Home / Romance / Secrets of Tajana / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Secrets of Tajana: Chapter 31 - Chapter 40

48 Chapters

Kabanata 31

Hanggang sa makauwi sila ay hindi maiwasan ni Terrence na hindi tingnan si Tajana. Hindi naiwasan ng dalaga na magtanong ng mapansin niya ito."May gusto ka bang sabihin?""Huh?""Nakatingin ka kasi sa'kin parang may gusto kang sabihin.""Wala naman. Mabuti na lang at wala namang masyadong nangyari sayo dahil kay Zoe. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magpunta ka muna sa isang lugar ng hindi ako kasama.""Tapos naman na. Huwag mo na kong sermonan. Please. Masyadong naging panget ang gabi ko.""Gusto mo bang kumain?""Hindi na. Wala akong gana.""Baka sumakit ang tiyan mo.""Okey lang ako Terrence. Papasok na ko sa kwarto ko."Nang sumapit ang bagong araw ay nakita ni Terrence ang ilang mga pulis na nasa labas ng kanilang bahay. Alam na niyang mangyayari ito dahil sa pangyayari kagabi."Good morning po sir." bati ng isang pulis ng bumukas ang pintuan at nakita nila ang binata."Good morning din. Ang aga niyo naman yatang napabisita.""Ah kasi po nautusan lang kami na ayusin na ang rep
last updateLast Updated : 2022-05-21
Read more

Kabanata 32

Pagod na pagod na si Terrence sa paghahanap kay Tajana at inabot na din siya ng gabi. Kung saan-saan na siya nagpunta pero hindi pa rin niya makita ito. Sobra na ang pag-aalala niya sa dalaga. Alam niyang may pinaplano ito. Habang siya ay naghahanap, patuloy naman ang pagtawag ni Michael sa kanya. Dahil dito ay mas lalong napapago ang isip ni Terrence. Alam niyang importante ang gustong sabihin ni Michael pero hindi niya kayang isipin muna iyon. Sa ngayon ay siya lang ang meron si Tajana.Nag-hired si Terrence ng mga taong tutulong sa kanya sa paghahanap sa dalaga. Hindi na niya iniisip pa ang gastos dahil ang gusto lang niya ay mahanap si Tajana. Patuloy pa rin sa pagdadrive si Terrence at pagtatanong sa mga club, bars at iba pang lugar. Pero walang nakakita sa dalaga."Mababaliw na talaga ako! Shit! Bakit ba hinayaan kong mawala siya sa paningin ko?!" sigaw nito pagpasok muli ng kanyang kotse. Napahampas siya ng kanyang kamay sa manebela ng ilang ulit dahil sa kanyang nararamdaman.
last updateLast Updated : 2022-06-30
Read more

Kabanata 33

Tuloy pa rin ang pagsulyap-sulyap ni Don Ismael kay Alicia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito."Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ng matanda. Ngayon ay nasa isang silid na puno ng mga libro sila sa loob ng mansyon. Ang mag-ama lang ang magkasama.Panay naman ang tingin ni Alicia sa buong kapaligiran na tila nagpapabalik ng mga alaala niya noong mga panahon na siya ay nakatira pa sa kanilang mansyon. Tuluyan lang na nagising si Alicia ng maalala niya ang kanyang anak. Kaya naman tumingin na siya kay Don Ismael."Nasaan ang anak ko?" diretsong tanong nito."Bakit mo siya hinahanap? Gusto mo siyang kunin?" Nakaramdam ng hiya si Alicia dahil sa tanong ng kanyang ama. Alam naman niya na wala siyang karapatan na tanungin pa ang kanyang anak. Dahil dito ay hindi nakaimik si Alicia."Pumunta ka ba dito para kunin siya?" Maiksing tumawa ang matanda matapos niyang makitang walang maisagot ang kanyang anak. Para bang nasagot na ang kanyang tinatanong ng
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more

Kabanata 34

Hindi katulad ng normal na araw ni Tajana ang mga pinagdadaanan niya sa buhay niya sa syudad. Ngayon ay halos hindi na siya makatulog ng maayos. Hindi niya magawang ipahinga ang kanyang isip.Ininom ni Tajana ang kanyang kape habang nakatingin sa labas ng isang bintana. Walang katao-tao sa labas at tahimik din. Dahil oras na ng pagtulog ng karamihan sa mga tao.Hindi ako pwedeng makatulog. Habang patuloy pa rin ang pagpigil ni Tajana sa kanyang sarili na makatulog ay biglang bumalik ang ilang mga alaala sa kanyang isipan."Tajana.""Tiyo Jaime. Akala ko po si lolo ang tumawag sa'kin dahil medyo magkahawig po talaga kayo ng boses.""Mukhang nabingi ka na naman sa walang katapusang pagpapaalala ni Papa sayo.""Hindi naman po. Naiintindihan ko naman pong nag-aalala lang si lolo."Nanatili ang tingin ni Jaime sa nakangiting si Tajana. Para itong nabihag sa kanyang ganda."Tiyo. Bakit niyo po pala ako tinawag? May kailangan po ba kayo?""Wala naman. Gusto ko lang sanang kamustahin ang pa
last updateLast Updated : 2022-07-04
Read more

Kabanata 35

Nang marinig ni Zoe ang tumawag sa pangalan niya ay agad siya ditong napatingin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Terrence ng makita niya ito. Tila hindi na siya nagulat."Nandito ka pero mukhang hindi ka naman pasyente.""And so? Dito ako dinala. Dahil sa nangyaring sunog. Iniisip nila na wala ako sa katinuan."Kahit na nakakaramdam ng inis at galit si Terrence kay Zoe ay mas pinili niyang pakalmahin ang kanyang sarili."Nasaan si Tajana?"Humalukipkip si Zoe bago sinagot ang tanong ng binata."Bakit sa'kin mo tinatanong?""Pwede bang kahit ngayon lang 'wag tayong maglokohan?""Inaakala mo bang nakikipaglokohan ako sayo? Tingin mo ba talaga kasalanan ko kung bakit ako nandito?" hindi makapaniwalang tanong ni Zoe."Oo. Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ni Tajana. Saan mo siya itinatago?"Tumayo si Zoe at hinarap ng mabuti si Terrence."Una sa lahat wala akong kinalaman kung hindi mo makita ang babaeng 'yon. Pangalawa, mas magandang magtago na lang siya dahil baka biglan
last updateLast Updated : 2022-07-05
Read more

Kabanata 36

Nang sumapit ang umaga ay dali-daling tumayo si Tajana. Hinanap niya ang kanyang cellphone para tingnan ang kalendaryo. Nakatulog kasi siya kaya natatakot siya na baka lumabas na naman ang isang katauhan niya at lumipas na ang araw.Para siyang nabunutan ng tinik ng makita niyang hindi lumipas ang buong isang araw."Tajana. I suggest na hindi mo masyadong isipin ang kalagayan mo. I know its hard. Pero makakatulong sayo na ma-relax mo ang isip mo." "Sige po.""Napansin kong mukhang kulang ka sa tulog noong nagdaang linggo. Ang kadalasan din na nagti-trigger sa may DID ay ang pagiging stress nila.""Natakot po kasi ako na hindi na naman ako ang kumilos sa katawan ko. Kaya pinilit ko pong hindi makatulog no'n.""Makakasama sayo 'yon kaya tigilan mo na ah." Tumango si Tajana bilang sagot sa kanyang doktor.Lumipas na ang tatlong araw sa pag-oobserba ni Doc Via kay Tajana. Hindi pa rin naman niya nakakaharap ang alter nito."Bakit ba gusto mong ipakita sa'kin 'yan? Alam mo naman na private
last updateLast Updated : 2022-07-05
Read more

Kabanata 37

Patuloy pa ring inoobserbahan ni Dr. Ramos at Doc Via si Tajana ng magising na ito. Hinihintay nilang magsalita ang dalaga."Tajana?" tawag muli ni Doc Via dahil hindi pa rin sumasagot si Tajana."Po?"Napabuntong hininga si Doc Via dahil sa reaksyon ng dalaga."Mukhang hindi gumana Dr. Ramos."Tinitingnan pa ring mabuti ng isang doktor si Tajana. Nang lumapit pa ito ay napalayo na ang dalaga."Dr. Ramos hindi gumana.""Pwede pa naman nating subukan ulit.""Hindi na po pwede 'yon. Baka manghina na siya. Marami pa siyang hindi naaalala sa nakaraan niya. Baka makagawa pa siya ng ibang alter niya kapag napressure natin siya."Tumikhim si Dr. Ramos bago nagsalita."Magaling ang ginawa mo Ms. Canizales. Sa susunod naman natin ulit susubukan ah?""Sige po Doc... Salamat." nakangiting sabi ng dalaga.Nang makaalis si Dr. Ramos ay mas nakahinga ng maluwag si Doc Via."Hayyy." buntong hininga ng doktor."Ayos lang po ba kayo?""Okey lang ako." ngumiti ito."Mabuti pa Doc. Magpahinga na po kayo
last updateLast Updated : 2022-07-06
Read more

Kabanata 38

Nagmadali si Doc Via na makaalis sa ospital para magsimulang maghanap kay Tajana. Nang pumunta siya sa parking lot ay hinahanap niya ang susi ng kotse niya sa bag. Tinanggal na niya ang lahat ng laman ng bag niya pero wala doon ang hinahanap niya. Dahil do'n ay bigla siyang may naisip. Agad niyang hinanap ang kanyang kotse sa pinagparadahan niya. At tama nga siya sa kanyang hinala. Wala doon ang sasakyan niya. Isa lang naman ang posibilidad na naiisip niya ngayon. Isang tao lang di ang tingin niyang kumuha no'n.Naalala niyang tingnan muna ang CCTV sa ospital matapos niyang maikalma ang sarili niya sa mga nangyayari. Doon ay nakita niyang nag-iba ng suot si Tajana. Pumasok din ito sa office niya at kinuha ang susi ng kotse niya.Pagkatapos ng araw na hindi naabutan ni Calvin si Zoe ay dinalaw niya muli ito. Pero laking gulat niya na walang guards na nakabantay sa kwarto nito.Nang may pumasok na nurse sa loob ng kwarto ni Zoe ay tinanong niya agad ito."Iyong pasyente po diyan... Ang
last updateLast Updated : 2022-07-07
Read more

Kabanata 39

Ipinaliwanag ni Doc Via na ipinahiram niya ang kanyang kotse sa isang kakilala. Inisip ngayon nila na baka kaibigan ni Zoe ang tinutukoy ng doktor. Ipina-trace ni Calvin ang mga dinaanan ng sasakyan para malaman kung saan ito huminto. Nang ma-locate nila kung nasaan ang sasakyan ngayon ay hindi makapaniwala si Calvin sa nabasa niyang address. Lumabas si Calvin para tawagan ang kanyang kapatid. Pero bago pa man sagutin ni Terrence ang tawag ay di sinasadyang nandoon siya sa isang kampanteng pwesto kung saan nakita siya agad ni Calvin.Naging mabilis ang bawat hakbang ni Calvin palapit kay Terrence at ng makalapit siya kinuha niya ang hawak nitong cellphone."Bakit ka nandito?" galit na tanong ni Calvin. Pakiramdam niya ay may masamang balak ang kanyang kapatid. Nagulat si Terrence ng makita niya ang kapatid niya na nakalapit na sa kanya. Pero pinilit niyang maging kampante sa pangyayari."Napadaan lang ako dito dahil may pinuntahan akong malapit lang dito." pagsisinungalin nito. Pero
last updateLast Updated : 2022-07-08
Read more

Kabanata 40

Parehong hindi pa nagigising si Tajana at Zoe. Kaya naman nagbabantay pa rin ang dalawang magkapatid sa kanila. Samantalang si Doc Via naman ay binibisita ang ilan pa niyang pasyente.Kasalukuyang nagbabantay pa rin si Terrence sa loob ng kwarto ni Tajana. Hindi niya magawang iwan ang dalaga dahil sa pag-aalala niya."Terrence, ano bang gusto mong mangyari? Magkasakit ka? You should take care of yourself.""I'm fine, Elisse. Hindi ko kayang iwan si Tajana dito."Hindi maiwasan ni Elisse na mainis dahil sa mga sagot ni Terrence."Ako na ang magbabantay sa kanya. Umuwi ka muna at ayusin mo ang sarili mo.""May trabaho ka--""Okey lang na wala ako do'n ngayon. Please, go home for now." patuloy na pakiusap ni Elisse."Hindi rin magugustuhan ni Tajana na makita kang nagpapabaya sa sarili mo dahil sa kanya."Nakumbinsi naman ni Elisse na umuwi muna si Terrence kaya naman siya muna ang pumalit sa binata.Pagkaalis ni Terrence ay tiningnan agad ni Elisse ang mukha ni Tajana."I hate you." sab
last updateLast Updated : 2022-08-22
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status