Share

Chapter 5

Author: Zxoul49
last update Last Updated: 2021-11-22 23:50:33

MARIIN akong pumikit nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Saan ko ba dapat ibaling ang mukha? Sa kanan ba o kaliwa? Mas mabuting huwang na lang akong gumalaw at baka may kung ano pang dumikit sa labi ko.

Please, please, please.

Muntik pa akong mapasigaw nang tuluyang may maramdaman sa labi.

"Sobrang sakit no’ng ginawa mo. Nabukulan ata ako.”

Bigla kong idinilat ang mga mata at nakitang malayo na ang mukha niya. Bumalik na rin sa normal ang mata niya, hindi na galit.

Agad kong tinabig ang kamay niyang tumakip sa bibig ko, ito pala ang dumikit. “Ilayo mo nga ‘yang madumi mong kamay,” baka kung ano pang pinaghahahawak niya. “Kadiri, dumampi pa talaga sa labi ko.”

“Mas mabuti na ‘yan kaysa iba ang dumampi.”

“Ano?” Ano na namang pinagsasasabi nito?

Umalis siya sa ibabaw ko kaya agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Baka kasi itulak na naman niya ako.

“Kenan?” si Mama.

Agad kong inayos ang itsura nang bumukas ang pinto at sumilip si Mama. “May narinig akong sigaw, anong nangyayari?”

Nagkatinginan kami ni Caleb, hindi alam kung anong sasabihin.

“Ah, a-ano kasi—”

“Nadulas po kasi si Kenan Tita, tapos pareho kaming natumba,” pagkatapos ay pinulot ang jersey na hinubad ko kanina. “Ito po, nadulas siya dahil dito.”

“Ba’t kasi basta-basta mo na lang iiwan sa sahig,” lumapit si Mama kay Caleb at kinuha ang jersey. “Tapos bas*ng-b*sa pa, talagang madudulas ka nito, Kenan.”

“Sorry, ‘Ma.”

“Mag-iingat ka.” Pagkatapos ay tumalikod na para lumabas ng kwarto.

Pagkasara ng pinto ay roon lang ako nakahinga nang maluwag. Pero agad ring binalik ang matalim na tingin sa kanya.

“Sige, uuwi na ‘ko.”

Hindi ko siya pinansin at pinulot ang mga unan na binato kanina. Buti na lang talaga at hindi napansin ni Mama na nakakalat ang mga ito.

“Uuwi na ‘ko,” ang ulit niya.

“Umalis ka na lang, walang may pake.”

“Balik na lang ako bukas.”

Hindi ko napigilang umirap. “Na naman?!”

“Ano?”

Hindi ko siya sinagot, sayang ang laway. Nang lumabas siya ng kwarto ay dali-dali kong ni-lock ang pinto para hindi na siya makapasok kung sakaling bumalik.

*****

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising para maghanda sa pag-alis. Pupunta ako ngayon sa bahay ni Felix at doon tatambay buong araw para lang hindi ko makita si Caleb na paniguradong bubwesitin na naman ako.

Nakabihis na ako at aalis na pagkatapos mag-breakfast.

“O, maaga ka yatang nagising,” ang pansin ni Papa.

Napatingin naman ako sa suot niya at pati na rin si Mama. Pareho nilang suot ang uniform sa company at nag-aagahan na.

“May lakad po kasi ako,” ang sagot ko saka umupo para kumain.

“Aalis ka? Gagamitin sana namin ang motor dahil color-coding ako ngayon.”

“Ah, sige ‘Pa, magko-commute na lang ako.”

“Saan ang punta mo?” ang tanong ni Mama.

“Do’n lang kanila Felix, ‘Ma.”

Tumango-tango siya at pagkatapos ay naupo. Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos. Naunang tumayo si Mama at niligpit ang pinagkainan.

“Ako nang bahala ‘Ma, maghuhugas ako ng plato bago umalis.

“O sige, ikaw na ang bahala, aalis na kami,” ang tugon niya.

Tumayo ako saglit para kunin sa bulsa ang susi ng motor at ibigay kay Papa.

“Aalis na kami,” ang sabi ni Papa at sabay na silang lumabas ni Mama ng bahay.

“Ingat kayo,” ang sabi ko at pinagpatuloy na muli ang pagkain.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahinang ugong ng papalayong motor.

Nang matapos kumain ay tumayo na ako at hinugasan ang mga pinagkainan. Naging mabilis ang mga kilos ko dahil baka abutan pa ni Caleb.

Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone at nag-message kay Felix. Nakalimutan kong magsabi na pupunta ako sa kanila.

Kenan:

Nasa bahay ka?

Ilang sandali lang ay nag-reply ito.

Felix:

Oo, bakit?

Kenan:

Punta ako r’yan.

Felix:

O, sige.

Nang mab*sa ang reply niya ay agad kong pinagtatanggal ang plug ng ibang appliances sa electrical socket, maliban sa refrigerator. Siniguro ko ring sarado ang mga bintana lalo na at walang ibang taong magbabantay.

Kahit safe rito sa loob ng subdivision ay hindi dapat pakampante lalo na at iba’t ibang masasamang tao ang nagkalat lang sa paligid.

Matapos mai-lock ang main door ay lumabas na ko ng gate na siniguro ko ring lock bago umalis. Sa labas pa ng subdivision ang sakayan kaya kahit mainit na sa balat ang sinag ng araw ay naglakad ako.

“O, ba’t naglalakad ka lang? Nasa’n ang motor— Ay, dumaan nga pala rito ang mga magulang mo sakay ng motor,” ang sabi ng guard.

“Color-coding kasi si Papa, kaya hiniram muna niya ang motorsiklo, sige Manong,” ang sagot ko sabay paalam na rin. Kailangan kong magmadali. Lumabas ako sa subdivision at naglakad pa papunta sa sakayan.

Naupo ako sa waiting-shed habang hinihintay na may dumaan na bus. Hindi nagtagal ay nakasakay rin ako agad at saktong pag-upo ay nakatanggap ako ng notification mula sa social media. May PM sa akin si Caleb.

Caleb Roy Tan:

Nasa’n ka? Nandito ako sa gate pero naka-padlock.

Hindi ako nag-reply. Para saan pa? E, ito nga ang gusto ko. Saka, baka mangulit pa iyon at magtanong kung saan ako papunta tapos sundan pa ako at doon mangbw*sit.

Habang nasa bus ay ilang ulit niya pa akong m-in-essage pero hindi ko pinansin, hanggang sa huminto ang bus at bumaba ako. Naglakad ulit ako para marating ang bahay ni Felix. Isang kalye lang naman ang layo kaya ayos lang kahit ang init ng sinag ng araw.

Pagliko sa kanto ay tanaw ko na ang bahay nito na tatlong bahay lang naman ang layo. Agad kong napansin si Felix sa labas mismo ng bahay nila.

Bigla itong tumakbo palapit sa akin sabay h*bad ng t-shirt. “Ba’t naglalakad ka lang? Ang init-init.” Tapos ay nilagay niya sa ulo ko ang hinubad na t-shirt.

“Hiniram ni Papa ang motor kaya nag-commute na lang ako,” inalis ko ang t-shirt sa ulo at saka binalik sa kanya. “Magbihis ka nga, ikaw na ang nagsabi na mainit tapos hinubad mo pa ‘yang damit mo.”

“Hindi ka pwedeng mainitan, baka umitim ka.”

“Sira, hindi naman ako maputi,” ang tugon tapos ay natawa.

Pero hindi man lang siya natuwa sa sinabi ko at seryoso lang na nakatingin sa akin. Hindi ba joke iyong sinabi niya?

“Nandito ka sa teritoryo ko kaya sundin mo ang sinasabi ko.”

“Oo na, ang seryoso nito,” biro ko muli.

“Seryoso talaga ako, para sa’n pa ang pagbabantay ko sa ‘yo kung ikaw mismo pinapabayaan mo rin lang ang sarili mo.” Tapos ay tumalikod na siya para bumalik sa bahay.

Anong problema no’n? Nabilad lang ako sandali sa araw, galit na?

Sumunod ako sa kanya papasok sa bahay. Nakita ko ang sister-in-law niyang si ate Anna na nasa sala kasama ang anak na limang taong gulang. Lumapit ako para kulitin sandali ang bata. “Hello Kyle, musta?” sabay pisil ng mukha.

“Kuya!”

Napatingin ako nang sumigaw si Faith, ang kapatid na babae ni Felix. Nakita kong mabilis itong tumakbo papalayo.

“Anong nangyari do’n?” ang tanong ko.

Pero nagkibit-balikat lang si Felix at umupo sa tabi ni ate Anna.

Nanunuod sila ng television kaya habang nakikipagkulitan sa bata ay nakikinuod na rin ako.

Ilang sandali ay may dumaan sa harap ng television. “Ano ba Faith! talagang sa harap ng TV? Kitang may nanunuod,” ang reklamo ni Felix. “Saka, ba’t gan’yan ang suot mo, may lakad ka? Hindi naman ‘yan ang suot mo kanina, a.”

Napansin ko ang matalim na tingin ni Faith sa kapatid. “Hindi mo kasi sinabing may bisita pala tayo.”

“Si Kenan lang ‘yan, kailangan ka pang sabihan? Halos linggo-linggo ‘yang nandito.”

“Kahit na!” tapos ay tumingin sa akin sabay ngiti. “Hi, kuya Kenan.” Pansin ko agad ang pagningning ng mga mata niya. Bakit parang…?

“Oy, oy, oy! Anong klaseng tingin ‘yan! Subukan mo lang magkagusto kay Kenan, malilintikan ka sa ‘kin,” ang banta ni Felix.

Inirapan ni Faith si Felix kaya bago pa sila mag-away ay lumapit na ako rito sabay hila papalayo. “’Wag mo ng patulan,” ang awat ko pa kay Felix. “Sa kwarto na lang po kami,” ang paalam ko kay ate Anna na tumango naman.

“Wait! Anong gagawin niyo sa kwarto? Sama ako!” ang sabi ni Faith na agad lumapit pero hinarang agad ni Felix ang kamay sa noo nito.

“Wala kang paki kung anong gawin namin sa kwarto, off-limits ka,” sabay tulak nang mahina. “Subukan mong sumilip, makakakita ka ng hindi maganda."

Pansin kong nag-iba ang itsura ni Faith, tila nandiri sa sinabi ni Felix.

"Tama na ‘yan, dinudumihan mo utak ng kapatid mo,” ang saway ko.

“Matagal ng madumi ang utak n’yan, magkagusto ba naman sa ‘yo.”

“Ano namang masama?”

“Walang masamang magkagusto siya pero hindi sa ‘yo. No way, hindi ako papayag.”

Naningkit ang mata ko matapos naming pumasok sa kwarto. “’Wag mong sabihing...” sadya kong ibinitin ang sasabihin para siya ang magtapos.

“Kaibigan kita, kung magiging kayo ng kapatid ko, tapos maghihiwalay? Baka masira lang pagkakaibigan natin.”

Tumaas ang gilid ng labi ko. “Ang sweet naman, inaalala mo ang pagkakaibigan natin,” –hindi tulad ni Caleb.

Lumapit ako sa kanya at akmang yayakapin siya nang mabilis niya akong tinulak palayo. “Ang kapatid ko ang inaalala ko, oras na masaktan siya? Magdasal na lang kung sino man ang lalakeng ‘yon at kasama ka na ro’n.”

“Sabi ko nga.” Tapos ay naupo sa kama habang siya ay humiga sa tabi ko.

“So, kumusta?”

Napatingin ako sa kanya nang maguluhan sa tanong. “What do you mean?”

“Bumalik na si Caleb, so, kumusta? Galit ka pa rin ba sa kanya?”

“Ayoko siyang pag-usapan.”

“Galit ka pa nga.”

Matapos ay natahimik kami. “Anong gagawin natin ngayon?” ang tanong tapos ay humiga katabi siya.

“Aba, malay ko. Ang ganda no’ng pinapanuod ko ro’n sa sala, e.”

“Parang pinapalayas mo na ‘ko, a.”

“Hindi ba obvious?”

“Kahit obvious ay hindi ako uuwi, may asungot do’n.”

Bumuntong-hininga siya kaya napatingin ako at tumingin sa akin. Bumuka ang bibig at tila may gustong sabihin pero hindi rin tinuloy. “Ang boring,” aniya.

“Maglaro na lang tayo ng mob*le le*ends?” ang suggestion ko.

“Wala akong load.”

“Pa-load-an kita.”

“500 gusto ko,” ang tugon niya.

“Ang demanding, 100 lang oy, wala pa ‘kong allowance.”

“Sige na, 100 na lang. Kuripot.” At ako pa talaga ang kuripot?! E, lagi nga siyang nagpapalibre ng pagkain. Mas mahal niya pa nga ata ang pagkain kaysa sa ibang bagay.

Matapos ko siyang mabigyan ng load ay agad kaming nag-umpisa sa paglalaro. Hindi na namin napansin ang oras hanggang sa tawagin kami ni ate Anna para magtanghalian.

“Kain muna tayo,” ang aya ni Felix at nauna nang lumabas ng kwarto.

Sumunod naman ako papunta sa kusina nila at agad napansin si kuya Fernan, ang nakakatandang kapatid ni Felix na asawa ni ate Anna.

“O, nandito ka pala Kenan,” ang pansin niya sa akin.

Napatingin pa ako sa suot niyang damit. Marumi at maraming grasa. “Bumisita lang Kuya, galing ka sa shop?” ang tanong ko na tinanguan lang niya. Mekaniko ito tulad ng ama na si tito Ferdinand at nagtatrabaho sa isang talyer. “Ikaw lang po ang mag-isang umuwi?”

“Hindi na sumama si Papa dahil tinatapos niya pa ‘yung isang kotseng nasiraan. Kukunin na kasi mamayang hapon.”

Tumango ako saka umupo sa tabi ni Felix na agad akong inabutan ng pinggan. Tiningnan ko naman ang pagkaing nakahain. Wow, may sinigang na baboy at galunggong.

“Salamat, ate Anna,” ang sabi ko. Kapag kasi bumibisita rito ay lagi siyang nagluluto ng paborito kong pagkain, ang sinigang.

“Wala ‘yun, alam kong paborito mo ‘yan kaya kain lang nang kain,” ang sagot habang sinusubuan si Kyle na nasa kandungan.

“Tinulungan ko si Ate na magluto n’yan,” ang singit ni Faith.

“Faith,” ang saway ni Felix.

“Oo na, hindi ko na aagawin sa ‘yo si kuya Kenan.” Pagkatapos ay tumungo na lang sa pagkain.

Nagkatinginan kami ni Felix sabay tawa dahil iba ang iniisip ni Faith tungkol sa amin ng Kuya niya.

“Tigilan mo na ‘yang kapapanuod ng BL series, kung ano-anong iniisip mo sa Kuya mo at kay Kenan,” ang saway ni kuya Fernan.

Bigla namang dumila at inasar ng katabi ko si Faith. Hindi na ito nag-react at kumain na lang.

“Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.

Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.

***<[°o°]>***

Related chapters

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 6

    “Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.Pagkatapos ay kinuha ang isang basong tubig para uminom. Nang maubos ay ibinaba niya rin ang baso sa mesa. “Anong klaseng tanong 'yan, kahit pa siguro ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo ay hindi kita papatulan, may taste naman ako 'no.”“Huwaw, mas gwapo naman ako kaysa sa 'yo 'no, 'di ba Faith?” ang tanong ko na agad nitong tinaas ang kamay na naka-thumbs up.“’Wag mong awayin si kuya Kenan,” ang baling pa nito kay Felix.“Ewan ko sa inyo,” ang komento niya tapos ay tumungo sa pagkain.Si kuya Fernan at ate Anna ay napapangiti at naiiling sa amin. Tanging si baby Kyle lang ang abala sa pag

    Last Updated : 2021-11-25
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 7

    SOBRANG saya at ang gaan-gaan nang pakiramdam ko. Kulang na nga lang ay magwala ako dahil sa wakas! Wala na si Caleb. Kagabi ko lang kasi nalaman na bumalik na pala ito sa Canada noong isang araw dahil tulad rito sa Pilipinas ay umpisa na rin ng pasukan doon. Usually, nakakatamad pumasok sa first day of school… pero kung ganito ba naman ang mababalitaan ko ay bakit ako tatamarin? Todo birit nga ako sa banyo habang naliligo kapag naiisip na wala na si Caleb at hindi na siya babalik, hopefully, forever na sanang huwag bumalik! “Ang ganda ata nang gising mo? Kanina ko pa naririnig ang boses mo habang kumakanta-kanta ka,” ang puna ni Mama nang maupo ako para saluhan silang mag-almusal. “Hehehe,” natawa lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako masaya. “Excited ka ba sa first day mo sa University?” ang tanong niya at saka nilagyan ng sinangag ang pinggan ko.

    Last Updated : 2021-11-26
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 8

    ILANG BESES akong umiling nang sabihin niya na gusto niyang mag-stay rito sa bansa at makasama kami. Hindi pwede, maayos na ang buhay ko ngayon at sa kanya rin. Ano pa bang gusto niya? Balak niya bang guluhin muli ang buhay ko, tapos ano? Kapag may nasaktan ulit ay bigla siyang aalis? Umatras ako, dahan-dahan hanggang sa kumaripas na ako nang takbo makalayo lang sa kanya habang naiisip ang ginawa niya noon. Hindi. Hindi! Mariin kong pinikit ang mga mata para maalis sa isip ang nangyari noon— “Aray!” Bigla kong naidilat ang mga mata nang may mabunggo. Una kong napansin ang nagkalat nitong gamit sa paligid at sunod ay ang isang babaeng nakaupo na sa sahig. Nakatungo ito at dum*d***g sa sakit. Mabilis naman akong lumapit at tinulungan itong makatayo. Matapos ay kinuha ang bag nito at isa-isang pinulot ang mga gamit na nakakalat. Nang matapos mailagay ang huling gamit ay saka lang ako t

    Last Updated : 2021-11-27
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 9

    [Past]MATAPOS akong bihisan ni Mama ng magandang damit ay nagpunta kami sa malaking bahay na katabi ng sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa regalong hinanda para sa anak ng kaibigan ni Mama. Ang sabi kasi ay ngayon ang dating ng mga ito mula sa ibang bansa.Ang kwento pa nga ni Mama ay kaibigan niya ito noong highschool hanggang sa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya. Nag-migrate sa ibang bansa at nanatili roon nang maraming taon. Bumalik lang ang mga ito sa bansa para raw hawakan ang business na minana ng asawa ng kaibigan ni Mama.At dahil ang mga ito na ang mamamahala ng business ay rito na maninirahan ang buong pamilya kaya ang dating bakanteng lote sa tabi ng bahay namin ay pinatayuan ng isang malaking bahay.Ang anak na lalake ng kaibigan ni Mama ay halos kasing edad ko kaya ilang buwan ding excited sa pagdating nila at talagang naghanda ng regalo para rito. Gusto kong makalaro ito at maging kaibigan.

    Last Updated : 2021-11-28
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 10

    [Past] BIGLANG nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan nang makaramdam ng kiliti sa tenga. Kahit hindi ko imulat ang mga mata ay alam ko ng si Caleb ang salarin. Sa araw-araw ba naman niyang ginagawa ito sa akin ay kahit pandama ko ay kabisado na ang gawain niya. “Naman, e!” ang reklamo ko at iwinasiwas ang kamay sa paligid para itaboy siya. “’Wag kang magulo, natutulog pa ‘ko, e.” Pero sa halip na hayaan ako ay mas lalo pa siyang nanggulo. Ngayon naman ay hinihingahan ang tenga ko. Minulat ko ang mata at inis na nilamukos ang mukha niya. Ngunit ayaw niya talagang tumigil at tinatapik lang palayo ang kamay ko at muli na namang aatake sa aking tenga. “Bumangon ka na kasi r’yan, mali-late na tayo,” aniya nang huminto. Napatingin ako sa ayos niya dahil naka-uniform na siya at dala ang backpack bag na nakasabit sa isang balikat. “Sinabihan kami ni Ma’am na hindi siya magkaklase ngayon kaya ayos l

    Last Updated : 2021-11-29
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 11

    KANINA pa ako palinga-linga sa paligid. Maraming dumaraan na mga estudiyante pero hindi ko pa napapansin si Mary Rose. Ngayon ang subject na magkaklase kami at binabalak kong magpapogi points kaya naisipan ko itong hintayin sa labas ng room para sabay kaming pumasok. “Hi,” panay naman ang bati ko sa mga students na pumapasok na sa room lalo na ang mga babae. Nang sa wakas ay na-spot-an na ng mga mata ko si Mary Rose ay agad akong kumilos. Sumandal ako sa pader, inayos ang nakasukbit na bag sa balikat at saka nilagay ang parehong kamay sa bulsa. Inilapat ko rin ang kanang paa sa pader para magmukha talaga akong cool. Pero nagtaka ako nang kahit nasa harap lang ako ng pinto ay hindi niya ako napansin at nagtuloy-tuloy lang. “H-hi, Mary Rose.” Ang habol ko sa kanya. “O, hi Kenan.” Sabay ngiti. Tinuro ko iyong labas ng room. “Hindi mo ba ‘ko napansin kanina sa labas?” “Sa labas?” Tapos ay umiling. Ouch

    Last Updated : 2021-11-30
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 12

    HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?Felix:Sa’n ka?Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?Kenan:Bakit?Felix:Punta ka na rito.Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.Kenan:Wait, papunta na.Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung ba

    Last Updated : 2021-12-01
  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 13

    DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.“Anong ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Ma

    Last Updated : 2021-12-02

Latest chapter

  • Will You Love Me? (BL)   Epilogue

    MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 51

    MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 50

    SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 49

    SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 48

    HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 47

    TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 46

    KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami.Ano ba ako sa tingin niya?At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw.Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.”“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen.“Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.”Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito.“Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya.Inabot niya agad ang baso na na sa tab

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 45

    NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.“Tara, may pupuntahan tayo.”Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.Pagpasok sa kotse

  • Will You Love Me? (BL)   Chapter 44

    NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n

DMCA.com Protection Status