Nanlulumong napaluhod si Tajana para tingnan mabuti ang mga litratong nakakalat sa sahig. Hindi siya makapaniwala sa nakikita ng kanyang mga mata. Malinaw ang nasa kanyang harapan. Lahat ng mga bagay na salungat sa kagustuhan ng ni Don Ismael ay kitang-kita na ginawa ni Tajana. Sa mga oras na iyon ay tila hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin.Kung magsasalita ba ko, makikinig ba sila?Kung magpapaliwanag ba ko, maiintindihan ba nila?May bumabalot na kirot sa puso ni Tajana habang si Don Ismael ay patuloy na sumisigaw at nagsasalita ng mga panlalait sa kanyang apo. Tuluyan ng pumatak ang luha ni Tajana dahil hindi siya makapaniwala na kung kailan niya inaayos ang kanyang buhay ay saka pa malalaman ng kanyang lolo ang tungkol sa nakaraan niya."Isa pa, akala mo bang hindi ko alam na hinahanap mo ang iyong ina?" Umangat ang tingin ni Tajana kay Don Ismael dahil hindi rin siya makapaniwala na pati iyon ay nalaman ng matanda.
Read more