Share

Chapter 93

Ako saka si Jessa ang bumili ng tubig. Magkasama naman sina Shammy at Zendi na nag-iikot-ikot. Si Lilibeth naman ay tumungo sa ice cream section at nagtingin-tingin doon ng iuuwi niya raw sa kaniyang kapatid.

Pagkakuha namin ni Jessa ng limang tubig ay agad kaming tumungo sa may counter. Trese lang kasi ang tubig dito kaya malaki rin ang natipid namin. Pagkarating namin sa counter ay bigla kong namataan si Martin sa 'di kalayuan. Tama nga sina Gela at Osang, nandito na si Martin, 'yung ex ko. Pero bakit ngayon ko lang siya nakita? Hindi man lang siya nagparamdam sa 'kin.

Nasa kabilang counter lang siya ngayon, dalawa hanggang tatlong dipa lang ang layo namin sa isa't isa. Ibinaling ko ang tingin ko sa kabilang direksiyon para hindi niya ako makita. Ayaw ko ring magpahalata kay Jessa na may iniiwasan ako kaya umakto pa rin ako ng normal. Si Jessa na muna ang nagpaluwal sa binili naming tubig. Mamaya kami magbabayad sa kaniya. Napagkasunduan naman namin na magkita-kita na lang kami sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status