Share

Chapter 2

Penulis: risingservant
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-29 19:42:56

Hinding-hindi ko malilimutan ang unang lalaking bumihag sa aking puso. Ipinaramdam niya sa akin kung paano lilipad at sasabay sa saliw ng dagundong na namumutawi sa aking puso.

Napaka-memorable ng una kong pag-ibig sapagkat dito ko rin naramdaman kung paano kiligin nang wagas. Sa mga munting bagay na ginagawa niya para mapasaya ako, rehistradong-rehistrado iyon sa utak ko. 

Pinatunayan niya rin sa akin na hindi kailangan ng mga materyal na bagay para mapasaya mo ang isang tao. Sakto lang din naman ang antas ng kaniyang pamilya sa buhay, hindi mahirap at hindi mayaman. 

Sa kabila ng lahat ng sayang itinanim niya sa pinakamatabang bahagi ng aking puso, ay siya ring pait sa pagkakapunla upang ito'y dumugo.

---

"Babe, akalain mo 'yon, tatagal tayo ng tatlong buwan..." bungad ko kay Martin habang nakasakay kami sa ferris wheel. 

Madilim ang kalangitan ngunit laganap at kumukutikutitap ang mga bituin. Ang sarap pagmasdan ng mga ito, para bang kay sarap abutin sa tuwing napupunta kami sa pinakatuktok.

"Kaya nga, babe. Parang kailan lang e ayaw na ayaw mo sa akin lalo na kapag kinukulit kita. Hindi naman ako kaguwapuhan katulad ng mga lalaking pinagpapantasyahan mo, pero sa huli, sa akin din bumagsak ang pinakamatamis mong oo," aniya habang nakatitig sa aking mga mata.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil totoo naman ang sinabi niya. First year hanggang third year high school, kaklase ko na siya pero hindi ko siya pinagtutuonan ng pansin sapagkat wala akong gusto sa kaniya.

---

Pareho kaming nasa first section. Sa totoo niyan, kami ang madalas na magkalaban sa klase pagdating sa paghahakot ng mga award. Nang dahil do'n, para kaming aso't pusa na nagbabangayan madalas kapag magkasama kami. Nang lumaon, unti-unti kaming naging magkaibigan.

Noong mga panahong iyon, baliw na baliw ako kay Miguel na kaibigan niya. S'yempre, hindi ko ipinapaalam iyon kay Martin kasi baka tuksuhin niya lang ako. Bilang babae, nahuhumaling din naman ako sa mga lalaki lalo na kapag g'wapo at maganda ang hubog ng pangangatawan. 

Kahit na akala ng iba na aral at bahay lang ako noon, hindi nila alam na stalker mode rin ako kapag nasa bahay. Iyon ang pampalipas oras ko kapag wala akong ginagawa o 'di kaya'y tapos ko na ang mga gawain ko. Wala naman akong kaibigan kaya kapag kinikilig ako o may bago akong crush, ako lang din ang nakakaalam at sa bahay ako nagtatatalon kapag kinikilig.

Dumating 'yung pagkakataon na nalaman ni Martin na may gusto ako sa kaibigan niya. Matapos iyon, dinala niya ako sa likod ng aming paaralan.

"Bakit ba gusto mo si Miguel? Dahil ba g'wapo siya?" bungad sa akin ni Martin. Kita ko ang galit na namumutawi sa kaniyang mga mata kaya hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kapag sinabi ko bang oo, ano ang gagawin mo?" kinakabahan kong tanong. Nanginginig ang aking mga kamay dahil hindi ko alam kung ano ang itutugon niya.

"E 'di aamin na 'ko sa iyo," malumanay niyang sambit habang nangungusap ang kaniyang mga mata.

"Ha? Ano ang ibig mong sabihin?" nagugulumihanan kong tanong. 

"Matagal na akong may lihim na pagtingin sa iyo. Nakakatawa nga, e. Alam ko namang hindi ka magkakagusto sa akin kasi hindi naman ako ang iyong tipo. Pero wala, e. Natalo ako. Nahulog ako sa iyo," pahayag niya habang nakatalikod sa akin. 

"Bakit mo ba sinasabi sa akin iyan?" Hindi ko alam ang gagawin ko dahil parang tambol na dumadagundong sa aking tainga ang bawat katagang binibitiwan niya. Gusto kong tumakbo at iwan na lang siya rito pero hindi ko magawa. Nais ko pang malaman ang lahat ng kaniyang sasabihin.

Mayamaya, bigla siyang humarap sa akin. Nagulat ako nang makita ko ang nangingilid niyang luha sa kaniyang mga mata. Mistulang kahit anong segundo ay raragasa na ang mga ito.

"Kasi, mahal kita. Nasasaktan ako kapag nakapokus ka sa ibang tao. Nagseselos ako kahit alam kong hindi naman tayo. Pero okay lang iyon, alam ko namang napapasaya kita kapag magkasama tayo. Ngayong nasabi ko na ang mga 'to, siguro naman e gagaan na ang pakiramdam ko," saad niya. 

Sa bawat salitang binibitiwan niya, para bang sinasaksak ako ng isang daang palaso. Para bang guilty ako na ewan, hindi ko siya kayang makitang luhaan sa harapan ko. Ibang-iba siya sa Martin na nakilala ko noon na masiyahin lang at puro kalokohan ang alam.

Akmang aalis na siya at iiwan ako rito na mag-isa. Kamukatmukat, bigla akong tumakbo para pigilan siya.

"Sorry kung nasaktan kita. Sorry kasi ngayon ko lang napagtanto na kaya ka laging nakaagapay sa akin kasi ayaw mong mag-isa lang ako. Sorry kasi hindi ko napansin ang bugso ng iyong damdamin sapagkat sa iba nakatuon ang aking pansin. Ikaw lang ang kaibigan ko, ang laging nandiyan sa tuwing kailangan ko ng kasama o karamay. Hindi ko maaatim kung mawawala ka," litaniya ko habang nakapatong ang aking kanang kamay sa kaliwa niyang balikat.

Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya sa mga sinabi ko. Puro hikbi lamang ang aking naririnig no'ng mga oras na iyon. Ilang saglit pa, bigla siyang humarap sa akin at niyakap ako nang mahigpit.

"Salamat dahil itinuring mo akong kaibigan. Hanggang dito na nga lang siguro tayo," mahina niyang sambit. Ramdam ko ang mabilis na pagkabog ng kaniyang d****b habang nakayakap kami sa isa't isa.

"Hindi ko naman isinasara ang pinto para sa ating dalawa," bulong ko.

"Ano ang nais mong ipahiwatig?" tanong niya pagkatapos kumalas ng yakap sa akin.

"Mabuti kang tao, Martin. Gusto pa kitang makilala nang lubos..." sambit ko.

"Ibig sabihin ba nito, may pag-asa pa para sa ating dalawa?" nakangiti niyang tanong. Hinawakan niyang bigla ang aking kamay nang dahil sa tuwa. Tumango lamang ako bilang pagsagot.

"Matapos ang pighati, saya naman ngayon ang mamumutawi. Salamat, Juness!" saad niya sabay buhat sa akin.

Iyon ang simula para kilalanin pa namin ang isa't isa. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko siyang mawala kaya binigyan ko siya ng pagkakataon.

Makalipas lang ang isang buwan, ibinigay ko na sa kaniya ang matamis kong oo. Walang mapagsadlakan ang saya sa aming mga puso dahil may label na ngayon ang aming relasyon.

---

Hindi naman pala dapat pagbasehan ang itsura para mahalin mo ang isang tao. Higit na importante ay ang pagkakaroon niya ng mabuting kalooban. Isa iyon sa aking napatunayan, bonus na lang talaga ang itsura.

"Sa taglay mong ganda, hindi pa rin talaga ako makapaniwalang nagoyo kita," turan ni Martin habang patuloy sa pag-ikot ang ferris wheel na sinasakyan namin.

"Ano ka ba, hindi ako maganda 'no. Sakto lang din kaya match tayo," pambobola ko sabay sandig ng aking ulo sa kaniyang balikat.

"Asus, pa-humble ka pa. Marami kayang nagkakagusto sa iyo rito sa school, hindi mo lang alam. Hindi mo na kailangan ng kolorete sa mukha para masabihan ng maganda. Idagdag mo pa ang pagiging matalino mo kaya masuwerte ako sa iyo," aniya.

"Huwag ka ngang ganiyan," pabebe kong tugon sabay palo sa kaniyang braso. 

Ilang saglit pa, bigla kaming huminto sa pinakatuktok dahil nagbababa na ng mga sakay.

"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita," sambit niya habang pinagtututop ang aming mga kamay.

"Mahal din kita," tugon ko.

Unti-unting naglapit ang aming mga mukha hanggang sa naglapat ang aming mga labi. Saksi ang mga bituin sa mga oras na iyon at isa sa pinaka-memorable para sa akin kaya hindi ko iyon malilimutan.

Matapos iyon, hinatid pa niya ako sa amin pero ayaw ko sana kaso mapilit. Gabi na nga kasi kaya ayaw niya akong umuwi nang mag-isa. Pumayag naman akong magpahatid hanggang sa kanto dahil parehong hindi alam ng mga magulang namin na mayroon na kaming karelasyon. Pareho ang mga magulang namin na tutol pa sa pakikipagrelasyon. At dahil do'n, lihim lang din ang aming pagmamahalan, kaming dalawa lang ang nakakaalam.

Kinabukasan, nagtataka ako dahil hindi pumasok si Martin. Hindi naman iyon lumiliban sa klase. Hindi ko alam pero nakaramdam ako bigla ng pagkabahala. Pagkatapos ng una naming klase, agad ko siyang tinawagan pero cannot be reach siya. Lumaon ang isang linggo, wala pa rin siyang paramdam kaya lubos na akong nabahala.

Gayon na lamang ang pagkagulat ko nang malamang nag-drop out na siya sa school ayon sa adviser namin. Marami ang nalungkot pero ako, para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Nawalan ako ng gana sa pag-aaral dahil iniwan ako ni Martin nang biglaan. Wala man lang siyang paabiso o paramdam man lang kung bakit niya ako ginanito.

Nang dahil do'n, napabayaan ko na ang pag-aaral ko. Wala naman akong bagsak pero wala na ako sa top students.

Nagloko na 'ko at nalaman iyon ng mga magulang ko. Nalaman din nila na nagka-boyfriend ako dahil feeling ko no'n, wala na akong pag-asa at gumuho na ang mundo ko. Sa kabila no'n, hindi naman nila ako pinabayaan. Tinulungan nila ako para unti-unting makabangon muli.

Sa pagtungtong ko sa fourth year, nasa ikatlong section na lamang ako. Matagal din akong na-depress bago makakita muli ng panibagong pag-asa. Maraming nanligaw sa aking mga lalaki at karamihan sa kanila ay binigyan ko ng pagkakataon sa pagbabaka sakaling mapalitan nila si Martin dito sa puso ko.

Sa kasamaang palad, walang tumagal ni isa sa kanila sapagkat katawan ko lang naman ang kanilang gusto, hindi ang puso ko. Nakakapagod din palang hanapin si Mr. Right kaya tumigil na muna ulit ako. Nagpokus na lang ako sa pag-aaral. Nagsikap akong muli para makaahon sa lusak na kinasadlakan ko.

Sa bandang huli, hindi ko man naabot ang pinakamataas na parangal, masaya pa rin akong inialay sa aking mga magulang ang aking diploma nang ako'y makapagtapos.

---

Hindi ko alam kung bakit nakita nila Rosanna at Gela si Martin gayong ang huling balita ko sa kaniya ay nakatira na sila sa ibang bansa. Bakit ba siya nagbalik muli rito? Naka-move on na ako sa kaniya pero bakit tila ba bumabalik ang sakit?

"Ano ang gagawin mo kapag nagkita kayong muli?" tanong ng aking konsensya.

Niyugyog ko ang aking ulo dahil kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko. Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang aking gagawin kapag nagtagpo ang aming mga landas.

Bab terkait

  • Sweet Disposition   Chapter 3

    Itinigil ko na muna ang pagninilay-nilay at inasikaso ang dapat kong lutuin. Tiyak na pagod si Mama mamaya pagkauwi kaya mas mainam nga ang sopas para sa kaniya.Iniluto ko na ang elbow na pasta roon sa chicken stock. Nang sa palagay ko'y okay naman na iyon, isinunod ko na agad ang iba pang rekado. Makalipas ang limang minuto, pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang sopas. Tiyak na matutuwa rito si Mama kapag natikman niya.Tinatamad na ako ngayon dahil wala na akong ginagawa. Minabuti kong mahiga na lang muna sa may sofa at magbasa ng kung anu-anong story online.---Inabot din ako ng kalahating mnuto sa pagbabasa ng maikling kuwento. Ilang saglit pa, napa-awts na lamang ako.Bakit gano'n ang nabasa ko? Ang sakit naman nito sa puso. Mabuti na lang at hindi dumating sa punto na nagtangka akong kitilin ang sarili kong buhay.Salamat sa pamilya kong umagapay sa akin noong nalugmok ako.Hindi

  • Sweet Disposition   Chapter 4

    Pagkarating namin sa dorm ni Gela, agad naman niyang ipinahiram sa akin 'yung kinakailangan ko. Matapos iyon, naupo na muna kami sa higaan niya at nagkuwentuhan.Apat sila rito sa isang kuwarto. Dalawang double deck ang matatagpuan sa silid na higaan nila, sakto lang para sa kanilang apat 'yung kuwarto't hindi naman masikip. Wala 'yung tatlo niyang kasama rito, marahil ay may klase pa."Mga bes, naalala n'yo pa ba noong first day of school natin?" bungad ni Rosanna pagkasampa sa higaan. Sumandal siya sa pader at niyakap ang stuff toy ni Gela na tweety bird."Oo naman, iyon ang araw na naging magkakaibigan tayo," saad ko. Tinanggal ko ang bag ko't sumampa na rin do'n."Hindi lang iyon, 'yon din ang araw na kung saan ay pare-pareho tayong naligaw at ibang silid ang napuntahan kaya na-late tayo sa unang klase natin," gunita ni Gela. Tumabi siya sa amin habang may hinahalungkat sa loob ng bag niya.Naalala ko na naman ang

  • Sweet Disposition   Chapter 5

    Matapos ang aming kuwentuhan, bumalik na kami sa aming eskuwelahan para sa aming susunod na klase. Mabuti na nga lang at block section kami kaya magkakaramay kami lagi.Pagkarating namin sa aming silid, pumuwesto kami sa may bandang likuran; sanay na kami sa ganito. Kadalasan kasi, mga matatalino ang nauupo sa may bandang unahan. Subsob sila masyado sa pag-aaral at para bang ayaw na nalalamangan. Tila ba kakumpitensya ang tingin nila sa bawat isa rito sa klase.Sa may bandang gitna naman nauupo 'yung mga masisipag. May times na nakikinig sila sa klase, may times din na hindi. Pero kahit na ganoon, hindi sila nagpapahuli pagdating sa exam. Matataas na marka pa rin ang nakukuha nila.Ay s'yempre, dito nauupo sa likuran ang mga black sheep. 'Yung mga rebelde, mga easy-go-lucky, mga napilitan lang, mga team tamad, mga irregular, at kaming mga no choice dahil dito na lang ang mayroong vacant seat.Hinding

  • Sweet Disposition   Chapter 6

    Marahan naming sinundan si Mr. Maskels. Patungo na siya ngayon sa College of Architecture. Habang sinusundan namin siya, isang bulto naman ng mga kababaihan ang nakasalubong namin."Bilisan n'yo, girls! Malapit nang magsimula 'yung laro!" sambit ng isang babae na tila ba lider nila.Para silang mga aligaga na hindi magkandamayaw. 'Yung tipong may artista silang dudumugin. Mayroon ding may dala sa kanila na tila ba colored paper na gagawing placards."Para kay Fafa A! Full support dapat tayo!" anas pa no'ng isa.Pareho kami ni Osang na tila ba tsismosa na nakikinig sa usapan kanila."Sis, mukhang rarampa ang mga babaita sa gym! Mayroong fafabols siguro silang susuportahan do'n," saad ni Osang.Napakibit-balikat na lamang ako. Aaminin ko, marami naman talaga fafabols na basketball player. 'Yon nga lang, karamihan sa kanila, mga babaero. Ang hirap pa namang may

  • Sweet Disposition   Chapter 7

    Pawis na pawis kami nang makarating kami sa aming classroom. Buti na lang at wala pa 'yung prof namin."Guys, inamag na 'ko kahihintay sa inyo kanina sa ilalim ng punong mangga. Akala ko hindi na kayo papasok kaya nauna na 'ko sa inyo rito. Ano bang nangyari at mistulang pagod na pagod kayo? Saan kayo nanggaling?" bungad ni Gela sa harapan namin habang nakapameywang pa.Kinuha ko na muna saglit ang aking panyo sa may bulsa at saka pinunasan ang mga tumatagaktak kong pawis sa mukha't leeg. Hindi pa nga tapos ang huling klase, pagod na pagod na 'ko. Nakakahiya sa prof namin saka sa mga kaklase ko na ang dugyot kong tingnan."Sorry, Gela. Galing kasi kami sa gymnasium kanina. Hindi namin namalayan ni Rosanna 'yung oras kaya para kaming hinabol ng limang aso kung makatakbo patungo rito," sagot ko."Ops, hindi lang 'yon. Bago kami tumungo sa gym, stalker mode kami kanina kay Mr. Maskels kaso naudlot 'yung

  • Sweet Disposition   Chapter 8

    "Bakit mo ba kasi sinuntok si Karding?" turan ni Ate pagkapasok ko.Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko 'yon. Hindi naman kasi nakikipag-away ang kapatid kong 'yon. Pinalaki kami nang maayos at tama ng mga magulang namin kaya hangga't maaari, umiiwas kami sa gulo."Paano ba naman, Ate, inaawat ko lang sila ni Toto dahil nagkakapikunan sila tapos bigla ba naman akong tinulak nang malakas. Nang dahil do'n, natumba 'ko sa sahig. Hindi pa siya natinag at sinipa niya pa 'ko," pangangatwiran ni Januarius."Dapat hindi mo na lang pinatulan at nagtatakbo ka na lang pauwi sa 'tin," ani Ate."Ate, hindi naman na tama 'yon. Hindi naman na 'ko batang paslit na tatakbo na lang at iiyak sa isang sulok. Dapat lang din na bigyan siya ng leksyon," saad ni Januarius."Tama si Ate Aprilyn, dapat umiwas ka na lang sa gulo," pagsingit ko sa usapan nila."Pati ba naman i

  • Sweet Disposition   Chapter 9

    Para ang bilis lang ng oras. Hindi namin namalayan na huling klase na pala namin ngayon. Mabuti na lang at 3pm ang uwian namin kaya hindi mapupurnada ang plano namin mamaya."Guys, tuloy tayo later. Walang mag-ba-back out," untag ko.Baka kasi mamaya hindi na naman sumama si Gela dahil gagawin niyang palusot ang pagtitinda."Oo naman, alam kong kinakabahan ka sa 'kin. Tatlong supot na lang naman ng pastillas ang natira. Kung hindi maubos, mayroon pa namang bukas. Remember, tutulungan n'yo 'kong dalawa," saad ni Gela habang nakaturo sa 'ming dalawa ni Rosanna."Mark our words," turan ni Osang.Ilang saglit pa'y dumating na ang prof namin. Oral Communication ang subject namin, mahina pa naman ako sa English kaya ayaw na ayaw ko talaga kapag nagpapa-recitation si Ma'am. Feeling ko, lalamunin ako ng lupa dahil tila nababaluktot ang dila ko kapag turn ko na.

  • Sweet Disposition   Chapter 10

    Nagtatakbo ako pabalik sa mga kaibigan ko nang makapasok na si Zerudo sa loob ng kaniyang silid. Hindi ako magkandamayaw sa sobrang tuwa na aking nararamdaman. Bakas sa mukha ng mga kaibigan ko ang kaligayan dahil alam nilang napagtagumpayan namin ang plano na 'to.Hindi pa ako humihinto sa harap nila nang bigla ko silang mahampas sa kanilang magkabilang braso dahil sa mataas na emosyong aking nararamdaman."Awts, ang sakit no'n, girl," komento ni Osang."Huwag mo naman kasi---" Hindi na natapos ni Gela ang kaniyang sasabihin matapos kong ilagay ang aking kanang kamay sa kaniyang bibig."Shhh, moment ko 'to," saad ko.Walang ano-ano'y dali-dali ko silang hinila sa may comfort room dito sa third floor. Hindi naman sila nagprotesta pa ang tila nagpatianod na lang kung saan ko sila dadalhin. Pagkarating namin do'n, walang tao kaya isinara ko na muna ang pinto at ni-lock ito.&n

Bab terbaru

  • Sweet Disposition   Epilogue

    May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k

  • Sweet Disposition   Chapter 115

    Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl

  • Sweet Disposition   Chapter 114

    Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le

  • Sweet Disposition   Chapter 113

    Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang

  • Sweet Disposition   Chapter 112

    Nang maubos namin 'yung ice cream namin ay nagkuwentuhan na muna kami. Nakaupo lang ako habang si Yatco naman ay nakahiga, wari mo'y nakasilay siya sa kalangitan. Siya ang unang nagbukas ng topic."May ideal age ka ba kung kailan mo gustong magpakasal?" tanong niya.Napaisip naman akong bigla sa tanong niya. Mayroon nga ba? Hindi pa kasi 'yon pumapasok sa isipan ko. Hangga't maaari, kung magpapakasal ako ay hindi naman 'yung nasa 30's na 'ko. Puwede na siguro 'yung 28 yrs old kasi kailan ko munang magkaroon ng stable na trabaho kapag naka-graduate na 'ko. Tutulong pa ako sa pamilya ko lalo na sa pag-aaral ni Januarius. Wala rin namang ibang aasahan si Mama kasi tiyak na may asawa na no'n si Ate Aprilyn."Hmm, 28 yrs old siguro. Hindi naman siguro aabot ng 30's. Ikaw ba?" pahayag ko."Uy, ang tagal pa pala. Ten years from now pa pala. Ako, nakadipende kung kailan magiging handa 'yung mapapangasawa ko," wika niya."Ang tagal pa ng ten years, mahintay mo pa kaya ako no'n?" ani ko."Oo na

  • Sweet Disposition   Chapter 111

    "Oh, bakit umalis na 'yung dalawang kaibigan mo?" tanong ni Yatco nang makalapit na siya sa 'kin."Naku, importante pa silang lakad kaya nagpaalam na," pagdadahilan ko. "I see, akala ko e pinagalitan mo dahil nadulas sila sa 'kin kahapon," ngingisi-ngising sambit niya."Grabe ka naman sa 'kin, hindi ko naman sila papagalitan nang dahil lang do'n. Nakiki-chismis pa nga kung ano nangyari kahapon," turan ko."Naikuwento mo ba?" tanong niya na may halong pang-uusisa."S'yempre, hindi. Hindi ko naman na dapat pang ikuwento ang mga pribadong usapan. Mas masarap magkaroon ng tahimik na buhay," nakangiti kong sambit."Good girl," aniya sabay pisil sa pisngi ko."Oy, hindi ako aso," wika ko. "Speaking of aso, kumusta na si Nestor? Hindi ba siya makulit?" tanong niya pa."Hindi naman, mabait nga, e. Tahimik lang siya sa isang sulok kapag hindi nakakulong. Introvert yata si Nestor," turan na may kasamang paimpit na tawa."Siguro, extrovert siya kapag maligalig na," segunda niya kaya nagtawanan

  • Sweet Disposition   Chapter 110

    Kaya naman pala hindi ka-close ni Yatco 'yung tatay niya dahil lahat ng gusto nito ay talagang ipinagpipilitan. Noong una, 'yung kursong hindi niya gusto. Tapos ngayon, ipapakasal siya sa taong hindi niya naman mahal. Kung ako 'yon, ay... tatanggi rin talaga ako. Hindi ko kakayaning mamuhay nang gano'n. Mabuti na lang at hindi pumayag si Yatco sa kagustuhan ng tatay niya. Gano'n niya talaga ako kamahal. Napangiti na lang tuloy ako habang iniisip ko 'yon. Mahirap din talaga maging mayaman, hindi naman talaga kapakanan ng anak niya 'yung iniisip niya kundi sarili niya lang at ang kalagayan ng business niya.Habang naghihintay ako ng masasakyang jeep, bigla akong tinawag ni Sir Yatco. Hindi ko namalayang lumabas na rin pala siya. Hindi ko muna siya nilingkn at nagkunwari akong hindi ko siya narinig."Kung magbago man ang isip mo, i-text or tawagan mo lang ako," wika niya pa. Iyon na ang pagkakataon para harapin ko siya."Pasensiya na po, Sir. Hindi na po talaga magbabago ang isip ko, fi

  • Sweet Disposition   Chapter 109

    Nagpaalam kami ni Gela sa isa't isa nang matiwasay. Pagkatapos no'n ay bumalik na ako sa aming silid. At same nga sa iba naming subject, attendance lang din talaga ang ginawa namin. Papauwi na rin sana ako sa 'min dahil wala naman na akong ibang gagawin nang biglang may mag-text sa cell phone ko. Pagkatingin ko ay unknown number, binuksan ko pa rin naman ang mensahe dulot ng kuryosidad.From: UnknownGood day, Ms. Pilapil. This is Arthur's Dad. Puwede ka bang ma-meet ngayon? What time ka available? Thank you!Nagulat ako as in, nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko 'yon. Seryoso ba? Tatay talaga siya ni Yatco? Saan niya naman nakuha ang number ko? Bakit niya naman gustong makipag-meet sa 'kin? Kinakabahan ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.To: UnknownGood day po, Sir. Yes po, puwede naman po. Mga 2pm po puwede naman po ako.Pikit-mata kong sinend 'yung text ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para mag-reply. Ilang saglit pa ay nag-reply na 'to.From: U

  • Sweet Disposition   Chapter 108

    Malapit na ang oras ng hapunan, nakaluto naman na sina Tita at Lola Anita. Nakatawag na rin ako kanina kay Mama na nandito ako kina Yatco at dito na ako kakain. Hindi ko na muna sinabi sa kaniya na may pabalot daw mamaya si Lola Anita para sila naman daw ang may maipatikim sa kanila. Tiyak na matutuwa 'yon mamaya."Juness, Arthur, halina kayo rito sa hapag, kakain na tayo," pagtawag sa 'min ni Tita. After ko kasi silang tulungan kanina ay dumiretso na ako sa may sala at sinamahan ko si Yatco na manuod na muna."Sige po, Mom, papunta na po kami riyan," tugon ni Yatco. Niyaya naman niya na ako at sabay kaming pumunta roon. Nadatnan naming nakahain na ang lahat maging mga pinggan, kutsara, at tinidor. Nakaupo na rin sina Tita at Lola Anita. Pagkaupo namin ni Yatco ay si Lola na ang nanguna sa pagdarasal. Matapos 'yon ay nagsimula na kaming kumain.Kumuha na ako ng kanin at iniabot naman sa 'kin ni Tita 'yung dinuguan pagkatapos niyang kumuha. Agad naman akong sumandok, pagkalagay ko sa

DMCA.com Protection Status