Gabi na 'ko nakauwi at sakto namang naabutan kong kumakain ng hapunan sina Mama. Hindi naman ako lasing dahil kaunti lang ang nainom kong alak. Hindi rin naman ako gutom pero natakam ako sa ulam nilang ginisang sayote."Mano po, Ma," bungad ko sabay mano kay Mama. Naupo na muna ako saglit sa upuan ko sa may tapat ni Januarius."Kumusta naman ang lakad mo?" tanong ni Mama."Okay naman po, napagaan din naman po nila ang pakiramdam ko kahit papaano," tugon ko."Mabuti naman kung gano'n. Kung nagugutom ka, puwede ka namang kumain muna saglit. Pagkatapos, huwag mong kalilimutang mag-toothbrush. Puwede ka rin namang magkape para magisawan ka," saad ni Mama.Alam kong naamoy ni Mama na medyo amoy akong chico kaya niya 'yon sinabi. Nakaka-tats naman si Mama, hindi niya na ako pinapagalitan kahit alam niyang uminom kami sa dorm ng mga kasama ko. Mas mainam nga talaga na napag-usapan namin ang patungkol dito noon kaya hindi ko na siya pinoproblema."Tubig na lang ang iinumin ko mamaya, Ma. Hind
Nakarating kami sa lugar na medyo liblib pero masasabi mong tahimik talaga. Dinala niya ako sa isang kainan na nakaka-relax ang ambiance dahil mala-nature ang theme nito. Plantita o plantito siguro ang may-ari dahil sobrang dami ng halaman sa paligid. Mapapa-picture ka talaga rito para sa IG. Pagkapasok namin sa loob, hindi naman gano'n karami ang tao. Mamaya pa siguro dadagsa ang mga tao rito kapag pahapon na. Naka-aircon naman 'yung loob at kanina bago kami pumasok ay nakita kong mayroon silang balcony sa itaas. Tiyak na ang presko roon kapag pagabi na. Sa may labas kanina ay mayroong mga ilaw, ang ganda tiyak ng kutitap no'n kapag bumukas na."Order ka muna kung ano ang gusto mo. Huwag kang mag-alala, ako ang magbabayad," saad ni Yatco."Nahiya tuloy ako sa 'yo nang slight," tugon ko.Pagkarating ko sa may counter, tumingin na muna ako ng papatok sa aking panlasa. Hindi ko feel mag-rice ngayon kaya carbonara with garlic bread na lang ang pinili ko at saka green tea espresso. Si Ya
"Can we consider this as our first date as a fake lover?" mapantuyang sambit ni Yatco."Ayan, grabe ka naman sa fake lover. Huwag mo nang i-emphasize, baka may makarinig pa sa 'tin," tugon ko."Nahiya ka pa, totoo naman," pantutuya niya pa habang nakangisi. Nahampas ko tuloy siya sa kaniyang braso nang wala sa oras."Naku, kung volleyball player ka siguro, ang galing mong spiker. Ang bigat ng kamay mo, e," anas niya habang hinahaplos ang brasong hinampas ko."Ayan kasi, tama na ang pambubuska," saad ko sabay ismid sa kaniya."Maiba lang ang topic, ano ang mayroon kay Amos na wala ako?" seryoso niyang tanong. Humigop siya sa kaniyang inumin pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang 'yon.Napaisip akong bigla. Hindi ko masabi kung ano ang mayroon kay Amos na wala siya. Malaki kasi ang pagkakaiba nila. May mga qualities siya na wala kay Amos na talagang parang boyfriend material kagaya ng pagiging gentleman. May pagkaganoon din naman si Amos pero mas natural kay Yatco 'yon. Kumbaga nana
"Ma, nag-de-date na po kami ni Arthur," bungad ko.Biglang umaliwalas ang mukha ni Mama nang sabihin ko 'yon. "Aba, magandang balita 'yan. Sabi ko nga sa 'yo, mas gusto ko siya kaysa sa dati mong boyfriend," saad ni Mama."Pero fake lang po 'yung pag-de-date namin," dagdag ko pa. Napakunot bigla ng noo si Mama na wari mo'y hindi niya maintindihan ang aking sinabi. "Ha? Bakit ang gulo? Paanong peke?" nagugulumihanan niyang tanong."Ma, nakipag-deal po ako sa kaniya na gagawin namin 'yon para pagselosin si Amos," nakayuko kong sambit. Tahimik lang si Mama nang sabihin ko 'yon. Bahagya kong itinaas ang aking tingin at diretso lang siyang nakatitig sa 'kin."Sorry, Ma. Gusto ko lang namang mabawi ulit si Amos. Gusto kong magkabalikan kami. Mahal ko pa po siya, e," turan ko."Naiintindihan naman kita, anak. Natural lang 'yan dahil umiibig ka. Ang mali lang, gagamitin mo 'yung feelings ng ibang tao para makuha ang gusto mo. Kay Arthur ako naaawa, e. Ang bait pa naman ng batang 'yon," sambi
"Ay, sayang naman kung gano'n. 'Di bale, marami pa namang pagkakataon," sambit ni Ate Wanda."Oo nga po," segunda ko."Mag-te-take po ba kayo agad ng board exam pagka-graduate ninyo?" pag-iiba ko ng topic. Iniiwasan kong maging topic sina Osang at Gela at baka may maungkat pa na 'di dapat. Mas okay ng maging sigurado."Oo naman, sayang ang pagkakataon kung hindi," tugon ni Ate Wanda. "At saka mas kakailanganin namin 'yon para makapagturo sa public school. Alam mo naman, mahirap magtrabaho sa private school dahil mababa lang ang sahod," turan naman ni Ate Jane."Oo nga po, kaya nga po 'yung ibang teacher ang course ay nagma-masteral at doctorate pa para tumaas ang suweldo nila," saad ko."True, mahirap talaga maging guro," komento ni Ate Jane.---Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Bumalik na ako sa aming building dahil mayroon pa akong huling subject. Dumaan na muna ako sa CR para makapag-ayos muna ng aking sarili. Habang naghuhugas ako ng kamay sa may sink,
Habang nasa biyahe kami at binabagtas ang daan patungo sa 'min, pahikbi-hikbi lang ako habang nakadungaw sa may bintana. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang kumalap na tsismis sa silid namin. May mga dagdag-bawas sa kuwento ngunit hindi ko ito maiwasto. Mas pinili kong manahimik kaysa ipaalam sa kanila ang side ko."Kaya mo pa ba?" concern na tanong ni Yatco.Ibinaling ko ang tingin ko sa kaniya at nagpakawala ako ng isang pekeng ngiti at tumango-tango pa 'ko. Kinakaya ko pa naman pero hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin."Handa naman akong makinig sa kuwento mo. Kung hindi mo naman nais i-share, okay lang din naman," malumanay niyang sambit."Wala na, friendship over na talaga kami nina Osang at Gela," turan ko."Ako ba ang dahilan no'n?" tanong niya."Hindi mo naman kasalanan 'yon, kasalanan ko 'yon. Sabi ni Gela sa 'kin kanina, makikipagbati na sana sa 'kin si Osang pero nang pumutok ang issue patungkol sa 'tin at kinumpirma mo 'yon sa my day mo, 'yung pag-asang maibalik
Pagkababa ko ng hagdan, muntik na akong mapaigtad sa gulat nang mamataan ko si Arthur na nakaupo sa may sofa ng sala at kausap si Mama. Nawala ang antok ko nang dahil do'n. Ano na naman ang pumasok sa isipan niya at naisipan niyang sunduin ako nang ganito kaaga?"Oh, nandito na po pala ang prinsesa ko," sambit ni Arthur nang makita niya ako akong nakatayo sa may hagdan.Syaks talaga! Gulo-gulo pa ang buhok ko, hindi pa ako naghihilamos, at higit sa lahat, wala pa rin akong mumog. Nakakahiya naman sa kaniya na ganito ang itsura ko que aga-aga. Pero kung sabagay, wala namang maganda agad pagkagising pa lang."Prinsesa your face. Ang aga mo namang mambwisit dito sa bahay? Wala naman tayong napag-usapan na susunduin mo 'ko," bungad ko habang unti-unting binabagtas ang daan pababa."Hindi naman na kailangan pang ipaalam ang gano'ng bagay. Bilang masugid mong manliligaw, kailangan ko s'yempre na magpakitang gilas hindi lang sa 'yo kundi pati na rin kay Tita," nakangisi niyang samabit habang
"Ang bilis makahanap ni baks, kinabog talaga ang ganda natin," dagdag pa ni Angelica habang inaayos ang binili niyang pagkain."Ganda talaga ang puhunan," segunda ko. Napaapir na lang tuloy kami sa tuwa nang dahil doon.Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain. Nakitikim din ako ng nachos ni Angelica. Ang mahal nga lang ng tinda, 80 pesos. Parang nilagyan lang ng kaunting giniling, gulay-gulay at dressing sauce. Pero okay naman ang lasa niya, masarap din.Bakas naman sa mukha ni Angelica na nagustuhan niya 'ying inirekumenda ko. Sarap na sarap siya at baka nga mag-extra rice pa siya kapag nagkataon. "Oo nga pala, Juness. Nag-de-date na pala kayo ni Arthur Yatco. Ibig sabihin ba nito ay sinunod mo ang mga payo namin sa 'yo?" tanong niya."Nasa public area tayo, girl. Hindi natin 'yan dapat pag-usapan dito," wika ko. Hindi ko alam kung sinunod ko nga ba ang payo nila. Maybe oo dahil nakikipag-date ako ngayon kay Arthur. Iyon naman talaga ang goal, ang pagselosin si Zerudo. Gusto ko