KUMURAP ako nang medyo nanlalabo na ang paningin. Mukhang tinamaan na yata ako ng alak na iniinom kaya nilapag ko na ang hawak na baso sa table. Kumportable akong sumandal sa kinauupuan habang pumapadyak ang paa dahil sa naririnig na music. Sa ganda at sobrang sikat ngayon ng pinapatugtog ay nagsisitayuan na ang ibang bisita para sumayaw. Ang bongga ng birthday celebration na ito, sobra akong nag-i-enjoy.
“Ayos ka lang?” bulong ng katabi. Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ang hininga niya sa tenga ko. Bigla agad akong kinilabutan.
Hindi na ako sumagot at nag-thumbs-up na lang saka kinuha ang baso na may lamang alak.
“Oy, tama na ‘yan. Lasing ka na,” ang pigil niya sabay kuha ng baso.
Nairita ako nang ilayo niya pa para hindi ko makuha. “Hindi pa ‘ko lasing! Nakikita ko pa nga nang malinaw ang mukha mo.”
“Ang mas mabuti pa ay iuuwi na kita sa inyo.” Sabay hawak sa braso ko para itayo.
“Nag-i-enjoy pa ‘ko Felipe!” Nakipaghilahan pa ako sa kanya dahil gusto ko pang mag-stay.
“Ilang beses ko bang sasabihing ‘wag mo ‘kong tatawagin ng gan’yan. Ang bantot-bantot na nga ng Felix, mas lalo mo pang pinapabantot!”
Bigla ko siyang tinuro sa mukha. “Isusumbong kita sa Tatay mo.” Ito kasi ang dapat niyang pangalan. Ang ama niya mismo ang nag-isip kaso hindi natuloy at sa huli ay naging Felix pero patuloy pa rin naman siyang tinatawag sa ganoong pangalan kapag nasa loob ng pamamahay nila. Kumbaga ay nickname niya ito pero ayaw na ayaw namang tinatawag ko siya sa ganoon.
“Lagi mo naman ‘yang sinasabi.” Pagkatapos ay hinila ako papunta sa gate. Hindi na lang ako nagpumiglas, kakapagod. Pero mayamaya ay bigla siyang nahinto, iyon pala ay may lumapit sa amin.
“Aalis na kayo?” ang tanong ng pamilyar na boses.
“Oo, mukhang lasing na kasi ‘tong si Kenan,” sagot ni Felix. Nasa kanya ang tingin ko kasi nakaharang siya kaya nang bahagya siyang tumabi ay tuluyan ko ng nakilala ang kausap niya.
Walang sabi-sabi ay lumapit ako. “Oy, Marlon. Sobrang thank you sa pag-invite sa ‘min dito sa birthday party mo, nag-enjoy ako, sobra.”
“Salamat din at nakapunta kayo pero ‘wag muna kayong umalis. Nag-uumpisa pa lang ang kasiyahan, e.”
Tinuro ko naman si Felix. “Gusto na akong iuwi, e.” Ngumisi pa ko na parang binibigyan ng ibang kahulugan ang sinabi.
“Sira ka talaga,” ang komento ni Marlon. “Dinudumihan mo utak ko.” Pero nakikingisi rin sa akin.
“Matagal na ‘yang madumi kaya ‘wag ako.”
“Tara na,” singit naman ni Felix. “Sige, Marlon. Aalis na kami, baka bigla na lang ‘tong sumuka ng kamanyakan.”
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. “Sinong manyak? Ikaw lang kaya ‘yun,” pagkatapos ay niyakap ang sarili na parang kino-comfort. “Ang linis-linis ko kaya,” sinadya ko pang magboses nakakaawa.
“Oo na,” ani Felix pero halata ang sarcasm. Inakbayan niya ako sabay hila palabas ng bahay.
Sayang, gusto ko pa sanang mag-stay at baka bihira na lang kami magkita. Sa ibang University kasi ito papasok pati ang iba kaya paniguradong hindi na madalas magkikita ang buong barkada. Tanging ako at si Felix lang ang papasok sa same University.
“Kaya mo pa?” ang tanong niya nang makasakay na sa motor. “Yumakap ka para hindi ka mahulog.”
“Kaya ko, hindi naman ako lasing na lasing.” Pero sinunod ko na lang ang sinabi niya matapos masuot ang helmet.
Mabilis niyang pinatakbo ang motor kaya mas lalo kong hinigpitan ang kapit. “Bagalan mo naman!” ang sigaw ko dahil sa lakas ng hangin na sumasalubong idagdag pa ang ingay sa makina ng motor. Buti na lang talaga at may suot akong helmet kundi ay baka hindi lang tenga ko ang nasasaktan kung hindi ay pati na rin ang mukha. Tapos nahihilo pa ako sa bilis niyang magpatakbo.
“Uwing-uwi na kasi ako!” sigaw niya pabalik para magkarinigan kami.
Hindi na lang ako nagreklamo at sa halip ay pumikit. Nakakadagdag ng hilo ang ilaw ng mga bahay na nadadaanan namin. Saka ko lang minulat ang mata nang hininto na niya ang motor. Nasa may kanto kami kung saan ay isang bahay na lang ang layo sa mismong bahay ko. Ni hindi ko man lang napansin na nandito na kami sa subdivision sa bilis niyang magpatakbo. Kulang na lang isipin ko ay lumipad kami pauwi.
“Nandito na tayo sa inyo,” aniya kaya bumaba na ako sabay sauli ng helmet.
“Salamat, sa paghatid.”
Tumango lang siya at saka na humarurot palayo. Nang mawala na sa paningin ay saka lang ako tumalikod para umuwi. Mukhang nawala ang tama ng alak dahil sa pagpapatakbo niya.
Bago tuluyang makauwi ay may madadaanan muna akong isang malaking bahay. Madalas akong tumitingin dito kapag pauwi na, kumbaga ay daily routine ko na ito. Sa parteng ito lang din ang may ilaw ng poste dahil nasira noong nakaraang araw ang ilaw sa side namin pero ayos lang dahil maaaninag pa naman ang gate namin.
Bubuksan ko na sana ang gate nang mapahinto. May napansin kasi akong parang anino sa may gilid na nakasandal pa sa pader ng gate. Mabilis akong napaatras sa gulat at muntik pang mapasigaw sa pag-aakalang maligno na ang nakita kung hindi lang ito nagsalita, “Ba’t ngayon ka lang?”
Umatras ako at hinanda ang sarili kung sakaling masamang tao ang kaharap.
“Sino ka? Anong kailangan mo?”
“Past ten na pero ngayon ka pa lang uuwi at lasing ka pa.”
Pilit kong inaaninag kung sino ba itong tao na kumakausap sa akin. Isama pa na parang pamilyar ang boses.
“Sino ka ba?!” ang singhal ko na malapit nang tumakbo papasok sa bahay.
Bigla itong gumalaw at unti-unting naglakad papunta sa poste ng ilaw at doon ay tuluyan ko itong nakilala. Ang buhok niyang ni minsan ay hindi ko nakitang nagulo. Ang ilong niya na noon ko pa kinaiinggitan dahil sa sobrang tangos. At ang mga mata niya na daan-daang babae ang nabibihag dahil sa ganda at kayumanggi nitong kulay.
Sa isang iglap ay biglang sumikip ang dibdib ko kasabay ng isang emosiyon na matagal ko ng hindi naipapakita. “Anong ginagawa mo rito?!” Nagngingitngit ang ngipin ko dahil sa galit.
“Hinihintay ka?” sarkastikong sagot niya.
Hinihintay ako?! At bakit?! Nakalimutan na ba niya ang kasalanan sa akin?!
Lumapit siya at tinabig ko nang malakas ang kamay niyang akmang hahawak sa balikat ko. “’Wag mo ‘kong hahawakan!”
“Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin? Ang tagal na no’n, 2 years ago na.”
Nagtagis ang bagang ko sa narinig. “Kahit ilang libong taon pa ang dumaan ay hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa mo sa ‘kin!”
“How many times should I say sorry to hear your forgiveness?”
“Walang katumbas na sorry ang ginawa mo!” mahina pero ramdam ang galit sa boses ko.
“Alam mo, kulang na lang isipin ko na nag-iinarte—“
Sa isang iglap ay kinuwelyuhan ko siya. “Tang*na mo!” malutong kong mura sa pagmumukha niya.
Ang kalmado niyang mukha ay biglang nagdilim. “Kailan ka pa natutong magmura?”
“Wala kang pakialam!” Sabay tulak sa kanya. Tumalikod ako para pumasok sa gate pero mabilis niya akong hinila at isinandal sa may pader. Napadaing pa ako nang tumama ang likod ko rito.
“Hindi pa tayo tapos,” aniya habang iniipit ako sa pader gamit ang lakas niya. “Tapos lasing ka pa.”
“Hindi ako lasing!” Kahit anong pagpupumiglas ay hindi ko magawang makawala. Kailan pa siya naging ganito kalakas?
Napasinghap ako nang ilapit niya bigla ang mukha at saka ako inamoy-amoy malapit sa labi. Mayamaya pa ay mabilis na tinakpan ang ilong. “Amoy alak ka, kaya lasing ka nga.”
“Umalis ka na nga sa harap ko!” ang sigaw sabay tulak nang malakas. “Ayoko nang makita ang pagmumukha mo kahit na kailan!”
“Dahil lang ba do’n kaya kung pagtabuyan mo—”
“Dahil lang ‘do’n’?!” ang pag-uulit ko sa sinabi niya. “Alam mong gustong-gusto kong maging member dati ng team dahil ‘yon lang ang tanging paraan para makapasok sa varsity team at sa pangarap kong University. Pero anong ginawa mo? Sinadya mong hindi ako makapaglaro sa try-out,” dinuro-duro ko ang di*dib niya. “Sa tingin mo ‘yun lang ang ginawa mo sa ‘kin, ha? Matatanggap ko pa sana kung ‘yun lang pero ano?! Pati ang babaeng gustong-gusto ko, inagaw mo."
“Bakit, gusto mo pa rin ba siya hanggang ngayon? Hindi na ‘di ba? Kaya ba’t ka nagagalit?”
Kumuyom ang kamao ko sa sobrang pagpipigil na masuntok siya sa mukha. “Oo, tama ka, wala na ‘kong feelings sa kanya. At matagal ko ng g-in-ive up ang pangarap na University.”
Pero hindi naman iyon ang ikinagagalit ko. Ang ikinasasama ng loob ko ay ang ginawa niya… nang niloko niya ako at pinagmukhang tanga. Hindi ako nakapag-try out noon dahil inuna ko siya at ipinagpalit ang pangarap ko pero ano?! Malalaman ko na lang na sinadya niya palang magkasakit ng araw na iyon?!
At kaya pala ako binasted ng babaeng nililigawan ko ay dahil inaagaw na pala niya mula sa akin. Pero anong ginawa niya? Nagkunwari siyang walang alam at nakuha pa akong i-comfort.
Mariin akong pumikit para pigilan ang namumuong luha sa mata. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naiisip ang mga ginawa niya sa akin ay nagkakaganito ako. Nagiging emosiyonal at sobrang nagagalit. Gustong-gusto ko siyang saktan pero hindi ko magawa.
Nang magmulat ay wala nang bakas ng kahit kaunting luha ang mga mata. “Uuwi na ko.”
“Kailan mo ‘ko patatawarin?”
Nahinto ako sa may gate pero hindi na siya nilingon. “Bakit, humingi ka ba ng sorry? Sa pagkakatanda ko kasi… wala kang ginawa. Basta ka na lang umalis.”
Tama, bigla kang nawala, umalis ng walang sinabi at nag-aral sa ibang bansa. Ikaw ang may atraso pero bakit pakiramdam ko ay ako ang naghirap ng mga panahong iyon?
“Sorry.”
“Two years late na ‘yang sorry mo.”
“It’s better than late.”
“Hindi pa rin kita mapapatawad.”
“Hanggang kailan ka ganito sa ‘kin?”
Napalunok ako at sinabi ang mga salitang dapat niyang marinig, “Hangga’t hindi ko na naaalala ang kasalanan mo sa ‘kin.”
“Para mo na rin sinabing imposible.”
“Exactly, kaya ‘wag ka ng umasa.”
“Pero, Kenan… miss na kita. Hindi ko kayang ganito na lang tayo habang-buhay.”
Hindi ko alam kung bakit nang sabihin niya iyon ay parang may kung anong kumirot sa di*dib ko at nahirapang huminga nang maayos.
“Alam mong ikaw lang ang meron ako, kapag nahihirapan ako na makisalamuha sa ibang tao. Ikaw lang ang nakakaintindi sa ‘kin. Lagi kang nasa tabi ko ano mang oras. Hindi ba pwedeng bumalik na lang tayo sa dati?”
Tumingala ako sa langit at saka napabuntong-hininga. Pagkatapos ay nilingon ko siya sabay iling. “Hindi mo na maibabalik pa ang ‘dati’, bestfriend.” Matapos ay tuluyan nang pumasok at sinara ang gate. Tuloy-tuloy lang ako kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko.
Ako lang ang meron siya? Kalokohan.
Kung ako lang talaga, hindi niya ako tatraydurin ng ganito. Sinira niya ang tiwala ko. Lagi akong nasa tabi niya ano mang oras?
Oo, tama siya. Pero noon iyon at hindi na ngayon.
Pagpasok sa kwarto ay nahiga agad ako sa kama. Matutulog na lang ako nang—!
Bigla akong napadilat nang makarinig nang mahinang kaluskos pero agad ring nawala. Naghintay ako nang ilang sandali at muling narinig ang kaluskos.
Bumangon ako nang matiyak na nagmumula ang ingay sa labas ng bintana. Dahan-dahan ay inalis ko ang nakatabing na kurtina pero wala naman akong nakita, kundi ang bahagi lang ng bahay nila Caleb.
Bibitawan ko na sana ang kurtina nang biglang sumulpot si Caleb. Nahigit ko ang hininga dahil sa gulat.
“Buksan mo naman ‘tong bintana,” aniya sabay turo sa lock ng bintana sa may gilid.
Muli kong tinabing ang kurtina at bumalik sa kama nang mag-umpisa siyang tawagin ang pangalan ko.
“Ano ba?! Magigising mo sila Mama.” Nang balikan ko siya sa bintana.
“Papasukin mo muna ako, please?”
Tinaas ko ang middle-finger. “Asa ka.”
“Tita!” sigaw niya bigla kaya mabilis pa sa alas-kuwatro kong binuksan ang bintana at hinila ang ulo niya para takpa ang bibig.
“Papapasukin kita kung hindi ka mag-iingay.”
Tinaas niya ang kamay habang naka-‘okay’ sign at saka ko lang siya binitawan. Pagkatapos ay muli akong bumalik sa kama at mabilis na hinampas sa kanya ang unan nang akmang uupo sa kama. “Sinabi ko bang tumabi ka sa ‘kin dito?”
Dahan-dahan naman siyang umalis sa kama. “Dito na lang ako sa sahig,” at naupo nga pagkatapos ay niyakap ang sarili. “Ang lamig-lamig naman dito, giniginaw ako.”
“Sira, summer pero nilalamig ka?”
“D’yan na lang kasi ako sa kama.”
“Subukan mo,” nakahanda na agad ang unan ko para tumama sa kanya. Binalik ko naman sa ayos ang unan habang nakaturo sa kanya nang hindi na siya nagtangka. “Maramdaman ko lang na gumalaw ‘tong kama, humanda ka talaga,” ang banta ko at nahiga na. Tumalikod ako sa direksiyon niya.
“Sweet dreams, Kenan.”
Huli kong narinig bago tuluyang nakatulog.
***<[°o°]>***
DINILAT ko ang mga mata nang makaramdam ng kiliti sa kaliwang tenga. Lumingon pa ako sa paligid at tiningnan ang buong kwarto para siguraduhing ako lang ang mag-isa. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang pamilyar na pangyayari tuwing umaga. Ganitong-ganito kapag nagigising ako noon para hindi ma-late sa school. Natigil lang simula nang... Ahh!!! Kumukulo na naman ang dugo ko kapag naiisip ang taong iyon. Ang mas mabuti pa ay bumalik na lang ako sa pagtulog kaysa mainis. Muli akong pumikit para ipagpatuloy ang pagtulog nang mag-flashback sa akin ang nangyari kagabi. Para itong rumaragasang tubig na nilulunod ang isip ko. Bigla akong napadilat at mabilis na bumangon sa kama. Ano ‘yun? Ano ang alaala na ‘yun?! “Imposible, hindi pwedeng mangyari ‘yun.” Umiling-iling pa ako para kumbinsihin ang sariling hallucination lang ang nangyari. Hindi pwedeng nakabalik na siya. Hindi pwedeng bumalik dito si, “Caleb.” “Tawag mo ‘ko?” Napaatras ako
MABAGAL kong sinusuot ang gray short-sleeves na may black leaves print na pinapasuot sa akin ni Mama. Ilang beses pa akong napapabuntong-hininga habang binubutones ang damit. Gustuhin ko mang hindi sumama ay hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Baka magtanong sila Mama kung bakit, na ayaw kong mangyari. Ayokong malaman nila na magkaaway kami ni Caleb. Dalawang taon kong nilihim ang buong nangyari sa amin ni Caleb. Ang buong akala nila ay parang magkapatid pa rin ang turingan namin. Nahinto ako sa ginagawa nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mama. “Tapos ka na? Baka naghihintay na sina Janette at Steve.” Ang tinutukoy ni Mama ay ang parents ni Caleb na ngayon ay naghihintay sa katabing bahay. Ngayong gabi kasi ay may dinner doon para i-celebrate ang pagbabalik ng anak nila. Muli akong napabuntong-hininga. Paano ko ba ito maiiwasan. Umaga hanggang gabi ko nang nakikita si Caleb. Sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha niya. “Susunod na po
KAKAMOT-KAMOT sa tiyan at papikit-pikit pa ang mga mata nang lumabas sa kwarto. Mula sa sala ay napansin kong may tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin. “Good morning,” ang bati niya. Pero dahil ang amoy agad ng niluluto ni Mama ang prinoseso ng utak ay hindi ko siya pinansin at dumiretso sa kitchen area. “’Ma, ang bango.” Saka lumapit para makita ang niluluto niyang garlic fried-rice. Nilanghap ko pa bago lumapit sa electric kettle. Buti may mainit pang tubig para makapagkape. Matapos makapagtimpla ay pumunta ako sa labas ng bahay. “Anong ginagawa mo rito? Ang aga mong nangapit-bahay, a.” Sabay sulyap kay Caleb na kanina pa ako sinusundan. “Wala kasi akong magawa sa bahay.” Sa laki ng bahay niya, wala pa siyang magawa? “O, ba’t dito? Ke-aga-aga ang pangit na ng umaga ko." “Si Tita naman ang nagyaya sa ‘king pumasok at dito na mag-almusal.” Hinipan ko ang mainit na kape sabay higop. “Umuwi ka na habang hindi pa kita pinapaalis.” Ang t
MARIIN akong pumikit nang maramdaman ang hininga niya sa mukha ko. Saan ko ba dapat ibaling ang mukha? Sa kanan ba o kaliwa? Mas mabuting huwang na lang akong gumalaw at baka may kung ano pang dumikit sa labi ko. Please, please, please. Muntik pa akong mapasigaw nang tuluyang may maramdaman sa labi. "Sobrang sakit no’ng ginawa mo. Nabukulan ata ako.” Bigla kong idinilat ang mga mata at nakitang malayo na ang mukha niya. Bumalik na rin sa normal ang mata niya, hindi na galit. Agad kong tinabig ang kamay niyang tumakip sa bibig ko, ito pala ang dumikit. “Ilayo mo nga ‘yang madumi mong kamay,” baka kung ano pang pinaghahahawak niya. “Kadiri, dumampi pa talaga sa labi ko.” “Mas mabuti na ‘yan kaysa iba ang dumampi.” “Ano?” Ano na namang pinagsasasabi nito? Umalis siya sa ibabaw ko kaya agad akong bumangon at lumayo sa kanya. Baka kasi itulak na naman niya ako. “Kenan?” si Mama. Agad kong inayos ang itsura na
“Magkaibigan lang kami ng Kuya mo,” ang sabi ko kay Faith. “Imposibleng mangyari sa ‘min ‘yang mga BL series na pinapanuod mo, ‘di ba?” sabay tingin kay Felix.Tumingin muna siya sa akin nang matagal pero hindi naman nagsalita.Pagkatapos ay kinuha ang isang basong tubig para uminom. Nang maubos ay ibinaba niya rin ang baso sa mesa. “Anong klaseng tanong 'yan, kahit pa siguro ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo ay hindi kita papatulan, may taste naman ako 'no.”“Huwaw, mas gwapo naman ako kaysa sa 'yo 'no, 'di ba Faith?” ang tanong ko na agad nitong tinaas ang kamay na naka-thumbs up.“’Wag mong awayin si kuya Kenan,” ang baling pa nito kay Felix.“Ewan ko sa inyo,” ang komento niya tapos ay tumungo sa pagkain.Si kuya Fernan at ate Anna ay napapangiti at naiiling sa amin. Tanging si baby Kyle lang ang abala sa pag
SOBRANG saya at ang gaan-gaan nang pakiramdam ko. Kulang na nga lang ay magwala ako dahil sa wakas! Wala na si Caleb. Kagabi ko lang kasi nalaman na bumalik na pala ito sa Canada noong isang araw dahil tulad rito sa Pilipinas ay umpisa na rin ng pasukan doon. Usually, nakakatamad pumasok sa first day of school… pero kung ganito ba naman ang mababalitaan ko ay bakit ako tatamarin? Todo birit nga ako sa banyo habang naliligo kapag naiisip na wala na si Caleb at hindi na siya babalik, hopefully, forever na sanang huwag bumalik! “Ang ganda ata nang gising mo? Kanina ko pa naririnig ang boses mo habang kumakanta-kanta ka,” ang puna ni Mama nang maupo ako para saluhan silang mag-almusal. “Hehehe,” natawa lang ako dahil hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan kung bakit ako masaya. “Excited ka ba sa first day mo sa University?” ang tanong niya at saka nilagyan ng sinangag ang pinggan ko.
ILANG BESES akong umiling nang sabihin niya na gusto niyang mag-stay rito sa bansa at makasama kami. Hindi pwede, maayos na ang buhay ko ngayon at sa kanya rin. Ano pa bang gusto niya? Balak niya bang guluhin muli ang buhay ko, tapos ano? Kapag may nasaktan ulit ay bigla siyang aalis? Umatras ako, dahan-dahan hanggang sa kumaripas na ako nang takbo makalayo lang sa kanya habang naiisip ang ginawa niya noon. Hindi. Hindi! Mariin kong pinikit ang mga mata para maalis sa isip ang nangyari noon— “Aray!” Bigla kong naidilat ang mga mata nang may mabunggo. Una kong napansin ang nagkalat nitong gamit sa paligid at sunod ay ang isang babaeng nakaupo na sa sahig. Nakatungo ito at dum*d***g sa sakit. Mabilis naman akong lumapit at tinulungan itong makatayo. Matapos ay kinuha ang bag nito at isa-isang pinulot ang mga gamit na nakakalat. Nang matapos mailagay ang huling gamit ay saka lang ako t
[Past]MATAPOS akong bihisan ni Mama ng magandang damit ay nagpunta kami sa malaking bahay na katabi ng sa amin. Mahigpit ang hawak ko sa regalong hinanda para sa anak ng kaibigan ni Mama. Ang sabi kasi ay ngayon ang dating ng mga ito mula sa ibang bansa.Ang kwento pa nga ni Mama ay kaibigan niya ito noong highschool hanggang sa ngayong may kanya-kanya na silang pamilya. Nag-migrate sa ibang bansa at nanatili roon nang maraming taon. Bumalik lang ang mga ito sa bansa para raw hawakan ang business na minana ng asawa ng kaibigan ni Mama.At dahil ang mga ito na ang mamamahala ng business ay rito na maninirahan ang buong pamilya kaya ang dating bakanteng lote sa tabi ng bahay namin ay pinatayuan ng isang malaking bahay.Ang anak na lalake ng kaibigan ni Mama ay halos kasing edad ko kaya ilang buwan ding excited sa pagdating nila at talagang naghanda ng regalo para rito. Gusto kong makalaro ito at maging kaibigan.
MAGKAHARAP ngunit parehong tahimik. Walang sino man sa kanilang dalawa ang naglakas-loob na magsalita dahil kagagaling lang sa isang pagtatalo. Si Caleb na hindi maipinta ang mukha ay padabog na tumayo. “Mag-break na tayo.” Ang kalmadong si Kenan ay biglang uminit ang ulo sa narinig. “So, heto na naman tayo? Makikipag-break ka na naman uli?” Ganito ang laging nangyayari matapos nilang mag-away. Laging nakikipag-break si Caleb. “Tapos ano? Mayamaya lang ay maglalambing ka na parang hindi ka naghamon ng break-up?” ang patuloy ni Kenan. Sawang-sawa na siyang naririnig nang paulit-ulit nitong sinasabi ang salitang ‘break’ kapag nag-aaway sila. Pero ni minsan ay hindi naman talaga sila naghiwalay. O, kahit ang ‘cool-off’ man lang na relasiyon. Sa apat na taong nilang relasiyon ay laging ganito ang nangyayari. Na kahit ang mga tao sa paligid nila ay sanay na. Tulad ngayon na kasama nila sa living room si Felix. Tumambay saglit sa bahay ni Caleb matapos ihatid ang girlfriend na si Mary
MATAPOS ang emotional naming pag-uusap ni Mama ay agad kong pinuntahan si Caleb sa sobrang saya ko. Dahil tanggap na ang relasiyon namin at gusto kong sabihin sa kanya ang magandang balita. Tuloy-tuloy ako hanggang sa kwarto niya pero wala siya. Kung hindi ko pa narinig ang mahinang lagaslas ng tubig ay hindi ko malalaman na nasa banyo siya at mukhang naliligo. Lumapit ako sa pinto at bahagyang idinikit ang tenga. Hinihintay kong i-off ang shower saka ako papasok para hindi ko siya maistorbo. At nang humina na nga, hanggang sa wala na akong marinig ay saka ko binuksan ang pinto at pumasok. “Caleb—!” ang excited ko pang sabi nang matigilan… dahil nagsa-shampoo pa pala siya ng buhok. Akala ko ay tapos na siya kaya ako pumasok. Nagulat siya sa bigla kong pagpasok pero imbis na takpan ang sarili ay humarap pa sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa. “What?” ang tanong habang pikit ang isang mata dahil tumutulo na ang bula mula sa ulo niya papunta sa mata. Pasimpleng bumaba ang tingin ko
SA LABAS pa lang ay rinig ko na ang boses ni Mama na tinatawag ako. Nagkatinginan kami ni Papa at agad niya akong pinapunta sa kwarto. “Ako na ang bahala kay Ester.” Kahit nag-aalangan ay sumunod na ako sa utos niya. Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ay mas lalo kong narinig ng malinaw ang boses ni Mama. Mukhang nasa loob na siya ng bahay. Hinahanap niya ako at halata sa boses ang galit. “Nasa’n si Kenan? Alam mo ba ang ginawa niya?!” “Huminahon ka muna,” ang awat ni Papa. “Pa’nong hindi ako magagalit kung basta-basta na lang niya akong iniwan do’n?!” Nahiga ako sa kama at sinubsob ang ulo sa unan. Hindi ako nakuntento at tinakpan pa ang dalawang tenga para hindi ko marinig ang boses nila na nagtatalo. Pero walang silbi ang pagtatakip ko ng tenga kung naririnig ko naman ang mga boses nila lalo na nang magsalita si Papa. Parang kulog na dumagundong sa pandinig ko ang sigaw niya. Ni minsan ay hindi ko narinig na sumigaw si Papa ng ganito kalakas at sigawan si Mama kaya kinabahan agad
SA NAGDAANG mga araw ay mas lalong humigpit si Mama. Hindi niya ako pinapayagang lumabas ng bahay kapag hindi naman importante ang gagawin sa labas.Lagi siyang nagdududa na makikipagkita ako kay Caleb sa oras na lumabas ako ng bahay. Hindi naman na kailangan dahil sa madalas kaming magkasama kapag vacant time sa University. Talagang sinusulit namin ang oras na magkasama dahil sa oras na umuwi kami ay balik uli sa dati.Minsan ay napapagod na ako sa ginagawa ni Mama. Ang dami niyang pinagbawal na hindi naman niya ginagawa noon. At kahit ang pakikitungo niya sa akin ay nag-iba rin.Parang may nakakahawa akong sakit na hindi man lang niya malapitan at matingnan nang diretso sa mata. Kung hindi pa gagawa ng paraan si Papa ay hindi talaga niya ako kakausapin.Kapag kinausap naman ay laging pagalit na parang lahat ng gawin ko ay kainis-inis.Kapag kumakain naman ay madalas siyang nagmamadali at talagang ayaw akong makasama sa iisang mesa. Naiiwan kami ni Papa na tahimik pa rin tungkol sa s
HINDI na namin namalayan ang oras at halos maghahating gabi na kaming natapos ni Caleb sa pagliligpit ng decoration. Nauna na kasing umuwi sina Shiela at Mary Rose dahil sa may curfew rules sila sa dorm. Habang si Felix naman ang naghatid sa kanila pauwi. Pagdating sa kanila ay hindi muna ako umuwi. Hinintay ko siyang lumabas sa kotse at niyakap nang mahigpit. “Parang ayoko pang umuwi.” Habang nakasandal sa kotse ay tumingin siya sa akin ng may halong lagkit. “Talaga?” hanggang ang tingin ay bumaba sa akin labi. “Gusto mo bang mag-stay?” ang boses ay tila kinakapos ng hangin. Bakit gano’n? nagtatanong lang naman siya pero bakit tila nag-iinit ako. Nakaka-tempt ang alok niya na ako naman ang nag-umpisa. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at agad ko namang hinanda ang sarili. Pumikit ako at hinintay ang labi niyang lumapat sa akin. Malambot… maingat… at dahan-dahan na galaw. Halos malunod ako sa emosiyong nararamdaman dahil sa mainit niyang halik. Mas lalo kong nilapit ang
TUNOG ng alarm clock ang nagpagising sa akin ng umagang iyon. At ang una kong kinuha ay ang cellphone para tingnan kung may message ba si Caleb. Madalas kasi itong nauuna sa akin na mag-text at kung hindi naman ay ako na ang nagmi-message sa kanya. Dati ay siya ang madalas na mag-text sa akin ng mga sweet messages sa umaga hanggang gabi pero dumaan ang mga araw na pati ako ay nag-i-effort na rin.At ngayon nga ay nalalapit na ang six monthsary namin. Gumising ako ng maaga ngayon dahil kailangan kong paghandaan ang monthsary namin ni Caleb. Bibili ako ngayon ng gift para sa kanya, ng hindi niya nalalaman.Gusto ko siyang i-surprise sa mismong araw ng monthsary namin. Madalas kasi siya ang nag-e-effort at taga kain na lang ako ng handa.Sakay ng motor ay nagpunta ako sa mall at tumingin-tingin ng ipangriregalo. Next week pa naman ang monthsary namin pero kailangan kong maghanap nang maaga at baka mahalata na naman niya. Gustong-gusto ko kasi talaga siyang i-surprise tulad ng lagi niyang
KUNG nakakasugat lang ang titig ko ay baka kanina pa nasaktan itong si Glen. Ang lakas ng loob niyang sabihing may gusto siya kay Caleb kahit alam naman niyang may relasiyon kami.Ano ba ako sa tingin niya?At siya pa itong may ganang tingnan ako nang masama, e, siya itong may sa pagka-ahas kung gumalaw.Napansin ko sa isang tabi si Caleb na lumapit sa akin. “I’m sorry, iniwan kitang mag-isa sa kwarto.”“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong na hindi inaalis ang tingin kay Glen.“Kukuha sana ako ng tubig para sa ‘yo, nanghihingi ka sa ‘kin kanina.”Hindi ko matandaan o baka naiutos ko nga siya habang tulog ako. Kahit kausap ko siya ay ramdam ko ang tingin ni Glen sa amin, lalo na kay Caleb. Hinila ko nga papunta sa likod ko. Kahit ang tingnan siya ay ipagdadamot ko sa lalakeng ito.“Balik na tayo sa room,” ang aya ko sa kanya.Inabot niya agad ang baso na na sa tab
NAALIMPUNGATAN ako dahil may kung anong kumikiliti sa ‘king tenga. Pagmulat ng mata ay madilim pa at inisip na baka guniguni ko lang ang naramdaman nang biglang may dumampi sa aking pisngi. Naamoy ko agad siya.“Good morning,” aniya na may pagka-husky pa ang boses.“Good morning,” ang balik ko na tulad niya ay medyo magaspang din ang boses. Nakatitig ako sa kanyang labi na kanina lang ay idinampi niya sa aking pisngi. "Anong ginagawa mo rito?” Ang aga niya kasing nagpunta rito, hindi pa sumisikat ang araw.“Tara, may pupuntahan tayo.”Dahil sa antok ay hindi na ako masiyadong nag-isip at basta na lang sumunod sa kanya.Medyo nagtaka pa nga ako kung bakit sobrang ingat niya kung maglakad o baka dahil ayaw niya lang magising sina Mama at Papa.Malamig ang simoy ng hangin at kitang-kita pa ang mga bituin. Sa suot na manipis na t-shirt ay ramdam ko talaga ang lamig ng gabi.Pagpasok sa kotse
NAGING abala ako sa paggawa ng projects sa nakalipas na mga araw. Malapit na kasi matapos ang semester at tinatambakan na kami ng iba’t ibang activities at projects na kinaiinisan ko sa lahat. Bakit kailangang magsabay-sabay? At bakit kung kailan patapos na ang semester? Hindi ba pwedeng sa umpisa pa lang ng klase o hindi kaya sa kalagitnaan? Para hindi naman nahihirapan ang mga estudiyanteng tulad ko. Isama pa na lagi ring may practice sa basketball. Rinding-rindi na ako sa sigaw ni Coach kapag hindi kami nagpo-focus. Sinong bang hindi madi-distract sa panahon ngayong maraming hinahabol para lang hindi bumagsak?! Kung pwede nga lang magreklamo at isigaw na ‘Iisa lang ang katawaan ko at kay Caleb lang ito!’ ‘di ba? Pero siyempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon. Kung bakit kasi kailangan nilang makihati sa moment time naming dalawa?! Ilang araw ko na itong hindi nakikita dahil sa l*ntik na mga projects. Baka ‘pag nagtagal pa ‘to ay makalimutan ko ng may jowa ako. Hindi ko rin ito n