Hindi magkandamayaw ang dalawa kong kaibigan nang ipakita ko sa kanila 'yung picture na may fan sign ng kanilang mga sinisinta. "Girl, totoo ba talaga 'yan? Hindi ba 'yan edited?" tanong ni Gela."Oo naman. Hello, wala akong talent sa pag-e-edit, 'no," turan ko."Shocks! Hindi talaga ako makapaniwala!" komento ni Osang na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta 'yung mukha sa sobra tuwa."Naku, kailangan n'yo talagang maniwala. At heto pa, para may souvenir kayo..." sambit ko sabay kuha ng papel na may fan sign ng mga sinta nila. Una kong iniabot 'yung kay Gela."Wahhh!" mahina niyang tili matapos mahawakan 'yung papel. Talagang sinamyo niya ang amoy nito at wari mo'y ginalugad pa ang bawat sulok. "Ih, totoo nga talaga! Thank you, prend!" saad ni Gela sabay yakap sa 'kin. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi simula pa kanina."Naku, wala 'yon," tugon ko. Pagkahiwalay ko sa pagkakayakap niya, sunod ko namang binuhusan ng pansin ang kanina pa ngiting-ngiti na si Osang.Inilaha
Natapos ang klase namin nang hindi namin namamalayan dahil ang bilis ng oras. Parang kanina lang nagkukuwentuhan pa kami tapos ngayon, heto, uwian na ulit. Hindi na kami nag-abalang mag-ayos pa sapagkat pauwi na rin naman na kami at wala na kaming balak puntahan pa pagkakain namin.Pagkarating namin sa may labas ng unibersidad, sa may gilid nito ay doon matatagpuan 'yung nagtitinda ng tuhog-tuhog at mga kung anek-anek na pagkain. Tumungo kami sa tindahan ng tuhog-tuhog. Binigyan lang kami ni Manong ng baso at kami na ang bahalang tumuhog ng aming kakainin.Sa baso ko, naglagay ako ng tatlong pugo, anim na pirasong fishball, dalawang kikiam, at dalawang chicken balls. Naglagay lang din ako ng kaunting suka at marami-raming matamis. Mas bet ko kasi na lamang 'yung tamis kaysa sa asim. "Sure ka? 'Yan lang ang kukuhanin mo?" tanong ni Gela."Sa ngayon, heto na muna. Baka hindi ko maubos kapag kumuha ako ng sandamakmak. Balik na lang ako mamaya kapag na-trip-an ko pa,," turan ko."Okay,"
Tapos na ang klase namin. Himala lang at hindi agad nagyaya umuwi 'yung dalawa kong kaibigan. Maski bumisita sa building ng kanilang mga crush ay hindi rin nagyaya. Bagkus, pumunta muna raw kami sa may library dahil may hahanapin silang libro."Juness, nakasagap kami ng balita. Sa library raw, mayroong libro para magustuhan ka rin ng crush mo," turan ni Gela."True, based sa mga nasagap ko, karamihan daw sa mga sumubok na isagawa ang step na nakalagay sa book ay nagtagumpay na magustuhan sila ng crush nila," wika ni Osang."Talaga ba? Mayroong ganoong libro? At naniniwala talaga kayo roon?" tanong ko dulot ng kuryosidad."Oo naman, bakit hindi? Hindi naman masama kung susubukan din namin," ani Gela."G ka ba?" tanong pa ni Osang.Para sa akin, hindi ko naman na kailangan pa 'yung librong 'yon dahil gusto rin naman ako ni Zerudo. Siguro, support ko na lang 'yung dalawa kong kaibigan para in case man na totoo, maging masaya na rin sila katulad ko."Go lang, hashtag supportive friend," s
"Paano ba 'yan? Jowa mo na ngayon 'yung isa sa mga sikat dito sa unibersidad..." ani Osang."Keri lang, dati nga nahihiya ako sa tuwing pinagtitinginan kami ng mga tao sa tuwing naglalakad ng magkasama at magka-holding hands. Ngayon, parang mas tumaas ang confidence level ko kasi may label na kami," turan ko."True, be proud dapat. 'Yan ang friendship namin," saad ni Gela."Oo nga pala, napagtanto ko lang na isang linggo ka pa lang nililigawan ni Zerudo pero sinagot mo na agad. Kung mayroon man, ano ang masasabi mo sa mga basher mo?" tanong ni Osang."Ay, grabe ka naman, basher agad? Pero anyway, wala akong pakialam sa kanila. Mind their own business saka hindi naman panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon," turan ko."May point, hindi naman por que panandalian ka pa lang nililigawan ay easy to get na agad," wika ni Gela."Yes, huwag lang isusuko agad ang perlas ng Pilipinas," komento ni Osang. Nagtawanan tuloy kaming tatlo nang dahil do'n."Grabe naman kayo sa 'kin, hindi naman
Uwian na ngayon, sinundo ako ni Amos sa may ilalim ng punong mangga. Kahit na may klase pa siya mamaya hanggang 8pm ay ihahatid niya pa rin daw ako sa amin."Ayan, winner ka talaga girl. Biruin mo, may taga-sundo ka pa ngayon. Ang suwerte mo naman sa boyfriend mo," komento ni Osang."True, ganiyan pala mag-alaga si Zerudo," saad ni Gela.Ngumiti lang ako bilang tugon sa mga tinuran nila. Pagkalapit namin kay Zerudo ay agad naman siyang tumayo sa pagkakaupo at nilapitan ako."Kumusta naman ang araw mo, babe?" bungad niya."Okay naman, mas lalong umaliwalas kasi nand'yan ka," sambit ko."Yieee, cheesy..." komento ni Osang. Nagtawanan tuloy kaming apat. After no'n, nagpaalam na 'yung dalawa kong kaibigan at nauna na silang naglakad palayo."Loka-loka talaga 'yong si Osang, masasanay ka rin doon," sambit ko."Okay nga 'yon, e. At least, hindi malungkot ang samahan ninyong magkakaibigan," saad ni Amos. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa pinag-parking-an niya ng motor nang naka-holding
Uwian na namin ngayon, maghihintay pa kami ng isang oras para kitain si Angelica. Hindi namin alam kung ano ang mayroon at nais niya kaming maka-bonding ulit. Naupo na lang muna kaming tatlo sa may bench sa may gilid ng building namin."Guys, mayroon ba kayong chika ngayon? Out of stock na 'ko, e," ani Osang habang nagpapaypay."Wala rin akong maiaambag ngayon," turan ni Gela.Napaisip ako saglit kung ano ang puwede kong maibahagi sa kanila. Ilang saglit pa, naalala kong bigla si Yatco. Tiyak na matutuwa si Osang kapag 'yung crush niya 'yung topic."Ay, ako... may baon akong chika. Hindi n'yo 'to dapat palagpasin," sambit ko."Sure, ready kami pagdating sa mga ganiyan," saad ni Osang.Pagkatapos no'n ay kinuha ko na ang cell phone ko sa loob ng bag ko. Nag-open ako ng social media account at tumungo ako sa profile picture ni Yatco."In-add ako ni Yatco," sambit ko sabay pakita sa kanila na friends na nga kami."Ay, nakakaloka... sana all!" anas ni Osang na wari mo'y naiinggit base sa
Papunta na kami ngayon sa building ng College of Business Administration. Malayo pa lang kami, nakikita na namin 'yung mga booth doon sa may baba. Nang makarating kami, nasilayan namin ang iba't ibang produkto na ibinebenta nila. Mayroong mga sabon, shampoo, mga kung anek-anek sa bahay, pero karamihan ay mga pagkain."Juness!" sigaw ni Angelica sa 'di kalayuan. Nagtatakbo siya papalapit sa amin sabay beso sa 'min isa-isa."Akala ko hindi na kayo makararating," dagdag pa niya. "Sabi naman kasi ni Amos na okay lang kahit hindi na ako tumulong sa kanila, sa inyo na lang daw. May diskarte naman na raw na nagawa 'yung mga kasama niya," turan ko."Oo nga, nasabi niya 'yan sa 'kin kanina. Mabuti nga sila malapit nang makaubos ng paninda," aniya."Wow, ang galing naman ng grupo nila. Anong klaseng tactics ba ang ginawa nila?" tanong ni Gela."Alam mo naman kapag mga kababaihan... libreng pa-selfie ang tactics nila sa mga bibili," tugon niya."Ay iba, ginamit talaga ang itsura para makakuha n
Tuwang-tuwa sila sa uwi kong mga pagkain. Habang kumakain kami, una talagang naubos 'yung ube halaya, e. Masarap kasi talaga saka texture niya ay talagang makunat, nahalo siya nang maigi. Ako lang ang pumansin sa spaghetti habang sina Januarius at Ate Aprilyn do'n sa may carbonara."Sino nagbigay ng ube halaya, anak?" tanong ni Mama."Si Angelica po," sambit ko."Wow, pakisabi sa kaniya na salamat. Masarap talaga 'yung ube, bitin lang," ani Mama."Sige, Ma. Paayuda lang po niya 'yan sa 'min nina Gela at Osang dahil tinulungan namin sila sa may event nila kanina," pahayag ko."Ah, akala ko siya o kaya parents niya ang gumawa. Still, masarap pa rin," aniya.---After naming kumain ay tumungo na ako sa aking silid. Naalala ko si Yatco dahil wala naman akong lakad bukas. Isa pa, heto na rin 'yung pagkakataon para mapaglapit ko silang dalawa ni Osang. Dali-dali akong nag-open ng messenger para i-chat siya, mabuti na nga lang at naka-online siya.Me: Hello, magandang gabi! Mukhang makapupun
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi
Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U
Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa