Share

Chapter 90

Pauwi na kami ngayon ni Yatco. Bago kami tuluyang umuwi, dumaan na muna kami sa KK para bumili ng donuts. Pasalubong niya na raw kina Mama at Januarius.

"Naku, hindi ka na dapat nag-abala pa," turan ko pagkabayad niya sa may counter.

"Wala 'yon sa 'kin. Ang mahalaga, masaya ka. Alam mo naman, kailangang sumipsip kay Ate," maloko niyang sambit.

"Hindi mo na kailangang sumipsip kay Mama, malakas ka na ro'n," biro ko.

"Talaga ba?" nakangiti niyang sambit habang nagtataas-baba ang kaniyang mga kilay.

After no'n ay lumabas na kami at dumiretso na sa parking para makauwi na. Pagkasakay ko sa loob, napatingin lang ako kay Yatco. Hindi ko alam kung gaano ako kasuwerte sa kaniya. Deserve ko ba talaga siya? Deserve niya ba ako?

"Mahal, maraming salamat nga pala," sambit ko matapos niyang paandarin ang makina ng sasakyan.

"Para saan na naman 'yan, mahal?" tanong niya.

"Sa lahat-lahat. Lalo ngayong araw, talagang napasaya mo ako," ani ko.

"Ikaw ang higit na nagpapasaya sa 'kin," hirit niya sabay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status