ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

ENTANGLED ECSTASY (FILIPINO VERSION)

last updateLast Updated : 2022-11-30
By:   Jessica Adams  Completed
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 rating. 1 review
124Chapters
18.9Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

WARNING: R[18] STORY WITH EXTREMELY EXPLICIT/MATURE CONTENT Joaquin Antonio Jr., A young CEO, handsome, an outlet of wealth, and a certified playboy, but a good son. For him, there is no need to take women seriously. Napakarami nila at silang lahat ay lumalapit sa kanya ng kusa. Dahil marami siyang pera. Upang mapigilan and plano ng kanyang ama na ipakasal siya sa kaniyang kababata na lihim na karelasyon ng matalik niyang kaibigan, pumayag siya sa hamon nito. Ang makahanap ng babaeng pakakasalan sa loob lamang ng dalawang buwan. Dahil sa desperasyon ay naisipan niyang alukin ng kasal ang isang estranghera. Si Lara, who turned out to be the mother of his daughter na nabuntis niya apat na taon narin ang nakalilipas. Subalit, paano na lamang ang reputasyon ng kanyang ama? Ang ipinagmamalaki nitong pangalan ng kanilang pamilya na matagal nitong inalagaan gayong ang babaeng pinili niyang pakasalan ay hindi nila kauri. At ayon sa kanyang ama ay magdadala ng malaking kahihiyan sa kanilang angkan. Nakahanda ba siyang manindigan para sa nag-iisang babaeng nagpaligalig ng puso niya? Willing ba siyang kalabanin ang kaniyang ama kahit ang kapalit niyon ay ang pagkawala ng lahat ng mayroon siya at lahat ng pinaghirapan niya? Susugal ba siya para kay Lara na walang alam sa tunay niyang pagkatao? Ano nga ba ang kinabukasan ng isang pagmamahalang sa simula pa lang ay puno na ng kasinungalingan at pagpapanggap?

View More

Latest chapter

Free Preview

PROLOGUE 1 “SEXY BACK”

ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lara habang nakatitig sa lapida ng yumao niyang ina na si Edna. Mahigit isang taon narin mula nang pumanaw ito dahil sa sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi parin niya talagang lubusan matanggap na wala na ito. Anak siya sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Ayon sa kwento nito sa kaniya noong ito ay nabubuhay pa ay dati itong waitress sa isang bar. Doon nito nakilala ang tatay niya na isa sa mga naging customer nito. Tinanong naman niya sa kaniyang ina kung ano ang pangalan ng tatay niya pero ang sagot lang nito, sa dami ng naging parukyano nito noon, imposibleng malaman pa nito kung alin sa mga iyon ang tatay niya.Sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi naman siya nagtanim ng galit sa kaniyang ina. Wala siyang makapa na ganoon sa kaniyang puso dahil ang totoo mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon, ito parin ang dahilan ng lahat ng pagsusumikap niya.Dalawang taon na siya at sa night club parin na iy...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mayfe de Ocampo
great story, kaabang abang bawat chapter,, highly recommended
2024-03-30 16:10:29
0
124 Chapters
PROLOGUE 1 “SEXY BACK”
ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lara habang nakatitig sa lapida ng yumao niyang ina na si Edna. Mahigit isang taon narin mula nang pumanaw ito dahil sa sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi parin niya talagang lubusan matanggap na wala na ito. Anak siya sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Ayon sa kwento nito sa kaniya noong ito ay nabubuhay pa ay dati itong waitress sa isang bar. Doon nito nakilala ang tatay niya na isa sa mga naging customer nito. Tinanong naman niya sa kaniyang ina kung ano ang pangalan ng tatay niya pero ang sagot lang nito, sa dami ng naging parukyano nito noon, imposibleng malaman pa nito kung alin sa mga iyon ang tatay niya.Sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi naman siya nagtanim ng galit sa kaniyang ina. Wala siyang makapa na ganoon sa kaniyang puso dahil ang totoo mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon, ito parin ang dahilan ng lahat ng pagsusumikap niya.Dalawang taon na siya at sa night club parin na iy
last updateLast Updated : 2021-10-09
Read more
PROLOGUE 2 “INSIDE THE BOX”
TWO DAYS LATER...“PAPA?” hindi maunawaan ni Lara kung saan nanggaling ang matinding takot na kaagad niyang naramdaman nang mapagbuksan niya ng pinto ang humahangos na si Ompong.“Anak, magtago ka, gusto ka nilang kunin!” anitong itinulak siya papasok ng kabahayan saka siya hinila papasok sa loob ng kaniyang kwarto.Lalong nagtumindi ang takot na nraramdaman ni Lara dahil doon. “A-Anong ibig ninyong sabihin? S-Sinong kukuha sa akin?” sa kabila ng lahat ng hindi magandang emosyon na nang mga sandaling iyon ay nagsasalimbayan na sa kaniyang dibdib,“Wala nang maraming tanong, makinig ka nalang kay Papa, bilisan mo!”Wala na ngang nagawa si Lara kung hindi ang sumunod. Nagtago siya sa loob ng kaniyang kwarto, sa likuran ng isang antique na aparador. Pero sa kabila nang lahat ay naririnig parin niya ang pakikipagtalo at hindi magagandang salitang sinasabi ng kung sin
last updateLast Updated : 2021-10-09
Read more
PROLOGUE 3 "THE KINDEST MAN SHE EVER MET"
"KINAKABAHAN ka ba, Venus?" tanong kay Lara ng driver ng van na maghahatid sa kanya sa party na kaniyang pupuntahan.Si Delfin ang matandang driver ng club na sa tingin niya ay kasing edad lamang ito ng tatay niya. At katulad ng kaniyang ama, soft spoken ang matanda. Ibig sabihin, bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging mabait.Tumango siya kasabay ng sandaling pagsulyap niya rito, pagkatapos noon ay ibinaling na niyang muli sa labas ng bintana ang kaniyang paningin. "H-Hindi ko po alam kung kaya ang ang ipinapagawa nila sa akin," aniyang nabasag ang tinig pero nagpigil parin siyang mapaiyak.Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng matanda. "Nasa sa iyo iyan," anito sa makahulugan siyang sinulyapan nang saktong nakatingin siya rito."Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.Nagkibit ito ng mga balikat. "Alam mo bang nahuli na ng mga pulis iyong tatlong lalaking nagbanta sa iyo dito? Nag-report pala kaagad ang tatay mo sa mga awtoridad," anitong binigyan
last updateLast Updated : 2021-10-09
Read more
CHAPTER 1 "THE GOOD SON"
FOUR YEARS LATER... "Good morning sir," ang nakangiting pagbati kay Joaquin ng guard sa entrance ng mataas na gusaling pag-aari niya at ng kaniyang ama na si Joaquin Antonio, Sr."Good morning," sagot ni Joaquin na ngumiti rin.Ganoon ang paulit-ulit na eksena at pangyayari sa buhay niya araw-araw. Nagsisimula ang umaga niya sa opisina at nagtatapos rin ito dito. "Good morning sir," si Alma ang bumati sa kaniya, ang babaeng sekretarya pa noon ng kaniyang ama.Nasa ikalimang palapag na siya kung saan naroroon ang kaniyang opisina. Ang Antonio Paper Corporation ang pinakamalaking kompanya ng papel sa Pilipinas. Sila rin ang distributors ng maraming kilala at imported brands ng papel na inaangkat pa sa ibang bansa. Pero hindi lang sila naka-focus sa paggawa at pagpo-produce ng ganoong produkto. Hawak rin nila ang mga major brands ng mga writing materials at iba pang art materials katulad ng mga kilalang water colors na ginagamit sa pagpipinta. Ang kompanyang iyon ay legacy pa ng kani
last updateLast Updated : 2021-10-09
Read more
CHAPTER 2 "WHAT HAPPENED THAT NIGHT 1"
"PALAGI ka nalang talagang nagmamadali sa pag-uwi, hindi naman siguro masama kung minsan sa buhay mo subukan mong mag-unwind," komento ni Cynthia matapos niyang tanggihan ang alok nito sa kanya na sumama sa birthday ng pinsan nito.Tumawa ng mahina si Lara saka ipinagpatuloy lang ang pag-aayos niya gamit. "Ganito talaga kapag may anak ka na, palagi kang ma-e-excite umuwi kasi gusto mong makita kaagad ang anak mo na alam mong naghihintay sa pagdating mo," paliwanag niya rito."Hay naku Lara Athena ganiyan ka na talaga kahit noon pa. Mabuti nalang mahal ko iyong inaanak ko kaya hindi na ako magtatampo sa'yo," anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa.Noon niya nilapitan sa mesa nito si Cynthia saka hinalikan sa pisngi. "Salamat, I have to go. Kailangan ko pang bumili ng pasalubong para sa baby girl ko.""Mag-iingat ka," si Cynthia.Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang maganap ang para sa kaniya ay pinakamalaking bangungot sa kaniyang buhay. Iyon ay nang sapilitan siyang i
last updateLast Updated : 2021-11-26
Read more
CHAPTER 3 "WHAT HAPPENED THAT NIGHT 2"
MULA sa mahimbing na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lara nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. "I'm sorry kung nagising kita," si Joaquin iyon na tumawa ng mahina.Walang anuman siyang tumango saka niyakap ang sarili. "Hindi mo pa ba ako papayagang umalis?" ang naitanong niya saka sinulyapan ang lalaking naupo naman sa divan na nasa paanan ng kama.Noon niya nakitang sumulyap ang lalaki sa suot nitong wrist watch. "Delikado na kung hahayaan kitang umalis ngayon, kung okay lang sa iyo, dito ka na magpalipas ng gabi," ang mabait nitong sabi saka siya nginitian.Hindi nakaimik si Lara sa sinabing iyon ng lalaki dahil tama naman ito. Malalim na ang gabi at hindi magiging maganda at ligtas para sa isang babaeng katulad niya ang lumabas at bumiyahe nang ganoong oras."P-Parang ang tahimik na sa labas?" nang mapansin niyang wala na ang ingay na kaninang naririnig niya sa labas ng kwarto ay iyon ang naikomento niya.Tumango ang
last updateLast Updated : 2021-11-26
Read more
CHAPTER 4 "WHAT HAPPENED THAT NIGHT 3"
HINDI tiyak ni Lara kung dahil ba sa iyon ang unang h***k niya, o dahil sa lasa ng alak sa bibig ni Joaquin, o sa beer na nainom niya kaya mabilis siyang nakaramdam ng matinding kalasingan dahil sa kapusukan ng h***k na iyon.Hindi niya masabi kung kailan o paano pero nagulat nalang siya at parang natauhan nang maramdaman niya ang pagsayad ng likuran niya sa malambot na higaan.Ganoon katindi ang naging epekto sa kaniya ng h***k ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung may asawa ito o kung may nobya. Pero parang nang mga sandaling iyon ay hindi na importante sa kaniya ang lahat. Parang gusto niyang aminin sa sarili niya na katulad ng sinabi nito sa kaniya kanina, kaya siya nitong makuha sa paraan na hindi nito kailangang gumamit ng dahas, dahil siya mismo ang hihingi ng mas higit pa, nang bagay na alam niyang kaya pa nitong ibigay."Joaquin," anas niya nang bumaba sa leeg niya ang labi nito."Yes?" tanong nito bilang tugon sa kanya."Baka naman may asawa ka na, huwa
last updateLast Updated : 2021-11-28
Read more
CHAPTER 5 "CALLIE"
PRESENT DAY...KASABAY ng pagtigil ng taxi na kinalululanan ni Lara ay ang pagkaputol ng paglalakbay ng kaniyang diwa mula sa nakaraan. Matapos maiabot ang bayad sa driver ng taxi ay nagmamadali narin siyang bumaba para lang mapagtanto na nakalimutan pala niyang ibili ng pasalubong ang anak niya gawa narin ng pagiging abala ng isipan niya kanina."Mama!" ang maliit ngunit malambing na boses na iyon ang narinig niya nang itulak niya pabukas ang gate ng kanilang bahay."Callie!" ang nasasabik niya tugon saka sinalubong ng yakap at halik ang batang tumakbo palapit sa kaniya. "Where is GrandPapa?" ang ama niyang si Rodolfo ang kaniyang tinutukoy."Nasa loob siya. Halika na, kain na tayo!" ang anak niyang hinila ang kamay niya papasok ng kabahayan."Pa," ang agad niyang bati sa kaniyang ama saka ito hinalikan sa pisngi."Mabuti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay nitong anak mo kasi nagugutom na raw siya," ang ama niyang nakangiti pang gi
last updateLast Updated : 2021-11-28
Read more
CHAPTER 6 "REMEMBERING VENUS"
"GOOD morning Papa!" ang masayang bati ni Joaquin sa ama niya nang umagang iyon."Mabuti naman ang nagkita na tayo. Kumain ka na at marami tayong kailangang pag-usapan,"  anito sa kaniya.Araw iyon ng Sabado at dahil walang pasok sa opisina ay tinanghali na ng kaniyang gising kaysa karaniwan si Joaquin."Let me guess, tungkol ito sa pag-aasawa, tama ba?" tanong niya habang malapad ang pagkakangiti.Noon siya tinitigan ng tuwid sa ng kaniyang ama. "You are not getting any younger hijo, akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa mga babae?"Nagkibit siya ng mga balikat saka sinimulan ang pagkain ng agahan. "Papa, nagiging mapagbigay lang ako sa kanila," biro pa niyang kinindatan pa ang matanda."Mag-asawa ka na," ang sa halip ay maikling isinagot ni Joaquin Sr. sa kaniya.Amuse niyang pinakatitigan ang kaniyang ama."Papa the way you speak parang napakadali lang ng ipinapagawa ninyo sa akin," katwiran niya.
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more
CHAPTER 7 "PATRICK RAMOS"
"MAG-ASAWA ka na kasi, pagbigyan mo na ang Papa mo. Matanda na siya at siguro gusto narin niyang maranasan kung ano ang feeling nang maging Lolo," si Patrick iyon ang best friend niya. Kaklase niya si Patrick mula Kindergarten. Sa maraming pagkakataon o mas tamang sabihing sa halos lahat ng pagkakataon ay ito ang nagiging katuwang niya sa mga problema niya. Ito ang kakampi niya sa kalokohan lalo na pagdating sa mga babae simula nang magsimula siyang magkipag-date. Higit pa sa matalik na kaibigan ang turing niya rito. He will always be the brother that he never had. At kahit hindi ito magsalita, alam niyang ganoon rin ito sa kaniya, dahil katulad niya, only child din si Patrick. "Parang ang dali ng sinasabi mo. Bakit ikaw ba? Kelan ang plano ninyo ni Tanya?" Sa tanong na iyon ay nagkibit lang muna ng balikat nito si Patrick bago kinuha ang tasa nito ng kape at uminom. Katulad ng sinabi ni Joaquin kanina ay pinili niyang pumunta nalang ng opisina tutal
last updateLast Updated : 2022-01-11
Read more
DMCA.com Protection Status