Mula sa pagkawala ng foster parents nito hanggang sa scholarship grant na unti-unting nag-ba-bye-bye, alam niyang dapat ngang maging aligaga ito. Gayunpaman ay hindi niya maiwasang mainis sa pagkakataon. Bakit ngayon pa at bakit kay Luke pa ito nangyari? Hindi nito deserve ang patong-patong na kamalasan!
"Luke, kanina pa tayo wala sa klase ni Ma'am Geneva pero hanggang ngayon nakanganga ka pa rin."
"Oh," usal ni Luke, "I'm sorry."
Umiling si Ethan at itinuro ang malapad na plaza ng kanilang campus. "Gusto mong mag-warm up? Alam ko may tatlong oras ka pa bago 'yong sideline mo sa burger shop."
Kaagad na umayos si Luke nang banggitin niya ang pagtakbo. Marahas itong umiling. "Huwag na. Okay na `ko, Ethan."
Ngumisi si Ethan. "Ayaw mo lang mag-exercise, e."
Nagkibit-balikat si Luke subalit maging ito rin ay napatawa. Saglit na nawala sa kaniyang isip ang problema patungkol sa darating na interview mamayang hapon. Iyon ay para sa kaniyang ikalawang trabaho—ang pagiging babysitter.
Hindi na bago kay Luke ang trabahong ganoon. Naging waiter na siya minsan, salesman kung maaari at hardinero tuwing Sabado noong nabubuhay pa ang kaniyang foster parents. Kinailangan niya kasing suportahan ang mag-asawa dahil matatanda na ang mga ito kaya naman natuto siyang maging praktikal.
Hindi siya kinakabahan sa magiging gawain at kung gaano ito kabigat. Kinakabahan siyang harapin ang taong rason kung bakit namaalam nang maaga ang kaniyang mga 'magulang'.
Hindi naging mabait ang mga ito sa kaniya ngunit sila na lamang ang mayroon siya. Inubos pa noong pamilya ng taong iyon.
Pagkatapos ng lahat, ito pa ang kaniyang magiging amo. Pagsisilbihan pa niya ito.
"Ethan, mauna na 'ko sa `yo. May gagawin pa `ko."
Suminghap ang lalaki. "H'wag mo sabihing tutuloy ka pa rin sa pag-bi-babysit, ha, Luke?"
"Para namang may choice ako." Napapikit si Luke dahil sa pag-aalangan na nadarama. May parte sa kaniya ang nakakaramdam ng kaunting pag-iimbot. Nais niyang makaganti, kahit kaunti man lang.
"Luke, kung wala ka ng budget, h'wag kang mahihiyang lumapit sa 'kin. `Yong mga kasamahan ko sa basketball, mapagbigay sila."
Wala sa oras na napamulat si Luke. 'Mapagbigay nga, ayaw naman nila sa mga binabae! Huwag na lang.' Isa pa ay ayaw niyang magkautang sa ibang tao ngayon. Sa haba ng listahang naiwan sa kaniya, ayaw niyang madagdagan pa ang mga pangalan doon.
"Sige. Sasabihan kita, Ethan," sabi niya nang may kaunting pagngiti. Nakita niya kung paano bumuntong hininga ang kaniyang kaibigan kaya alam niyang hindi niya ito napapaniwalang hihingi siya ng tulong kapag kailangan. Kung mayroon man siyang isang bagay ngayon na hindi niya hahayaang maubos, `yon ay ang dignidad. "Una na 'ko, ha."
"Tigas pa rin talaga ng ulo mo, Luke."
Mahigpit ang hawak ni Luke sa strap ng kaniyang backpack. Malalaki ang hakbang na binagtas niya ang silahis ng papalubog na hapon palabas ng kaniyang paaralan. Isa siyang studyante ng kolehiyo ngayon sa ikatlong taon. Kurso niya ay ang segundaryang pagtuturo ng Ingles. Hindi naging madali ang paglalakbay niya upang makaabot sa taong ito. Ngayon hindi niya alam kung maitatawid niya pa ba ang sarili sa pagtatapos.
May isang taon pa siyang gugugulin nang mag-isa.
Matapos maglakad ng iilang minuto, agad niyang narating ang eskenita kung saan siya kasalukuyang nakatira. Noong mawala ang kaniyang mga magulang, nawala na rin ang bahay na kaniyang dati'y tinitirahan. Naninibago siya sa buhay kung saan laging maingay, mabaho at kung minsan pa ay may away. Hindi niya matagalan ang ganito pero wala siyang ibang pagpipilian sa panahong ito.
Hindi siya maigagapang ng pagiging maarte. Kailangan niya ngayon ay pang-unawa sa sariling kakayahan. Na hindi niya dapat sisihin ang sarili sa mga pagbabagong hindi naman niya inasam.
Ang mga trahedya ay…sadyang dumarating nang surpresahan. Hindi kaaya-aya.
Pumasok si Luke sa isang maliit na barong-barong. May butas man ang bubong ay maayos naman ang bawat pader at sahig ng bahay. Ipinaayos niya na ang kaniyang higaan, saka na ang bubong dahil sa isang taon, minsan lang kung ulanin ang kanilang syudad.
Sa silid ay may kaliitang espasyo. Iyon na ang kaniyang tulugan. Sa gilid ay ang kusina, sa labas ay kinailangan niyang makipila para gumamit ng banyo.
Bumuntong hininga si Luke at nagpasyang maghanda na para sa kaniyang job interview. Isinuot niya ang isang simpleng t-shirt at ang pinakamaayos niyang maong. Matapos isuot ang kaniyang kulay puting jacket ay ikinabit niya naman ang puting cap bilang panlaban sa gitna ng init dahil maglalakad siya papunta ng subdivision.
Naghanda siya ng isang tasa ng kape at malamya iyong sinimsim bago umalis ng bahay. Dala niya ang kaniyang I.D. at clearances na kaniyang kinuha noon pang nakaraan. Wala pang trenta minuto mula noong makarating siya ng bahay ay papaalis na siyang muli.
Binata man ay kung kumayod para bang may tatlong anak at sugarol na asawang sinusuportahan. Ganoon siya kung ilarawan ng kaniyang mga kapitbahay.
Hindi niya ininda ang mga tsismis at paratang sa kaniya ng mga matatanda. Mas malubha pa ang natanggap niya kaysa sa mga salitang iyan noong araw na pinili niyang aminin sa lahat na hindi siya kailanman magkakagusto sa mga babae.
Ang malutong na salita ay hindi tumatalab sa kaniya. Mas masakit pa rin ang matunog na pambubugbog.
Mabilis na nakarating si Luke sa subdivision kung saan nakatira ang kaniyang magiging amo. Ang nagpabagal lamang sa kaniya ay ang gwardyang ayaw siyang papasukin.
"Manong, totoo po. Heto po ang I.D. ko. Talaga pong may naghihintay sa akin sa loob."
Mariing umiling ang mama. "Walang ibinilin si Sir Logan, bata. Isa pa, sinong matino ang kukuha ng isang babysitter na gaya mo? Lalaki ka at ikalawa, 'yang hitsura mo mukhang hindi nag-aalaga ng bata. Mukhang ikaw 'tong aalagain, e!"
Umawang ang bibig ni Luke. Makailang beses siyang napakunot-noo sa kawalan bago nagpasyang sabihin, "Puwede n'yo ho bang tawagan si Sir Logan? Sabihin n'yo po sanang nandito na 'yong mag-a-apply na babysitter, o. Luke Cabrera ho ang pangalan."
Ilang sandali pang pamimilit bago tuluyang tumango ang matanda. "Sige, tatawagan ko si sir. Dito ka lang."
Nakahinga nang maluwag si Luke. Inalis niya ang cap na suot at ipinamaypay iyon sa sarili. Hindi siya pinagpawisan sa paglalakad pero takaw enerhiya naman ang makipag-usap sa bantay.
Malalaki at magagarbo ang bahay na kaniyang nakikita. Akmang akma para sa mga taong gustong bumukod at magkapamilya. May puting bakod, konkreto't pula ang bubong. Ito ang dream house ni Luke. Isang komportableng tahanan, maalagaing asawa at mabubuting mga anak—kung papalarin.
Napakaimposible na ng bagay na iyon.
Sa ngayon, kahit isang tao lamang na uuwian ay wala siya.
"Luke!" Sumenyas ang guwardiya. "Nasa 047 ang bahay ni Sir Logan. Dumiretso ka rito tapos kapag nakita mo 'yong bahay sa pinakadulo, kumatok ka ro'n."
"Salamat, manong!"
Alanganing ngumiti ito. "Sus! Kuya Roger nalang. Tutal dito ka naman siguro magtatrabaho."
Napahalakhak si Luke. "Gagalingan ko ho sa interview para matanggap ako."
'Napakabilis namang magbago ng damdamin no'ng guwardiyang 'yon!' Ibinalik ni Luke ang cap sa ulo bago muling sumalang sa paglalakad.
Habang nasa daan, sinanay ni Luke ang sarili sa pagsagot sa mga posibleng mahihirap na tanong. Ginalugad niya ang isip upang makahanap ng trick para mapalapit agad sa mga bata para piliin siya ng mga ito. Dalawang bata ang kaniyang aalagaan. Ang isa ay otso anyos na lalaki, at isang limang taong gulang na babae.
Hindi pa niya nakikita ang mga ito subalit i-ni-magine niya ang hitsura nito base sa mga batang nakikita niya sa kalsada. Ano kaya ang posibleng magustuhan ng mga ito?
Dumako ang paningin ni Luke sa hardin ng isang partikular na bahay. Puno iyon ng makukulay na bulaklak. May asul, pula at kulay dilaw. Hindi niya alam kung ano ang gustong laruan ng mga bata ngayon pero hindi naman siguro siya magkakamali sa pagpili ng mga makukulay na bagay.
Nagdadalawang-isip si Luke sa pag-abot ng kahit isang tangkay ngunit nang maalala niya ang tyansang baka magustuhan ito ng mga bata at mapili siya ay tigda-dalawang piraso niya itong dinampot.
Mayamaya pa ay may isang bugkos ng bulaklak na dala si Luke, desididong naglalakad papunta sa bahay na sinabi noong guwardiya. Ilang sandali pa ay nakaharap na niya ang puting-puting bakod ng tahanan.
Ito ang pinakasimple sa lahat. Walang kabuhay-buhay ang malawak nitong lupa sa harapan—walang halaman o kahit anong indikasyon na may batang nakatira sa loob. Binasa niyang muli ang numerong nakalagay sa gate bago napalagay. Tama ang kaniyang pinuntahan.
Buong lakas na pinindot ni Luke ang doorbell, umaasang kapag mas madiin ay mas malaki ang porsyentong siya ay matanggap.
Matapos ang ilang kalabog at sigawan galing sa loob ng bahay, lumabas ang isang malaking mama mula sa pinto.
"Travis, stop!" daing nito. May isang bata sa edad na otso anyos ang nakapulupot sa leeg ng lalaki. Ang kaliwang binti ay may nakakapit na batang babae. "Tama na. Okay, okay. We'll see the babysitter—ouch! Travis, stop biting!"
"Uncle Logan, pupunta tayo ng beach?" tili ng batang babae.
"No, sa gate tayo pupunta at pagbubuksan 'yong tao."
"Uncle Logan is such a bore."
"I know, right." Humagikhik ang batang babae sabay aktong lumingon sa direksyon ni Luke. "Oh, my! We have a visitor!"
Sa wakas ay narating din ng lalaki ang gate dala-dala pa rin ang mga bata sa kaniyang katawan. "Glad you noticed it, Tanya—" Pinagbuksan siya nito. "—Luke Cabrera?"
Napahugot ng hangin si Luke. Halos tingalain niya ang lalaki dahil sa mas matangkad sa kaniya ito ng isang dangkal. "Yes po, sir?"
"Ah, sorry about this." Inayos ng lalaki ang tumabinging salamin sa mata bago pinababa ang bata sa likuran nito. "Ako si Logan Caraig. This is Travis, ito naman si Tanya."
"Hi!" bati ng batang lalaki. Ngumiti lamang si Tanya kay Luke bago nagtago sa likod ni Travis.
"They're my niece and nephew. Luke Cabrera, 'yong mag-a-apply na babysitter nila, tama?" tanong nito. May kaunting ngiti sa labi ng lalaki ngunit lubhang malamig kung makatingin.
"He's our new playmate?" aktong gulat na gulat na ani Travis. Napahagikhik muli si Tanya sa kapatid.
Nakaramdam ng pagkailang si Luke. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa bungisngis na iyon. Hindi na bago sa kaniya ang mga batang pilyo. Pinilit niyang ngumiti bago mabilis na itinago ang bulaklak sa kaniyang likuran. "Ah, yes. Hi, kids! Ako si Kuya Luke ninyo."
Habang nagpapakilala si Luke, sa kamay niya nakatingin si Logan. Halos panuyuan siya ng lalamunan noong makita ang mariing tingin nito sa kaniyang pinamitas na bulaklak. Mas lalo niyang isiniksik sa likuran ang kaliwang kamay na hawak ang mga halaman.
"Wait, 'yan 'yong halaman ni Lola Selma, ah!" bulalas ni Travis. "Uncle Logan, see? Ito 'yong halaman ng ugly witch!"
"Travis, stop," agap ni Logan sa pamangkin. "Stop calling her an ugly witch." Ibinaling nito ang tingin sa kaniya sabay sabi, "Bakit mo 'yan pinitas do'n?"
Suminghap si Luke. "Ah—"
"Sorry. Hindi ako komportable kung ikaw ang magbabantay sa mga pamangkin ko." Umiling si Logan. "You can go."
Imbes madismaya ay nakahinga si Luke nang maluwag. Nagkamali siya. Hindi niya kakayanin ang ganitong trabaho. Una, masyado pang bata ang mga babantayan niya at hindi iyon akma. Ikalawa at higit sa lahat, mukhang istrikto ang kaniyang magiging amo.
'Ito 'yong lalaking 'yon…' Natigilan si Luke. Naaalala niya ang namomroblemang expresyon ng kaniyang Nanay Belinda at ang pagmumura ng kaniyang Tatay Ben. Sumaglit sa kaniyang isipan ang mukha ng mga ito bago bawian ng buhay na may sama ng loob na dinaramdam.
Namatay ang mga ito na hindi payapa ang puso.
Napadako kay Logan ang kaniyang paningin at hindi niya mawari kung ano dapat ang kaniyang reaksyon. Gusto niyang magalit dito. Gustong gusto. Kailangan niya rin ng pera. Ito ay perpektong pagkakataon.
Iba ang nakita ng batang lalaki sa kaniyang ekspresyon. Sa isip nito ay labis siyang nalungkot sa desisyon ni Logan kaya naman nagmadali ito sa pagpigil sa papaalis na tiyo. "Uncle Logan, gusto ko siyang kalaro."
"What?" Pinandilatan ito ni Logan. "Travis, no."
"Gusto ko po siyang kalaro." Travis pouted. "Pretty please?"
Namilog ang mga mata ni Luke. Sumentro sa batang lalaki ang kaniyang mga mata. Nagbago ang kaniyang isip. Ang batang ito ay hindi pasaway at napakabait. Hindi pilyo at napakakyut. Gugustuhin niya itong alagaan!
Ngumiti si Luke rito at nag-thumbs up. Noong mag-angat siya ng tingin, nakasalubong niya ang naghahamon na mga mata ni Logan. Mas pinalawak ni Luke ang kaniyang ngiti hanggang sa wala ng nagawa ang lalaki kundi ang mag-iwas ng tingin.
Napakababaw subalit nakaramdam siya ng kaunting pagwawagi.
"SIR! Bakit naman ho ito lang ang grado ko?"Ibinaba ni Logan ang librong hawak. Tinitigan niya ang estudyanteng nagsusumamo ngayon sa kaniyang opisina bago nagsalita, "Tatlong araw kang hindi pumasok sa klase ko, Mr. Delos Reyes. Tatlong quizzes din ang hindi mo nasagutan noong kamakailan lang. Ngayon tatanungin kita, nasa'n ka no'ng mga araw na `yon?""Pero, sir. Nagbigay naman po ako ng excuse letter—""Hindi ito highschool. Hindi ka na rin bata. Maraming araw na puwedeng pumunta ka sa akin at mag-request na mag-take ng quiz pero hindi mo ginawa." Hinilot ni Logan ang kumikirot na sintido. "Stop wasting my time, Mr. Delos Reyes. Hintayin mo ang announcement ko sa inyo."Bagsak ang mga balikat na umalis ang estudyante ni Logan. Nakahinga siya nang maluwag. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ang sariling huwag mag-alala sa kalagayan ng mga bata ngayon.'Come on, there's Luke. Hindi niya ipapahamak ang mga bata.'"Oy, Lo
'ILANG hakbang na lang…' Naihilig ni Luke ang noo sa malamig na poste. Inilibot niya ang tingin sa tahimik na kalsada bago nagpasyang magpatuloy. Kauuwi niya lamang galing sa burger shop at napagtanto niyang sa mga buwang nagdaan, ngayon lamang niya naramdaman ang ganitong uri ng pagod. Naiinis siya.Gusto niyang humanap ng makakaaway ngayon upang may patunayan. Subalit sino nga ba ang gusto niyang pakitaan ng gilas?Si Logan Caraig.Hindi niya nagustuhan ang mapang-akusang titig ng malalamig nitong mga mata sa kaniya. Ang lalaking iyon, kaya siguro nitong gawing yelo ang isang tao gamit lang ang mariing paninitig. Sigurado siyang naramdaman nito ang panginginig ng kaniyang kalamnan dahil sa kaba.Umuwi ang lalaki nang pagod at halatang may iniinda. Hindi man nakakunot ang noo nito ay may awrang bumabalot kay Logan na nagsasabing huwag itong lapitan.Naging masyado itong istrikto sa mga pamangkin kanina! Kahit ang batang s
"LUKE, you in?" Hinihingal na idiniin ni Luke ang telepono sa kaniyang tainga. Sumagot siya sa kaklase bago tuluyang ibinaba ang tawag. "Sige. No problem."Nahuli ng ilang minuto si Luke sa pagsundo sa mga bata. Marami kasi siyang tinapos sa kanilang paaralan kaya naman hindi niya namalayan ang oras. Noong matapos siya, dali-dali siyang nanakbo hanggang sa makita siya ng isa niyang kaklase at inayang isabay papunta sa eskwelahan ng mga bata.Ginalugad ng tingin ni Luke ang gate ng eskwela bago tuluyang pumasok. Nang makitang wala ang mga bata ay saka na siya tumakbo papunta sa playground.Si Tanya ay kanina pang natapos sa klase. Si Travis ay mayamaya pa ang labas."Gotcha!" tili ng isang bulilit kasabay ang pagyapos nito sa baywang ni Luke. "I caught you, kuya!"Nakahinga siya nang maluwag. "Tanya, kumusta ang araw mo, hmn?"Nakasuot ng mahabang palda ang batang babae. Umabot ito sa bukong bukong. Ang mahaba nitong buhok a
MADILIM na noong magpasyang umalis si Luke kina Logan. Nagpresinta pa ang lalaki na ihatid siya pauwi dahil wala siyang duty ngayon sa burger shop. Naging maingat siya sa bawat kilos para walang maipintas ang lalaki sa kaniya. Napansin niya sa sarili na ayaw niyang kinaiinisan siya ni Logan. He blamed himself for being sensitive ngunit hindi niya naman masabihan ang sarili na huwag itong indahin.Hindi na sinuot ni Logan ang salamin nito sa mata. Ginagamit lang nito iyon kapag nagbababad sa laptop o hindi kaya ay nagbabasa. Tuwing gabi madalas ay nagsusuot ito ng maluluwag na damit, nakatsinelas lamang at short. Madalas na abangan ni Luke ang pagbibihis nito bago siya umalis. Ang palusot niya ay babantayan niya muna ang mga bata habang nagbibihis ito. 'No. Hindi ako interesadong makita ang hulma ng katawan niya at nope, ayaw ko ring makita ang kaswal niyang mood.' Luke tightened his grip on the seatbelt, sighing noisily.Sumaglit ang mga ma
"BAKA naman kasi totoo talagang may gagawin siya—nabusy lang, Luke," agam-agam ni Ethan habang ngumunguya ng pananghalian nila. Sumubo si Luke ng kanin kasabay ang pagtango-tango rito. "Ano naman kung nangako siya sa 'yong babawi siya sa mga bata tapos one week later nganga pa rin, 'di ba? At least, nangako!"Naibuga ni Luke ang kaning nginunguya. Uubo-ubo siyang humarap kay Ethan. "Alam mo, hindi mo pinagagaan ang loob ko.""Dapat ba kitang i-comfort?" Nagkibit-balikat ito. "Busy 'yong tao. Hello, isa siya sa dalawang pinakabatang prof sa iskul. Tingin mo nakuha niya iyon nang pa-chill-chill lang?"'Tama naman,' ungot ni Luke sa isipan, 'pero nakadidismaya pa rin!' Para siyang babae na i-ni-ndian ng kaniyang asawa."Kumusta naman 'yong mga batang inaalagaan mo? Hindi naman ba pasaway?" Inabot ni Ethan ang bote ng tubig sa gilid ni Luke at tinungga iyon. "Pansin ko lagi kang tulala pero hindi naman malungkot. Blooming."Na
"EVERYTHING is ready, sweetheart?" Logan asked Tanya. Mayuming tumango ang bata dala-dala ang lollipop nito. "Ang ganda dito, Uncle!"Maingat na ibinaba ni Logan si Tanya sa buhangin. Nagtatakbo agad ito pagkatapak pa lamang. Sumunod si Travis sa kapatid nang may malalaking hakbang. "Thank you for this, Uncle Logan!""No problem, kid."Sunod ay inayos ni Logan ang mga gagamitin nila sa cottage na kaniyang pinili. Ngayon ay wala si Luke dahil may gagawin ito sa school. Siya lamang kasama ang mga bata. 'It's perfect.' Sapantaha niya ay hindi pa lumulubog ang araw, makukuha na niyang muli ang loob ng mga bata.Tanya is a softhearted kid. Mabilis niya itong mapapaamo dahil daddy's girl ito noon pa man. Ang tiyak na magpapahirap sa kaniya ay ang otso anyos na si Travis. Hindi madaling makalimot ang batang ito at kung magkimkim ng sama ng loob ay purong-puro."Travis, won't you help me set our cottage?" Ngumiti si Logan sa direk
"I'M FULL." Pinagpag ni Tanya ang nadumihang damit bago itinabi ang biskwit na hindi nito naubos. Nang makitang walang ibang lalagyan ay inabot ng bata ang kamay ni Logan upang doon ilagay ang natitirang piraso. "Yours, uncle.""Hmn." Isinubo ni Logan ang biskwit kahit ayaw niya sa lasa nito. Mamasa-masa pa ang pagkain dahil kay Tanya pero sulit naman ang kaniyang ginawa dahil tinapik-tapik siya nito sa pisngi. "Very good," sabi nito.Hinaplos ni Logan ang buhok ni Tanya. Kamukhang kamukha nito ang inang si Jasmine. Ang pabilog na hugis ng mukha nito't maninipis na kilay ay bakas ng pagiging half-Chinese ng ina. Ang nakuha nito kay Stephen ay ang kulay ng balat lamang at tuwid na buhok.Habang si Travis naman ay para bang ikalawang Stephen. Mula sa kilos, mukha pati na rin ang pananamit nito ay may bahid ng ina. 'H'wag kalimutan ang pagiging matigas ang ulo at pasaway. That's just what Stephen is,' komento ni Logan sa isip."Maggagabi
"I DON'T know why I feel this way but…" Huminga nang malalim si Travis. Maingat namang naghintay sa susunod na sasabihin nito si Luke. Maraming posibilidad ang pumapasok sa kaniyang isipan. Hindi niya inasahan na isang umiiyak na Travis sa madilim na parte ng dalampasigan ang kaniyang madaratnan. Nakakatakot.Hindi niya tuloy maiwasang hanapin si Logan at uriratin ito sa kung ano ba ang pinanggalingan ng gulong ito subalit mas mabuting pakalmahin muna si Travis bago ang lahat.Ang akala niya'y isang masayang samahan ang kaniyang makikita. Paano na lamang kung hindi siya dumating gayong hindi pa natatagpuan ni Logan si Travis? Mabuti na lamang at pumunta kaagad siya noong sabihin ni Sir Felix na kailangan niyang pumunta. Ang akala niya ay kailangan lamang ni Logan ng ekstrang kamay pantulong sa pagbubuhat at pamimili ng kung ano."…I'm jealous of Tanya."Natigilan si Luke sa hindi inaasahang sagot ni Travis. Hindi siya makaimik ng ilang seg
KUNG matatanong man si Luke kung ano ang larawan ng perpektong buhay para sa kaniya, 'yon ay ang mabuhay nang kasama si Logan Caraig. Hindi man perpekto ang lalaki gaya niya, pinipilit naman nilang maging karapat-dapat para sa isa't isa. Wala na siyang maihihiling pa ngayon. Maliban sa isang bagay. Iyon ay ang matuloy na sana ang pinakahihintay niyang hakbang sa kanilang sex life. Walang kaso kay Luke ang pagiging hindi 'sexy'. Alam niyang kagusto-gusto siya para kay Logan subalit… bakit parang ayaw nitong mag-all in? Nakakahiya mang magtanong, minsan ng humanap si Luke ng paraan upang makausap si Logan tungkol dito. Iyon nga lang ay hindi sila mabigyan ng pagkakataon. Tanggap ng mga bata ang kanilang relasyon. Hindi man maintindihan ng mga ito ang lahat sa murang mga edad, hindi na bago para sa mga bata ang makakita ng same-sex couple. Natagalan sila nang maigi sa pagkausap kay Tanya dahil maraming katanungan ang mga bata.
IT WAS a special occasion for Felix. Sa panahong gaya nito, malayo na ang inaabot niya dahil sa pamimigay ng regalo. Mawalan man ng alaala ang kaniyang Momma, hindi naman nawawala sa kanilang tradisyon ang pamimigay ng aguinaldo sa bawat malalapit na tao sa kanilang pamilya.Felix enjoyed it so much. Especially that he's a people person, and that he love kids. Siya ang nakatoka lagi na mamigay ng mga regalong ibinalot mismo ng kanilang Momma.Felix had always done this alone throughout these years. Ngunit sa taong ito, espesyal ang mangyayari dahil nariyan si Lander upang tulungan siya.Felix imagined it to be magical. Halos hindi pa nga siya makatulog dahil sa paghihintay na dumating agad ang bente-kwatro kinabukasan.Nang dumating nga ang araw na iyon, he was immensely disappointed.Nagpresinta si Lander na gamitin ang kotse nito sa paghahatid. Felix was touched. But not for long.It turns out, madaling tumirik ang sasa
LUKE decided to go inside. Hindi pamilyar sa kanya ang coffee shop na ito. Nag-excuse lamang siya sa trabaho upang sumaglit sa sinabing lugar ni Felix. Hindi niya aakalaing ganito kadilim ang loob. Si Felix siguro ang nagma-manage nitong shop. Imposibleng makapasok siya sa estadong ito nang hindi makakasuhan. Wala man lang sign ng 'open' o 'close' ang labasan. Gayunpaman, pumasok na lamang siya. The address was correct. Walang rason upang huwag siyang tumuloy. Luke eyed the interior design and approved. Welcoming ang ambience ng lugar at simple sa paningin. Iyon nga lang ay nakasara lahat ng ilaw at mukhang walang tao sa loob. Kaunti lang ang kaniyang nakikita. "Felix?" Napayakap si Luke sa sarili. Hindi kaya pinagbawalan ito ni Lander na pumunta? Hindi nabigla si Luke sa pagsasama ng dalawa subalit namamangha siya sa kakayahan ng mga itong tanggapin ang pagkakaiba ng kanilang partner. Pati ang pagiging seloso ni Lander ay
BIHIS na bihis si Luke sa modernong suot at hapit na hapit na pang-ibaba. Ngayong gabi ay magpa-party siya kasama ang iilang barkada na nakilala niya sa trabaho. This night, he's a free man willing to mingle and have a fling for a couple of hours. Luke needed this to redeem himself back. Nang marinig niya ang sinabi ni Logan ay halos gusto na niyang ibaon ang sarili sa lupa at huwag ng bumangon. Ngayon napagtanto niyang kailangan niyang tumayo at ipaglaban ang sarili. Kung hindi siya kayang mahalin ni Logan ay may ibang tao pa na kaya siyang alagaan. Hindi lang si Logan ang tao sa mundo. "Rex, nandyan na kayo?" Inipit ni Luke ang telepono sa pagitan ng leeg at balikat. "Uh, naghahanda pa ako. Be sure. Tie Ethan para hindi 'yan makawala. Baka araruhin niyan ang lahat ng tao sa daan oras na malasing." "I'll…be there alone. Tulungan n'yo akong makahanap ng partner." Isang gaybar ang kanilang pupuntahan. Nakaramdam ng k
IBINULSA ni Luke ang hawak na cell phone. Hindi niya matawagan si Ethan. Para bang iniwan siya nito bigla sa gitna ng walang katapusang push up at laps na siyang dapat nilang takbuhin. Hindi siya matingnan sa mata ni Ethan. Nauwi tuloy sa pag-iisip si Luke na baka may ginawa itong masama. Nang tanungin niya si Rex, bigla nalang humalakhak ang lalaki at sinabing wala. Mukhang nag-e-enjoy ito sa bagay na hindi niya maintindihan. Hindi na lamang pinansin ni Luke ang kaniyang kaibigan. Baka kasi ay umandar na naman ang pagiging sensitibo nito. Matapos malaman ni Luke ang totoo tungkol kina Rex at Ethan, nagsimula siyang idistansya ang sarili mula sa dalawa. May pagka-sintu-sinto kasi ang mga ito. Takot si Luke na maubos ng mga ito ang tiwala niya. "Sir Felix! Sir!" sigaw ni Luke nang makita ang lalaki na naglalakad sa plaza. Mukhang may klase itong pupuntahan. Natalisod pa ito dahilan kung bakit napatigil si Luke sa pagtawag. Ba
NAHILIG si Rex sa pag-mo-mobile games nitong mga araw. Maganda iyon para kay Ethan na siyang hirap na hirap sa paghahabol sa mga lesson na kaniyang nakalimutan na. Makakapag-concentrate siya sa ginagawa nang hindi ginugulo ng kaniyang nobyo. 'Nakakainis!' Asar na tiningnan ni Ethan ang nakahilatang si Rex sa higaan nito. "Hindi ka ba talaga tutulong?" "Akala ko ba independent ka?" Sinilip siya nito sa gilid ng mga mata. Umiling si Ethan bago pinandilatan siya ng mga mata. "Anong independent? Kailan ko sinabi 'yan?" "Oh, so you don't remember." Iwinakli ni Ethan ang hawak na ballpen at saka lumundag sa direksyon ng lalaki. Mabilis na gumulong si Rex palayo. Mas lalong nainis si Ethan. "Gustong gusto mo talagang inuulit-ulit 'yan?" Bumunghalit ng tawa si Rex. Tumunghay ito't nanghamon. "Why not? My boyfriend defended me in front of his parents." Sumilay ang isang ngiti sa bibig ni Ethan. Dinuro niya saglit ang lalaki
"PAANO kung hindi babagay?" Umiling si Luke at pinilit si Logan na ibalik ang hinila nitong bedsheet. "That's teal… may ganito ka bang kulay na pillowcase?""No. Baka may nakalagay d'yan. They're suppose to be a set."Sinserong tinitigan ni Logan ang bedsheet bago umiling. "No, they don't have even one. Okay, iwan na natin 'yan."Kaswal na humalakhak si Luke. Sinamahan niya sa pamimili ng gamit si Logan. Balak daw nitong bumili ng mga bagong gamit para sa kwarto. Humingi ito ng tulong kay Luke kaya naman matapos ang eskwela, nagmadali siya sa paghabol dito sa mall."You're sweating." Iniumang ni Logan ang dalang panyo. "Take a rest first. Kumain ka na ba?""Hindi pa!" Nagkibit-balikat si Luke. "Hindi pa naman ako gutom. Pagkatapos nalang mamili saka ako kakain.""Sa bahay ka na maghapunan. Nagdala ka ba ng damit?"Nag-iwas ng tingin si Luke sa implikasyon na maririnig sa boses ni Logan. "Uh, oo."Mata
WALANG humpay ang tambol sa pitso ni Luke. Hindi niya aakalain na babalik sa kaniya ang ginawa. Ang gusto niya lang sana ay bigyan ng isang halik ang lalaki bago matulog. Hindi siya handa sa posibilidad na hindi naman talaga lasing si Logan. "Stop hiding your face, Luke. Hindi 'yan ang sagot." Logan even used his stern voice. Mas gusto na lamang ni Luke na magpalamon sa lumbay at 'wag ng bumalik. "You dare kiss me, but you can't even talk to me?" "Logan!" daing ni Luke habang sinisilip ang lalaki sa pagitan ng kaniyang mga daliri. "Nag-so-sorry na ako, ayaw mo naman tanggapin, e." "How can I accept that? Doesn't sound sincere to me." 'Hindi sincere?' Nag-isang linya ang labi ni Luke. Iyon ay hindi naman talaga siya nagsisisi! Ginawa nito iyon sa kaniya noong isang araw nang walang pahintulot. Ngayon, kwits na sila! 'Hindi ko man lang nga ipinasok 'yong dila ko gaya nung ginawa mo!' sumbat ni Luke sa isip. 'Ako pa talaga na
HINDI man lang natinag si Logan matapos ang nangyari. Nanatili itong propesyunal habang nagtuturo sa kaniya. Halos matunaw ang atay ni Luke dahil sa pagkadismaya.Walang indikasyon na naalarma ito dahil sa nangyari kanina.Lunok ang dilang nagpatuloy si Luke sa pakikinig. Karamihan sa sinasabi ni Logan ay naiintindihan niya subalit ang iba ay hindi. Hindi na siya nag-abala pang magtanong sa takot na baka isipin ni Logan na mahina siya sa pag-iisip. Ang hindi niya alam, kanina pa inoobserbahan ni Logan ang kaniyang ekspresyon. Binigla siya nito ng isang problem. Ilang segundo iyong tinitigan ni Luke bago sumuko. "Uh, hindi ko alam 'to.""Itinuro ko 'yan sa 'yo kanina—" Mariin siyang tinitigan ni Logan. "Sabihin mo, gets mo ba talaga 'yong in-explain ko?"Nauwi sa pagpilipit ng damit ang mga kamay ni Luke habang interesanteng tinititigan ang panulat na hawak ni Logan. "Uh, nakalimutan ko 'yong formula.""Luke, don't hesitate