"May naisip akong twist sa twist ng story. 'Di ba may sumpa sina Romyo at Julietta na nagiging daga? Mas maganda kung ang gaganap sa 'ting Romyo at Julietta ay gagawin nating mala-Shrek and Princess Fiona," turan ni Zendi."Ibig mo bang sabihin ay panget dapat ang gaganap sa main characters natin?" saad ni Jessa. Nagtawanan tuloy kaming lahat nang dahil doon."Hindi naman sa panget, medyo papapangitin lang natin," tugon ni Zendi."Baka naman maging comedy 'yung dating no'ng sa 'tin?" sambit ko."Exactly! Gagawin natin siyang medyo comedy para naman masaya at hindi masyadong seryoso 'yung mga manunuod. At dahil d'yan, ang naisip kong gaganap bilang Julietta ay ikaw, Lilibeth. At bilang Romyo naman, ikaw... Oliver," wika niya."Ayan, parang sinabi mo naman na panget talaga ako," turan ni Lilibeth. Nagtawanan tuloy ang grupo namin nang dahil doon. Oo, hindi maganda si Lilibeth pero hindi naman siya panget. Medyo kulang lang siya sa ganda. "Kaya nga, grabe talaga 'tong si Zendi," segunda
Matapos naming mahimay 'yung bawat transition ng scene ay nagsimula na kaming gumawa ng mga props namin. 'Yung iba ay nag-drawing ng puno, kalesa, at mga bahay-bahay sa may karton. Mabuti na nga lang at magaling mag-drawing si Oliver kaya siya ang naka-toka sa pag-drawing ng mga kaharian. 'Yung iba ay naggupit naman ng mga pang-design namin. Napagdesisyunan naming old style ang aming kasuotan since gano'n naman talaga noong sinaunang panahon. Kay Tita si Zendi na may-ari ng isang boutique kaya siya na rin daw ang bahala sa mga magagara naming kasuotan.Nakitulong na rin ako sa paggupit para gumawa naman ng mga confetti. Nagpatulong naman si Zendi kina Shammy at Lilibeth para isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga script. After lunch lang din kasi ay magsisimula ns kamkng mag-record para next week, practice na lang kami ng blockings ng bawat scene.Bago mag-alas dose, niyaya ulit ni Zendi ang mga boys para kuhanin ang magiging tanghalian namin. Puwede naman daw sana kami sa bahay nila k
Pagkatapos naming kumain ay talaga nga namang may natira pang ginisang sayote. Medyo marami-rami pa siya. Sayang naman kung itatapon lang. Kaya habang nagliligpit ang lahat, lumapit ako kay Zendi para ibulong ang pakay ko."Zendi, baka naman puwedeng i-sharon ko na lang 'yung natirang ginisang sayote. Sayang naman kung walang kakain at itatapon lang," mahina kong sambit."Ay, sure. Wala rin namang kakain niyan sa bahay kung iuuwi ko man. Sige, ikaw na bahalang magbalot no'n," aniya."Wow, thank you talaga!" saad ko sabay yakap sa kaniya. Pagkatapos no'n ay kinuha ko na 'yung tupper ware ng ginisang sayote. Mabuti na lang at may naitabi pa kaming supot na pinangtakip kanina sa mga sandwich. Iyon na ang ginamit ko para ipangbalot sa ulam na iuuwi ko."Ayan, ngayon ko lang nalaman na certified sharonian ka rin pala, Juness," saad ni Lilibeth habang isinusupot ko 'yung natirang ginisang sayote."Oo naman, fan na fan ako ni Ate Showie. Halata naman, 'di ba?" nakangisi kong sambit."Welcom
"Welcome guys sa aming bahay!" bungad ni Zendi nang makarating kami sa bahay nila. Two-storey house 'yon pero hindi naman siya 'yung gano'n kalaki. Dalawa hanggang tatlong classroom din ang laki nito kung susumahin. Pagkapasok namin sa loob, color white 'yung pintura ng kanilang bahay sa loob. Maganda rin ang tiles nila na kulay cream. May mga painting din sa dingding at s'yempre, hindi mawawala ang kanilang family picture. Tatlo pala silang magkakapatid, dalawang babae at isang lalaki. Mukhang naka-graduate na ang ate niya kasi may litrato rin 'to ng naka-toga sa may dingding. Mukhang high school naman 'yung bunso nilang lalaki."Hi," bati sa 'min ng mom niya."Hello po," bati naming lahat. Tindig pa lang ng mommy niya ay mukhang mabait na. Hindi siya intimidating at mukhang approchable talaga."Kumusta naman ang practice n'yo?" tanong niya pa."Okay naman po, Mom. Next week, itutuloy po namin 'yung recording. Then, blockings na lang at kaunting polish after," tugon ni Zendi."Nice,
Tanghali na akong gumising since Linggo naman. Pagkababa ko, nagse-cell phone lang 'yung dalawa kong kapatid sa may sofa. Si Ate, ka-chat 'yung jowa niya. Si Januarius naman ay naglalaro lang ng online games."Ate, nasaan si Mama?" tanong ko."Ah, umalis lang saglit. Nagpa-pedicure lang sa may amiga niya," turan niya. Napatango na lamang ako matapos 'yon. Mukhang kumain naman na sila kaya tumungo na ako sa may kusina. Pagkarating ko roon, tiningnan ko kung ano ang ulam, nilagang baboy. Ininit ko muna ito sandali at kumuha na ako ng pinggan. Kahit tanghaling tapat, masarap pa ring humihop ng mainit na sabaw. Pinatay ko na 'yung kalan matapos ang limang minuto. Nagsandok na rin ako ng ulam at s'yempre, dinamihan ko 'yung sabaw. Si Mama naman, dinadagdagan niya 'yung sabaw kapag uulamin namin ulit sa gabi kaya nakakatipid kami sa ulam. Naglagay rin ako ng saging na saba dahil swak na swak talaga 'to sa nilaga.Habang kumakain ako, nag-open ako ng social media account ko. In-accept na n
Monday na naman, may exam kami mamaya sa chemistry. Kailangan kong mag-refresh mamaaya sa may jeep habang nasa biyahe o 'di kaya sa may room na lang. Mabuti na lang at maaga akong papasok ngayon. Pagkarating ko sa may sakayan ng jeep, hindi pa naman mahaba ang pila kaya hindi naman ako nainip sa kaantay. Nagsimula ng magsakay 'yung jeep kaya sumakay na 'ko. Sa bandang gitna ako ulit naupo. Nakakatamad at wala naman akong ibang gagawin kaya kinuha ko na lang 'yung reviewer ko at nag-review ako ulit habang nasa biyahe.Pagkarating sa school, isinalaksak ko na 'yung reviewer ko sa loob ng aking bag. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad papasok sa may gate, bungad sa 'kin si Klarisse at ang dalawa niyang alipores."Juness..." sambit niya habang nakahalukipkip. Napahinto naman ako nang dahil doon."Oh, Klarisse... ano na naman ang kailangan mo sa 'kin?" saad ko."Nagkakausap ba kayo ulit ni Amos?" seryoso niyang tanong."Hindi, tahimik na ang buhay ko sa piling ni Arthur," giit ko."Kung hi
Nakatayo lang siya sa may bukana ng pintuan. Nakangiti lang siya sa 'kin nang malawak. Hindi ko ma-imagine na puwedeng magkatotoo 'yung ganitong scenario. Akala ko sa mga palabas lang 'to nagaganap pero puwede rin palang mangyari sa reyalidad. Mayamaya pa, biglang nag-play si Zendi ng recording."Sa bawat ngiti mo, binibihag mo ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako sa tuwing ngumingiti ka, loko-loko siguro 'tong damdamin ko," aniya. Alam kong boses ni Yatco 'yung nasa recording. Kailan pa nila pinagplanuhan 'to?Pero sa una niyang sinabi, maski ako'y apektado na rin sa tuwing nakikita ko siyang nakangiti, nakakahawa. Idagdag mo pa 'yung mata niyang nawawala kaya ang cute lang."Sa bawat tawa mo ay sadyang kahali-halina. Ang sarap pakinggan na masayang-masaya ka. Wala kang pinoproblema at tanging iniisip mo lang ay ang lumigaya. Napakagaan ng puso ko sa tuwing gano'n ka," aniya pa. Humakbang siya ng isa matapos 'yon. Natuwa naman ako sa sinabi niyang 'yon. Bigla ko tul
Maaga akong gumising ngayon dahil kailangan ko pang mag-refresh ng aking ni-review dahil mamaya na ang exam namin sa algebra. Medyo madugong rebyuhan ang kailangan kong gawin para wala akong makalimutan. Naabutan ako ni Mama na nag-re-review dito sa may kusina. Hindi ko namalayan na alas syete na pala.Ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang si Mama naman ay nagluto ng aming almusal. Sunny side up lang ang ginawang luto ni Mama sa itlog para mabilis. Mayamaya pa, pinaghainan na 'ko ni Mama at nilagay iyon sa aking tabi."Kumain ka na muna, anak. Mas mabuting may laman ang iyong tiyan para hindi mo makalimutan agad 'yung mga pinag-aralan mo," ani Mama."Thank you, Ma," ani ko sabay ngiti sa kaniya.Itinabi ko na muna 'yung reviewer ko at kumain na 'ko agad. Tama nga naman si Mama, mas madali kong matatandaan 'yung mga pinag-aralan ko kapag may laman ang aking tiyan. Ngayon ko lang din naalala na makakatulong 'yung dark chocolate saka mani para pampatalas ng memorya. Makabili nga m