Nang matapos makapag-perform ng lahat, nagkaroon na muna ng five minutes break para ma-compute 'yung score ng mga hurado. Nanawagan naman 'yung announcer kung sino ang gustong magpamalas ng galing sa pagsayaw at naghanap siya ng limang volunteer.Sa limang 'yon, lahat sila ay pinaakyat sa stage at isa-isa silang nagpakilala. Kumbaga, katuwaan lang at lahat sila ay pinag-sample ng simple moves. Mayroong nagbudots, sumayaw ng spaghetti pababa, at ilang mga sikat na dance moves sa Tiktok. Mayamaya, pinag-showdown silang lima. Todo hataw naman sila ni isa ay walang gustong magpatalo.Hindi ko kinaya 'yung isang babae dahil masyadong malambot ang kaniyang buto. Para siyang nag-a-akrobat sa kaniyang ginagawa. Hindi rin nagpakabog 'yung beklat at tumalon siya sa may baba ng stage at saka nag-split. Naghiyawan ang mga tao dahil sa kaba. Matapos 'yon, dumagundong muli ang ingay sa loob ng venue.Isa-isa ng nagsipagbalikan sa stage 'yung limang kalahok. Sabi ng announcer, ang may pinaka malakas
Ngayon na ang huling araw ng foundation week. Halos lahat naman ng booth ng bawat colleges ay na-explore na namin. Karamihan sa mga sports event, ngayon ang finals. Pero ang pinaka inaabangan talaga ng lahat ay 'yung laban sa basketball. Maski ako, hindi na ako mapakali kung sino ang team na mananalo. S'yempre, ang manok ko ay 'yon pa rin. Sa sobrang excited ko, nagdala ako ng kartolina at pentel pen. Sa pamamagitan no'n, maipapakita ko kay Zerudo ang suporta ko sa kaniya at sa kaniyang grupo. Hindi man niya ako lubusang kilala, at least, I did my part.Nandito ako ngayon sa ilalim ng punong mangga, hinihintay kong dumating sina Gela at Osang. Sa sobrang excited ko kasing pumasok ngayong araw, inagahan ko pa lalo ang pagpasok. Dalawang subject lang naman kami ngayong araw. First subject namin ay 8am kaya 7am pa lang, nandito na 'ko sa school. Hindi ko na nga napanood ang laban nina Zerudo kahapon kaya kailangan kong bumawi ngayon. So ayon na nga, medyo tinamad yata ang prof namin ka
Magsisimula na ang laban, tinawag na ng referee sina Yatco at Zerudo sa gitna para mag-jump ball. Sa paghagis nito ng bola, sabay itong tinalon ng dalawang manlalaro. Mas mataas ang talon ni Yatco kaya siya ang nakatapik ng bola at nakuha naman ito ng team niya. Dali-dali iyong diniribol ni Mr. #7 patungo sa kampo ng kalaban. Agad naman siyang hinarangan ni Zerudo kaya agad niya iyong ipinasa sa kasama niyang naghihintay sa may kaliwa. Mahigpit din ang pagbabantay na ginawa ng CBA team para hindi maka-score ang CoA.Ilang sandali lang, biglang sumugod papasok sa loob 'yung ka-team ni Yatco at inihagis ito sa ring nang walang pag-aalinlangan. Medyo alanganin ang puwesto niya ng pinag-shoot-an kaya ang lahat ay naghihintay kung papaspk ba 'to or hindi. Sa kasamaang palad, dumaplis lang ito sa may ring.Nagulat ako nang biglang may tumalon nang mataas at kinuha 'yung bola sa ere. Iba talaga si Yatco, mataas talaga siyang tumalon kaya hindi siya nahirapang kuhanin 'yung bola."Wahhh! Yat
Para akong binatuta nang paulit-ulit dahil sa pangyayari. Kay sakit isipin na may girlfriend na si Zerudo at wala na talaga akong pag-asa sa kaniya. Sa tuwing tinitingnan ko sila, umiiyak ang aking puso at labis na naghihinagpis. "Tara na, alis na tayo," pagyaya ni Gela.Gusto ko na rin sanang umalis para hindi ko na sila makitang naglalampungan pero may parte rin sa puso ko na ayaw ko pa. Tapos na ang awarding ceremony at pinupunsasan naman ngayon no'ng babae 'yung tumatagaktak na pawis ni Zerudo sa mukha."Huwag mo na silang panuorin, mas lalo ka lang masasaktan," komento ni Osang.Nalulungkot ako na naiinggit, parang gusto kong manakit. Hindi naman tamang magselos ako pero valid naman 'yung feelings ko. 'Yon nga lang, wala akong karapatan dahil wala namang namamagitan sa 'min ni Zerudo. Baka nga puwing lang ako sa paningin niya."Kung hahayaan mo lang ang sarili mo na ganiyan, hindi mawawala ang panibugho sa 'yong puso," turan pa ni Gela.Tama sila, ako lang din naman ang nagpapal
Pagkarating ni Mama galing palengke ay agad ko siyang tinulungan para asikasuhin 'yung kaniyang lulutuin. Nagsaing na rin ako sa rice cooker para mas mapabilis ang pagluluto. Habang abala si Mama sa pagpuputol ng karne, ako naman ay nagbabalat ng patatas at carrots. Matapos 'yon, hiniwa ko na rin ang mga 'to. "Ayan, may nakalimutan pala akong bilhin. Juness, bili ka nga saglit ng liver spread sa may kanto," ani Mama."Sige po," tugon.Bilang masunuring anak, sinunod ko naman siya agad. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko 'yung anak ng kapitbahay namin na naglalaro ng luto-lutuan. "Mimi, gusto mo bang maging chef paglaki mo?" bungad ko."Opo," tugon niya na wari mo'y hinahalo ang mga pinirasong dahon sa kaniyang lutuan."Wow, nice naman. Balang araw ay magiging magaling ka rin na chef," saad ko pa habang pinipisil ang pisngi niyang kay tambok."Salamat po."Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makarating na 'ko sa may tindahan sa kanto. Medyo marami 'yung taong bumibili kaya nag
Lumabas na ng bahay si Ate para hintayin ang pagdating ni Kuya Benj. Bumaba na rin dito sa sala si Januarius na wari mo'y napakabait na bata. Pinagpagan pa ang mga sofa para daw malinis at walang alikabok."Ayan, pagdating ni Kuya Benj ay sisipsip ka na naman," sambit ko pagkatapos niya sa kaniyang ginagawa."S'yempre, kailangan nating magpalakas," aniya habang taas-baba ang magkabilang kilay."Asus, kung alam lang namin, sa susunod magpapabili ka lang kung ano-ano," turan ko."Gano'n talaga, palakasan lang kay Kuya Benj," sambit niya sabay dila sa 'kin.Ilang saglit pa, dumating na si Ate kasama si Kuya Benj. Ipinakilala niya sa amin 'yung jowa bilang formality na rin siguro. "Juness, Januarius, heto nga pala si Benj, boyfriend ko," sambit ni Ate."Hello sa inyo," anito."Hello po," turan ko."Nice to meet you po, Kuya," magiliw na sambit ni Januarius.Matapos 'yon, agad niyang iniabot sa amin ang dala niyang donut na animo'y pasalubong. Siyang-siya ako dahil glazed donut siya based
Pagkakita ko kina Osang at Gela ay agad kong ikinuwento sa kanila si Angelica."Sigurado ka ba talaga sa kaniya, girl? Bakit parang feeling ko hindi palagay ang isip ko base sa kuwento mo?" saad ni Gela.Hindi ko alam kung bakit ganoon ang lumabas sa bibig ni Gela. Wala naman akong nakitang mali kay Angelica. Nice person naman siya and magkakilala na kami noong bata pa kami. "Okay naman siya sa 'kin. Palagay ang loob ko sa kaniya noong nag-uusap kami. Hindi ko naman siya nakitaan ng masamang motibo," tugon ko."May point naman si Gela. Parang ang bilis lang talaga ng pangyayari. Biruin mo, 'yung matagal mo ng kilala ay bigla kayong pinaglandas ng pagkakataon... puwedeng destiny talaga na magtagpo kayo ulit," ani Osang."True, kung kapalaran nga talaga na magtagpo ang aming landas, baka siya na talaga ang susi para maging close kami ni Zerudo," masaya kong sambit."If yes, good for you," ani Osang."Masaya ako para sa 'yo kung magkagayon man. Nagkamali nga lang siguro ako, hindi naman
"Hi, guys, nice to meet you," turan ko."Nixe to meet you too," sambit no'ng lalaki kanina at nakipag-shake hands sa 'kin."Pamilyar ka sa 'kin. Ikaw ba 'yung babaeng nagtitinda ng pastillas?" untag ni Zerudo."Ah, oo, ako nga 'yung nagbenta sa 'yo no'ng nakaraan," shy type kong sambit.Hindi ko in-expect na matatandaan niya na ako ang nagtitinda no'ng pastillas at yema. Hindi niya ba natatandaan na ako 'yung cheer sa kaniya no'ng basketball finals? Pero kahit na gano'n, kinikilig pa rin ako sa kaloob-looban ko."Bakit ka nagtitinda ng pastillas?" pagsingit ni Angelica dulot ng kuryosidad."Tinutulungan niya kasi 'yung kaibigan niya para sa pag-aaral nito," sagot ni Zerudo.Na-shock ako no'ng marinig ko 'yon. Hindi talaga ako makapaniwala na matatandaan niya 'yon. Ayaw kong mag-assume pero... tumatak kaya ako sa isipan niya no'ng panahon na 'yon."Yep, tama siya. That time tinutulungan ko 'yung kaibigan kong maubos 'yung kaniyang paninda," saad ko."Siya 'yung kaibigan na tinutukoy ko
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na
"Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan
Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi
Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U
Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa