kilay. "Luke? Sounds familiar ang pangalan na 'yon, ah."
"Huh, of course it's familiar." Tumingala si Logan at inihilig ang sarili sa recliner. "Siya na lang ang naiwan do'n sa pamilya ng lalaking nakabangga kay Stephen."
Hindi parin mawala sa kaniyang isip at puso ang poot tuwing naaalala ang malagim na pagkawala ng kaniyang kapatid. Isang nagmamanehong lasing ang kumitil sa buhay nito. Sa kasalukuyan ay naiwan ang mga anak nito sa kaniya dahil matagal na rin mula noong mamatay ang asawa ni Stephen nang panganganak nito kay Tanya.
Hindi pa naka-move on si Travis sa pagkawala ng ina nito, mabilis namang sumunod ang kanilang ama.
Hindi makatarungan para sa mga bata. Hindi rin makatarungan para sa kaniya.
"What?" gulantang na ani Felix, "Paano ka napapalagay d'yan? Paano kung may gawin 'yon sa mga bata?"
"He won't." Nagmulat si Logan. "Hindi niya kapatid ang lalaking nakabangga kay Stephen. They're not his biological family. Ampon siya ng pamilyang iyon. And if his head is thinking straight, he should be guilty. Bayad na sila sa perang ipinangako nila pero hindi sa buhay ng kapatid ko."
"Wait, siya na lang mag-isa, 'di ba? Paano niya nabayaran ang ganoon kalaking pera?"
"He didn't." Nagkibit-balikat si Logan. "Ang mga magulang niya ang nagbayad ng lahat. Ibinenta nito ang lahat ng puwede nilang ibenta at nangutang sa kung saan-saan. The last time I heard, namatay ang mga magulang ng killer dahil sa pagbabayad ng utang."
Ilang segundong nanahimik si Felix. Ang tanyag na guro sa department nila ngayon ay gulong-gulo sa isang simpleng eksplanasyon. Sa huli ay napakagat-labi ito. "Logan, I don't know but…naaawa ako sa kaniya, ha. Hindi ko pa siya nakikita pero awang-awa na ako sa kaniya."
Kumislap ang mga mata ni Logan. 'Hindi mo na siya kailangang makita.' Napailing siya habang inaalala ang nawawalang ekspresyon ni Luke pati na rin ang panginginig ng mga daliri nito sa kamay habang siya ay kinakausap. "Naiinis pa rin ako kapag nakikita ko siya."
Napapalatak si Felix. "Alam ko ang pinanggagalingan mo pero…he's just a kid."
Napaingos si Logan. "He's twenty-two years old. Hindi na siya bata. Kung may kawawa man dito, ang mga pamangkin ko 'yon."
'Twenty-two years old ngunit namimitas pa rin sa hardin ng iba!' Logan winced.
"They have you. 'Yong Luke, itinatawid no'n ang sarili niya."
'I get it.' Nadadala man siya ng galit ay hindi niya maitatangging napakabata pa nga ni Luke. Ang kilos nito, pananamit at pakikipag-usap ay napakahilaw pa sa paningin ni Logan. Kaya naman nagdadalawang isip pa siya kung talaga bang kaya nitong maiwan kasama ang mga bata.
Nag-usap na sila na i-mo-monitor niya ito ng ilang araw upang pakiramdaman ang kilos nito. Kung maayos ay tatanggapin niya si Luke, kung hindi ay mabilis niya itong paaalisin.
Magmatigas man siya, may parte sa kaloob-looban niya na umaasang sana hindi pumalpak ang lalaki. Kung saan nanggagaling ang tiwalang ibinibigay niya para dito ay hindi niya alam.
Sa totoo lang ay nauubos na rin ang kaniyang pasensya kay Travis at Tanya. Parehong makukulit ang mga ito at madalas ay hindi siya pinakikinggan kung nagpapasaway. Hindi niya makasundo ang mga ito and that's not good. Kailangan niyang makuha agad ang loob ng mga bata. Kahit pa naninibago siya sa takbo ng kaniyang buhay ngayon.
He's not ready for it—he's not ready for them. Biglaan din ang lahat ng ito para sa kaniya.
Matapos ang mahabang araw na iginugol niya sa pagtuturo ay sa wakas nakauwi rin siya. Lulan ng kotse, iniisip ni Logan kung saan maaaring pumili ng kanilang ipanghahapunan. He will invite that kid, Luke, to dinner. Ang alam niya ay sa gabi pa naman ang shift nito sa isa pang trabaho. Iyan ay kung maayos ang hitsura ng bahay sa ngayon.
He dialed Luke's number. The screen flashed for a few times. Habang tumatagal ang pag-ring ay nakakaramdam siya ng kaba. May nangyari kaya sa mga bata?
"Hello!" bungad ng isang hinihingal na tinig, "Sir Logan? Naglalaro ang mga bata."
Logan hummed. Pinigilan niya ang sariling pagbawalan si Luke na tawagin siyang Sir. Masyadong pormal ang tawag na iyon. "Pauwi na 'ko. Nagdala ako ng hapunan—"
"—nagluto na 'ko." Bumagal kaagad na pagsasalita ni Luke. "I mean, nakapagluto na po ako, sir."
'He's trying hard.' Napailing si Logan sa asta nito. "Huwag mo na ako tawaging sir. So, you cooked dinner. Alam mo bang allergic si Tanya sa nuts. Hindi rin puwede si Travis sa—"
"—talong dahil ayaw niya sa lasa nito. Noted. Tinanong ko na ang mga bata bago ako naghanda...uhm, sir."
Hindi mapigilan ni Logan ang pag-awang ng kaniyang labi dahil sa pagkamangha. Ilang segundo siyang napatitig sa telepono bago tumikhim.
"Ah, if that's the case—"
"Kuya Luke, tara! Tara!" Narinig ni Logan ang manipis na boses ni Tanya. "Let's play na po."
Namilog ang mga mata ni Logan. Nag-opo si Tanya kay Luke! Sa taong bago pa lamang nito nakilala!
"Last game, Kuya Luke, tapos we will eat dinner na."
Nabitiwan ni Logan ang telepono dahil sa sinabi ni Travis. Kaagad niyang pinulot ang cell phone at idiniin iyon sa kaniyang tainga.
"—Sir, sige ho. Mag-usap na lang ho tayo mamaya pagdating ninyo."
Humigpit ang hawak ni Logan sa teleponong hawak kasabay ng pagkaputol ng linya. Hindi maipaliwanag na inggit ang nadarama niya sa ngayon. Imbes matuwa dahil mukhang nakuha na ni Luke ang loob ng kaniyang mga pamangkin ay naiinis siya dahil sa inggit.
Bakit hindi ganoon kung kumausap sa kaniya ang mga bata?
Binilisan ni Logan ang takbo ng kaniyang kotse. Sa ngayon ay gusto niyang makita ang sitwasyon sa kanilang tahanan.
Ang unang nakaagaw ng atensyon ni Logan noong siya ay dumating ay ang supot ng basurang nasa gilid ng gate. Nakalimutan niya itong ilabas kagabi dahil sa pagod. Mukhang inilabas ito ni Luke ngayon.
Mas tumindi ang emosyon sa sikmura ni Logan.
Alam ni Logan na kakaiba na at hindi normal ang kaniyang reaksyon sa mga nangyayari ngunit hindi niya mapigilan ang sarili. Mula noong bata pa siya ay lagi siyang nagpaparaya para sa kaniyang kapatid. Noong magkaroon siya ng wisyo, ipinangako niyang hindi na siya magpapakamartir ulit. Matututo siyang makipaglaban para sa bagay na tingin niya ay kaniya.
Dahil sa kapatid ng Luke na iyon, nawala ang kaniyang kapatid. He is now saddled with two hard-headed kids. Left with no time nor patience to start a life of his own!
Mabigat ang balikat na pumasok sa kabahayan si Logan. He heard a laugh coming from the sala. Isang tawang malaya at napakagaan. Sinundan iyon ng mga hagikhik galing sa mga bata. Nagtungo siya roon.
"Tanya, tama na!"
"Kuya Luke, gulong ka pa." Sumimangot si Travis. "You said you'll play as the catterpillar!"
"A pink catterpillar..." Tanya sighed dreamily.
Ilang segundong pumikit si Luke bago bumigay sa gusto ng mga bata. Nagmukha itong palaman sa loob ng nirolyong bedsheet ni Tanya. "Is this okay?"
"Isang gulong pa!"
Logan blinked. "What's happening?"
Kaagad na nagsilayuan ang tatlo sa isa't isa. Pinilit ni Luke na tumayo subalit bumagsak parin ito sa semento. "Uh, sir. Good evening."
Nasapo ni Logan ang noo. "Luke, I hired you to take care of the kids…"
Madapa-dapang humarap si Luke sa kaniya. "Sir Logan, ginawa ko naman ho, e—"
Umiling si Logan. "Umayos ka. Pumunta ka sa opisina ko. We'll talk."
"Uncle Logan!"
"Stop, Travis," saway ni Logan.
Natigilan ang bata sa istrikto niyang tono. Nag-iwas ito ng tingin at hinila ang nakababatang kapatid palayo. Umingos ito sa kaniya. "I just wanted to greet you. Fine, I won't anymore."
Napasinghap si Logan dahil doon. "Wait, Travis. Come here."
"Nah, you're busy," bulong nito habang papalayo, "always busy."
Ilang beses na napakurap si Logan. Naningkit ang kaniyang mga mata. Naiinis na ibinaling niya iyon kay Luke. "Kasalanan mo 'to," buong diin na sabi niya.
Looks like he won't see this kid anymore after this night.
'ILANG hakbang na lang…' Naihilig ni Luke ang noo sa malamig na poste. Inilibot niya ang tingin sa tahimik na kalsada bago nagpasyang magpatuloy. Kauuwi niya lamang galing sa burger shop at napagtanto niyang sa mga buwang nagdaan, ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng pagod. Naiinis siya.Gusto niyang humanap ng makakaaway ngayon upang may patunayan. Subalit sino nga ba ang gusto niyang pakitaan ng gilas?Si Logan Caraig.Hindi niya nagustuhan ang mapang-akusang titig ng malalamig nitong mga mata sa kaniya. Ang lalaking iyon, kaya siguro nitong gawing yelo ang isang tao gamit lang ang mariing paninitig. Sigurado siyang naramdaman nito ang panginginig ng kaniyang kalamnan dahil sa kaba.Umuwi ang lalaki nang pagod at halatang may iniinda. Hindi man nakakunot ang noo nito ay may awrang bumabalot kay Logan na nagsasabing huwag itong lapitan.Naging masyado itong istrikto sa mga pamangkin kanina! Kahit ang batang s
"LUKE, you in?" Hinihingal na idiniin ni Luke ang telepono sa kaniyang tainga. Sumagot siya sa kaklase bago tuluyang ibinaba ang tawag. "Sige. No problem."Nahuli ng ilang minuto si Luke sa pagsundo sa mga bata. Marami kasi siyang tinapos sa kanilang paaralan kaya naman hindi niya namalayan ang oras. Noong matapos siya, dali-dali siyang nanakbo hanggang sa makita siya ng isa niyang kaklase at inayang isabay papunta sa eskwelahan ng mga bata.Ginalugad ng tingin ni Luke ang gate ng eskwela bago tuluyang pumasok. Nang makitang wala ang mga bata ay saka na siya tumakbo papunta sa playground.Si Tanya ay kanina pang natapos sa klase. Si Travis ay mayamaya pa ang labas."Gotcha!" tili ng isang bulilit kasabay ang pagyapos nito sa baywang ni Luke. "I caught you, kuya!"Nakahinga siya nang maluwag. "Tanya, kumusta ang araw mo, hmn?"Nakasuot ng mahabang palda ang batang babae. Umabot ito sa bukong bukong. Ang mahaba nitong buhok a
MADILIM na noong magpasyang umalis si Luke kina Logan. Nagpresinta pa ang lalaki na ihatid siya pauwi dahil wala siyang duty ngayon sa burger shop. Naging maingat siya sa bawat kilos para walang maipintas ang lalaki sa kaniya. Napansin niya sa sarili na ayaw niyang kinaiinisan siya ni Logan. He blamed himself for being sensitive ngunit hindi niya naman masabihan ang sarili na huwag itong indahin.Hindi na sinuot ni Logan ang salamin nito sa mata. Ginagamit lang nito iyon kapag nagbababad sa laptop o hindi kaya ay nagbabasa. Tuwing gabi madalas ay nagsusuot ito ng maluluwag na damit, nakatsinelas lamang at short. Madalas na abangan ni Luke ang pagbibihis nito bago siya umalis. Ang palusot niya ay babantayan niya muna ang mga bata habang nagbibihis ito. 'No. Hindi ako interesadong makita ang hulma ng katawan niya at nope, ayaw ko ring makita ang kaswal niyang mood.' Luke tightened his grip on the seatbelt, sighing noisily.Sumaglit ang mga ma
"BAKA naman kasi totoo talagang may gagawin siya—nabusy lang, Luke," agam-agam ni Ethan habang ngumunguya ng pananghalian nila. Sumubo si Luke ng kanin kasabay ang pagtango-tango rito. "Ano naman kung nangako siya sa 'yong babawi siya sa mga bata tapos one week later nganga pa rin, 'di ba? At least, nangako!"Naibuga ni Luke ang kaning nginunguya. Uubo-ubo siyang humarap kay Ethan. "Alam mo, hindi mo pinagagaan ang loob ko.""Dapat ba kitang i-comfort?" Nagkibit-balikat ito. "Busy 'yong tao. Hello, isa siya sa dalawang pinakabatang prof sa iskul. Tingin mo nakuha niya iyon nang pa-chill-chill lang?"'Tama naman,' ungot ni Luke sa isipan, 'pero nakadidismaya pa rin!' Para siyang babae na i-ni-ndian ng kaniyang asawa."Kumusta naman 'yong mga batang inaalagaan mo? Hindi naman ba pasaway?" Inabot ni Ethan ang bote ng tubig sa gilid ni Luke at tinungga iyon. "Pansin ko lagi kang tulala pero hindi naman malungkot. Blooming."Na
"EVERYTHING is ready, sweetheart?" Logan asked Tanya. Mayuming tumango ang bata dala-dala ang lollipop nito. "Ang ganda dito, Uncle!"Maingat na ibinaba ni Logan si Tanya sa buhangin. Nagtatakbo agad ito pagkatapak pa lamang. Sumunod si Travis sa kapatid nang may malalaking hakbang. "Thank you for this, Uncle Logan!""No problem, kid."Sunod ay inayos ni Logan ang mga gagamitin nila sa cottage na kaniyang pinili. Ngayon ay wala si Luke dahil may gagawin ito sa school. Siya lamang kasama ang mga bata. 'It's perfect.' Sapantaha niya ay hindi pa lumulubog ang araw, makukuha na niyang muli ang loob ng mga bata.Tanya is a softhearted kid. Mabilis niya itong mapapaamo dahil daddy's girl ito noon pa man. Ang tiyak na magpapahirap sa kaniya ay ang otso anyos na si Travis. Hindi madaling makalimot ang batang ito at kung magkimkim ng sama ng loob ay purong-puro."Travis, won't you help me set our cottage?" Ngumiti si Logan sa direk
"I'M FULL." Pinagpag ni Tanya ang nadumihang damit bago itinabi ang biskwit na hindi nito naubos. Nang makitang walang ibang lalagyan ay inabot ng bata ang kamay ni Logan upang doon ilagay ang natitirang piraso. "Yours, uncle.""Hmn." Isinubo ni Logan ang biskwit kahit ayaw niya sa lasa nito. Mamasa-masa pa ang pagkain dahil kay Tanya pero sulit naman ang kaniyang ginawa dahil tinapik-tapik siya nito sa pisngi. "Very good," sabi nito.Hinaplos ni Logan ang buhok ni Tanya. Kamukhang kamukha nito ang inang si Jasmine. Ang pabilog na hugis ng mukha nito't maninipis na kilay ay bakas ng pagiging half-Chinese ng ina. Ang nakuha nito kay Stephen ay ang kulay ng balat lamang at tuwid na buhok.Habang si Travis naman ay para bang ikalawang Stephen. Mula sa kilos, mukha pati na rin ang pananamit nito ay may bahid ng ina. 'H'wag kalimutan ang pagiging matigas ang ulo at pasaway. That's just what Stephen is,' komento ni Logan sa isip."Maggagabi
"I DON'T know why I feel this way but…" Huminga nang malalim si Travis. Maingat namang naghintay sa susunod na sasabihin nito si Luke. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na isang umiiyak na Travis sa madilim na parte ng dalampasigan ang kaniyang madaratnan. Nakakatakot.Hindi niya tuloy maiwasang hanapin si Logan at uriratin ito sa kung ano ba ang pinanggalingan ng gulong ito subalit mas mabuting pakalmahin muna si Travis bago ang lahat.Ang akala niya'y isang masayang samahan ang kaniyang makikita. Paano na lamang kung hindi siya dumating gayong hindi pa natatagpuan ni Logan si Travis? Mabuti na lamang at pumunta kaagad siya noong sabihin ni Sir Felix na kailangan niyang pumunta. Ang akala niya ay kailangan lamang ni Logan ng ekstrang kamay pantulong sa pagbubuhat at pamimili ng kung ano."…I'm jealous of Tanya."Natigilan si Luke sa hindi inaasahang sagot ni Travis. Hindi siya makaimik ng ilang seg
TINANGGAP ni Luke ang inuming ibinigay ni Logan sa kaniya. Sinubaybayan niya ang kilos ng lalaki. Mula sa kalmado nitong pag-upo sa silya hanggang sa marahang pag-inom ng alak sa harap ng kalangitang puno ng tala. Hindi na bagsak ang balikat nito. Sa katunayan ay mas naging magaan ang bawat galaw ni Logan. Wala na ang madalas na napapansin niyang bigat sa bawat hakbang nito."Hindi ko alam kung sa'n nanggaling 'yong ideya nilang may interes ako kay Jasmine kahit wala naman." Pumikit ito. "Hindi ko maintindihan.""Mga bata lang sila. Kung ano ang sabi ng matatanda, natural na papaniwalaan nila."Hinilot-hilot ni Logan ang sintido. Wala na ang salamin nito sa mata kaya doble ang lamig na nadarama ni Luke sa bawat titig nito. Nakasuot ng simpleng t-shirt at pajama si Logan. Gayunpaman ay hindi nababawasan ang sinsero nitong awra. Ang intense pa rin nito kahit anong gawin."Tingin mo, anong mainam na gawin?"Sinimsim ni Luke ang mapait n
KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay. Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life. Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in? Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon. Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.
IT WAS a special occasion for Felix. Sa panahong gaya nito, malayo na ang inaabot niya dahil sa pamimigay ng regalo. Mawalan man ng alaala ang kaniyang Momma, hindi naman nawawala sa kanilang tradisyon ang pamimigay ng aguinaldo sa bawat malalapit na tao sa kanilang pamilya.Felix enjoyed it so much. Especially that he's a people person, and that he love kids. Siya ang nakatoka lagi na mamigay ng mga regalong ibinalot mismo ng kanilang Momma.Felix had always done this alone throughout these years. Ngunit sa taong ito, espesyal ang mangyayari dahil nariyan si Lander upang tulungan siya.Felix imagined it to be magical. Halos hindi pa nga siya makatulog dahil sa paghihintay na dumating agad ang bente-kwatro kinabukasan.Nang dumating nga ang araw na iyon, he was immensely disappointed.Nagpresinta si Lander na gamitin ang kotse nito sa paghahatid. Felix was touched. But not for long.It turns out, madaling tumirik ang sasa
LUKE decided to go inside. Hindi pamilyar sa kanya ang coffee shop na ito. Nag-excuse lamang siya sa trabaho upang sumaglit sa sinabing lugar ni Felix. Hindi niya aakalaing ganito kadilim ang loob. Si Felix siguro ang nagma-manage nitong shop. Imposibleng makapasok siya sa estadong ito nang hindi makakasuhan. Wala man lang sign ng 'open' o 'close' ang labasan. Gayunpaman, pumasok na lamang siya. The address was correct. Walang rason upang huwag siyang tumuloy. Luke eyed the interior design and approved. Welcoming ang ambience ng lugar at simple sa paningin. Iyon nga lang ay nakasara lahat ng ilaw at mukhang walang tao sa loob. Kaunti lang ang kaniyang nakikita. "Felix?" Napayakap si Luke sa sarili. Hindi kaya pinagbawalan ito ni Lander na pumunta? Hindi nabigla si Luke sa pagsasama ng dalawa subalit namamangha siya sa kakayahan ng mga itong tanggapin ang pagkakaiba ng kanilang partner. Pati ang pagiging seloso ni Lander ay
BIHIS na bihis si Luke sa modernong suot at hapit na hapit na pang-ibaba. Ngayong gabi ay magpa-party siya kasama ang iilang barkada na nakilala niya sa trabaho. This night, he's a free man willing to mingle and have a fling for a couple of hours. Luke needed this to redeem himself back. Nang marinig niya ang sinabi ni Logan ay halos gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa at huwag ng bumangon. Ngayon napagtanto niyang kailangan niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Kung hindi siya kayang mahalin ni Logan ay may ibang tao pa na kaya siyang alagaan. Hindi lang si Logan ang tao sa mundo. "Rex, nandyan na kayo?" Inipit ni Luke ang telepono sa pagitan ng leeg at balikat. "Uh, naghahanda pa ako. Be sure. Tie Ethan para hindi 'yan makawala. Baka araruhin niyan ang lahat ng tao sa daan oras na malasing." "I'll…be there alone. Tulungan n'yo akong makahanap ng partner." Isang gaybar ang kanilang pupuntahan. Nakaramdam ng k
IBINULSA ni Luke ang hawak na cell phone. Hindi niya matawagan si Ethan. Para bang iniwan siya nito bigla sa gitna ng walang katapusang push up at laps na siyang dapat nilang takbuhin. Hindi siya matingnan sa mata ni Ethan. Nauwi tuloy sa pag-iisip si Luke na baka may ginawa itong masama. Nang tanungin niya si Rex, bigla nalang humalakhak ang lalaki at sinabing wala. Mukhang nag-e-enjoy ito sa bagay na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang pinansin ni Luke ang kaniyang kaibigan. Baka kasi ay umandar na naman ang pagiging sensitibo nito. Matapos malaman ni Luke ang totoo tungkol kina Rex at Ethan, nagsimula siyang idistansya ang sarili mula sa dalawa. May pagka-sintu-sinto kasi ang mga ito. Takot si Luke na maubos ng mga ito ang tiwala niya. "Sir Felix! Sir!" sigaw ni Luke nang makita ang lalaki na naglalakad sa plaza. Mukhang may klase itong pupuntahan. Natalisod pa ito dahilan kung bakit napatigil si Luke sa pagtawag. Ba
NAHILIG si Rex sa pag-mo-mobile games nitong mga araw. Maganda iyon para kay Ethan na siyang hirap na hirap sa paghahabol sa mga lesson na kaniyang nakalimutan na. Makakapag-concentrate siya sa ginagawa nang hindi ginugulo ng kaniyang nobyo. 'Nakakainis!' Asar na tiningnan ni Ethan ang nakahilatang si Rex sa higaan nito. "Hindi ka ba talaga tutulong?" "Akala ko ba independent ka?" Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata. Umiling si Ethan bago pinandilatan siya ng mga mata. "Anong independent? Kailan ko sinabi 'yan?" "Oh, so you don't remember." Iwinakli ni Ethan ang hawak na ballpen at saka lumundag sa direksyon ng lalaki. Mabilis na gumulong si Rex palayo. Mas lalong nainis si Ethan. "Gustong gusto mo talagang inuulit-ulit 'yan?" Bumunghalit ng tawa si Rex. Tumunghay ito't nanghamon. "Why not? My boyfriend defended me in front of his parents." Sumilay ang isang ngiti sa bibig ni Ethan. Dinuro niya saglit ang lalaki
"PAANO kung hindi babagay?" Umiling si Luke at pinilit si Logan na ibalik ang hinila nitong bedsheet. "That's teal… may ganito ka bang kulay na pillowcase?""No. Baka may nakalagay d'yan. They're suppose to be a set."Sinserong tinitigan ni Logan ang bedsheet bago umiling. "No, they don't have even one. Okay, iwan na natin 'yan."Kaswal na humalakhak si Luke. Sinamahan niya sa pamimili ng gamit si Logan. Balak daw nitong bumili ng mga bagong gamit para sa kwarto. Humingi ito ng tulong kay Luke kaya naman matapos ang eskwela, nagmadali siya sa paghabol dito sa mall."You're sweating." Iniumang ni Logan ang dalang panyo. "Take a rest first. Kumain ka na ba?""Hindi pa!" Nagkibit-balikat si Luke. "Hindi pa naman ako gutom. Pagkatapos nalang mamili saka ako kakain.""Sa bahay ka na maghapunan. Nagdala ka ba ng damit?"Nag-iwas ng tingin si Luke sa implikasyon na maririnig sa boses ni Logan. "Uh, oo."Mata
WALANG humpay ang tambol sa pitso ni Luke. Hindi niya aakalain na babalik sa kaniya ang ginawa. Ang gusto niya lang sana ay bigyan ng isang halik ang lalaki bago matulog. Hindi siya handa sa posibilidad na hindi naman talaga lasing si Logan. "Stop hiding your face, Luke. Hindi 'yan ang sagot." Logan even used his stern voice. Mas gusto na lamang ni Luke na magpalamon sa lumbay at 'wag ng bumalik. "You dare kiss me, but you can't even talk to me?" "Logan!" daing ni Luke habang sinisilip ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga daliri. "Nag-so-sorry na ako, ayaw mo naman tanggapin, e." "How can I accept that? Doesn't sound sincere to me." 'Hindi sincere?' Nag-isang linya ang labi ni Luke. Iyon ay hindi naman talaga siya nagsisisi! Ginawa nito iyon sa kaniya noong isang araw nang walang pahintulot. Ngayon, kwits na sila! 'Hindi ko man lang nga ipinasok 'yong dila ko gaya nung ginawa mo!' sumbat ni Luke sa isip. 'Ako pa talaga na
HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate