"Huh?" nagtatakang tumingin ang binata.Tumawa ng malakas si Tajana dahil sa naging reaksyon ni Terrence. "Binibiro lang kita. Ang seryoso mo naman." Kahit na nasa trabaho na si Terrence ay tuloy pa rin ang pag-alala niya sa tanong ni Tajana. Hindi siya makapaniwala na magbibiro ng gano'n ang dalaga. Pero binaliwala na lang niya ito. Para sa kanya ay mas maganda na makita niyang nakakangiti si Tajana kesa makita niya muli itong nakatulala lamang sa kawalan. "Nandito na ko." imik ni Terrence ng makauwi siya. Inaasahan niya na lalabas si Tajana para salubungin siya pero hindi niya ito nakita. Kaya naman nagtuloy lang siya sa paglakad papasok. "Tajana?" tawag niya sa pangalan ng dalaga pero tila walang sumasagot. Nakailang tawag pa si Terrence pero hindi niya nakita ang anino ni Tajana. Dahil dito ay hinanap na niya ito sa kwarto. Pero pagpunta niya do'n ay wala ang dalaga. Nabalot ng pag-aalala si Terrence. Kinuha agad niya ang kanyang cellphone at sinubukang tawagan ang dalaga.
Hanggang sa makauwi sila ay hindi maiwasan ni Terrence na hindi tingnan si Tajana. Hindi naiwasan ng dalaga na magtanong ng mapansin niya ito."May gusto ka bang sabihin?""Huh?""Nakatingin ka kasi sa'kin parang may gusto kang sabihin.""Wala naman. Mabuti na lang at wala namang masyadong nangyari sayo dahil kay Zoe. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magpunta ka muna sa isang lugar ng hindi ako kasama.""Tapos naman na. Huwag mo na kong sermonan. Please. Masyadong naging panget ang gabi ko.""Gusto mo bang kumain?""Hindi na. Wala akong gana.""Baka sumakit ang tiyan mo.""Okey lang ako Terrence. Papasok na ko sa kwarto ko."Nang sumapit ang bagong araw ay nakita ni Terrence ang ilang mga pulis na nasa labas ng kanilang bahay. Alam na niyang mangyayari ito dahil sa pangyayari kagabi."Good morning po sir." bati ng isang pulis ng bumukas ang pintuan at nakita nila ang binata."Good morning din. Ang aga niyo naman yatang napabisita.""Ah kasi po nautusan lang kami na ayusin na ang rep
Pagod na pagod na si Terrence sa paghahanap kay Tajana at inabot na din siya ng gabi. Kung saan-saan na siya nagpunta pero hindi pa rin niya makita ito. Sobra na ang pag-aalala niya sa dalaga. Alam niyang may pinaplano ito. Habang siya ay naghahanap, patuloy naman ang pagtawag ni Michael sa kanya. Dahil dito ay mas lalong napapago ang isip ni Terrence. Alam niyang importante ang gustong sabihin ni Michael pero hindi niya kayang isipin muna iyon. Sa ngayon ay siya lang ang meron si Tajana.Nag-hired si Terrence ng mga taong tutulong sa kanya sa paghahanap sa dalaga. Hindi na niya iniisip pa ang gastos dahil ang gusto lang niya ay mahanap si Tajana. Patuloy pa rin sa pagdadrive si Terrence at pagtatanong sa mga club, bars at iba pang lugar. Pero walang nakakita sa dalaga."Mababaliw na talaga ako! Shit! Bakit ba hinayaan kong mawala siya sa paningin ko?!" sigaw nito pagpasok muli ng kanyang kotse. Napahampas siya ng kanyang kamay sa manebela ng ilang ulit dahil sa kanyang nararamdaman.
Tuloy pa rin ang pagsulyap-sulyap ni Don Ismael kay Alicia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harapan niya ito."Ano bang ginagawa mo dito?" tanong ng matanda. Ngayon ay nasa isang silid na puno ng mga libro sila sa loob ng mansyon. Ang mag-ama lang ang magkasama.Panay naman ang tingin ni Alicia sa buong kapaligiran na tila nagpapabalik ng mga alaala niya noong mga panahon na siya ay nakatira pa sa kanilang mansyon. Tuluyan lang na nagising si Alicia ng maalala niya ang kanyang anak. Kaya naman tumingin na siya kay Don Ismael."Nasaan ang anak ko?" diretsong tanong nito."Bakit mo siya hinahanap? Gusto mo siyang kunin?" Nakaramdam ng hiya si Alicia dahil sa tanong ng kanyang ama. Alam naman niya na wala siyang karapatan na tanungin pa ang kanyang anak. Dahil dito ay hindi nakaimik si Alicia."Pumunta ka ba dito para kunin siya?" Maiksing tumawa ang matanda matapos niyang makitang walang maisagot ang kanyang anak. Para bang nasagot na ang kanyang tinatanong ng
Hindi katulad ng normal na araw ni Tajana ang mga pinagdadaanan niya sa buhay niya sa syudad. Ngayon ay halos hindi na siya makatulog ng maayos. Hindi niya magawang ipahinga ang kanyang isip.Ininom ni Tajana ang kanyang kape habang nakatingin sa labas ng isang bintana. Walang katao-tao sa labas at tahimik din. Dahil oras na ng pagtulog ng karamihan sa mga tao.Hindi ako pwedeng makatulog. Habang patuloy pa rin ang pagpigil ni Tajana sa kanyang sarili na makatulog ay biglang bumalik ang ilang mga alaala sa kanyang isipan."Tajana.""Tiyo Jaime. Akala ko po si lolo ang tumawag sa'kin dahil medyo magkahawig po talaga kayo ng boses.""Mukhang nabingi ka na naman sa walang katapusang pagpapaalala ni Papa sayo.""Hindi naman po. Naiintindihan ko naman pong nag-aalala lang si lolo."Nanatili ang tingin ni Jaime sa nakangiting si Tajana. Para itong nabihag sa kanyang ganda."Tiyo. Bakit niyo po pala ako tinawag? May kailangan po ba kayo?""Wala naman. Gusto ko lang sanang kamustahin ang pa
Nang marinig ni Zoe ang tumawag sa pangalan niya ay agad siya ditong napatingin."Anong ginagawa mo dito?" tanong niya kay Terrence ng makita niya ito. Tila hindi na siya nagulat."Nandito ka pero mukhang hindi ka naman pasyente.""And so? Dito ako dinala. Dahil sa nangyaring sunog. Iniisip nila na wala ako sa katinuan."Kahit na nakakaramdam ng inis at galit si Terrence kay Zoe ay mas pinili niyang pakalmahin ang kanyang sarili."Nasaan si Tajana?"Humalukipkip si Zoe bago sinagot ang tanong ng binata."Bakit sa'kin mo tinatanong?""Pwede bang kahit ngayon lang 'wag tayong maglokohan?""Inaakala mo bang nakikipaglokohan ako sayo? Tingin mo ba talaga kasalanan ko kung bakit ako nandito?" hindi makapaniwalang tanong ni Zoe."Oo. Alam kong may kinalaman ka sa pagkawala ni Tajana. Saan mo siya itinatago?"Tumayo si Zoe at hinarap ng mabuti si Terrence."Una sa lahat wala akong kinalaman kung hindi mo makita ang babaeng 'yon. Pangalawa, mas magandang magtago na lang siya dahil baka biglan
Nang sumapit ang umaga ay dali-daling tumayo si Tajana. Hinanap niya ang kanyang cellphone para tingnan ang kalendaryo. Nakatulog kasi siya kaya natatakot siya na baka lumabas na naman ang isang katauhan niya at lumipas na ang araw.Para siyang nabunutan ng tinik ng makita niyang hindi lumipas ang buong isang araw."Tajana. I suggest na hindi mo masyadong isipin ang kalagayan mo. I know its hard. Pero makakatulong sayo na ma-relax mo ang isip mo." "Sige po.""Napansin kong mukhang kulang ka sa tulog noong nagdaang linggo. Ang kadalasan din na nagti-trigger sa may DID ay ang pagiging stress nila.""Natakot po kasi ako na hindi na naman ako ang kumilos sa katawan ko. Kaya pinilit ko pong hindi makatulog no'n.""Makakasama sayo 'yon kaya tigilan mo na ah." Tumango si Tajana bilang sagot sa kanyang doktor.Lumipas na ang tatlong araw sa pag-oobserba ni Doc Via kay Tajana. Hindi pa rin naman niya nakakaharap ang alter nito."Bakit ba gusto mong ipakita sa'kin 'yan? Alam mo naman na private
Patuloy pa ring inoobserbahan ni Dr. Ramos at Doc Via si Tajana ng magising na ito. Hinihintay nilang magsalita ang dalaga."Tajana?" tawag muli ni Doc Via dahil hindi pa rin sumasagot si Tajana."Po?"Napabuntong hininga si Doc Via dahil sa reaksyon ng dalaga."Mukhang hindi gumana Dr. Ramos."Tinitingnan pa ring mabuti ng isang doktor si Tajana. Nang lumapit pa ito ay napalayo na ang dalaga."Dr. Ramos hindi gumana.""Pwede pa naman nating subukan ulit.""Hindi na po pwede 'yon. Baka manghina na siya. Marami pa siyang hindi naaalala sa nakaraan niya. Baka makagawa pa siya ng ibang alter niya kapag napressure natin siya."Tumikhim si Dr. Ramos bago nagsalita."Magaling ang ginawa mo Ms. Canizales. Sa susunod naman natin ulit susubukan ah?""Sige po Doc... Salamat." nakangiting sabi ng dalaga.Nang makaalis si Dr. Ramos ay mas nakahinga ng maluwag si Doc Via."Hayyy." buntong hininga ng doktor."Ayos lang po ba kayo?""Okey lang ako." ngumiti ito."Mabuti pa Doc. Magpahinga na po kayo