"Tumayo ka na riyan, Juness," sambit ni Kevin.Nakahawak siya sa aking braso at wari mo'y itinatayo niya 'ko. Kahit anong buhat ang gawin niya sa 'kin ay nagpupumiglas ako. Wala akong pakialam kahit na madungisan ang aking uniporme sapagkat wala naman ng pasok. Tila ba hinihilahod ko ang aking sarili sa may sahig, iyon lang ang alam kong paraan para mailabas ang sakit na aking nararamdaman.Hindi mapakali si Kevin at hindi niya na rin alam kung paano ako aawatin kaya naman narinig ko siyang may tinawagan siya sa kaniyang cell phone."Hello, Angelica? Tulungan mo naman ako rito kay Juness. Nandito kami sa may gymnasium," sambit niya."Oo," sambit niya pa. Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila pero alam kong si Angelica 'yung tinawagan niya. Pagkatapos no'n ay pinatay niya na 'yung call. "Get up na, Juness. Hindi ka na bata para maglupasay r'yan," seryosong sambit ni Kevin."Sorry, Kevin pero hayaan mo muna akong ilabas 'yung sakit. Gano'n pala 'yon, 'no? Ang lakas kasi ng impa
"Mama, bukod sa pakikipaghiwalay sa 'kin ni Amos, ang isa pa sa talagang nagpadugo ng aking puso ay 'yung marinig ko mismo sa bibig ni Osang na ayaw niya na pag-usapan o mabanggit ni Gela ang pangalan ko. Tila ba ibinaon niya na talaga sa hukay ang pagkakaibigan namin," pagsusumamo ko pa.Wala namang ibang nagawa si Mama kundi yakapin ako at hagurin ang aking likod. Para akong batang inapi at nagsusumbong sa kaniya. Wala, e, wala akong ibang malalapitan kundi siya bukod kay Ate."Tahan na, anak. Dumarating talaga sa punto na mawawalan tayo ng kaibigan. Kapag may nawala, mayroong darating. Wala naman tayong magagawa kung ayaw ka pa ring makausap ni Osang. Kapag ready na siya, mapapatawad ka rin niya," tugon ni Mama."Thank you, Ma. Nakakalungkot lang po kasi dati ang saya-saya namin lalo na kapag kumakain o 'di kaya kapag vacant namin. Nakaka-miss 'yung mga araw na 'yon. Balik na naman ako sa pagiging loner," dagdag ko pa.Pinupunasan ni Mama ang aking mga luha gamit ang manggas kaniya
Kahit na hindi kami masyadong nag-uusap ni Gela sa school ay naaalala niya pa rin. Masaya ako kasi mayroon pa rin akong kaibigan na nagmamalasakit sa 'kin. Sabi na nga ba, malalaman din nila ang nangyari sa 'min ni Zerudo. Alam kong nalulungkot din sila kasi kasama ko sila mula sa unang pag-develop ng feelings ko kay Zerudo. Alam nila kung gaano ko ito kamahal. 'Yon nga lang, hindi ko na sila kasama nang magwakas ang relasyon namin. Pinunasan ko na ang mga luhang kanina pa tumutulo. Inayos ko muna ang aking sarili para hindi halata na malungkot o umiyak ako kapag nag-record ako ng voice message kay Gela. "Hi, Gela! Miss you too! Na-mi-miss ko na 'yung mga araw na sa video call tayo nag-uusap at 'di rito sa voice message lang. Masaya ako para sa 'yo dahil nasusuportahan mo pa rin ang sarili mo sa pamamagitan ng pagtitinda. Balang araw, naniniwala ako na lalaki rin 'yang business mo. S'yempre, isa ako sa mga magiging masugid mong customer. Salamat nga pala sa pagdamay sa 'kin kahit d
"Paano ko ba siya mababaliw sa pag-ibig? I mean... ako lang 'yung mamahalin niya't wala nang iba?" tanong ko dulot ng kuryosidad."Para sa 'kin, nababaliw ang isang lalaki sa pag-ibig kung gagamitan mo 'to ng gayuma. Kaso, mukhang hindi naman totoo 'yon. In short, mahirap baliwin ang isang lalaki," ani Gwen."Agree ako riyan, sa dami ng naging boyfriend ko, nag-i-stay lang naman sila kapag naibibigay ko 'yung gusto nilang bagay o gamit. Juice colored, estudyante pa lang naman ako... ang hirap kayang mag-side line sa pag-me-make up para lang maibigay ko ang nais nila. In the end, iiwan din naman ako kapag nakahanap ng bagong tutustos ng pangangailangan nila," saad ni Cheri."Ay, wala akong alam d'yan," komento ni Juvi."Ako naman, ganda lang. Iyon lang puhunan ko kaya kami pa rin ng boyfriend ko," turan ni Alice."Wow, sana all na lang talaga. Pero agree ako kay Alice, kapag maganda ka, malaki ang chance na mag-stay sa 'yo ang isang lalaki," segunda ni Nisha."Yes, ganda talaga ang puh
Sunod ko namang nakakuwentuhan ay si Juvi. Naikuwento ko na 'yung dapat ikuwento kaya naman about sa kaniya ang binuksan kong topic."Juvi, kumusta na kayo ni Charles?" nakangiti kong tanong."Iyon, wala pa naman kami sa dating stage pero masasabi kong nasa mutual understanding stage na kami. Alam mo 'yon, araw-araw kaming nag-uusap at nagkukuwentuhan para makibalita sa isa't isa," tugon niya."Yieee, ganiyan na ganiyan din kami ni Amos. Sana, magtuloy-tuloy kung ano man ang namamagitan sa inyo," sambit ko."Oo naman, naniniwala akong hindi mauusog 'yung patungkol sa 'min ni Charles. Ibang-iba naman siya kay Amos," saad niya."Hoping," masaya kong sambit.Mayamaya pa, lumapit sa 'kin si Angelica. Hindi ko alam kung bakit kakaiba 'yung reaksyon niya, para bang gulat at 'di makapaniwala. Ano na naman ba ang nangyari sa kaniya?"Juness, magkakilala kayo ni Arthur Yatco?" bungad niya."Oo naman, magkaibigan kami. Bakit?" tanong ko dulot ng kuryosidad. Hindi niya naman itatanong 'yon nang
Gabi na 'ko nakauwi at sakto namang naabutan kong kumakain ng hapunan sina Mama. Hindi naman ako lasing dahil kaunti lang ang nainom kong alak. Hindi rin naman ako gutom pero natakam ako sa ulam nilang ginisang sayote."Mano po, Ma," bungad ko sabay mano kay Mama. Naupo na muna ako saglit sa upuan ko sa may tapat ni Januarius."Kumusta naman ang lakad mo?" tanong ni Mama."Okay naman po, napagaan din naman po nila ang pakiramdam ko kahit papaano," tugon ko."Mabuti naman kung gano'n. Kung nagugutom ka, puwede ka namang kumain muna saglit. Pagkatapos, huwag mong kalilimutang mag-toothbrush. Puwede ka rin namang magkape para magisawan ka," saad ni Mama.Alam kong naamoy ni Mama na medyo amoy akong chico kaya niya 'yon sinabi. Nakaka-tats naman si Mama, hindi niya na ako pinapagalitan kahit alam niyang uminom kami sa dorm ng mga kasama ko. Mas mainam nga talaga na napag-usapan namin ang patungkol dito noon kaya hindi ko na siya pinoproblema."Tubig na lang ang iinumin ko mamaya, Ma. Hind
Nakarating kami sa lugar na medyo liblib pero masasabi mong tahimik talaga. Dinala niya ako sa isang kainan na nakaka-relax ang ambiance dahil mala-nature ang theme nito. Plantita o plantito siguro ang may-ari dahil sobrang dami ng halaman sa paligid. Mapapa-picture ka talaga rito para sa IG. Pagkapasok namin sa loob, hindi naman gano'n karami ang tao. Mamaya pa siguro dadagsa ang mga tao rito kapag pahapon na. Naka-aircon naman 'yung loob at kanina bago kami pumasok ay nakita kong mayroon silang balcony sa itaas. Tiyak na ang presko roon kapag pagabi na. Sa may labas kanina ay mayroong mga ilaw, ang ganda tiyak ng kutitap no'n kapag bumukas na."Order ka muna kung ano ang gusto mo. Huwag kang mag-alala, ako ang magbabayad," saad ni Yatco."Nahiya tuloy ako sa 'yo nang slight," tugon ko.Pagkarating ko sa may counter, tumingin na muna ako ng papatok sa aking panlasa. Hindi ko feel mag-rice ngayon kaya carbonara with garlic bread na lang ang pinili ko at saka green tea espresso. Si Ya
"Can we consider this as our first date as a fake lover?" mapantuyang sambit ni Yatco."Ayan, grabe ka naman sa fake lover. Huwag mo nang i-emphasize, baka may makarinig pa sa 'tin," tugon ko."Nahiya ka pa, totoo naman," pantutuya niya pa habang nakangisi. Nahampas ko tuloy siya sa kaniyang braso nang wala sa oras."Naku, kung volleyball player ka siguro, ang galing mong spiker. Ang bigat ng kamay mo, e," anas niya habang hinahaplos ang brasong hinampas ko."Ayan kasi, tama na ang pambubuska," saad ko sabay ismid sa kaniya."Maiba lang ang topic, ano ang mayroon kay Amos na wala ako?" seryoso niyang tanong. Humigop siya sa kaniyang inumin pagkatapos niyang bitiwan ang mga katagang 'yon.Napaisip akong bigla. Hindi ko masabi kung ano ang mayroon kay Amos na wala siya. Malaki kasi ang pagkakaiba nila. May mga qualities siya na wala kay Amos na talagang parang boyfriend material kagaya ng pagiging gentleman. May pagkaganoon din naman si Amos pero mas natural kay Yatco 'yon. Kumbaga nana
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi
Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U
Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa