Will You Love Me? (BL)

Will You Love Me? (BL)

last updateLast Updated : 2022-07-16
By:  Zxoul49  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
52Chapters
6.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Anong gagawin mo kung isang araw ay bumalik ang isang dating kaibigan na matagal mo ng hindi nakikita? Sa halip kasi na matuwa ay mas lalo pang nagalit si Kenan Rey Santos matapos makita sa harap ng bahay niya ang best friend na si Caleb Roy Tan. Dalawang taon niya itong hindi nakita matapos biglang umalis papunta sa ibang bansa. Sa anong dahilan? Nang sinadya nitong sirain ang pangarap niya. Na mapasali sa basketball team ng school na siyang daan para makapasok sa gustong University. At sirain ang relasiyon na meron sila ng babaeng matagal na niyang gusto at nililigawan. Sa muling pagbabalik nito sa buhay niya. Ano kaya ang gagawin pa nito para lang muling sirain ang maayos at masaya niyang college life.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy. “Ayos ka lang?” bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan. Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak. “Oy, tama na ‘yan. Lasing ka na,” ang pigil niya sabay kuha ng baso. Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. “Hindi pa ‘ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo.” “Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo.” Sabay hawak sa braso ko para itayo. “Nag-i-enjoy pa ‘ko Felipe!” Nakipaghilahan p

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Berry
Grabe iyong hugot ng emosyon dito! Worth reading!
2022-03-07 22:33:00
3
52 Chapters

Chapter 1

KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy. “Ayos ka lang?” bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan. Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak. “Oy, tama na ‘yan. Lasing ka na,” ang pigil niya sabay kuha ng baso. Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. “Hindi pa ‘ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo.” “Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo.” Sabay hawak sa braso ko para itayo. “Nag-i-enjoy pa ‘ko Felipe!” Nakipaghilahan p
Read more

Chapter 2

DINILAT ko ang mga mata nang makaramdam ng kiliti sa kaliwang tenga. Lumingon pa ako sa paligid at tiningnan ang buong kwarto para siguraduhing ako lang ang mag-isa. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang pamilyar na pangyayari tuwing umaga. Ganitong-ganito kapag nagigising ako noon para hindi ma-late sa school. Natigil lang simula nang... Ahh!!! Kumukulo na naman ang dugo ko kapag naiisip ang taong iyon. Ang mas mabuti pa ay bumalik na lang ako sa pagtulog kaysa mainis. Muli akong pumikit para ipagpatuloy ang pagtulog nang mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi. Para itong rumaragasang tubig na nilulunod ang isip ko. Bigla akong napadilat at mabilis na bumangon sa kama. Ano ‘yun? Ano ang alaala na ‘yun?! “Imposible, hindi pwedeng mangyari ‘yun.” Umiling-iling pa ako para kumbinsihin ang sariling hallucination lang ang nangyari. Hindi pwedeng nakabalik na siya. Hindi pwedeng bumalik dito si, “Caleb.” “Tawag mo ‘ko?” Napaatras ako
Read more

Chapter 3

MABAGAL kong sinusuot ang gray short-sleeves na may black leaves print na pinapasuot sa akin ni Mama. Ilang beses pa akong napapabuntong-hininga habang binubutones ang damit. Gustuhin ko mang hindi sumama ay hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Baka magtanong sila Mama kung bakit, na ayaw kong mangyari. Ayokong malaman nila na magkaaway kami ni Caleb. Dalawang taon kong nilihim ang buong nangyari sa amin ni Caleb. Ang buong akala nila ay parang magkapatid pa rin ang turingan namin. Nahinto ako sa ginagawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mama. “Tapos ka na? Baka naghihintay na sina Janette at Steve.” Ang tinutukoy ni Mama ay ang parents ni Caleb na ngayon ay naghihintay sa katabing bahay. Ngayong gabi kasi ay may dinner doon para i-celebrate ang pagbabalik ng anak nila. Muli akong napabuntong-hininga. Paano ko ba ito maiiwasan. Umaga hanggang gabi ko nang nakikita si Caleb. Sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha niya. “Susunod na po
Read more

Chapter 4

KAKAMOT-KAMOT sa tiyan at papikit-pikit pa ang mga mata nang lumabas sa kwarto. Mula sa sala ay napansin kong may tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin. “Good morning,” ang bati niya. Pero dahil ang amoy agad ng niluluto ni Mama ang prinoseso ng utak ay hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kitchen area. “’Ma, ang bango.” Saka lumapit para makita ang niluluto niyang garlic fried-rice. Nilanghap ko pa bago lumapit sa electric kettle. Buti may mainit pang tubig para makapagkape. Matapos makapagtimpla ay pumunta ako sa labas ng bahay. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga mong nangapit-bahay, a.” Sabay sulyap kay Caleb na kanina pa ako sinusundan. “Wala kasi akong magawa sa bahay.” Sa laki ng bahay niya, wala pa siyang magawa? “O, ba’t dito? Ke-aga-aga ang pangit na ng umaga ko." “Si Tita naman ang nagyaya sa ‘king pumasok at dito na mag-almusal.” Hinipan ko ang mainit na kape sabay higop. “Umuwi ka na habang hindi pa kita pinapaalis.” Ang t
Read more

Chapter 5

MARIIN akong pumikit nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Saan ko ba dapat ibaling ang mukha? Sa kanan ba o kaliwa? Mas mabuting huwang na lang akong gumalaw at baka may kung ano pang dumikit sa labi ko. Please, please, please. Muntik pa akong mapasigaw nang tuluyang may maramdaman sa labi. "Sobrang sakit no’ng ginawa mo. Nabukulan ata ako.” Bigla kong idinilat ang mga mata at nakitang malayo na ang mukha niya. Bumalik na rin sa normal ang mata niya, hindi na galit. Agad kong tinabig ang kamay niyang tumakip sa bibig ko, ito pala ang dumikit. “Ilayo mo nga ‘yang madumi mong kamay,” baka kung ano pang pinaghahahawak niya. “Kadiri, dumampi pa talaga sa labi ko.” “Mas mabuti na ‘yan kaysa iba ang dumampi.” “Ano?” Ano na namang pinagsasasabi nito? Umalis siya sa ibabaw ko kaya agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Baka kasi itulak na naman niya ako. “Kenan?” si Mama. Agad kong inayos ang itsura na
Read more

Chapter 6

  “Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.Pagkatapos ay kinuha ang isang basong tubig para uminom. Nang maubos ay ibinaba niya rin ang baso sa mesa. “Anong klaseng tanong 'yan, kahit pa siguro ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo ay hindi kita papatulan, may taste naman ako 'no.”“Huwaw, mas gwapo naman ako kaysa sa 'yo 'no, 'di ba Faith?” ang tanong ko na agad nitong tinaas ang kamay na naka-thumbs up.“’Wag mong awayin si kuya Kenan,” ang baling pa nito kay Felix.“Ewan ko sa inyo,” ang komento niya tapos ay tumungo sa pagkain.Si kuya Fernan at ate Anna ay napapangiti at naiiling sa amin. Tanging si baby Kyle lang ang abala sa pag
Read more

Chapter 7

      SOBRANG saya at ang gaan-gaan nang pakiramdam ko. Kulang na nga lang ay magwala ako dahil sa wakas! Wala na si Caleb. Kagabi ko lang kasi nalaman na bumalik na pala ito sa Canada noong isang araw dahil tulad rito sa Pilipinas ay umpisa na rin ng pasukan doon. Usually, nakakatamad pumasok sa first day of school… pero kung ganito ba naman ang mababalitaan ko ay bakit ako tatamarin? Todo birit nga ako sa banyo habang naliligo kapag naiisip na wala na si Caleb at hindi na siya babalik, hopefully, forever na sanang huwag bumalik! “Ang ganda ata nang gising mo? Kanina ko pa naririnig ang boses mo habang kumakanta-kanta ka,” ang puna ni Mama nang maupo ako para saluhan silang mag-almusal. “Hehehe,” natawa lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako masaya. “Excited ka ba sa first day mo sa University?” ang tanong niya at saka nilagyan ng sinangag ang pinggan ko.
Read more

Chapter 8

    ILANG BESES akong umiling nang sabihin niya na gusto niyang mag-stay rito sa bansa at makasama kami. Hindi pwede, maayos na ang buhay ko ngayon at sa kanya rin. Ano pa bang gusto niya? Balak niya bang guluhin muli ang buhay ko, tapos ano? Kapag may nasaktan ulit ay bigla siyang aalis? Umatras ako, dahan-dahan hanggang sa kumaripas na ako nang takbo makalayo lang sa kanya habang naiisip ang ginawa niya noon. Hindi. Hindi! Mariin kong pinikit ang mga mata para maalis sa isip ang nangyari noon— “Aray!” Bigla kong naidilat ang mga mata nang may mabunggo. Una kong napansin ang nagkalat nitong gamit sa paligid at sunod ay ang isang babaeng nakaupo na sa sahig. Nakatungo ito at dum*d***g sa sakit. Mabilis naman akong lumapit at tinulungan itong makatayo. Matapos ay kinuha ang bag nito at isa-isang pinulot ang mga gamit na nakakalat. Nang matapos mailagay ang huling gamit ay saka lang ako t
Read more

Chapter 9

 [Past]  MATAPOS akong bihisan ni Mama ng magandang damit ay nagpunta kami sa malaking bahay na katabi ng sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa regalong hinanda para sa anak ng kaibigan ni Mama. Ang sabi kasi ay ngayon ang dating ng mga ito mula sa ibang bansa.Ang kwento pa nga ni Mama ay kaibigan niya ito noong highschool hanggang sa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya. Nag-migrate sa ibang bansa at nanatili roon nang maraming taon. Bumalik lang ang mga ito sa bansa para raw hawakan ang business na minana ng asawa ng kaibigan ni Mama.At dahil ang mga ito na ang mamamahala ng business ay rito na maninirahan ang buong pamilya kaya ang dating bakanteng lote sa tabi ng bahay namin ay pinatayuan ng isang malaking bahay.Ang anak na lalake ng kaibigan ni Mama ay halos kasing edad ko kaya ilang buwan ding excited sa pagdating nila at talagang naghanda ng regalo para rito. Gusto kong makalaro ito at maging kaibigan.
Read more

Chapter 10

  [Past]     BIGLANG nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang makaramdam ng kiliti sa tenga. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ay alam ko ng si Caleb ang salarin. Sa araw-araw ba naman niyang ginagawa ito sa akin ay kahit pandama ko ay kabisado na ang gawain niya. “Naman, e!” ang reklamo ko at iwinasiwas ang kamay sa paligid para itaboy siya. “’Wag kang magulo, natutulog pa ‘ko, e.” Pero sa halip na hayaan ako ay mas lalo pa siyang nanggulo. Ngayon naman ay hinihingahan ang tenga ko. Minulat ko ang mata at inis na nilamukos ang mukha niya. Ngunit ayaw niya talagang tumigil at tinatapik lang palayo ang kamay ko at muli na namang aatake sa aking tenga. “Bumangon ka na kasi r’yan, mali-late na tayo,” aniya nang huminto. Napatingin ako sa ayos niya dahil naka-uniform na siya at dala ang backpack bag na nakasabit sa isang balikat. “Sinabihan kami ni Ma’am na hindi siya magkaklase ngayon kaya ayos l
Read more
DMCA.com Protection Status