Share

Chapter 63

Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ni Gela sa school ay naaalala niya pa rin. Masaya ako kasi mayroon pa rin akong kaibigan na nagmamalasakit sa 'kin. Sabi na nga ba, malalaman din nila ang nangyari sa 'min ni Zerudo. Alam kong nalulungkot din sila kasi kasama ko sila mula sa unang pag-develop ng feelings ko kay Zerudo. Alam nila kung gaano ko ito kamahal. 'Yon nga lang, hindi ko na sila kasama nang magwakas ang relasyon namin.

Pinunasan ko na ang mga luhang kanina pa tumutulo. Inayos ko muna ang aking sarili para hindi halata na malungkot o umiyak ako kapag nag-record ako ng voice message kay Gela.

"Hi, Gela! Miss you too! Na-mi-miss ko na 'yung mga araw na sa video call tayo nag-uusap at 'di rito sa voice message lang. Masaya ako para sa 'yo dahil nasusuportahan mo pa rin ang sarili mo sa pamamagitan ng pagtitinda. Balang araw, naniniwala ako na lalaki rin 'yang business mo. S'yempre, isa ako sa mga magiging masugid mong customer. Salamat nga pala sa pagdamay sa 'kin kahit d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status