Hindi mapakali si Tajana at panay din ang tingin niya sa labas ng kwarto ng kanyang tiyahin. Medyo tanaw niya ito mula sa kwarto niya kapag sumilip siya. Hindi niya sigurado kung nasa loob ang kanyang tiya. Hindi niya kasi naabutan kanina. Kinakabahan siya, para na lang siyang biglang mahihimatay sa oras na makita siya nito. Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Hindi ko na alam kung anong susundin ko. Ang gusto ko ba o ang kailangan kong gawin? Nagdadalawang-isip siya habang tinitingnan ang cellphone niyang nakapatay ngayon. Telepono lang kasi ang ginagamit nila sa probinsya. Hindi din gusto ni Don Ismael na gumagamit sila ng cellphone dahil mapapahamak lang daw sila doon sa pakikipag-usap sa mga taong hindi naman nila madalas makasalamuha. Madaming itinatago si Tajana sa kanyang lolo. Hindi niya rin ito gustong gawin. Pero marami rin kasi siyang mga bagay na gustong gawin sa kanyang buhay. Hindi niya magawa
Read more