Share

Chapter 9

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2021-11-28 19:00:00

[Past]

MATAPOS akong bihisan ni Mama ng magandang damit ay nagpunta kami sa malaking bahay na katabi ng sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa regalong hinanda para sa anak ng kaibigan ni Mama. Ang sabi kasi ay ngayon ang dating ng mga ito mula sa ibang bansa.

Ang kwento pa nga ni Mama ay kaibigan niya ito noong highschool hanggang sa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya. Nag-migrate sa ibang bansa at nanatili roon nang maraming taon. Bumalik lang ang mga ito sa bansa para raw hawakan ang business na minana ng asawa ng kaibigan ni Mama.

At dahil ang mga ito na ang mamamahala ng business ay rito na maninirahan ang buong pamilya kaya ang dating bakanteng lote sa tabi ng bahay namin ay pinatayuan ng isang malaking bahay.

Ang anak na lalake ng kaibigan ni Mama ay halos kasing edad ko kaya ilang buwan ding excited sa pagdating nila at talagang naghanda ng regalo para rito. Gusto kong makalaro ito at maging kaibigan.

“Ayan na sila,” ani Mama na nakatingin sa papalapit na kotse.

Hindi ko naman alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba at mabilis na nagtago sa likod ni Papa.

Ugong nang humintong sasakyan ang sunod kong narinig kaya sumilip ako. Si Mama ay nakalapit na sa kotse. Unang lumabas ang isang magandang babae na agad yumakap kay Mama, kasabay ng isang lalakeng halos kaedad naman ni Papa. “Namiss kita Ester,” ang sabi pa ng babae. Mukhang ito na ang sinasabi ni Mama na kaibigan.

“Ako rin, namiss kita nang husto,” ang tugon ni Mama.

Si Papa naman ay humakbang din palapit kaya bigla rin akong napasunod. “Kumusta ang biyahe?”

“Ayos lang kahit nakakapagod,” ang tugon ng babae at pagkatapos ay napatingin sa akin. “Ito na ba ang anak niyo? Hi, ako nga pala si Janette but you can call me tita Janette. At siya naman si tito Steve,” ang pakilala niya sa lalake.

“H-hello,” ang tugon ko. “Welcome po.”

“Wow, nakakatuwa naman,” at hinaplos ang buhok ko. “I’m sure magkakasundo sila ni Caleb.”

Caleb? Ito siguro ang pangalan ng anak niya. Nabaling ang tingin ko sa kotse. Bakit hindi pa ito lumalabas?

Binuksan ni tito Steve ang pinto ng kotse. “Caleb, nandito na tayo, lumabas ka na,” ang utos pa nito.

Mabilis naman akong ngumiti at halos mabali na ang leeg sa kakasilip habang nakakapit pa rin sa pantalon ni Papa pero hindi pa rin ito lumalabas.

“Caleb, sige na, lumabas ka na r’yan,” ang utos ni tita Janette sa pinakamalambing na tonong narinig ko.

Ilang sandali pa ay may lumabas na maliit na sapatos sa kotse. Ayan na, palabas na siya!

Mula sa paa ay unti-unting umakyat ang paningin ko sa mukha ng— Bigla kong nabitawan ang regalo at bumagsak sa kalsada. Mabilis din akong nagtago uli sa likod ni Papa.

“Kenan,” si Mama sa mababang tono. “Anong ginagawa mo?” May kunot sa noo, mukhang hindi nagustuhan ang ginawa ko.

“Naku, baka nabigla lang siya sa itsura ni Caleb,” ani tita Janette. “Napaaway kasi ito sa school kaya puro pasa ang mukha.”

“Pero kahit na, nakakahiya naman sa inyo,” tiningnan ako ni Mama. “Kenan, ‘di ba may ibibigay ka kay Caleb?”

Napalunok ako ng laway tapos ay pinulot ang nabitawang regalo. Muli kong tiningnan ang mukha ni Caleb na nakatingin na pala sa akin. Mukha itong galit kahit nakatingin lang naman.

Parang ayoko nang ibigay ang regalo!

“For me?” ang tanong niya na nakatitig na sa hawak ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang sumagot hanggang sa ilahad niya ang kamay. “Can I have it?”

“Hinihingi niya ang regalo Kenan, ibigay mo na,” ani ni Papa.

Hindi ko magawang kumilos dahil sa kaba. Ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko kahit nakatitig lang siya sa akin. Nakakatakot!

Lumapit siya at kinuha sa akin ang regalo. “Thank you,” ang sabi niya pa pero hindi naman nakangiti. Hindi siya masaya sa regalo ko!

“O ayan, okay na sila,” ani tito Steve. “Ang mabuti pa ay pumasok muna tayo sa loob ng bahay.” Nag-umpisang lumakad sila Mama papasok sa bahay at mabilis naman akong sumunod.

Pero paglingon ko ay naiwan sa labas si Caleb na nakatitig sa regalo. Huminto ako at kahit may kunting takot ay bumalik ako. “Hindi ka papasok?” ang tanong na halos hindi magawang isatinig dahil sa takot sa kanya.

Umangat ang tingin niya sa akin. “Anong laman nito?” ang tukoy niya sa regalo.

“Ano—” napanguso ako. Nagdadalawang isip kung sasabihin sa kanya kung ano ang laman. Mukha kasing hindi na bagay sa kanya ang binigay ko. “R-robot.”

Kumurap siya at bahagyang naningkit ang mga mata. Sabi ko na nga ba, e! hindi niya magugustuhan ang binigay ko. “K-kung ayaw mo, ibalik mo na lang sa ‘kin.”

“No, I like it. Nagustuhan ko,” aniya at ngumiti.

“Talaga?!” bigla akong natuwa. “Ako ang pumili n’yan no’ng nagpunta kami sa mall,” pagkatapos ay napatitig sa mga pasa niya sa mukha. “Masakit?”

“Ang alin?”

“’Yang nasa mukha mo,” nang umiling siya ay halos pumalakpak ako. “Ang tapang mo naman!” tapos ay nilapit sa mukha niya ang index finger. “Natinik ako no’ng isang araw habang kumakain ng isda. Sobrang sakit kaya umiyak ako,” ang kwento ko.

“A, okay.” Pagkatapos ay naglakad papasok sa bukas na gate. Sumunod naman ako hanggang sa huminto siya sa garden.

“Pa’no ka nagkaroon n’yan?” Naku-curious kasi talaga ako.

“Sinuntok ako ng classmate ko.”

“Ang sama naman niya!”

“Don’t worry, sinuntok ko rin siya sa mukha.”

Hala! Bad rin pala siya. “Pero masama ang makipag-away. Ang sabi ni Mama ay paparusahan ang batang nakikipag-away.”

“Talaga?”

“Oo, kaibigan ko nga lahat ng classmate ko, e.”

“Pero wala ako nu’n.”

“Ha?”

Tumingin siya sa akin. “Wala akong kaibigan.” Hindi halata pero mukhang malungkot siya nang sabihin iyon.

Kawawa naman siya. Kaya para pagaanin ang loob niya ay ngumiti ako at hinampas ang d****b sabay sabing, “Simula ngayon kaibigan mo na ‘ko.”

“Pero kanina lang ay takot na takot ka sa ‘kin.” Muling naningkit ang mga mata niya at mukhang inaabangan kung ano ang magiging reaksiyon ko sa sinabi niya.

Napanguso ako habang nakatungo. Pinaglaruan ko rin ang mga daliri nang sabihin ang, “N-nabigla lang kasi ako sa itsura mo kasi mukhang nakakatakot. Sorry.” Nahigit ko naman ang hininga nang bigla niyang nilapit ang mukha sa akin. Na sa sobrang lapit ay halos maduling ako.

“Hindi talaga masakit, kung gusto mo ay hawakan mo pa.” Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa pisngi niyang may pasa. Biglang nanginig ang kamay ko at mabilis na binawi nang madikit ang daliri sa pisngi niya. Baka kasi nagpapanggap lang siya na hindi pero ang totoo ay masakit pala talaga ang pasa niya sa mukha.

“Bakit ka nga pala inaway ng classmate mo?” Iyong mga classmate ko kasi mababait kaya kasundo ko lahat.

“I don’t know, bigla niya ‘kong inaway.”

May gano’n ba? Basta na lang nang-aaway ng walang dahilan? “Ako, hindi kita aawayin dahil magkaibigan na tayo ngayon,” tumitig siya sa akin. Mukhang hindi siya naniniwala kaya nag-isip ako ng ibang paraan para ipakitang totoo ang sinabi ko. “Gusto mong sumama sa ‘kin? Marami akong laruan sa bahay. Sini-share ko lahat sa mga kaibigan ko.” Hinawakan ko ang braso niya at hinila para puntahan muna sila Mama at magpaalam na lilipat sa bahay.

Nang payagan ay mabilis ko siyang hinila at tumakbo papunta sa bahay. Dumiretso sa kwarto at nilabas lahat ng laruan ko. “Simula ngayon ay kung anong akin ay sa ‘yo na rin, kasi magkaibigan na tayo.”

Unti-unti ay napangiti siya. Hindi ko alam kung anong meron pero gumaan ang pakiramdam ko nang tuluyan na siyang ngumiti na abot hanggang mata.

*****

ANG MGA KATAGANG binitawan ko noong mga bata pa kami ay siya ring ginawa niya. Na kung ano ang akin ay siya ring kanya kaya inagaw niya ang babaeng gusto ko noong highschool at ngayon ay mukhang balak niya muling ulitin ang kasalanan. Pero this time ay hinding-hindi na ako papayag na magtagumpay siya.

Kung kailangan kong ilayo si Mary Rose ay gagawin ko huwag lang makalapit si Caleb.

Matapos ang lunch ay sabay rin kaming umalis sa cafeteria ni Felix. “Next time, lalagyan ko na talaga ng yelo ‘yang ulo mo. Masiyadong mainit, baka kung wala pa sigurong mga tao sa paligid ay baka sinuntok mo na sa mukha ‘yung si Caleb.”

“Kasalanan niya dahil mukhang uulitin niya uli ‘yung kasalanan niya sa ‘kin dati.”

“Pero hanggang kailan ka ba magagalit sa kanya? Hindi naman pwedeng forever dahil hindi naman totoo ‘yun, walang poreber.”

“Hanggang hindi na kumukulo ang dugo ko ‘pag nakikita siya.”

Nailing siya at mukhang disappointed sa sinabi ko. “Ito, payong kaibigan lang, ha. Sobrang tagal niyo ng magkaibigan at marami na kayong pinagdaanan. Sana hindi masayang ‘yung friendship niyo dahil lang sa minsan siyang nagkamali at nakagawa ng kasalanan sa ‘yo.”

Naiintindihan ko ang punto niya. “Pero sana naisip niya muna ‘yan. Na sa sobrang tagal na naming magkaibigan at marami nang pinagdaanan ay nagawa niya pa akong lokohin. Hindi ako ang dapat na pinapayuhan mo rito Felipe… siya dapat ‘yun.”

“Tang*nang ‘yan, Felipe na naman ang tawag mo sa ‘kin. Ang seryoso nang usapan natin dito tapos lalagyan mo ng kalokohan, makaalis na nga.” Tumalikod siya at tuluyan nang umalis. Hindi na nakuhang magpaalam.

Napabuntong-hininga ako. Biglang nakaramdam ng pagod matapos ang nangyari. Ang mas mabuti pa ay maghanap ako ng pwedeng tambayan dito sa malapit dahil mamaya pang alas-dos ang sunod kong klase.

Naisipan kong puntahan na lang ang pagodang nadaanan ko noon habang naglilibot. Malapit lang iyon sa faculty building bago pa marating ang Education department.

Nang malapit na at tanaw ko na ang pagoda ay nakatanggap naman ako ng message galing kay Caleb.

Caleb:

Where are you now?

Hindi ako nag-reply at nagpatuloy lang sa paglalakad nang muli siyang nagpadala ng message. This time ay picture na ni Mary Rose ang laman ng message.

Caleb:

Mary Rose Amistoso. Accounting. From XXX province. Farmer ang parents at may isang nakababatang kapatid na lalake.

Bakit ang dami niya ng alam kay Mary Rose kaysa sa akin?! Unfair! Pangalan lang alam ko tapos siya ay napakarami na. Anong ginawa niya para makuha ang impormasiyong ito?!

Kenan:

What do you want? Anong ginawa mo kay Mary Rose?

Caleb:

Relax. Nagtanong-tanong lang ako.

‘Lang?’ Eh, ako nga na nakasama ito ng isang oras ay pangalan lang ang alam tapos siya ay nagtanong-tanong lang?!

Kenan:

Malaman ko lang na may ginawa kang masama sa kanya, humanda ka talaga sa ‘kin.

Caleb:

Don’t worry, wala akong gagawing masama. In one condition.

Sinasabi ko na nga ba! May masama talaga siyang plano kaya pinadalhan niya ako ng picture at information ni Mary Rose.

Kenan:

What it is?

Caleb:

Later at home.

Ano na namang binabalak niyang gawin at gusto niya pang sa bahay? Hindi ba pwedeng pagpahingahin niya naman ako?! Pagod na ako rito sa University tapos pati ba naman sa bahay?

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 10

    [Past] BIGLANG nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang makaramdam ng kiliti sa tenga. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ay alam ko ng si Caleb ang salarin. Sa araw-araw ba naman niyang ginagawa ito sa akin ay kahit pandama ko ay kabisado na ang gawain niya. “Naman, e!” ang reklamo ko at iwinasiwas ang kamay sa paligid para itaboy siya. “’Wag kang magulo, natutulog pa ‘ko, e.” Pero sa halip na hayaan ako ay mas lalo pa siyang nanggulo. Ngayon naman ay hinihingahan ang tenga ko. Minulat ko ang mata at inis na nilamukos ang mukha niya. Ngunit ayaw niya talagang tumigil at tinatapik lang palayo ang kamay ko at muli na namang aatake sa aking tenga. “Bumangon ka na kasi r’yan, mali-late na tayo,” aniya nang huminto. Napatingin ako sa ayos niya dahil naka-uniform na siya at dala ang backpack bag na nakasabit sa isang balikat. “Sinabihan kami ni Ma’am na hindi siya magkaklase ngayon kaya ayos l

    Huling Na-update : 2021-11-29
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 11

    KANINA pa ako palinga-linga sa paligid. Maraming dumaraan na mga estudiyante pero hindi ko pa napapansin si Mary Rose. Ngayon ang subject na magkaklase kami at binabalak kong magpapogi points kaya naisipan ko itong hintayin sa labas ng room para sabay kaming pumasok. “Hi,” panay naman ang bati ko sa mga students na pumapasok na sa room lalo na ang mga babae. Nang sa wakas ay na-spot-an na ng mga mata ko si Mary Rose ay agad akong kumilos. Sumandal ako sa pader, inayos ang nakasukbit na bag sa balikat at saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Inilapat ko rin ang kanang paa sa pader para magmukha talaga akong cool. Pero nagtaka ako nang kahit nasa harap lang ako ng pinto ay hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy lang. “H-hi, Mary Rose.” Ang habol ko sa kanya. “O, hi Kenan.” Sabay ngiti. Tinuro ko iyong labas ng room. “Hindi mo ba ‘ko napansin kanina sa labas?” “Sa labas?” Tapos ay umiling. Ouch

    Huling Na-update : 2021-11-30
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 12

    HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?Felix:Sa’n ka?Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?Kenan:Bakit?Felix:Punta ka na rito.Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.Kenan:Wait, papunta na.Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung ba

    Huling Na-update : 2021-12-01
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 13

    DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.“Anong ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Ma

    Huling Na-update : 2021-12-02
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 14

    [Past]NAABUTAN ko si Caleb na nagsisintas ng sapatos pagpasok sa kwarto niya at nakasalampak sa sahig kaya sinamahan ko siya at tinulungang sintasin ang isang sapatos.“Thanks,” aniya at hinaplos ang buhok.“Para mapadali dahil baka maunahan tayo ng iba sa court.”“Hindi ‘yan,” pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bola sa tabi. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng kwarto. Tuloy-tuloy kami hanggang sa kusina. “Magdala tayo ng tubig, sa ‘yo ‘to.” Sabay bigay ng tumbler na may pangalan ko. Pareho kami ng design at kulay, ang pinagkaiba lang ay nilagyan niya ng pangalan para hindi malito kung alin ang kanino.“Si Felix kaya, anong ginagawa ngayon?” ang nasabi ko nang lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa covered court.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon?”“Ewan ko du’n, sinabih

    Huling Na-update : 2021-12-03
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 15

    [Past]BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p

    Huling Na-update : 2021-12-04
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 16

    [Past]NASA harap na ako ng restaurant na sinasabi ni Nikki. Dito kami magkikita ngayon dahil may importante raw siyang sasabihin. Sobrang excited nga ako dahil may kutob akong sasagutin na niya ako ngayon sa wakas.Nagpatulong pa nga ako kay Caleb ng magandang susuotin dahil wala na akong maisip. Siya na rin ang bumili ng bulaklak na dapat kong ibigay sa oras na magkita kami ni Nikki.Sa entrance pa lang ng restaurant ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Marami ring pumapasok na idea sa utak ko. Ano ang dapat kong maging reaksiyon? Sisigaw ba ako sa tuwa o magtatatalon?Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero ang sabi ni Caleb ay dapat kalmado lang ako sa oras na sagutin na ako ni Nikki pero kaya ko ba iyong gawin? Isipin pa nga lang na um-‘oo’ siya ay baka magwala ako sa sobrang saya.Huminga muna ako nang malalim sabay buga para alisin ang kaba sa katawan ng tuluyan nang pumasok sa restaur

    Huling Na-update : 2021-12-05
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 17

    [Past]MABILIS kong ikinubli ang sarili sa kanila. Ang pader na ginawang panangga upang hindi nila makita ay siya ring nagbibigay ng suporta sa akin nang biglang manghina.Ilang beses akong umiling. Hindi, imposible itong nakikita ko. Pinaglalaruan lamang siguro ako ng mga mata. Nagkamali lang ako sa nakita.Tama… nagkamali lang ako. Imposibleng hawak ni Nikki ang kamay ni Caleb.“Hello, Kenan?” rinig kong sabi ni Caleb kaya mabilis kong tiningnan ang cellphone. Hindi ko napansin na sinagot niya pala ang tawag ko.Kailangan kong makalayo muna sa lugar para hindi niya mapansin na nasa paligid lang ako at nakita sila. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapagod. “H-hello?” ang tugon ko matapos tuluyang makalayo.“Ba’t ka napatawag?”Lumunok muna ako ng laway para alisin ang bara sa lalamunan. “Lunch break na kasi, nasa’n ka?” Pl

    Huling Na-update : 2021-12-06

Pinakabagong kabanata

  • Will You Love Me? (BL)   Epilogue

    MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 51

    MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 50

    SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 49

    SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 48

    HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 47

    TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 46

    KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami.Ano ba ako sa tingin niya?At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw.Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.”“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen.“Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.”Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito.“Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya.Inabot niya agad ang baso na na sa tab

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 45

    NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.“Tara, may pupuntahan tayo.”Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.Pagpasok sa kotse

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 44

    NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n

DMCA.com Protection Status