Share

Chapter 11

Author: Zxoul49
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

KANINA pa ako palinga-linga sa paligid. Maraming dumaraan na mga estudiyante pero hindi ko pa napapansin si Mary Rose. Ngayon ang subject na magkaklase kami at binabalak kong magpapogi points kaya naisipan ko itong hintayin sa labas ng room para sabay kaming pumasok.

“Hi,” panay naman ang bati ko sa mga students na pumapasok na sa room lalo na ang mga babae. Nang sa wakas ay na-spot-an na ng mga mata ko si Mary Rose ay agad akong kumilos.

Sumandal ako sa pader, inayos ang nakasukbit na bag sa balikat at saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Inilapat ko rin ang kanang paa sa pader para magmukha talaga akong cool.

Pero nagtaka ako nang kahit nasa harap lang ako ng pinto ay hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy lang. “H-hi, Mary Rose.” Ang habol ko sa kanya.

“O, hi Kenan.” Sabay ngiti.

Tinuro ko iyong labas ng room. “Hindi mo ba ‘ko napansin kanina sa labas?”

“Sa labas?” Tapos ay umiling.

Ouch naman!

Naupo siya malapit sa table ng professor kaya tumabi ako sa kanya kahit mas prefer ko ang likod na part ng room. Nilabas niya ang cellphone at napansin kong abala siya sa social media account niya.

“Thank you nga pala sa pag-accept sa ‘kin kagabi.” In-add ko kasi siya sa social media na agad naman niyang in-accept ang friend request ko.

“No problem, we’re friends.”

Naks, friend daw kami. Sana soon madagdagan ng ‘boy’ ang ‘friend’. “So, mamayang lunch ba… pwedeng sabay tayo?”

“Sure.”

“Really, how about your friend na binanggit mo last time?”

“Maybe sa department niya na lang siya kakain ng lunch.”

“Great!” muntik pa akong mapatalon sa tuwa. “I mean, medyo madali kasi akong ma-awkward sa ibang tao— but not you, m-magaan ang pakiramdam ko sa ‘yo.“ Sana makalusot ang palusot.

“Ako rin, magaan ang pakiramdam ko sa ‘yo.”

Parang panandaliang lumabas ang puso ko at nalaglag sa sahig. Ibig bang sabihin nito ay gusto niya rin ako?

Ipinilig ko ang ulo. Maghunos-dili ka Kenan! Masiyado pang maaga para mag-isip nang gano’n. Dapat sure ako na may pag-asa talaga para hindi naman masaktan.

*****

SABAY kaming naglakad ni Mary Rose papunta sa cafeteria nang magpaalam siya saglit. “Mauna ka na at susunod na lang ako, baka kasi mahirapan pa tayong maghanap ng vacant table kung hihinayin mo pa ‘ko,” aniya bago siya lumiko para magpunta sa restroom.

Sinunod ko ang suggestion niya at binilhan na rin siya ng pagkain para hindi na siya pumila pa dahil dumarami na ang mga pumapasok na students rito sa cafeteria.

Matapos makahanap ng table ay hindi muna ako kumain at hinintay siyang makabalik nang makitang papalapit si Felix. Agad akong yumuko at nagtago sa ilalim ng table para hindi niya makita.

“Anong tinitingnan mo r’yan?” ang tanong niya pero hindi ko inangat ang ulo dahil baka iba ang kausap niya at hindi ako. “Hoy, Kenan, anong tinitingnan mo r’yan sa ilalim ng table?”

Nanlisik agad ang mata ko nang ibaling sa kanya. “Panira ka, may date ako ngayon.” Iwinasiwas ko pa ang kamay para itaboy siya.

“Ha, sa’n?” at luminga-linga sa paligid. “Sira ka talaga, takot ka lang na magpalibre ako sa ‘yo kaya imbento ka r’yan na may ka-date kahit wala naman,” pagkatapos ay naupo katapat ko. “Don’t worry, dahil may nanglibre na sa ‘kin ng lunch ngayon.”

“Umalis ka nga r’yan, parating na ‘yung sinasabi ko kaya shoo! Lumayas ka.”

“Dito na lang kami, kaysa maghanap pa ng table.”

“Ang kulit mo Felipe.”

Pero nagkamot lang siya ng tenga at hindi ako pinansin. Ilang sandali ay bigla na lang tinaas ang kamay at may kinawayan banda sa likod ko. “Dito-dito!” ang tawag pansin niya pa.

Paglingon ko naman ay automatic na nagliyab ang mga mata ko. “Sasakalin talaga kita,” mahina pero may diin kong banta kay Felix. “Bakit mo kasama ang taong ‘yan? Nasiraan ka ng turnilyo sa ulo?”

“Hindi ko kasalanan, trinaydor ako ni tummy,” sabay tapik sa kanyang tiyan. “Sorry.” At nakuha pang ngumiti.

“Sorry mo mukha mo, hindi naman sincere,” pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Caleb na ilalapag na sana ang dalang tray. “Sinabi kong pwede kang umupo?”

Tinuro niya si Felix gamit ang labi. “Kasama ko siya at nakaupo na siya, so…” tuluyan niyang nilapag ang tray habang may ngiti sa labi at pagkatapos naupo sa tabi ko.

Ano ba kasing ginagawa nila rito?! “Bumalik ka na nga sa department mo,” ang utos kay Felix. “At isama mo ‘to. Kung kinakailangan ay kaladkarin mo.”

“Dito niya ako gustong ilibre kaya sumunod ako,” aniya sabay labas ng dila na parang asong tuwang-tuwa na sinusunod ang amo.

“Kailan mo ba ‘ko titigilan?” ang baling kay Caleb. “Sa bahay at pati rito ay ayaw mo ‘kong tantanan.” Napapagod na ‘ko!

Nagkibit-balikat siya sabay tingin sa pagkain. Hindi ako pinansin?!

Kuyom ang kamao at nanginginig na sa sobrang yamot sa kanya.

“Hi, sorry natagalan ako.”

Biglang bumukas ang nakakuyom kung kamay nang marinig ang boses ni Mary Rose. Agad rin akong ngumiti nang lumingon sa kanya. “No, ayos lang,” ang tugon ko.

Ang tingin niya ay nasa dalawang kasama ko. “Hi, ako nga pala si Felix at ito naman si Caleb, mga kaibigan ni Kenan,” ang pakilala ni Felix sabay lahad ng kamay na mabilis ring binawi nang pandilatan ko.

“Actually, siya lang ang ka-close ko talaga,” ang singit ko, sabay turo kay Felix.

“Yeah, Kenan was right,” ani Caleb. “Two years kasi akong nag-stay sa ibang bansa kaya nawala ‘yung bond namin.”

“Really?” kitang-kita ang curiosity sa mga mata ni Mary Rose. “Which country?”

“Canada.”

No, Mary Rose! ‘Wag mo siyang kausapin! Mapanganib siyang tao, mapapahamak ka!

“Kumain ka na, binili na rin kita ng pagkain habang naghihintay,” ang singit ko at inilapit ang tray sa kanya.

“Wow! Anong ginagawa mo ro’n, study?”

“Yes. Law to be exact.”

Hindi niya ako pinansin at na kay Caleb lang ang atensiyon!

“Cool! So, why you’re here? Hindi ba dapat ay naro’n ka?”

Napatingin sa akin si Caleb. “May kailangan kasi akong gawing importante.”

“Mas importante pa sa studies mo?”

“Of course,” ani Caleb at hindi ko alam kung bakit bigla niyang hinawakan ang pinky-finger ko na nasa may tuhod. Napatingin tuloy ako sa kamay niya na mabilis ring bumitaw. “Pinagpalit ko ang lahat ng meron ako sa Canada para lang do’n.”

Ang kumakain na si Felix ay bigla na lang nabilaukan. “An’yare sa ‘yo?” ang tanong ko sabay abot ng baso ng tubig.

Inisang lagok niya ang laman ng baso at pagkatapos ay matalim na tumingin kay Caleb. “Magdahan-dahan ka naman kasi, papatayin mo ata ako, e!”

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa dalawa. May hindi ba ako alam na silang dalawa lang ang nagkakaintindihan?

“Ho! Ang sakit mo sa di*dib,” ang sabi pa ni Felix kay Caleb. “Nawalan tuloy ako nang ganang kumain.”

Ano ba kasing meron?! Naguguluhan na ‘ko sa kanila?! Tinitigan ko naman si Felix at baka sakaling magsalita pero inirapan lang ako ng walangh*ya!

Nang ibaling ko ang tingin kay Mary Rose ay nakangiti ito. “Nakakatuwa naman ang mga kaibigan mo,” aniya nang magtagpo ang tingin namin.

Alin ang nakakatuwa ro’n?! Istorbo nga sila sa moment natin.

“How ‘bout you?” ang tanong ni Caleb kay Mary Rose.

Pinandilatan ko siya ng mata. Anong karapatan niyang magpaka-feeling close kay Mary Rose at nakuha pang magtanong.

“What about me?” nagtatakang tanong ni Mary Rose.

“You and Kenan are friends right? Kaibigan ni Kenan, kaibigan ko rin. Kaya gusto kitang makilala nang husto.”

Pakiramdam ko ay tumaas ang presiyon ko kahit wala namang highblood. “Anong gusto mong malaman sa kanya?” ang tanong ko kay Caleb habang may pilit na ngiti sa labi. Sa m-in-essage niyang imfomation sa akin kagabi tungkol kay Mary Rose ay wala na siyang dapat pang malaman.

“Anything, ‘cause I like her— personality,” sinadiya niya pang bitinin ang sentence para talaga inisin ako.

Napangiti nang ubod-tamis si Mary Rose sa katabi ko.

No! hindi ko gusto ang nakikita sa mukha ngayon ni Mary Rose. Hindi siya pwedeng mahulog sa mga matatamis na salita ni Caleb! Kailangan ay may gawin akong paraan para mapaglayo silang dalawa!

Hinawakan ko nang mahigpit ang braso ni Caleb. “May gusto pala akong sabihin sa ‘yo,” tapos ay hinila siya patayo. “Babalik rin kami, saglit lang ‘to,” ang paalam ko sa dalawa. Ang nakangiti kong labi ay naglaho nang tumalikod.

“Sa’n mo ba ako dadalhin?”

Hindi ako sumagot at basta hinila siya papunta sa labas ng cafeteria kung saan ay wala masiyadong dumaraan na mga tao. “Ano ba talagang problema mo?!”

“Wala akong problema.”

“Alam mo kung ano ang ibig kong sabihin, Caleb. May gusto ka ba kay Mary Rose?”

“Wala.”

“So, bakit nakikipag-flirt ka sa kanya?”

Puno nang pagtataka ang mga mata niya. “Kailan ako nakipag-flirt sa kanya?”

“Kilala kita Caleb, ni minsan ay hindi ka naging friendly sa mga babae, well except kanina kaya alam ko na nakikipag-flirt ka sa kanya.”

“Mali ka lang nang iniisip. Gusto ko lang siyang kilalanin.”

“Sinungaling.”

“Bakit naman ako magsisinungaling?”

“Kasi expertise mo na ang magsinungaling.”

“Sinabi ko na ang totoo pero ayaw mong maniwala. Anong gusto mong gawin ko, totohanin ang ibinibintang mo sa ‘kin?”

Tinulak ko siya sa pader. “Binabalaan kita, ‘wag mo siyang idadamay rito.”

Tumaas ang gilid ng kanyang labi. “Ooh, fierce. Tumatapang ka na.”

Nanlisik ang mga mata ko at nagpipigil na muli siyang saktan. Natutuwa pa talaga siyang nanggagalaiti ako sa galit!

“Wala kang kwentang kausap kaya kaysa masayang ang laway ko—!“

Sa isang iglap ay mabilis niyang hinawakan ang batok ko at kinabig palapit sa kanya. Nahigit ko pa ang hininga nang halos gahibla na lang ang layo ng mukha ko sa kanya. “Hindi pa tayo tapos mag-usap,” aniya sa tonong ginagamit niya lang kapag nagpipigil ng galit.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa batok ko. “Wala na tayong dapat pang pag-usapan.” Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero mas lalo lang humihigpit sa batok ko.

Ang isang kamay naman niya ay nasa aking likod na pumupigil para malayo ako sa katawan niya.

Nanghina ang tuhod nang hipan niya ang tenga ko. Agad akong kumapit sa balikat niya para gawing suporta at hindi tuluyang matumba. “Gotcha,” ang bulong niya pa at muling hinipan ang tenga ko.

And this time ay hindi ko na nga talaga nakaya. Tuluyan nang nanghina at napasandal sa katawan niya. “Tang*na mo,” ang tangi ko na lang nasabi. “Talagang ginamit mo pa talaga sa ‘kin ang weakness ko.”

“The only thing na tanging ako lang ang nakakaalam.”

B*wes*t talaga!

Huminga ako ng malalim saka buong lakas siyang tinulak at kahit nanlalambot pa ang tuhod ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Kailangan kong makalayo sa kanya.

***<[°o°]>***

Kaugnay na kabanata

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 12

    HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?Felix:Sa’n ka?Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?Kenan:Bakit?Felix:Punta ka na rito.Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.Kenan:Wait, papunta na.Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung ba

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 13

    DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.“Anong ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Ma

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 14

    [Past]NAABUTAN ko si Caleb na nagsisintas ng sapatos pagpasok sa kwarto niya at nakasalampak sa sahig kaya sinamahan ko siya at tinulungang sintasin ang isang sapatos.“Thanks,” aniya at hinaplos ang buhok.“Para mapadali dahil baka maunahan tayo ng iba sa court.”“Hindi ‘yan,” pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bola sa tabi. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng kwarto. Tuloy-tuloy kami hanggang sa kusina. “Magdala tayo ng tubig, sa ‘yo ‘to.” Sabay bigay ng tumbler na may pangalan ko. Pareho kami ng design at kulay, ang pinagkaiba lang ay nilagyan niya ng pangalan para hindi malito kung alin ang kanino.“Si Felix kaya, anong ginagawa ngayon?” ang nasabi ko nang lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa covered court.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon?”“Ewan ko du’n, sinabih

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 15

    [Past]BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 16

    [Past]NASA harap na ako ng restaurant na sinasabi ni Nikki. Dito kami magkikita ngayon dahil may importante raw siyang sasabihin. Sobrang excited nga ako dahil may kutob akong sasagutin na niya ako ngayon sa wakas.Nagpatulong pa nga ako kay Caleb ng magandang susuotin dahil wala na akong maisip. Siya na rin ang bumili ng bulaklak na dapat kong ibigay sa oras na magkita kami ni Nikki.Sa entrance pa lang ng restaurant ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Marami ring pumapasok na idea sa utak ko. Ano ang dapat kong maging reaksiyon? Sisigaw ba ako sa tuwa o magtatatalon?Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero ang sabi ni Caleb ay dapat kalmado lang ako sa oras na sagutin na ako ni Nikki pero kaya ko ba iyong gawin? Isipin pa nga lang na um-‘oo’ siya ay baka magwala ako sa sobrang saya.Huminga muna ako nang malalim sabay buga para alisin ang kaba sa katawan ng tuluyan nang pumasok sa restaur

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 17

    [Past]MABILIS kong ikinubli ang sarili sa kanila. Ang pader na ginawang panangga upang hindi nila makita ay siya ring nagbibigay ng suporta sa akin nang biglang manghina.Ilang beses akong umiling. Hindi, imposible itong nakikita ko. Pinaglalaruan lamang siguro ako ng mga mata. Nagkamali lang ako sa nakita.Tama… nagkamali lang ako. Imposibleng hawak ni Nikki ang kamay ni Caleb.“Hello, Kenan?” rinig kong sabi ni Caleb kaya mabilis kong tiningnan ang cellphone. Hindi ko napansin na sinagot niya pala ang tawag ko.Kailangan kong makalayo muna sa lugar para hindi niya mapansin na nasa paligid lang ako at nakita sila. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapagod. “H-hello?” ang tugon ko matapos tuluyang makalayo.“Ba’t ka napatawag?”Lumunok muna ako ng laway para alisin ang bara sa lalamunan. “Lunch break na kasi, nasa’n ka?” Pl

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 18

    [Past]NAHIGIT ko ang hininga sa narinig. Matagal ng may gusto si Nikki kay Caleb? At ano iyong sinasabi niya na ‘something’? May nangyayari ba sa kanila na hindi ko alam?!“Wala akong dapat i-explain,” ani Caleb at muling sinubukang kunin mula kay Nikki ang cellphone na pilit namang itinatago sa likod.“’Yan! D’yan ka magaling. Hindi porket hindi ako nagtatanong, e, hindi ka rin nag-i-explain—“ sandaling natigilan si Nikki nang magtagpo ang mga mata namin.Mabilis akong nagtago. Pambihira! Nakita niya ako!“You know what? I’m tired of this. Ayaw mong mag-explain, right? So, pa’no pala kung si Kenan na ang magtanong? Humingi ng explanation?”“Don’t bring him up. Wala siyang kinalaman dito.”“Really? sigurado kang wala? Kasi kung iisiping mabuti… lahat ng ‘to, dahil sa kanya. And guess what?! An

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 19

    MATAPOS kumain ay bumalik ako sa kwarto para magsipilyo at kunin ang bag. Tapos ay bumalik sa kusina para tingnan kung tapos na maghugas ng pinggan si Caleb. Siya na rin kasi ang nagpresintang gawin ang mga gawain sa bahay na hindi ko pa magagawa sa ngayon tulad nang paghuhugas ng pinggan.May magandang maitutulong din pala kapag na-i-injured. Ligtas ako sa household chores!“Ito, o,” sabay bigay sa kanya ng susi ng bahay at pati na rin ng gate. “Ikaw na ang magsara at i-lock mo, ha? Sige, aalis na ‘ko.” Kailangan ko ng mauna dahil magku-commute pa ako dahil hindi ako makakapag-motor sa lagay ko ngayon.“Wait, sabay na tayong pumasok.”“Magkaiba tayo ng course.”“Same university.”“Nagsasawa na ‘ko sa pagmumukha mo.”“Ako hindi.” At saka nangiti.Pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy

Pinakabagong kabanata

  • Will You Love Me? (BL)   Epilogue

    MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 51

    MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 50

    SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 49

    SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 48

    HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 47

    TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 46

    KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami.Ano ba ako sa tingin niya?At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw.Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.”“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen.“Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.”Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito.“Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya.Inabot niya agad ang baso na na sa tab

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 45

    NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.“Tara, may pupuntahan tayo.”Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.Pagpasok sa kotse

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 44

    NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n

DMCA.com Protection Status