ISANG malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Lara habang nakatitig sa lapida ng yumao niyang ina na si Edna.
Mahigit isang taon narin mula nang pumanaw ito dahil sa sakit sa puso at hanggang ngayon ay hindi parin niya talagang lubusan matanggap na wala na ito.Anak siya sa pagkadalaga ng kaniyang ina. Ayon sa kwento nito sa kaniya noong ito ay nabubuhay pa ay dati itong waitress sa isang bar. Doon nito nakilala ang tatay niya na isa sa mga naging customer nito.Tinanong naman niya sa kaniyang ina kung ano ang pangalan ng tatay niya pero ang sagot lang nito, sa dami ng naging parukyano nito noon, imposibleng malaman pa nito kung alin sa mga iyon ang tatay niya.Sa kabila nang lahat ng iyon ay hindi naman siya nagtanim ng galit sa kaniyang ina. Wala siyang makapa na ganoon sa kaniyang puso dahil ang totoo mahal na mahal niya ito at hanggang ngayon, ito parin ang dahilan ng lahat ng pagsusumikap niya.Dalawang taon na siya at sa night club parin na iyon nagtatrabaho ang kaniyang ina.Hindi ito umalis doon dahil sa pagbabakasali nitong babalikan ito roon ng kaniyang ama. Pero iba ang nangyari. Dahil sa halip ay nakilala roon ng nanay niyang si Edna ang stepfather niya na si Rodolfo o mas kilala sa lugar nila sa palayaw na Ompong. Pamamasada ng taxi ang pinagkakakitaan nito at mayroon itong sariling bahay na minana pa nito sa mga magulang nito.Sa madaling salita ay nagsama ang nanay niya at ang kaniyang Papa Ompong. Mabait ito at itinuring siyang parang isang tunay na anak. Kaya lang katulad nga ng kasabihan, wala namang taong perpekto at ganoon ang kahit sino, pati narin ang Papa Ompong niya.Mahilig kasi itong magsugal, iyon ang bisyo nito. Kasama narin doon at sigarilyo at alak. At nitong nakalipas na mga buwan, mula nang mamatay ang nanay niya ay napansin narin niya ang unti-unting naging pagbabago ng ugali nito.Naging mainitin ang ulo at madalas ay pinagagalitan at binubulyawan siya.“H-Hindi ko na po alam kung ano ang gagawin ko kay Papa, Ma, masyado niyang dinamdam ang pagkawala ninyo kaya yata sa pagsusugal niya ibinubuhos ang lahat ng panahon at atensyon niya,” aniyang hindi napigilan ang maglabas ng sama ng loob sa mismong puntong ng kaniyang ina.Totoo naman kasi iyon, labis ang pagmamahal niya sa kaniyang kinikilalang ama. At nasasaktan siya kapag nakikita niya na parang nawawalan na ito ng pag-asa sa buhay.“Sana may paraan para matulungan ko siyang tumayo mula sa kaniyang pagkakalugmok,” pagpapatuloy pa niya. “Kailangan ko nang umalis Ma, may pasok pa kasi ako sa trabaho,” paalam niya bago tuluyang nilisan ang lugar na iyon.*****“SUMAMA ka na, minsan lang naman natin gagawin ang ganito, saka isa pa walang gastos kasi sagot lahat ni Boss!” ang kinikilig sa sobrang excitement na naibulalas ng kasama niyang sales clerk na si Cynthia.“Naku hindi na, walang kasama si Papa sa bahay. Alam mo naman hindi pa siya lubusang nakaka-limot sa pagkawala ni Mama kaya palaging malungkot. Naaawa na nga ako sa kanya eh, hindi ko narin alam kung ano ang gagawin ko,” aniyang napigil sa ere ang pagpapahid sana niya ng lipstick saka nagbuntong hininga.“Hay naku hayan kana naman, tama na ang pag-iisip ng problema. Mas maganda kung makakasama ka, pero kung hindi ka pupwede, siguro naman maiintindihan iyon ni Boss Randy,” ang nakikisimpatyang winika ng kaibigan niya saka siya nginitian.Tumango lang si Lara saka na ipinagpatuloy ang pag-aayos sa harapan ng salamin.Nagtatrabaho siya bilang sales lady sa botique na iyon. Medyo matagal narin siya sa kompanya at sinuwerteng na-regular kaya kinukonsidera narin niya ang sarili niya bilang isang maswerte.Bakit nga hindi, gayong ang totoo, sa hirap nang buhay at sa hirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon, talagang maswerte siya at na-regular pa siya kahit kung tutuusin ay hindi rin naman niya natapos ang kurso niyang Business Management.Iyon ay dahil narin sa pagkakasakit ng Mama niya kaya kinailangan niyang magtrabaho kaagad para naman may maitulong siya sa Papa Ompong niya kahit panggamot lang ni Edna.“Pero bilib din ako sa Papa mo, biruin mo, masyadong solid magmahal? Sayang nga lang at maaga silang nagkahiwalay, mas maganda sana kung tumanda silang magkasama ni Tita Edna,” muling saad ni Cynthia na naging dahilan naman ng pagguhit ng lungkot sa kaniyang puso.“Hay, huwag mo naman na ako palungkutin, halika na at baka mapagalitan pa tayo kay Miss Monet,” yakag niya.Ang tinutukoy niya ay ang kanilang Branch Manager. Hindi naman ito masungit pero may pagka-istrikta ito at para kay Lara ay normal at dapat lang naman.Kabubukas lang nila kaya wala pang gaanong tao sa mall. Ang una nilang ginagawa kapag ganoon ay paglilinis at pag-aayos ng display na sinasabayan narin nila ng pag-I-inventory ng mga paninda.Magaganda ang paninda nilang mga damit. Kung tutuusin ay kilala ang botique nila sa buong Pilipinas at maraming mga kilalang celebrities silang regular customers. Kaya ganoon nalang ang tuwa niya nang ma-permenente siya sa trabahong iyon. Ang totoo nga, plano niyang ituloy ang pag-aaral niya, iyon kasi ang naging advice ni Miss Monet sa kaniya, kapag kasi nagkaroon na siya ng degree ay wala nang pwedeng masilip na dahilan sa kaniya ang Human Resources para I-promote siya.*****“ALRIGHT, I’ll just wait here,” ang naiiling na winika ni Juaquin habang sinusundan lang niya ng tingin ang kaniyang nobya na si Lucille.Hindi niya alam kung ano ang nakain nito pero hindi karaniwan sa dalaga ang magyaya ng shopping tuwing weekdays lalo at alam nitong abala siya sa pagpapatakbo sa kanilang negosyo.Kulang dalawang buwan narin silang nagde-date ng dalaga at masasabi niyang sa ngayon ay okay pa naman ang lahat. Pero alam niya hindi magtatagal ay mananawa narin siya rito at sisimulan na niya ang gumawa ng maraming excuses hanggang sa tuluyang mapikon sa kaniya ang babae at magpasyang hiwalayan siya.Sa huli niyang naisip ay muli siyang nagbuntong hininga.Napakaganda ni Lucille at hindi naman nakapagtataka iyon, isa itong beauty queen at talaga namang nakakabaliw ang kaseksihan na taglay ng dalaga. Habang pinanonood niya itong naglalakad patungo sa sinabi nito kaninang paborito nitong botique ay hindi niya mapigilang hangaan ang graceful nitong paglalakad lalo na ang mahahaba at perpekto nitong mga binti na lalong naging tukso sa paningin niya dahil sa suot nitong kulay pulang high heels.Hindi naman si Lucille ang unang babaeng nagdaan sa buhay niya na mayroong mga katangian na taglay ang lahat ng nakikita nya ngayon sa dalaga.Marami nang babaeng nagdaan sa buhay niya. Marami naring beauty queens, may mga sikat na artista at modelo. Kaya siguro parang hindi na siya nakakaramdam ng excitement. Kaya siguro ang lahat ay parang tipikal o normal nalang sa kaniya.Nasa ganoong ayos siya nang mahagip ng kaniyang paningin ang isang sales lady na siyang nag-a-assist kay Lucille.Matangkad lang ng kaunti ang nobya niya rito dahil nga may suot itong mataas na takong habang ang babaeng kausap nito ay kulay itim na flat shoes ang suot. Napakaliit ng baywang nito at ang suot nitong kulay pulang uniporme ay humapit ng husto sa pigura nito kaya naman nagkaroon ng malinaw at napakagandang emphasis sa bawat kurba sa katawan ng babae.Maganda ito at sexy kahit nakatalikod. Gusto niyang makita kung ano ang hitsura nito dahil na-curious talaga siya pero napigil ang pagtatangka niyang iyon nang marinig niyang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon.Nang I-check niya ang kaniyang phone ay noon niya napag-alaman na isang importanteng kliyente pala ang tumatawag. Sinagot niya iyon at saka naglakad para lumayo ng kaunti sa lugar na iyon. Medyo maingay kasi at hindi sila gaanong nagkakaunawaan ng kausap niya sa kabilang linya kaya ganoon.Saktong natapos ang pag-uusap nila ng kliyente ay noon naman siya nilapitan ni Lucille. Pagkatapos ay sinulyapan niya ang babaeng kaninang nakita niyang nakatayo roon. Wala na ito, iba na ang naka-duty. Baka nag-CR? Kumain? Doon niya lihim na pinagtawanan ang kaniyang sarili. Masyado siyang apektado sa babaeng iyon na kung tutuusin ay sexy naman talaga ang likuran pero hindi pa niya nakikita kahit side view manlang ng mukha nito.“Anong nangyari? Bakit wala ka yatang binili?” tanong niya.Noon kumapit ng mahigpit si Lucille sa kaniyang braso. “Wala akong nagustuhan, sa isang linggo pa raw iyong mga bago nilang designs kaya sinabi ko babalik nalang ako,” anito.Tumango noon si Juaquin. “Okay, kailangan ko naring bumalik ng office,” aniya kay Lucille na tinanguan lang siya.TWO DAYS LATER...“PAPA?” hindi maunawaan ni Lara kung saan nanggaling ang matinding takot na kaagad niyang naramdaman nang mapagbuksan niya ng pinto ang humahangos na si Ompong.“Anak, magtago ka, gusto ka nilang kunin!” anitong itinulak siya papasok ng kabahayan saka siya hinila papasok sa loob ng kaniyang kwarto.Lalong nagtumindi ang takot na nraramdaman ni Lara dahil doon. “A-Anong ibig ninyong sabihin? S-Sinong kukuha sa akin?” sa kabila ng lahat ng hindi magandang emosyon na nang mga sandaling iyon ay nagsasalimbayan na sa kaniyang dibdib,“Wala nang maraming tanong, makinig ka nalang kay Papa, bilisan mo!”Wala na ngang nagawa si Lara kung hindi ang sumunod. Nagtago siya sa loob ng kaniyang kwarto, sa likuran ng isang antique na aparador. Pero sa kabila nang lahat ay naririnig parin niya ang pakikipagtalo at hindi magagandang salitang sinasabi ng kung sin
"KINAKABAHAN ka ba, Venus?" tanong kay Lara ng driver ng van na maghahatid sa kanya sa party na kaniyang pupuntahan.Si Delfin ang matandang driver ng club na sa tingin niya ay kasing edad lamang ito ng tatay niya. At katulad ng kaniyang ama, soft spoken ang matanda. Ibig sabihin, bakas sa tono ng pananalita nito ang pagiging mabait.Tumango siya kasabay ng sandaling pagsulyap niya rito, pagkatapos noon ay ibinaling na niyang muli sa labas ng bintana ang kaniyang paningin. "H-Hindi ko po alam kung kaya ang ang ipinapagawa nila sa akin," aniyang nabasag ang tinig pero nagpigil parin siyang mapaiyak.Narinig niya ang mabigat na buntong hiningang pinakawalan ng matanda. "Nasa sa iyo iyan," anito sa makahulugan siyang sinulyapan nang saktong nakatingin siya rito."Ano pong ibig ninyong sabihin?" tanong niya.Nagkibit ito ng mga balikat. "Alam mo bang nahuli na ng mga pulis iyong tatlong lalaking nagbanta sa iyo dito? Nag-report pala kaagad ang tatay mo sa mga awtoridad," anitong binigyan
FOUR YEARS LATER... "Good morning sir," ang nakangiting pagbati kay Joaquin ng guard sa entrance ng mataas na gusaling pag-aari niya at ng kaniyang ama na si Joaquin Antonio, Sr."Good morning," sagot ni Joaquin na ngumiti rin.Ganoon ang paulit-ulit na eksena at pangyayari sa buhay niya araw-araw. Nagsisimula ang umaga niya sa opisina at nagtatapos rin ito dito. "Good morning sir," si Alma ang bumati sa kaniya, ang babaeng sekretarya pa noon ng kaniyang ama.Nasa ikalimang palapag na siya kung saan naroroon ang kaniyang opisina. Ang Antonio Paper Corporation ang pinakamalaking kompanya ng papel sa Pilipinas. Sila rin ang distributors ng maraming kilala at imported brands ng papel na inaangkat pa sa ibang bansa. Pero hindi lang sila naka-focus sa paggawa at pagpo-produce ng ganoong produkto. Hawak rin nila ang mga major brands ng mga writing materials at iba pang art materials katulad ng mga kilalang water colors na ginagamit sa pagpipinta. Ang kompanyang iyon ay legacy pa ng kani
"PALAGI ka nalang talagang nagmamadali sa pag-uwi, hindi naman siguro masama kung minsan sa buhay mo subukan mong mag-unwind," komento ni Cynthia matapos niyang tanggihan ang alok nito sa kanya na sumama sa birthday ng pinsan nito.Tumawa ng mahina si Lara saka ipinagpatuloy lang ang pag-aayos niya gamit. "Ganito talaga kapag may anak ka na, palagi kang ma-e-excite umuwi kasi gusto mong makita kaagad ang anak mo na alam mong naghihintay sa pagdating mo," paliwanag niya rito."Hay naku Lara Athena ganiyan ka na talaga kahit noon pa. Mabuti nalang mahal ko iyong inaanak ko kaya hindi na ako magtatampo sa'yo," anitong sinundan pa ang sinabi ng mahinang tawa.Noon niya nilapitan sa mesa nito si Cynthia saka hinalikan sa pisngi. "Salamat, I have to go. Kailangan ko pang bumili ng pasalubong para sa baby girl ko.""Mag-iingat ka," si Cynthia.Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang nang maganap ang para sa kaniya ay pinakamalaking bangungot sa kaniyang buhay. Iyon ay nang sapilitan siyang i
MULA sa mahimbing na pagtulog ay mabilis na napabangon si Lara nang marinig niya ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng kwarto. "I'm sorry kung nagising kita," si Joaquin iyon na tumawa ng mahina.Walang anuman siyang tumango saka niyakap ang sarili. "Hindi mo pa ba ako papayagang umalis?" ang naitanong niya saka sinulyapan ang lalaking naupo naman sa divan na nasa paanan ng kama.Noon niya nakitang sumulyap ang lalaki sa suot nitong wrist watch. "Delikado na kung hahayaan kitang umalis ngayon, kung okay lang sa iyo, dito ka na magpalipas ng gabi," ang mabait nitong sabi saka siya nginitian.Hindi nakaimik si Lara sa sinabing iyon ng lalaki dahil tama naman ito. Malalim na ang gabi at hindi magiging maganda at ligtas para sa isang babaeng katulad niya ang lumabas at bumiyahe nang ganoong oras."P-Parang ang tahimik na sa labas?" nang mapansin niyang wala na ang ingay na kaninang naririnig niya sa labas ng kwarto ay iyon ang naikomento niya.Tumango ang
HINDI tiyak ni Lara kung dahil ba sa iyon ang unang h***k niya, o dahil sa lasa ng alak sa bibig ni Joaquin, o sa beer na nainom niya kaya mabilis siyang nakaramdam ng matinding kalasingan dahil sa kapusukan ng h***k na iyon.Hindi niya masabi kung kailan o paano pero nagulat nalang siya at parang natauhan nang maramdaman niya ang pagsayad ng likuran niya sa malambot na higaan.Ganoon katindi ang naging epekto sa kaniya ng h***k ng lalaki. Ni hindi nga niya alam kung may asawa ito o kung may nobya. Pero parang nang mga sandaling iyon ay hindi na importante sa kaniya ang lahat. Parang gusto niyang aminin sa sarili niya na katulad ng sinabi nito sa kaniya kanina, kaya siya nitong makuha sa paraan na hindi nito kailangang gumamit ng dahas, dahil siya mismo ang hihingi ng mas higit pa, nang bagay na alam niyang kaya pa nitong ibigay."Joaquin," anas niya nang bumaba sa leeg niya ang labi nito."Yes?" tanong nito bilang tugon sa kanya."Baka naman may asawa ka na, huwa
PRESENT DAY...KASABAY ng pagtigil ng taxi na kinalululanan ni Lara ay ang pagkaputol ng paglalakbay ng kaniyang diwa mula sa nakaraan. Matapos maiabot ang bayad sa driver ng taxi ay nagmamadali narin siyang bumaba para lang mapagtanto na nakalimutan pala niyang ibili ng pasalubong ang anak niya gawa narin ng pagiging abala ng isipan niya kanina."Mama!" ang maliit ngunit malambing na boses na iyon ang narinig niya nang itulak niya pabukas ang gate ng kanilang bahay."Callie!" ang nasasabik niya tugon saka sinalubong ng yakap at halik ang batang tumakbo palapit sa kaniya. "Where is GrandPapa?" ang ama niyang si Rodolfo ang kaniyang tinutukoy."Nasa loob siya. Halika na, kain na tayo!" ang anak niyang hinila ang kamay niya papasok ng kabahayan."Pa," ang agad niyang bati sa kaniyang ama saka ito hinalikan sa pisngi."Mabuti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay nitong anak mo kasi nagugutom na raw siya," ang ama niyang nakangiti pang gi
"GOOD morning Papa!" ang masayang bati ni Joaquin sa ama niya nang umagang iyon."Mabuti naman ang nagkita na tayo. Kumain ka na at marami tayong kailangang pag-usapan," anito sa kaniya.Araw iyon ng Sabado at dahil walang pasok sa opisina ay tinanghali na ng kaniyang gising kaysa karaniwan si Joaquin."Let me guess, tungkol ito sa pag-aasawa, tama ba?" tanong niya habang malapad ang pagkakangiti.Noon siya tinitigan ng tuwid sa ng kaniyang ama. "You are not getting any younger hijo, akala mo ba hindi ko alam kung ano ang ginagawa mo sa mga babae?"Nagkibit siya ng mga balikat saka sinimulan ang pagkain ng agahan. "Papa, nagiging mapagbigay lang ako sa kanila," biro pa niyang kinindatan pa ang matanda."Mag-asawa ka na," ang sa halip ay maikling isinagot ni Joaquin Sr. sa kaniya.Amuse niyang pinakatitigan ang kaniyang ama."Papa the way you speak parang napakadali lang ng ipinapagawa ninyo sa akin," katwiran niya.
“KINAKABAHAN ka?”Iyon ang itinanong ni Lara sa asawang si Joaquin matapos niyang ayusin ang kurbata nito.Nagbuntong hininga si Joaquin at pagkatapos ay buong pagmamahal siyang pinakatitigan.“Mom, Dad, let’s go?” si Quin iyon ang bunsong anak na lalaki nilang dalawa.“Okay, anak,” ani Lara saka muling tiningala ang gwapong mukha ng asawa niya.“Halika na at baka isipin ng anak mo eh hindi mo siya gustong ihatid sa altar,” ang biro pa niya sa asawa na hindi man sumagot para halata pa rin sa mukha nito ang bahagyang lungkot.Iyon ang araw ng kasal ng panganay nilang anak na si Callie.Nauunawaan niya ang nararamdaman ng asawa niya dahil ito ang nag-iisang anak nilang babae.Sa loob ng mahigit dalawampung taon ay nabiyayaan pa sila ng dalawang anak na lalaki. Sina Caleb at ang bunso nga na si Joaquin Antoni III na kamukhang kamukha ng lolo nitong si Joaquin Sr.Pagkatapos ng insidente noon sa beach resort, katulad ng sinabi ni Joaquin ay inayos nito ang lahat. Naparusahan ang lahat ng
“WOW, Daddy it’s so beautiful here!” Iyon ang masiglang winika ni Callie saka nagtatakbo patungo sa private cottage ng kanilang pamilya. “Pwede tayong mag-stay doon sa beach house, kaya lang mas malayo iyon sa dagat,” ani Joaquin sa kanya saka kinarga si Callie na noon ay ilang beses nang nadapa sa buhanginan gawa ng kakatakbo nito. “Okay na dito kahit hanggang bukas lang. Tapos sa susunod na araw eh doon na tayo mag-stay sa beach house,” sagot ni Lara saka na nagpatiuna patungo sa kanilang cottage. “Sina Yaya Loring?” tanong ni Lara matapos niyang buksan ang pintuan ng cottage. “Nandoon na sa bahay at naghahanda ng pagkain. Teka, saan mo ba gustong kumain, baby? Dito o doon sa malaking bahay?” tanong ni Joaquin sa anak nito. “Here,” anito sa kanya. Tumawa si Lara sa nakita niyang naging reaksyon ng kanyang anak. “Naku, ibaba mo nga iyang anak mo. Big girl na siya kaya hindi na siya dapat na kinakarga,” aniya pa kay Joaquin. “Kahit mag-asawa pa ito, siya pa rin ang princess ko
“BAKIT ganoon Robert? Bakit ang bagal nung tao mo? Bakit hanggang ngayon eh mukhang masaya pa rin ang babaeng iyon?” ang galit na tanong ni Selena kay Robert nang gabing magkita sila nito para pag-usapan ang tungkol sa hinihingi niyang pabor.“Hindi ko rin alam. At isa pa, bakit ba kasi masyado kang atat na makaganti? May asawa naman na ‘yung babae hindi ba? Baka naman nagkakamali ka lang ng hinala mo?” ani Robert sa kanya.Noon inis na ibinaba ni Selena sa mesa ang hawak niyang wine glass. “Nakakainis ka naman eh. Bakit ba ayaw mong gawin nalang ang sinasabi ko? Kailangan kong makaganti sa babaeng iyon. Kailangan kong mabawi si Ramil!” giit niya.“Tumigil ka na! Maghintay ka kung kailan at huwag mo akong sisigawan!” ani Robert sa kanya.Sa puntong iyon ay napaupo si Selena at naiiyak na nagyuko ng ulo. Pinigil niya ang mapaiyak pero dahil na rin sa epekto ng nainom na niyang alak ay nabigo siyang gawin iyon.“Bakit kasi walang lalaking gustong magmahal sa akin?” aniyang napahikbi.Sa
HINDI inasahan ni Lara ang ang tinutukoy pal ani Joaquin na orihinal nilang destinasyon ay ang bahay nito sa Baguio. Ang bahay kung saan sila nag-honeymoon.“Ah so, dito mo pala ako talaga planong dalhin? Bakit?” ang nakangiti niyang tanong saka buong pananabik na iginala ang paningin sa kabuuan ng bahay.Nagkibit ng mga balikat nito si Joaquin at pagkatapos ay ibinaba ang mga dala nitong maleta.“Kasi nung una tayong nagpunta dito hindi ko sinabi sa’yo ang totoo, hindi ba?” tanong nito sa kanya saka siya mahigpit na niyakap mula sa kanyang likuran.Kinikilig na pumihit si Lara paharap sa kanyang asawa. Pagkatapos niyon ay naglalambing niyang ikinawit sa leeg nito ang kanyang mga braso.“Oo nga. Naalala ko nga yung sinabi mo sa akin na noon. Na sana pwede mong ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko?”“Yeah. Nasabi ko iyon sa iyo kasi hindi ko naman talaga magawang ibigay sa iyo ang lahat kasi nga iba ang alam mo. Kung sakali ayokong magulat ka kung saan ko kinukuha ang lahat ng ito.”Na
SA madaling pamamaraan ay nagawa siyang angkinin ni Joaquin nang hindi sila umaalis sa pwestong iyon. At masasabi niyang wala nang mga sandaling iyon ang mahinahon niyang asawa na palagi niyang nakakasama tuwing nagsisimula pa lamang ang laban nilang dalawa.Pero ano ba naman ang karapatan niyang magreklamo kung siya mismo ang humingi nito sa mister niya.“You want this, don’t you, huh?” tanong nito sa kanya habang hinahambalos nito ng malalakas at buong pwersang pananalasa ang kanyang kasarian.Hindi na halos makahinga ng maayos si Lara nang mga sandaling iyon. Pero siya ang may gusto nito kaya alam niyang katulad ng nauna ng sinabi sa kanya noon ni Joaquin. She needs to face the consequences of her actions. Kaya ganoon ang ginawa niya ngayon. Tinitiis niya ang napakasarap na epekto ng malupit na pag-angking ginagawa sa kanya ni Joaquin.“Yes, oh I want this. I want you,” aniyang kumapit pa ng mahigpit sa batok ni Joaquin saka mariing hinalikan ang asawa niya sa mga labi nito.Mabili
NAGING kataka-taka para kay Lara ang pananahimik ng asawa niya nang mga sandaling iyon. At dahil nga sinabi nitong sorpresa ang pupuntahan nila ay hindi na siya nagtanong.Pero iyon nalang ang gulat niya nang dalhin siya ni Joaquin sa isang pamilyar na gusali. Dahilan kaya mabilis na tumahip ang kanyang dibdib.Natatandaan niya ang building na iyon.Iyon ang hotel kung saan niya unang ibinigay ang sarili niya sa kanyang asawa ilang taon na rin ang nakalilipas. Hindi niya maunawaan at maipaliwanag kung gaano katindi ang kabog ng dibdib niya nang mga sandaling iyon. Pero sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin siyang kalmado at hindi nagtatanong rito. Sa kabila iyon ng katotohanang gustong-gusto na niyang alamin sa kanyang asawa kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari at kung bakit sila naroroon.Nang makababa sila ng kotse ay noon lang nagsalita ang asawa niya.“Hindi talaga dito ang destinasyon natin, sweetheart. May importante lang tayong gagawin kaya tayo dumaan,” anito sa kanya ha
PARANG natuka ng ahas na itinulos si Lara sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig siya sa lalaking bagong dating.Hindi siya pwedeng magkamali. Alam niya at sigurado siya na ito ang lalaking kumuha sa kanya noon kay Nati para ipanregalo siya kay Joaquin.Mabilis na nakaramdam si Lara ng matinding panlalamig sa kanyang buong katawan dahil sa kaisipang iyon. Kung makikilala siya nito ay siguradong malalaman ni Joaquin ang sekreto niya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Napakatalino ng asawa niya kaya tiyak na magagawa nitong tahiin ang lahat ng pangyayari lalo na ang malaking pagkakahawig ni Callie rito at lalong higit sa namayapa na nitong ina.“Pasensya na kayo kung naka-istorbo ako,” ani Patrick na nang mga sandaling iyon ay titig na titig sa kanya.“It’s okay buddy. Sige na, have a seat,” ani Joaquin sa kaibigan.Agad namang tumalima si Patrick sa sinabi ng asawa niya. Ilang sandali lang pagkatapos noon ay pormal na nga siyang ipinakilala ni Joaquin rito.“Gusto mo bang kumain
GANOON nga ang ginawa ni Lara. Nanatili siyang nakatitig kay Joaquin habang nilalapastangan ng kamay at mga daliri nito ang kariktan na nasa pagitan ng kanyang mga hita.Itinukod niya sa kanyang likuran ang dalawa niya kamay upang hindi mapahiga. Habang ginagawa iyon ni Joaquin ay nagagawa niyang paglipat-lipatin ang paningin niya mula sa mga mata nito patungo sa kanyang kasarian na mukhang hindi nito pakikitaan ng kahit simpleng kapatawaran man lang.“Godd, ang sarap, oooohhhh,” ungol ni Lara habang pinagmamasdan ang ngayon ay pagpapadaan na naman ni Joaquin ng dila nito sa kanyang kaselanan.Noon itinaas ni Joaquin ang ulo nito. At dahil nakuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin ay mabilis niya itong niyuko. At noon nga muling naglapat ang kanilang mga labi.Sandali lang ang halik na iyon dahil muling binalikan ni Joaquin ang pagkababae niya na sinimulang lampasuhin ng dila nito.Kapag parang napapagod ito sa kakalampaso ay saka nito iyon sinusupsop na para bang itong kumakain ng
“OH Lara.”Habang abala si Lara sa pagsuyo ng pagkalalaki ni Joaquin gamit ang kanyang bibig. Paulit-ulit niyang naririnig ang tila ba walang katapusang pagsambit ng asawa sa kanyang pangalan. Bagay na hindi niya maitatangging gustong-gusto naman niya.Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Joaquin nang mga sandaling iyon. Dahil ganoon rin naman ang nangyayari sa kanya tuwing siya ang nasa ganitong sitwasyon. Kaya kung ano ang kosenstrasyong ginagawa ng kanyang mister ay ganoon rin ang sinunod niya.Ilang sandaling nasa ganoong ayos silang dalawa. Siya ang nagtatrabaho dahil gusto niyang bigyan ng kasiyahan si Joaquin. Well, kailangan niyang aminin na kasama na rin ang goal niyang ipakita rito na natututo na siya mula rito.“Oh fuck!” nang marahil hindi na makatiis ay hinila ni Joaquin ang kamay niya saka siya nito hinila paitaas. “I’m sorry sweetheart but I need you now,” anitong hinalikan ang kanyang mga labi pagkatapos.Sa mabilis na paraan. Kahit pa sabihing siya ang nasa itaas n