Hello, and goodbye! Wala ako masiyadong ma-comment kaya see you next story na lang. Thank you, babboossshh!
KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy. “Ayos ka lang?” bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan. Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak. “Oy, tama na ‘yan. Lasing ka na,” ang pigil niya sabay kuha ng baso. Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. “Hindi pa ‘ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo.” “Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo.” Sabay hawak sa braso ko para itayo. “Nag-i-enjoy pa ‘ko Felipe!” Nakipaghilahan p
DINILAT ko ang mga mata nang makaramdam ng kiliti sa kaliwang tenga. Lumingon pa ako sa paligid at tiningnan ang buong kwarto para siguraduhing ako lang ang mag-isa. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang pamilyar na pangyayari tuwing umaga. Ganitong-ganito kapag nagigising ako noon para hindi ma-late sa school. Natigil lang simula nang... Ahh!!! Kumukulo na naman ang dugo ko kapag naiisip ang taong iyon. Ang mas mabuti pa ay bumalik na lang ako sa pagtulog kaysa mainis. Muli akong pumikit para ipagpatuloy ang pagtulog nang mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi. Para itong rumaragasang tubig na nilulunod ang isip ko. Bigla akong napadilat at mabilis na bumangon sa kama. Ano ‘yun? Ano ang alaala na ‘yun?! “Imposible, hindi pwedeng mangyari ‘yun.” Umiling-iling pa ako para kumbinsihin ang sariling hallucination lang ang nangyari. Hindi pwedeng nakabalik na siya. Hindi pwedeng bumalik dito si, “Caleb.” “Tawag mo ‘ko?” Napaatras ako
MABAGAL kong sinusuot ang gray short-sleeves na may black leaves print na pinapasuot sa akin ni Mama. Ilang beses pa akong napapabuntong-hininga habang binubutones ang damit. Gustuhin ko mang hindi sumama ay hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Baka magtanong sila Mama kung bakit, na ayaw kong mangyari. Ayokong malaman nila na magkaaway kami ni Caleb. Dalawang taon kong nilihim ang buong nangyari sa amin ni Caleb. Ang buong akala nila ay parang magkapatid pa rin ang turingan namin. Nahinto ako sa ginagawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mama. “Tapos ka na? Baka naghihintay na sina Janette at Steve.” Ang tinutukoy ni Mama ay ang parents ni Caleb na ngayon ay naghihintay sa katabing bahay. Ngayong gabi kasi ay may dinner doon para i-celebrate ang pagbabalik ng anak nila. Muli akong napabuntong-hininga. Paano ko ba ito maiiwasan. Umaga hanggang gabi ko nang nakikita si Caleb. Sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha niya. “Susunod na po
KAKAMOT-KAMOT sa tiyan at papikit-pikit pa ang mga mata nang lumabas sa kwarto. Mula sa sala ay napansin kong may tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin. “Good morning,” ang bati niya. Pero dahil ang amoy agad ng niluluto ni Mama ang prinoseso ng utak ay hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kitchen area. “’Ma, ang bango.” Saka lumapit para makita ang niluluto niyang garlic fried-rice. Nilanghap ko pa bago lumapit sa electric kettle. Buti may mainit pang tubig para makapagkape. Matapos makapagtimpla ay pumunta ako sa labas ng bahay. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga mong nangapit-bahay, a.” Sabay sulyap kay Caleb na kanina pa ako sinusundan. “Wala kasi akong magawa sa bahay.” Sa laki ng bahay niya, wala pa siyang magawa? “O, ba’t dito? Ke-aga-aga ang pangit na ng umaga ko." “Si Tita naman ang nagyaya sa ‘king pumasok at dito na mag-almusal.” Hinipan ko ang mainit na kape sabay higop. “Umuwi ka na habang hindi pa kita pinapaalis.” Ang t
MARIIN akong pumikit nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Saan ko ba dapat ibaling ang mukha? Sa kanan ba o kaliwa? Mas mabuting huwang na lang akong gumalaw at baka may kung ano pang dumikit sa labi ko. Please, please, please. Muntik pa akong mapasigaw nang tuluyang may maramdaman sa labi. "Sobrang sakit no’ng ginawa mo. Nabukulan ata ako.” Bigla kong idinilat ang mga mata at nakitang malayo na ang mukha niya. Bumalik na rin sa normal ang mata niya, hindi na galit. Agad kong tinabig ang kamay niyang tumakip sa bibig ko, ito pala ang dumikit. “Ilayo mo nga ‘yang madumi mong kamay,” baka kung ano pang pinaghahahawak niya. “Kadiri, dumampi pa talaga sa labi ko.” “Mas mabuti na ‘yan kaysa iba ang dumampi.” “Ano?” Ano na namang pinagsasasabi nito? Umalis siya sa ibabaw ko kaya agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Baka kasi itulak na naman niya ako. “Kenan?” si Mama. Agad kong inayos ang itsura na
“Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.Pagkatapos ay kinuha ang isang basong tubig para uminom. Nang maubos ay ibinaba niya rin ang baso sa mesa. “Anong klaseng tanong 'yan, kahit pa siguro ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo ay hindi kita papatulan, may taste naman ako 'no.”“Huwaw, mas gwapo naman ako kaysa sa 'yo 'no, 'di ba Faith?” ang tanong ko na agad nitong tinaas ang kamay na naka-thumbs up.“’Wag mong awayin si kuya Kenan,” ang baling pa nito kay Felix.“Ewan ko sa inyo,” ang komento niya tapos ay tumungo sa pagkain.Si kuya Fernan at ate Anna ay napapangiti at naiiling sa amin. Tanging si baby Kyle lang ang abala sa pag
SOBRANG saya at ang gaan-gaan nang pakiramdam ko. Kulang na nga lang ay magwala ako dahil sa wakas! Wala na si Caleb. Kagabi ko lang kasi nalaman na bumalik na pala ito sa Canada noong isang araw dahil tulad rito sa Pilipinas ay umpisa na rin ng pasukan doon. Usually, nakakatamad pumasok sa first day of school… pero kung ganito ba naman ang mababalitaan ko ay bakit ako tatamarin? Todo birit nga ako sa banyo habang naliligo kapag naiisip na wala na si Caleb at hindi na siya babalik, hopefully, forever na sanang huwag bumalik! “Ang ganda ata nang gising mo? Kanina ko pa naririnig ang boses mo habang kumakanta-kanta ka,” ang puna ni Mama nang maupo ako para saluhan silang mag-almusal. “Hehehe,” natawa lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako masaya. “Excited ka ba sa first day mo sa University?” ang tanong niya at saka nilagyan ng sinangag ang pinggan ko.
ILANG BESES akong umiling nang sabihin niya na gusto niyang mag-stay rito sa bansa at makasama kami. Hindi pwede, maayos na ang buhay ko ngayon at sa kanya rin. Ano pa bang gusto niya? Balak niya bang guluhin muli ang buhay ko, tapos ano? Kapag may nasaktan ulit ay bigla siyang aalis? Umatras ako, dahan-dahan hanggang sa kumaripas na ako nang takbo makalayo lang sa kanya habang naiisip ang ginawa niya noon. Hindi. Hindi! Mariin kong pinikit ang mga mata para maalis sa isip ang nangyari noon— “Aray!” Bigla kong naidilat ang mga mata nang may mabunggo. Una kong napansin ang nagkalat nitong gamit sa paligid at sunod ay ang isang babaeng nakaupo na sa sahig. Nakatungo ito at dum*d***g sa sakit. Mabilis naman akong lumapit at tinulungan itong makatayo. Matapos ay kinuha ang bag nito at isa-isang pinulot ang mga gamit na nakakalat. Nang matapos mailagay ang huling gamit ay saka lang ako t
MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s
HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang
TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang
KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami.Ano ba ako sa tingin niya?At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw.Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.”“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen.“Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.”Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito.“Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya.Inabot niya agad ang baso na na sa tab
NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.“Tara, may pupuntahan tayo.”Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.Pagpasok sa kotse
NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n