HINDI maalis ang ngiti sa mukha habang ka-text si Mary Rose. Kahit nga nagkaklase si Sir ay panay ang padala ko ng messages. Sayang talaga at wala kaming same class ngayong araw kaya hindi ko siya makikita.
Pero pwede naman sigurong mag-meet kami sa lunch?
Felix:
Sa’n ka?
Biglang text ni Felix. Ano naman kayang kailangan nito sa ‘kin ngayon?
Kenan:
Bakit?
Felix:
Punta ka na rito.
Tinutukoy niya siguro ay ang pagpapalista namin sa basketball club. Ang chance na pinakahihintay ko. This time ay sisiguraduhin ko ng magiging member ako ng basketball team. Noong isang araw in-announce na may registration ngayon at hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. Ito ang isa sa mga pangarap ko kaya hindi ko ‘to palalampasin.
Kenan:
Wait, papunta na.
Ang reply ko at pagkatapos ay nagmadali na, kung bakit kasi medyo malayo-layo sa department ko ang club ng basketball team tapos ang tagal pang natapos ang klase.
Nang makarating ay mahaba na ang pila. Grabe sa dami nang gustong mag-try out at mapabilang sa team. Hinanap ng mga mata ko si Felix na nasa unahan na ng pila.
“Kasama mo na naman ‘yang taong ‘yan?” ang puna ko nang makitang kasama niya sa pila si Caleb. Ibig sabihin ay balak din nitong sumali sa team.
Tsk! Bahala siya, basta wala na akong pakialam dahil nakakapagod siyang pigilan. Ang kailangan ko lang gawin ay ipagdasal na sana ay hindi ito makapasok dahil sa oras na pareho kaming palarin ay isa na namang panibagong kalbaryo sa akin ang makasama siya.
“Dito ka na pumila,” ani Felix at bahagyang tumabi para bigyan ako ng space sa pila. Tapos ano? Paggigitnaan nila akong dalawa ni Caleb? No way!
Sumasama ang maganda kong araw ‘pag nakikita ‘to, e, tapos ipagtatabi pa kami?!
“No thanks,” ang sagot ko at umalis sa harap nila. May prinsipyo naman akong tao kaya sa dulo ako pipila. Huli akong dumating kaya sa hulihan din ako ng pila dapat pumwesto.
Pero talagang ayaw akong tantanan ni Caleb! “Anong kailangan mo?” ang tanong nang umalis ito sa pila at sinundan ako.
“Kararating ko lang kaya—“ bigla siyang sumingit sa unahan ko. “Dito ako pipila.”
“’Di ba do’n ka na nakapila sa unahan? Kasama mo nga si Felipe, e!” pero nginitian niya lang ako at humarap na sa pila. “Hoy!” sabay tulak sa kanya na agad ko namang pinagsisihan dahil may nadamay na ibang students sa pila.
“Pare, kunting hinay naman d’yan, hindi lang ikaw ang nakapila rito,” ang react ng lalake na sinundan ni Caleb sa pila.
Agad naman akong humingi ng pasensiya pero nang magtagpo ang tingin namin ni Caleb ay kulang na lang ay ulitin ko ang ginawa. Nakakaloko na ang ngiti niya, a!
Gustong-gusto niya talagang iniinis ako. Tuwang-tuwa talaga siya kapag malapit nang mapigtas ang ugat ko sa katawan.
Pumikit ako at huminga nang malalim para kumalma. Hindi ko siya papansinin ngayon.
“Okay ka lang?”
Narinig kong sabi niya pero tulad ng plano ay wala akong balak mamansin— Nang biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan at mabilis na napaigtad kasabay nang pagdilat ng mga mata nang may maramdaman sa leeg.
Tinabig ko nang malakas ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko. “A-anong ginagawa mo?” Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay may bigla na naman siyang gagawin na kalokohan o hindi kaya ay muling hipan ang tenga ko.
“Nothing, gusto ko lang i-check kung okay ka lang.”
Bahagya akong lumayo sa kanya sa sobrang lakas ng kabog ng d****b ko. “W-wala akong sakit. Kaya ‘wag mo ‘kong hahawakan,” matagal niya akong tinitigan na halos hindi ko rin matagalan. “U-umabante na ang pila,” ang sabi ko sa kanya para lang maalis na ang tingin niya sa akin.
Nakahinga naman ako nang maluwag nang kumilos na siya at humarap sa pila.
Anong problema?! Bakit gan’to ang nararamdaman ko?!
Hindi kaya…?
Napansin kong paalis na si Felix kaya mabilis ko itong pinigilan. “Tapos ka na? hintayin mo muna ‘ko.”
“Bakit? May pupuntahan pa ‘ko after this.”
“Samahan mo lang ako sandali sa clinic, papa-check up ako,” tapos ay bahagyang lumapit para ibulong ang, “Feeling ko may sakit ako sa puso.”
Nanlaki ang mata niya. “Seryoso?!” napalakas ang boses niya kaya muling napatingin si Caleb. “Pa’no mo nasabing may sakit ka?!”
Tang*na! ibinulong ko nga lang sa kanya dahil may epal sa paligid tapos nilakasan niya pa talaga ang boses.
“May sakit ka?” ang react ni Caleb. “I knew it, tara pumunta na tayo sa clinic, magpa-check up ka.”
“Tama, magpasama ka na lang kay Caleb,” ang suggestion ni Felix. Kung alam mo lang na siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito.
Na sa sobrang inis ko rito ay nagri-react na pati puso ko.
“Kalimutan mo na lang ‘yung sinabi ko, kunwari nagka-amnesia kang wal*ngh*ya ka.” Kakagigil, e! Sobrang ingay.
“Kenan, kung masama ang pakiramdam mo ay sasamahan na kita sa clinic,” ani Caleb at hinawakan ang siko ko na mabilis ko ring iniwas sa kanya.
“’Di ba sabi kong ‘wag mo ‘kong hahawakan? Saka, okay lang ako. Kailangan kong magpalista.” Pagkatapos ay napatingin kay Felix na naguguluhan na sa akin at napakamot na lang sa batok.
“Sure ka? Kasi kailangan ko na talagang umalis.” Nag-aalangan pa siyang humakbang palayo.
Tumango ako saka iwinasiwas ang kamay, tinataboy na siya. Pagkatapos ay nabaling ang tingin sa nakaharap pa ring si Caleb. “Okay lang ako kaya humarap ka na do’n.”
Ilang sandali pa ay unti-unti nang umiikli ang pila at ng turn na ni Caleb magpalista ay muling bumalik si Felix na hinihingal pa. “Ito, inumin mo,” at saka binigay sa akin ang dalang gamot at bottled water.
“Akala ko ba ay may gagawin ka?”
Humugot muna siya nang malalim na hininga bago sumagot, “Mas importante ka kaya inumin mo na ‘yan.”
“Pero wala naman akong sakit.”
“May sakit man o wala ay kailangan mo ‘yang inumin. Hindi ako aalis dito hanggang hindi ko nakikitang nainom mo ‘yan.”
Ang seryoso ng itsura niya kahit hinihingal pa rin kaya sinunod ko na lang ang utos niya. “O ‘yan,” sabay buka ng bibig para ipakita ang bunganga. “Nainom ko na, happy na?”
“’Wag ka kasing magsasabi ng kung ano-ano para walang mag-aalala.”
“Yes, Sir,” ang labas sa ilong na sagot. Ginagawa naman akong bata nito.
“Sige, aalis na ‘ko. Kung may kailangan text ka lang, ‘kay?” Hindi na niya hinintay ang sagot ko at muli nang tumakbo paalis.
“Tropa mo ‘yun?” ang tanong ng lalakeng kasunod ako sa pila.
Tumango lang ako kasi hindi ko naman ito kilala. “Ang swerte mo naman sa kaibigan, sobrang concern kasi sa ‘yo.”
“Thank you,” ang tugon ko. “Matagal na kasi kaming magkaibigan, since grade school pa.”
Pagkatapos ay ngumiti ito nang kakaiba. “Sobrang tagal na pala. Kawawa naman.”
Nagtaka ako kung ano ang ibig nitong sabihin. Anong kawawa? “What do you mean?”
“Hindi mo ba nahahalata?”
Ano bang pinagsasasabi ng taong ‘to? Ang weird naman niya.
“Kenan,” ang tawag ni Caleb. “Ikaw na.” Pagkatapos ay binigay sa akin ang ballpen.
Hindi ko na pinansin ang sinabi ng lalake at nag-focus na lang sa pag-sign ng registration form.
*****
PAALIS na ako sa University sakay ng motor nang mamataan ko si Felix na naglalakad at mukhang papunta sa pagoda malapit sa Education department.
Kaya hininto ko ang sasakyan at iniliko para sundan si Felix. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko para sana gulatin pero bigla itong tumigil at may kinausap sa cellphone.
Napangiti ako nang maisip na may imi-meet ito at baka isang babae?
In-off ko muna ang makina ng motor at sinundan si Felix. Dahan-dahan lang ang lakad ko at baka mahalata niyang may sumusunod.
Gusto kong malaman kung saan, ano o kung sino ang pupuntahan niya dahil kung minsan ay malihim ito at ayaw magkwento. Kaya nang huminto ito malapit sa pagoda ay tumigil din ako at naghintay na may dumating na babae.
Pero nagtaka ako nang imbis na babae ay si Caleb ang nakita kong palapit sa kanya.
Anong nangyayari? Bakit palihim silang nagkikita nang hindi ko alam?
Ang daming tumatakbo na tanong sa utak ko at gustong-gusto ko rin malaman kung ano ang pinag-uusapan nila? Hindi naman ako makalapit dahil makikita na nila ako sa pinagtataguan ko.
Ilang sandali pa ay umalis na si Caleb at sumunod naman si Felix. Dumaan ito sa kabilang direction habang si Felix ay palapit sa pwesto ko kaya bigla na akong nagpakita. “Bakit kayo magkasama?”
Gulat na gulat ang itsura niya pero agad ring nakabawi. “Anong ginagawa mo rito?”
“Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit kayo magkasama, na naman. Tapos nagkikita pa kayo rito, anong meron?”
“May hiniram lang ako sa kanya.”
“Ano naman ‘yun?”
“H-hindi mo na kailangang malaman.” Pagkatapos ay lalagpasan ako.
Pero mabilis akong humarang sa daan. “Felix, payong kaibigan lang. Hindi ka dapat naglalalapit sa taong ‘yun.”
Agad nagbago ang expression niya at napalitan ng inis. “Bakit ang sama-sama ng tingin mo sa kanya?”
“Bakit hindi? Alam mo naman ang ginawa niya sa ‘kin dati ‘di ba? Inaalala lang kita dahil baka gawin niya rin sa ‘yo ang ginawa niya sa ‘kin.”
“Minsang pagkakamali lang ‘yun, Kenan. Kung tutuusin, mas marami kayong pinagsamahan na sobrang saya tapos sa isang minsang pagkakamali lang? Kung itaboy mo siya ay parang nakapatay siya ng tao sa ginagawa mo.”
Hindi ko na nagugustuhan ang tinatakbo ng usapan namin. “So, anong ibig mong sabihin?! Na ako ang mali?! Sabihin mo nga sa ‘kin, kinakampihan mo ba siya?!”
“Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa Kenan. Nagiging patas lang ako at ayokong mamili ng kakampihan dahil pareho ko kayong kilala at itinuturing na kaibigan.”
“Kaibigan ang turing mo sa kanya? Kailan pa, ba’t hindi ko alam?”
“Kasi ‘pag sinabi ko sa ‘yo ay magkakaganito ka. See, nahuli mo nga lang kaming magkasama behind your back ay gan’to ka na.”
“Pa’nong hindi ako magkakagan’to kung pakiramdam ko ay kinakampihan mo siya kaysa sa ‘kin.”
“Kenan! Maging reasonable ka naman kahit minsan. Sa ‘yo lang may kasalanan si Caleb, ‘wag mo naman akong idamay.”
“Ah, okay, sige.” Umatras ako at dahan-dahang lumayo sa kanya. Ako pala ang may problema rito, at dinadamay ko lang siya.
“Kenan, ayokong mauwi tayo sa pag-aaway… pero minsan napapagod na ‘ko sa ginagawa mo kay Caleb. Unfair na masiyado sa taong nag-e-effort at ilang beses huhumingi ng tawad sa ‘yo.”
Umiling ako, ilang beses. “Shut up, kung ayaw mong mag-away tayo ay ‘wag ka na lang magsalita at ipagtanggol ang taong ‘yun.” Umalis ako sa harap niya at binalikan ang iniwang motor para makaalis na.
Hindi kasi nangyari sa kanya ang nangyari sa akin kaya gan’to siya kung magsalita. Hindi niya naranasan ang sakit ng matraydor at maloko kaya gan’yan siya kung makapagsalita.
***<[°o°]>***
DALAWANG ARAW matapos ang alitan sa pagitan namin ni Felix ay hindi man lang ito nagparamdam. Hindi naman ako worried kasi alam kong magkakaayos din kami.Hindi ko nga lang alam kung sino ang unang lalapit dahil pareho kaming mataas ang pride at ayaw tumanggap ng pagkatalo.Pupuntahan ko na lang ito mamaya sa department nito, tutal at pareho naman naming alam ang schedule ng isa’t isa. Kakausapin ko ito mamaya at susuhulan ng pagkain para bati na kami.Pagkatapos ma-lock ang pinto ay nilabas ko sa garage ang motor at hinila para ilabas sa gate nang makita si Felix na nakaupo sa may gutter.“Ang tagal mo namang lumabas.” Pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang puwetan ng suot na pantalon.“Anong ginagawa mo rito?”“Ano pa ba? Edi sinusundo ka, sabay na tayong pumasok sa University.” Lumapit siya sa nakaparada niyang motor at binigay sa akin ang isang helmet. Ma
[Past]NAABUTAN ko si Caleb na nagsisintas ng sapatos pagpasok sa kwarto niya at nakasalampak sa sahig kaya sinamahan ko siya at tinulungang sintasin ang isang sapatos.“Thanks,” aniya at hinaplos ang buhok.“Para mapadali dahil baka maunahan tayo ng iba sa court.”“Hindi ‘yan,” pagkatapos ay tumayo at kinuha ang bola sa tabi. Sumunod ako sa kanya nang lumabas na siya ng kwarto. Tuloy-tuloy kami hanggang sa kusina. “Magdala tayo ng tubig, sa ‘yo ‘to.” Sabay bigay ng tumbler na may pangalan ko. Pareho kami ng design at kulay, ang pinagkaiba lang ay nilagyan niya ng pangalan para hindi malito kung alin ang kanino.“Si Felix kaya, anong ginagawa ngayon?” ang nasabi ko nang lumabas na kami ng bahay at nagpunta sa covered court.“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa niya ngayon?”“Ewan ko du’n, sinabih
[Past]BUMUKA ang bibig niya at bumuwelo ng sasabihin, “Ngayon ko lang nalaman na…” sinadya niyang bitinin ang sasabihin para talagang ma-curious ako ng husto.“Ano? Anong nalaman mo, pabitin ka naman, e.”“Ngayon ko lang nalaman na tsimoso ka pala. Siyempre, ba’t ko sasabihin sa ‘yo, e, secret nga.”“Pambihira naman! Ano nga kasi, ba’t ayaw mong sabihin?” ang pangungulit ko pa pero tinalikuran na niya ako at naglakad na palayo. “Hoy, Felipe! Ang KJ naman nito!” ang habol ko naman.Pero ayaw na niyang magsalita. Kainis! Curious na curious na ako, e. “E, ano namang pinag-usapan niyo ni Caleb sa loob?” ang tanong na lang nang makahabol sa kanya.“W-wala, may pinabibili lang siya sa ‘king gamot.”Gamot? May kailangan pa ba itong inumin na wala sa clinic? Nakakaduda naman. “Sure?” ang p
[Past]NASA harap na ako ng restaurant na sinasabi ni Nikki. Dito kami magkikita ngayon dahil may importante raw siyang sasabihin. Sobrang excited nga ako dahil may kutob akong sasagutin na niya ako ngayon sa wakas.Nagpatulong pa nga ako kay Caleb ng magandang susuotin dahil wala na akong maisip. Siya na rin ang bumili ng bulaklak na dapat kong ibigay sa oras na magkita kami ni Nikki.Sa entrance pa lang ng restaurant ay sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Marami ring pumapasok na idea sa utak ko. Ano ang dapat kong maging reaksiyon? Sisigaw ba ako sa tuwa o magtatatalon?Sa totoo lang ay hindi ko alam. Pero ang sabi ni Caleb ay dapat kalmado lang ako sa oras na sagutin na ako ni Nikki pero kaya ko ba iyong gawin? Isipin pa nga lang na um-‘oo’ siya ay baka magwala ako sa sobrang saya.Huminga muna ako nang malalim sabay buga para alisin ang kaba sa katawan ng tuluyan nang pumasok sa restaur
[Past]MABILIS kong ikinubli ang sarili sa kanila. Ang pader na ginawang panangga upang hindi nila makita ay siya ring nagbibigay ng suporta sa akin nang biglang manghina.Ilang beses akong umiling. Hindi, imposible itong nakikita ko. Pinaglalaruan lamang siguro ako ng mga mata. Nagkamali lang ako sa nakita.Tama… nagkamali lang ako. Imposibleng hawak ni Nikki ang kamay ni Caleb.“Hello, Kenan?” rinig kong sabi ni Caleb kaya mabilis kong tiningnan ang cellphone. Hindi ko napansin na sinagot niya pala ang tawag ko.Kailangan kong makalayo muna sa lugar para hindi niya mapansin na nasa paligid lang ako at nakita sila. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa mapagod. “H-hello?” ang tugon ko matapos tuluyang makalayo.“Ba’t ka napatawag?”Lumunok muna ako ng laway para alisin ang bara sa lalamunan. “Lunch break na kasi, nasa’n ka?” Pl
[Past]NAHIGIT ko ang hininga sa narinig. Matagal ng may gusto si Nikki kay Caleb? At ano iyong sinasabi niya na ‘something’? May nangyayari ba sa kanila na hindi ko alam?!“Wala akong dapat i-explain,” ani Caleb at muling sinubukang kunin mula kay Nikki ang cellphone na pilit namang itinatago sa likod.“’Yan! D’yan ka magaling. Hindi porket hindi ako nagtatanong, e, hindi ka rin nag-i-explain—“ sandaling natigilan si Nikki nang magtagpo ang mga mata namin.Mabilis akong nagtago. Pambihira! Nakita niya ako!“You know what? I’m tired of this. Ayaw mong mag-explain, right? So, pa’no pala kung si Kenan na ang magtanong? Humingi ng explanation?”“Don’t bring him up. Wala siyang kinalaman dito.”“Really? sigurado kang wala? Kasi kung iisiping mabuti… lahat ng ‘to, dahil sa kanya. And guess what?! An
MATAPOS kumain ay bumalik ako sa kwarto para magsipilyo at kunin ang bag. Tapos ay bumalik sa kusina para tingnan kung tapos na maghugas ng pinggan si Caleb. Siya na rin kasi ang nagpresintang gawin ang mga gawain sa bahay na hindi ko pa magagawa sa ngayon tulad nang paghuhugas ng pinggan.May magandang maitutulong din pala kapag na-i-injured. Ligtas ako sa household chores!“Ito, o,” sabay bigay sa kanya ng susi ng bahay at pati na rin ng gate. “Ikaw na ang magsara at i-lock mo, ha? Sige, aalis na ‘ko.” Kailangan ko ng mauna dahil magku-commute pa ako dahil hindi ako makakapag-motor sa lagay ko ngayon.“Wait, sabay na tayong pumasok.”“Magkaiba tayo ng course.”“Same university.”“Nagsasawa na ‘ko sa pagmumukha mo.”“Ako hindi.” At saka nangiti.Pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy
HINANAP ko agad si Caleb paglabas sa gymnasium pero wala na ito, mukhang kanina pa nakaalis kaya sinubukan kong tawagan pero ayaw naman sagutin at hinahayaan lang na mag-ring ang cellphone.Kainis! Bakit ayaw niyang sagutin? Umiiwas ba siya?!Mahigpit ang hawak ko sa cellphone na kulang na lang ay madurog ito sa sobrang inis. Humanda talaga siya sa akin!Mabilis ang hakbang papunta sa department niya nang matigilan… hindi ko alam ang schedule niya!Sa laki pa naman ng department nila ay hindi ko alam kung saan ko siya unang hahanapin. Muli akong nag-dial at tinawagan this time si Felix, baka alam nito kung nasaan ang kailangan. “Hello? Sa’n ka ngayon?” ang tanong pagkasagot niya sa tawag.“Ca—feteria,” ang sagot niya. “Punta ka rito, kumakain ako.”“Kasama mo si Caleb?”“Hmmp! Kaaalis lang, bakit?”Pambihira!
MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s
HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang
TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang
KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami.Ano ba ako sa tingin niya?At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw.Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.”“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen.“Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.”Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito.“Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya.Inabot niya agad ang baso na na sa tab
NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.“Tara, may pupuntahan tayo.”Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.Pagpasok sa kotse
NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n