"I'm sick. Mag-enjoy ka na lang." Sabi ko kay Sol na kausap ko ngayon sa phone. Tumawag siya para itanong kung pupunta ako mamaya sa ball. Nagpalusot na lang ako na may sakit ako para naman hindi niya malaman na kaya hindi ako aattend dahil wala akong kasama. Nakakaawa naman ako. Maliban sa kanya, wala na akong kaibigan.
Inaalok ako nina Bliss na sumama sa kanila pero ayoko talaga. Baka mapalapit ako sa kanila. Once na sumama ako ngayon, for sure, sunod-sunod na 'yan. Kaya hindi p'wede. Niyaya naman ako ni Leo pero alam ko naman na hindi siya seryoso roon. Masyado lang siyang friendly kaya niyayaya niya lahat. Kaya siguro nanalo siyang SSG President. Matalino at magaling na leader din naman siya.
"Sick!? I'll be there." Ani Sol kaya mabilis akong napatayo dahilan para makaramdam ako ng pagkahilo kaya naupo ako sa upuan. Kanina pa kasi ako nagpapakain sa ampon kong kuting.
"Huwag na, Sol. Mag-enjoy ka na lang. Kwentuhan mo 'ko ha." Nahihilong sabi ko. Gosh! Hihimatayin yata ako. Pinilit kong tumayo para kumuha ng tubig pero natumba ako sa sahig at nasagi ko ang basong nasa mesa. Nakakarinig ako ng matinis na tunog. Hindi ko maramdaman ang sarili ko. Huminga ako nang malalim, ilang beses iyon at pilit na tumayo. Bumuti na ang pakiramdam ko. Uminom ako ng tubig at saka nawala ang matinis na tunog. Para bang tunog na may nagflat line. Nakakahilo. Next time, 'di na ako tatayo nang biglaan. Lowblood pa talaga ako.
Tiningnan ko ang phone ko pero nakapatay na ang tawag. Baka nagreready na siya for Christmas ball. Kaso ang aga naman yata? About 10 in the morning pa lang.
Hay bahala siya. Binalikan ko 'yung kuting na nandito sa kusina at umiinom naman siya ng tubig. Hinimas ko ang balahibo niya. Nakakatuwa naman ito. Tumataba na siya. Palibhasa, cat food ang pagkain. Minsan naman, 'yung tira-tira ko. Kaya ang bigat niya na. Ang baho nga lang ng tae niya. Sinasanay ko siyang tumae sa CR. Kahit hindi sa inidoro basta sa loob ng CR para madali kong malinis.
"Ang cute mo talaga." Sabi ko at binuhat ko ang pusa. Dinala ko siya sa sala at doon kami naglambingan. Napapakalma niya ako. Nawawala ang stress at mga iniisip ko kapag buhat ko siya. "Ano kayang ipapangalan ko sa'yo? Hindi ko pa naman alam kung babae o lalaki ka. Dapat unisex."
Nag-isip ako nang nag-isip ng ipapangalan ko hanggang sa may kumalampag ng pinto ng unit ko. Muntik ko nang maihagis ang kuting dahil sa gulat. Bwisit na 'yan!
"Luna! Luna, are you okay!? Open the door!" Sigaw ni Sol na lalo kong kinagulat. Ba't siya sumisigaw at takot na takot? Anong nangyari?
Binuksan ko ang pinto at nagulat siya nang makita ako at ang buhat kong kuting. He looks intense. Mukhang tumakbo siya papunta rito. "Anong nangya---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Sobrang higpit na feeling ko, hindi na ako makahinga. "S-Sol, ang higpit." Nauutal na sabi ko kaya binitawan niya na ko. Nakahinga na rin siya nang maluwag. "Ano bang nangyari?" Takang tanong ko. Nakakahiya naman, inabutan niya akong ganito ang itsura. 'Di pa ako naliligo e. Nakapajama pa ako na kulay violet at loose shirt na white. Shems!
"You scared me, kiddo!" Inis na sabi niya sabay pitik sa noo ko.
Napahawak ako sa noo ko habang nakakunot-noo. "Ha? Anong ginawa ko?"
"You're sick, you said. Then may nabasag." Aniya at naalala ko 'yung basong nakabig ko nang matumba ako. Oo nga pala, hindi ko pa iyon nalilinis.
"Sorry, nahilo lang kaya natabig ko 'yung baso. Grabe ka naman mag-alala." Natatawang sabi ko pero nanatili lang siyang seryosong nakatingin sa'kin. Naiinis talaga siya. LMAO! Sino ba kasing may sabing lumipad siya papunta rito nang ganun kabilis? Paano kung napahamak siya sa daan? Nagdrive siguro siya papunta rito. "Pasok ka na muna." Sabi ko habang nilalapag ko sa sahig ang pusa at hinila ko si Sol papasok. Alam ko kasing tatanggi na naman siya. Pininto ko ang pinto. "Upo ka muna. Gusto mong kumain?" I asked habang papunta sa kusina para alisin 'yung basag na baso. Liligpitin ko na sana nang hilahin ako palayo doon ni Sol.
"Ako na." Malamig niyang tugon at kinuha na ang dustpan at walis. Sus! Alam ko naman na worried lang siya kasi kaibigan niya ako pero hindi ko maiwasang matuwa doon. Ganito pala ang pakiramdam kapag may taong nag-aalala sa'yo. Pakiramdam ko, mahalaga ako sa mundong 'to. Pero hindi dapat ako masanay. Kaibigan ko lang siya.
Pagkatapos niyang magligpit ng basag na baso, inabutan ko siya ng sandwich. Ito lang kasi ang madaling gawin na meryenda. Oo, nagluluto naman ako pero matagal pa 'yun matapos. Panglunch na ang lulutuin ko. Nandito kami ngayon sa sala, magkatabi sa couch at nanonood ng TV habang kumakain.
Nabigla ako nang hawakan niya ang noo ko. "You're not sick." Kunot-noong sabi niya. Tinabig ko 'yung kamay niya.
"Kanina lang. Pero 'di pa rin ako aattend. Delekado. Gabi kasi." I said at saka tumayo para hanapin 'yung kuting. Ayokong malaman niya na 'di ako aattend kasi wala akong kasama. Knowing him, alam kong ako ang sasamahan niya mamaya at hindi iyong babaeng nag-aya sa kanya.
"Sit!" Utos niya sabay hila sa'kin paupo ulit. "I'll accompany you later. Don't be scared."
"Ha? Ayoko nga! Paano ka mag-eenjoy kung ako ang kasama mo?"
"Because you're with me. Enough reason to enjoy." Ngumisi siya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Kung 'di lang to hihirit na assuming ako, sasabihan ko talaga siya na baka may gusto na siya sa'kin. Nakakapagtaka na kasi ang mga kinikilos niya. Hindi naman ganito sa'kin ang mga kaibigan ko noon.
"Kikiligin ba ako? Asa ka!" Natatawang sabi ko. Pero to be honest, para akong kinikilig which is hindi dapat! Umayos ka, Luna!
"Suit yourself." Aniya at uminom ng tubig. Ayaw niya raw kasing juice o kape. Tubig is life daw siya.
"Huwag na. 'Di ko naman hilig magparty. Nga pala, may ibibigay ako sa'yo." Mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto ko at kinuha sa bag ang isang letter. Kahapon ko pa dapat 'to iaabot sa kanya kaso nakakalimutan ko. "Heto oh!" Inabot ko sa kanya ang letter na kinakunot ng noo niya. "May nagpapabigay."
"Luna I told you to---"
"Hayaan mo na. Mag-aabot lang naman ako. Malay mo, siya pala ang para sa'yo." I said habang nagbababa-taas ang mga kilay ko. Napailing na lang siya at nilapag ang sulat sa couch sa tabi niya. Parang wala siyang balak basahin. "Basahin mo na. 'Di ka ba curious kung sino siya?" Hindi siya kumibo. Kinuha niya 'yung kuting na bigla na lang sumulpot sa paanan niya. "Para sa'kin, mabait siya, maputi, mukhang makinis naman ang balat, baka matalino rin, medyo singkit, mahaba ang buhok na hanggang bewang."
"I'm not interested."
"Sige bahala ka. Boto pa naman ako sa kanya."
Huminga siya nang malalim at tiningnan ako. "Why are you doing this?"
I shrugged at uminom ng juice. "Ang sweet mo kasi bilang kuya. Gusto kong makita kung ano ka as boyfriend."
Lalong kumunot ang noo niya at nilapag na sa sahig ang kuting. "I'm not here as your kuya, Luna."
"See? Friend! Ang sweet mo as friend. What more kung may girlfriend ka na! Sige na maghanap ka na kasi! Gusto ko nang magka-ate!" Niyugyog ko siya nang niyugyog at kitang-kita ko na asar na asar na siya sa'kin. Hindi niya ako matulak kasi mahuhulog ako rito sa couch kapag ginawa niya.
"Okay okay, I will! Just stop!" Inis na sabi niya kaya mas natuwa ako at tatalon sana ako sa couch nang mahilo na naman ako. Napasandal na lang ako sa upuan. "You okay? You look pale!" Pag-aalala niya. Tinuro ko 'yung tubig kaya inabot niya ito sa'kin. Nang makainom ako, kinalma ko muna ang sarili ko para makahinga ako nang maayos. Hindi talaga ako p'wedeng maging malikot. 'Di rin p'wedeng magpuyat. "See? You need all my attention. How can I have a girlfriend?"
"Attention? Bro, kaya ko 'to! Tsaka 'di mo 'ko responsibilidad. Chill ka lang." I'm trying to lighten the mood but he kept on giving me his serious face. Napakasungit talaga. Kaya hindi makalapit sa kanya 'yung mga may gusto sa kanya e. Kung mabait siguro 'to, nakapila na lahat ng babae sa harapan niya.
"Change your clothes. We're going to hospital." Utos niya.
"Huwag na. Magiging okay rin ako. Basta umattend ka mamaya ha. 'Di ako sasama. Bawal mapuyat."
Dahil doon ay hindi niya na ako napilit na umattend pa. Of course, magaling na akong magpalusot ngayon. Kilala ko na kasi si Sol. Nag-iingat na rin ako sa mga sinasabi ko kasi ano man ang sabihin ko, maaari niyang gamitin laban sa'kin. Dapat sa kanya, mag-take ng law e.
After lunch, nang masiguro ni Sol na 'di na ako mahihilo, umalis na siya. Hindi na lang ako gagalaw masyado para 'di ako mahilo. Matutulog sana akong hapon nang tumawag si Leo. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko. Sabi niya, connections daw. Lol! Si Sol at teachers lang naman ang nakakaalam ng number ko.
"Sorry, wala talaga akong hilig umattend diyan e." I said.
"Please, Luna? Graduating na tayo. Ikaw na lang ang hindi pa nagcoconfirm. Aattend lahat ng kaklase natin. Gusto ko lang naman, makompleto tayo. Don't worry, kung iniisip mo 'yung mga kaibigan ni Marcus, akong bahala sa'yo. Wala rin naman akong date e. Sasamahan kita sa lahat ng oras."
"Kasi SSG President ka, Sir. Busy ka rin mamaya."
"Then? 'Di naman sobrang busy. SSC and SSG ang nag-organize nito. Basta susunduin kita mamaya at ako na rin maghahatid sa'yo. Please? 'Di ba sabi mo, kung may kailangan ako, magsabi lang ako?" Nagmamakaawa na talaga ang tono ng boses niya at mukhang maiiyak na siya. Ilang araw niya na kasi akong kinukulit about dito. Mukhang bibigay na ako. Grabe ang convincing power ng isang 'to.
Natawa ako nang bahagya at napailing. "Oo na, Pres. Kulit mo. Basta sunduin mo ko ha!"
Then we made the deal. Ayun na nga, kailangan ko nang magbihis at mag-ayos. Aattend lang ako for the attendance. Baka 10pm, p'wede na akong umuwi.
It was about 7pm nang dumating si Leo. Sakay siya ng black nilang van. Nakatuxedo siyang itim na bagay naman sa kanya kasi maputi siya. Si Sol kaya, anong itsura niya? Moreno kasi siya e. Baka mahirapan siyang pumili ng babagay sa kulay niya. May damit kasi na pumuputi siya at meron naman na mas nakakapaitim sa kanya. Kapag gabi, pumuputi siya kapag natatapat sa ilaw. Lol! Namumula naman siya kapag nasisinagan ng araw. Hindi ko maintindihan ang kulay niya. Pero ang galing. Naiinis siya kapag namamangha ako sa kulay niya. Haha.
"Wow, Luna! Mukha kang buwan. Ang ganda." Nakangiting sabi ni Leo na tinaasan ko ng kilay.
"'Di ko alam pero naoffend ako, Pres." Mukha ba akong buwan? Ang laki ko yata? Naka-white dress ako na v-cut sa may dibdib at spaghetti strap ito. May kaunting paglitters ang dress kaya mukha akong kumikinang na star. Naka-flat shoes lang din ako. Nakamessy bunny naman ang buhok ko at light make-up naman sa mukha. Ayokong masyadong mag-ayos kasi uuwi naman ako nang maaga.
"Hay naku! Ayoko nang mag-explain. Tara na." Pumasok na kami sa sasakyan niya at tahimik lang kami hanggang sa makarating sa ballroom. Ang daming tao. Ang gaganda nila. Nagmukha akong basahan sa itsura ko. Pero okay lang. Uuwi din naman ako nang maaga. There's no reason to impress people.
"Pres, alisin mo kaya 'yang glasses mo." Sabi ko pero umiling lang siya. Hindi raw siya makakita nang maayos. Ang kapal naman kasi ng lenses niya at black pa ang frame ng salamin kaya mukha tuloy siyang nerd na nakaayos. Gwapo naman si Leo e. Hindi niya lang alam. 'Di niya naman yata kailangan ipaalam.
"Kapit ka, Luna. Tonight, I'll be your date." Ngumiti siya habang ino-offer sa'kin ang kaliwang braso niya. Ngumiti ako at sinakbit doon ang kanang kamay ko.
Naglakad kami papunta sa pwesto ng classmates namin at nandun na nga silang lahat. Kami na lang ni Leo ang wala. Nagulat sila nang makita ako at nagyabang naman si Leo na siya raw ang dahilan kung ba't nandito ako ngayon. Nang muntik niya nang masabi ang tungkol sa mga kaibigan ni Marcus, inawat ko na siya. Alam niya naman na sinisekreto ko 'yun. Mukhang nakalimutan niya dahil sa excitement.
Natutuwa ako sa section na ito kahit na hindi ko ramdam na belong ako dahil pilit kong nilalayo ang sarili ko sa kanila. Solid sila. Minsan may nag-aaway, iyon ay dahil sa magkakaiba sila ng ugali. Sabi dun sa nabasa ko, ang kabaliktaran daw ng love ay hindi hate; kundi pagkakaiba. Pero kahit magkakaiba sila ng pagkatao, sa huli, pinipilit nilang intindihin ang bawat isa. Lahat, kailangan mag-adjust kasi kung hindi, magkakagulo. Hindi p'wedeng isa lang ang nag-aadjust. Hindi rin naman p'wedeng wala.
Medyo nagtatagal na ako ritong nakaupo habang kumakain ng handa nila. Hindi rin naman ako nagsasayaw o nag-iikot. Kapag may kaklase akong tumatabi sa'kin, kinakausap ako. Tumatango o umiiling na lang ako. Hindi talaga ako nag-eenjoy sa mga ganitong event.
"Sure ka, ayaw mong sumayaw?" Sabi ni Leo na kakabalik lang. Umiling ako at kumain ulit. Kanina pa siya nag-sasayaw. Balak niya kasing isayaw lahat ng kaklase naming babae. Goal niya raw iyon. Nakakatuwa talaga siya.
Naupo siya sa tabi ko at uminom ng tubig. "Ikaw na lang ang hindi ko pa naisasayaw. Huwag mo namang sirain ang goal ko." Aniya kaya natawa ako nang bahagya.
"Isipin mo na lang, 'di mo ako kaklase. Sorry, Pres. May goal din kasi ako." Sabi ko dahilan para mapatingin siya sa'kin. "Gusto ko, ang first dance ko ay 'yung first love ko." Ngumiti ako nang bahagya at napabuntong-hininga naman siya.
"Ganun ba?" He asked so I nodded. "Sino ba ang first love mo?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala pa yata. Paano mo malalaman kung inlove ka?" Siguro, may mga naging crush ako sa dati kong school pero love? That's deep. Wala pa yata akong minahal. Dito sa bago kong school, wala akong crush. Nangingibabaw kasi para sa'kin 'yung takot na baka pati siya, mapahamak. Hindi kasi nawawala sa isipan ko ang sinabi ni Marcus. Hindi lang ako ang babalikan niya kundi pati mga mahal ko sa buhay.
"Basta malalaman mo na lang 'yan. Kapag nasasaktan ka nang dahil sa kanya. Kapag palagi mo siyang iniisip. Kapag sa lahat ng ginagawa mo, siya ang naiisip mo. At kapag siya ang palagi mong pinipili kahit masakit na." Mahinahong wika ni Leo at mukhang inlove siya. Para kasing may iniisip siya habang nagsasalita.
"Inlove ka ba?" Tanong ko na kinabigla niya dahilan para mapatingin siya sa'kin. Natawa ako nang bahagya. "Oo o hindi lang. 'Di ko tatanungin kung sino."
Napangiti siya at tumango. "Love? Dati oo. Pero ngayon, hindi na. But I think, I'm in love again." hindi siguradong sagot niya.
Totoo bang naglalaho ang pagmamahal sa isang tao? Nagbabago nga talaga ang nararamdaman ng tao. Hindi tulad ng Diyos. Ibig sabihin, mahina ang tao. Madali siyang baguhin ng mga nangyayari sa kanya. Nakakalungkot naman iyon. Pero ang mahalaga, nagiging matatag ang tao dahil sa experience niya.
Ilang minuto pa ang lumipas na kasama ko lang si Leo na nanonood sa mga nagsasaya sa gitna hanggang sa dumating si Sol. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang seryoso niyang mukha.
"You said that you can't make it." Ani Sol kaya napatayo ako at napaharap sa kanya. Tumayo rin si Leo at hinarap si Sol. "Who's he?" Tanong niya pa.
"Si Leo, kaklase ko. Pres, si Sol, kaibigan ko." Pakilala ko sa kanilang dalawa. Nagtanguan lang sila pero hindi ko gusto ang tingin ni Sol kay Leo. Napansin din yata 'yun ni Leo.
"Sige, Luna. Tawagan mo na lang ako kung uuwi ka na." Ngumiti siya at aalis na sana nang magsalita pa si Sol.
"No need. I'll take care of her." Ani Sol kaya napatingin pa sa'kin si Leo, asking for my consent at tumango na lang ako. Kaya umalis na siya. "You lied." Malamig niyang tugon at hinila ako palabas sa ballroom. Ginala ko ang paningin ko kasi baka nandito ang date ni Sol. Baka makita niya akong kasama ang ka-date niya. Hindi p'wede. Masasaktan siya. Baka kung ano pa ang isipin niya tungkol sa'kin.
"Ang sama mo." Sabi ko dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. Nasa labas na rin kami at ang lamig ng hangin na tumatama sa balat ko. Napansin niya na nilalamig ako kaya tinanggal niya ang coat niya at pinatong sa balikat ko pero seryoso pa rin ang bawat titig niya sa'kin. "'Di mo tatanungin kung ba't ako nandito?"
"Then why?"
"Ayaw ko sana kaso pinilit ako ni Leo. Kailangan daw, complete attendance kami. E ako na lang ang hindi nagcoconfirm kaya pumayag na ako. Minsan lang naman siya humingi ng favor." Ayaw kong sabihin na kapalit ito ng pagliligtas sa'kin ni Leo mula dun sa mga kaibigan ni Marcus. Baka mag-alala lang siya.
"But you can't inform me?" Seryosong tanong niya.
"Kailangan ba lahat ng ginagawa ko, alam mo? May mga naging kaibigan din naman ako dati at hindi naman kami ganito magturingan." seryosong sabi ko. Ang feeling entitled niya kasi e at naiinis na talaga ako sa mga kinikilos niya. Pakiramdam ko, hindi siya nagiging totoo sa'kin.
"Exactly! Coz I don't see you as a friend." Inis na sabi niya na lalo kong kinakunot ng noo. Anong pinagsasasabi niya? Ang sakit nun ha! Kaibigan ang turing ko sa kanya tapos siya, hindi? Basted ba ako as a friend? Aray!
"Ang sama mo." mahinang sabi ko at tinulak siya sabay tapon ng coat niya. Agad akong tumakbo nang mabilis palayo sa kanya kasi ayokong makita niya na naiiyak ako. Hindi niya ba alam na bestfriend na ang turing ko sa kanya? Tapos sasabihin niyang hindi niya ako kaibigan? Sinabi niya rin na hindi niya ako tinuturing na kapatid. Wala rin naman siyang gusto sa'kin. So ano ako? Responsibility niya kasi pinilit niya akong mag-report sa police? Kaya lahat ng gagawin ko, dapat alam niya para alam niyang 'di ako mapapahamak? Ano ko siya? Guard?
Hindi na ako nasundan ni Sol kasi nakipagsiksikan ako sa mga taong nagsasayaw. Hindi niya ako makikita kasi nakaflat shoes ako kaya matatangkad ang nakapaligid sa'kin. Isa pa, malaki siya. Hindi niya magagawang makipagsiksikan dito. Napaupo ako sa sahig, sa gitna ng mga tao. Hindi nila ako napapansin dahil busy sila at lahat sila, mga nakangiti. Sana all!
Niyakap ko ang mga tuhod ko at inubob ang mukha rito. Naiiyak talaga ako. Akala ko pa naman, may kaibigan ako. Akala ko lang pala. Totoo ngang hindi mo mapipilit suklian ng iba ang binibigay mo. Kung may ibalik sila, e 'di thank you. Kung wala, e 'di wala. Kasi kusa mong binigay iyon. Hindi nila hiningi. Kaya wala ka ring karapatang humingi ng kapalit.
Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Leo. "Uuwi na ako. 'Di ba, ihahatid mo ako?" Sabi ko habang pilit pinipigilan na mapaiyak.
"Nasaan ka?" Tanong niya. Nag-iba ang boses niya. Mukhang malungkot siya.
"Sa gitna ng ballroom, nakaupo sa sahig. Ako na lang ang---" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang patayin niya ang tawag. Aba bastos 'yun ah!
"Luna." Napatingin ako sa tumawag sa'kin at nakita ko si Leo na nakaupo na rin sa harapan ko. Ang bilis niya. "Okay ka lang?" Malungkot ang mga mata niya at nangungusap ito. Kahit nakasalamin siya, punong-puno ng emosyon 'yung tingin niya kaya napangiti ako at tumango.
"Tara na." Sabi ko. Inalalayan niya akong makatayo at hinila ko siya papunta sa sigurado akong hindi ako makikita ni Sol. Hindi pa ako handang kausapin siya. Ang sakit ng mga sinabi niya e. Hindi ko rin alam kung dapat pa kaming mag-usap. Ayoko sa lahat, 'yung may nag-iisip na isa akong responsibilidad para sa kanila. Ayokong maging pabigat. Oo, mag-isa na lang ako sa buhay pero kaya ko naman mag-isa.
Kaso... ayokong maghiwalay kami ni Sol na may samaan ng loob. Makikipag-ayos din ako sa kanya pero sigurado akong hindi na mababalik 'yung pagtingin ko sa kanya bilang kaibigan.
To be continued...
Kinaumagahan din ay tanghali na akong nagising. Pagtingin ko sa phone ko, lowbatt na. Hindi ko alam kung bakit pero 'di ko naman 'to ginamit kahapon. Nang makapagcharge ako, bumungad sa'kin ang texts and missed calls ni Sol. Gusto niyang mag-usap kami. Dahil ayokong patagalin ang lahat at kaibigan ko naman siya, pumayag na ako. Isa pa, may iaabot ulit ako sa kanya. Kainis kasi e. Nagdadrama ako kahapon kasama si Leo nang lumapit sa'kin 'yung Alanis para ipaabot kay Sol 'yung letter. Mukhang hindi niya rin kasi nahalata na malungkot ako.Kaya lunch time ngayon at kaharap ko siya rito sa table sa isang resto. Ang pormal namin. Wala pa ring nagsasalita kahit na nandito na ang order namin. Nagugutom na ako. Hindi pa ako nagbibreakfast kasi tinanghali na ako ng gising."Kain muna tayo." Mahinahong sabi ko at tumango naman siya. Dahil gutom ako ay sunod-sunod lang ang pagsubo ko hanggang sa mabulunan ako. Mabilis naman akong inabutan ng tubig ni
Sa bahay ako nagcelebrate ng Pasko at tulad ng inaasahan, masaya ako na medyo malungkot. Pero lamang ang saya dahil masaya naman talagang kasama sina Nanay Anne at Ate Kiss. Kasama rin namin si Kuya Teddy. Namiss ko talaga sila. After noche buena, napag-usapan namin ang tungkol sa parents ko."Naniniwala po ba kayong aksidente iyon?" mahinahong tanong ko. Hindi sila nakasagot. Parang nag-alala sila sa 'kin dahil sa mga tinatanong ko. Iniisip kasi nila, hindi ko matanggap ang pagkawala nila kaya naghahanap ako ng masisisi. Pero hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi ako naniniwala na aksidente iyon. Kung aksidente man, siguradong may ibang taong gumawa ng aksidente na iyon."Hindi matutuwa ang magulang mo kung mabubuhay ka nang hindi mapayapa," mahinahong sabi naman ni Ate Kiss. "Alam mo ba kung ano ang natutunan ko sa kanila? Iyon ay huwag magpatali sa nakaraan. Tayo ang gagawa ng kasalukuyan natin." Ngumiti siya pero hindi ko magawang ngu
"Ba't ka nakablack?" inis na tanong ni Bliss kaya napatingin ako sa T-shirt kong black na nakatuck-in sa high-waisted pants ko. "Ano ba 'yan! KJ naman nito," reklamo niya pa at umalis na sa harapan ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang mga tinatapos ko pang gawain dito sa SSG office.May color coding kami ngayong buong week ng Valentine's month. Syempre, pula sa mga happily inlove. Itim sa mga single but not available. Ako 'yun. Si Bliss, naka-pink. Ibig sabihin, single and ready to mingle. Nakita ko si Leo, nakawhite siya. Ibig sabihin, single and happy while waiting. Ibig sabihin, may hinihintay siyang specific person. Nang tinanong namin siya kung sino, hindi siya sumagot. Pinabalik niya lang kami lahat sa trabaho namin. Parang iritable siya. Dahil yata sa ginawa ko noong Friday. Ginawa ko lang naman 'yun para hindi isipin nung lalaki na mahalaga sa'kin si Leo. For sure, mapapahamak si Leo kung patuloy siyang lalapit sa 'kin. Alam kong kaya niya
"How's school, Almira?" nakangiting tanong sa'kin ni Atty. Calisto, asawa ni Atty. Cha. He's nice, pero nakakatakot pareho ang awra nila ni Atty. Cha. Bibihira ko lang din siyang makausap. 'Di kami close pero alam kong mabait siyang tao."So far, ayos naman po," nakangiting sagot ko. Oo, mabait siya pero 'di talaga ako komportable sa kanya. Nakakatakot talaga siya.Nandito kami sa isang resto for dinner kasama si Atty. Cha. Kasama rin namin si Nixon na anak nila. He's a 10 year old kid na ngayon ay busy sa binabasa niya sa ipad niya. Nerd din ang isang 'to, e. 'Di masyadong nagsasalita. Kapag kinakausap ko noon, tango at iling lang siya. Kaya ayaw ko nang kausapin ngayon. Nagmumukha akong tanga."Cal, nasa labas na siya," Atty. Cha intervened then Atty. Calisto nodded as he stood up and leave us, Atty. Cha and Nix, alone. Nakahinga rin ako nang maluwag. Hay salamat! Hindi ko sila tinatawag na Atty. Valencia kasi malilito a
"'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun."Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.She
Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy
"Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka
"Next time, I'll buy you an engagement ring," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. He kissed my knuckle and intertwined our fingers after. Then we started walking again. Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko kasi, e. Nahahawakan ko na siya."After PolSci mo, o after architecture ko ang engagement?" tanong ko.Natawa siya nang bahagya, "gusto mo, ngayon na, e.""Sus! Wala ka pa ngang singsing," biro ko sa kanya."After architecture na lang. Para free ka na," sabi niya na lang. Umupo kami sa isang bench pero 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko."Pres..." sambit ko. Nag-hmm lang siya habang nakatingin sa 'kin. Malapit na akong matunaw mga sis! "Balak ko yata