Share

Chapter 71

Author: risingservant
last update Last Updated: 2022-07-10 23:45:14

Habang nasa biyahe kami at binabagtas ang daan patungo sa 'min, pahikbi-hikbi lang ako habang nakadungaw sa may bintana. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kumalap na tsismis sa silid namin. May mga dagdag-bawas sa kuwento ngunit hindi ko ito maiwasto. Mas pinili kong manahimik kaysa ipaalam sa kanila ang side ko.

"Kaya mo pa ba?" concern na tanong ni Yatco.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at nagpakawala ako ng isang pekeng ngiti at tumango-tango pa 'ko. Kinakaya ko pa naman pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin.

"Handa naman akong makinig sa kuwento mo. Kung hindi mo naman nais i-share, okay lang din naman," malumanay niyang sambit.

"Wala na, friendship over na talaga kami nina Osang at Gela," turan ko.

"Ako ba ang dahilan no'n?" tanong niya.

"Hindi mo naman kasalanan 'yon, kasalanan ko 'yon. Sabi ni Gela sa 'kin kanina, makikipagbati na sana sa 'kin si Osang pero nang pumutok ang issue patungkol sa 'tin at kinumpirma mo 'yon sa my day mo, 'yung pag-asang maibalik
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Sweet Disposition   Chapter 72

    Pagkababa ko ng hagdan, muntik na akong mapaigtad sa gulat nang mamataan ko si Arthur na nakaupo sa may sofa ng sala at kausap si Mama. Nawala ang antok ko nang dahil do'n. Ano na naman ang pumasok sa isipan niya at naisipan niyang sunduin ako nang ganito kaaga?"Oh, nandito na po pala ang prinsesa ko," sambit ni Arthur nang makita niya ako akong nakatayo sa may hagdan.Syaks talaga! Gulo-gulo pa ang buhok ko, hindi pa ako naghihilamos, at higit sa lahat, wala pa rin akong mumog. Nakakahiya naman sa kaniya na ganito ang itsura ko que aga-aga. Pero kung sabagay, wala namang maganda agad pagkagising pa lang."Prinsesa your face. Ang aga mo namang mambwisit dito sa bahay? Wala naman tayong napag-usapan na susunduin mo 'ko," bungad ko habang unti-unting binabagtas ang daan pababa."Hindi naman na kailangan pang ipaalam ang gano'ng bagay. Bilang masugid mong manliligaw, kailangan ko s'yempre na magpakitang gilas hindi lang sa 'yo kundi pati na rin kay Tita," nakangisi niyang samabit habang

    Last Updated : 2022-07-12
  • Sweet Disposition   Chapter 73

    "Ang bilis makahanap ni baks, kinabog talaga ang ganda natin," dagdag pa ni Angelica habang inaayos ang binili niyang pagkain."Ganda talaga ang puhunan," segunda ko. Napaapir na lang tuloy kami sa tuwa nang dahil doon.Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain. Nakitikim din ako ng nachos ni Angelica. Ang mahal nga lang ng tinda, 80 pesos. Parang nilagyan lang ng kaunting giniling, gulay-gulay at dressing sauce. Pero okay naman ang lasa niya, masarap din.Bakas naman sa mukha ni Angelica na nagustuhan niya 'ying inirekumenda ko. Sarap na sarap siya at baka nga mag-extra rice pa siya kapag nagkataon. "Oo nga pala, Juness. Nag-de-date na pala kayo ni Arthur Yatco. Ibig sabihin ba nito ay sinunod mo ang mga payo namin sa 'yo?" tanong niya."Nasa public area tayo, girl. Hindi natin 'yan dapat pag-usapan dito," wika ko. Hindi ko alam kung sinunod ko nga ba ang payo nila. Maybe oo dahil nakikipag-date ako ngayon kay Arthur. Iyon naman talaga ang goal, ang pagselosin si Zerudo. Gusto ko

    Last Updated : 2022-07-13
  • Sweet Disposition   Chapter 74

    Ready na ako para sa exam ko mamaya. Masaya at handa kong kahaharapin ang araw ng ngayon. Hindi ako susunduin ngayon ni Yatco, busy rin kasi siya. Pagkarating ko sa school ay tumungo na muna ako sa CR para mag-retouch. Kailangang matanggal ang mga pawis-pawis para fresh pa rin pagdating sa classroom. Iyon talaga ang challenge kapag bumibiyahe ka gamit ang public transportation, pagod ka na, pawis na pawis ka pa.Pagkarating ko sa classroom, naupo na ako sa aking upuan at isa-isa kong inilabas 'yung notes and reviewer ko. Mayroon pa akong 30 minutes para i-refresh sa utak ko 'yung mga ni-review ko kagabi. Kaunti pa lang kami rito, halos lahat ay abala rin dahil ayaw rin nilang bumagsak. Wala pa sina Osang at Gela, panigurado namang nag-review nang puspos 'yung mga 'yon.Makalipas ang tatlumpung minuto, dumating na 'yung prof namin. Ipinaayos niya ang aming mga upuan kaya 1 meter ang layo namin sa isa't isa. Mayroong 3 set 'yung exam kaya hindi ka talaga makakakopya sa katabi mo. Pagkat

    Last Updated : 2022-07-14
  • Sweet Disposition   Chapter 75

    "May naisip akong twist sa twist ng story. 'Di ba may sumpa sina Romyo at Julietta na nagiging daga? Mas maganda kung ang gaganap sa 'ting Romyo at Julietta ay gagawin nating mala-Shrek and Princess Fiona," turan ni Zendi."Ibig mo bang sabihin ay panget dapat ang gaganap sa main characters natin?" saad ni Jessa. Nagtawanan tuloy kaming lahat nang dahil doon."Hindi naman sa panget, medyo papapangitin lang natin," tugon ni Zendi."Baka naman maging comedy 'yung dating no'ng sa 'tin?" sambit ko."Exactly! Gagawin natin siyang medyo comedy para naman masaya at hindi masyadong seryoso 'yung mga manunuod. At dahil d'yan, ang naisip kong gaganap bilang Julietta ay ikaw, Lilibeth. At bilang Romyo naman, ikaw... Oliver," wika niya."Ayan, parang sinabi mo naman na panget talaga ako," turan ni Lilibeth. Nagtawanan tuloy ang grupo namin nang dahil doon. Oo, hindi maganda si Lilibeth pero hindi naman siya panget. Medyo kulang lang siya sa ganda. "Kaya nga, grabe talaga 'tong si Zendi," segunda

    Last Updated : 2022-07-15
  • Sweet Disposition   Chapter 76

    Matapos naming mahimay 'yung bawat transition ng scene ay nagsimula na kaming gumawa ng mga props namin. 'Yung iba ay nag-drawing ng puno, kalesa, at mga bahay-bahay sa may karton. Mabuti na nga lang at magaling mag-drawing si Oliver kaya siya ang naka-toka sa pag-drawing ng mga kaharian. 'Yung iba ay naggupit naman ng mga pang-design namin. Napagdesisyunan naming old style ang aming kasuotan since gano'n naman talaga noong sinaunang panahon. Kay Tita si Zendi na may-ari ng isang boutique kaya siya na rin daw ang bahala sa mga magagara naming kasuotan.Nakitulong na rin ako sa paggupit para gumawa naman ng mga confetti. Nagpatulong naman si Zendi kina Shammy at Lilibeth para isaayos ang pagkakasunod-sunod ng mga script. After lunch lang din kasi ay magsisimula ns kamkng mag-record para next week, practice na lang kami ng blockings ng bawat scene.Bago mag-alas dose, niyaya ulit ni Zendi ang mga boys para kuhanin ang magiging tanghalian namin. Puwede naman daw sana kami sa bahay nila k

    Last Updated : 2022-07-16
  • Sweet Disposition   Chapter 77

    Pagkatapos naming kumain ay talaga nga namang may natira pang ginisang sayote. Medyo marami-rami pa siya. Sayang naman kung itatapon lang. Kaya habang nagliligpit ang lahat, lumapit ako kay Zendi para ibulong ang pakay ko."Zendi, baka naman puwedeng i-sharon ko na lang 'yung natirang ginisang sayote. Sayang naman kung walang kakain at itatapon lang," mahina kong sambit."Ay, sure. Wala rin namang kakain niyan sa bahay kung iuuwi ko man. Sige, ikaw na bahalang magbalot no'n," aniya."Wow, thank you talaga!" saad ko sabay yakap sa kaniya. Pagkatapos no'n ay kinuha ko na 'yung tupper ware ng ginisang sayote. Mabuti na lang at may naitabi pa kaming supot na pinangtakip kanina sa mga sandwich. Iyon na ang ginamit ko para ipangbalot sa ulam na iuuwi ko."Ayan, ngayon ko lang nalaman na certified sharonian ka rin pala, Juness," saad ni Lilibeth habang isinusupot ko 'yung natirang ginisang sayote."Oo naman, fan na fan ako ni Ate Showie. Halata naman, 'di ba?" nakangisi kong sambit."Welcom

    Last Updated : 2022-07-17
  • Sweet Disposition   Chapter 78

    "Welcome guys sa aming bahay!" bungad ni Zendi nang makarating kami sa bahay nila. Two-storey house 'yon pero hindi naman siya 'yung gano'n kalaki. Dalawa hanggang tatlong classroom din ang laki nito kung susumahin. Pagkapasok namin sa loob, color white 'yung pintura ng kanilang bahay sa loob. Maganda rin ang tiles nila na kulay cream. May mga painting din sa dingding at s'yempre, hindi mawawala ang kanilang family picture. Tatlo pala silang magkakapatid, dalawang babae at isang lalaki. Mukhang naka-graduate na ang ate niya kasi may litrato rin 'to ng naka-toga sa may dingding. Mukhang high school naman 'yung bunso nilang lalaki."Hi," bati sa 'min ng mom niya."Hello po," bati naming lahat. Tindig pa lang ng mommy niya ay mukhang mabait na. Hindi siya intimidating at mukhang approchable talaga."Kumusta naman ang practice n'yo?" tanong niya pa."Okay naman po, Mom. Next week, itutuloy po namin 'yung recording. Then, blockings na lang at kaunting polish after," tugon ni Zendi."Nice,

    Last Updated : 2022-07-18
  • Sweet Disposition   Chapter 79

    Tanghali na akong gumising since Linggo naman. Pagkababa ko, nagse-cell phone lang 'yung dalawa kong kapatid sa may sofa. Si Ate, ka-chat 'yung jowa niya. Si Januarius naman ay naglalaro lang ng online games."Ate, nasaan si Mama?" tanong ko."Ah, umalis lang saglit. Nagpa-pedicure lang sa may amiga niya," turan niya. Napatango na lamang ako matapos 'yon. Mukhang kumain naman na sila kaya tumungo na ako sa may kusina. Pagkarating ko roon, tiningnan ko kung ano ang ulam, nilagang baboy. Ininit ko muna ito sandali at kumuha na ako ng pinggan. Kahit tanghaling tapat, masarap pa ring humihop ng mainit na sabaw. Pinatay ko na 'yung kalan matapos ang limang minuto. Nagsandok na rin ako ng ulam at s'yempre, dinamihan ko 'yung sabaw. Si Mama naman, dinadagdagan niya 'yung sabaw kapag uulamin namin ulit sa gabi kaya nakakatipid kami sa ulam. Naglagay rin ako ng saging na saba dahil swak na swak talaga 'to sa nilaga.Habang kumakain ako, nag-open ako ng social media account ko. In-accept na n

    Last Updated : 2022-07-19

Latest chapter

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

  • Sweet Disposition   Chapter 110

    Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi

  • Sweet Disposition   Chapter 109

    Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U

  • Sweet Disposition   Chapter 108

    Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status