"'Yung totoo, ayaw mo ba?" nag-aalalang tanong ko kay Leo na kasayaw ko na ngayon at kanina pa siya tahimik na nakatingin sa mukha ko. Mukha nga siyang naglalakad kanina sa ulap habang ginigiya ko siya papunta sa gitna ng ball room para magsayaw. Oo, ako na ang desperada. E sa crush ko siya. Isa pa, si Bliss nga, niyaya rin si Drei, ba't ako mahihiya? Come on, 21st century na tayo.
Ayoko na rin gawin 'yung goal ko na maging first dance ang first love ko. Siya na lang sa first kiss ko. P'wede naman 'yun.
"Of course, gusto," mahinang sabi niya pero mas nagtaka lang ako sa sinabi niya. Kasi nanginginig ang mga kamay niya na nakahawak sa bewang ko. "I want this. I want you, Luna," mahinang sabi niya.
Napabuntong-hininga ako at inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko at nilagay iyon sa likod ko kaya mas napalapit siya sa'kin na kinagulat niya na naman. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay niya.
Shems! Ano ba 'yan, Leo! Ikaw 'yung may pinakamalakas na loob na taong nakilala ko tapos manlalamig lang ang kamay mo dahil sa sayaw na 'to?
"Kalma. Sayaw lang 'to," nakangiting sabi ko at binalik ko sa balikat niya ang mga kamay ko. "Ang cute mo talaga sa malapitan," sabi ko pa dahilan para mamula siya kaya natawa ako nang bahagya. Oh God I really love to do this to this man. "Magcontacts ka na lang kaya? Ang hot mo 'pag walang salamin."
"Luna Almira, ang pasaway mo," mahinang sabi niya. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang ko kaya bumangga na talaga ako sa dibdib niya na kinagulat niya na naman. Ang cute niya talaga. Sarap asarin!
"Sorry, Pres," sabi ko. "'Di ka nila p'wedeng makilala kasi malalagot ako nito. Pati ikaw."
"Kung hahayaan mo lang sana akong tulungan ka, hindi tayo mahihirapan," aniya kaya napangiti ako at umiling.
"Okay na 'tong ganito. Magkaibigan naman tayo. 'Di naman natin kailangang pumasok sa isang commitment para i-justify 'yung feelings natin." Isa pa, gusto ko lang naman siya. Hindi pa ako sure sa nararamdaman ko. Baka kasi magbago rin 'to sa paglipas bg panahon. O baka hanggang crush ko lang siya. Ayokong isettle siya sa hindi siguradong feelings. Hindi pa ako stable.
"But I want you to be mine, Luna."
"Ang bilis naman nun, Pres," natatawang sabi ko pero 'di siya ngumiti. Ang lalim ng mga titig niya. Gusto kong malunod pero gusto ko ring mailigtas ang sarili ko.
"We'll take it slowly," unti-unti siyang ngumiti kaya tumango na ako nang bahagya.
Isa sa mga rason ko kung bakit ayaw ko pang mag-commit ay dahil ang dami ko pang dapat unahin. Ayokong may dumagdag sa priorities ko. Mahihirapan akong gawin ang mga dapat kong gawin kung commited ako sa kanya. Hindi kasi p'wedeng updated siya sa lahat ng plano ko. Hindi lang naman kasi love ang reason kung bakit nagcocommit ang isang tao. Dapat, handa ka rin sa responsibilities... at hindi pa ako handa. Ni hindi ko nga alam kung mahal ko na siya. Ang hirap naman maging teenager.
Oo gusto ko siya, pero alam ko sa sarili ko na hindi pa stable ang feelings ko sa kanya. Maybe he had my first dance, but he's not my first love. May gusto lang talaga ako sa kanya. Pero binigay ko na ang first dance ko kasi hindi ko alam kong magkakafirst love pa ba ako. Baka maikli na lang ang panahong meron ako.
I need to live like this is my last day.
•••
Leo and I stayed as friends for years. Pero 'di ko inakalang mahirap pala kapag nasa friendzone ka lang kahit alam mong pareho kayong may gusto sa isa't-isa. Kasi wala kang karapatang magdemand sa kanya at ipagmalaking sa'yo siya. Kasi hindi naman talaga. Wala naman talagang kayo. Mas pinili niyo kasi sa safest zone; friendzone.
Sina Sol at Alanis, improving na. Oo na, sila na. Si Alanis ang nanligaw. Bilib din talaga ako sa babaeng 'yun. Alam niyang mahihirapan si Sol na tanggihan siya. Pero sa nakikita ko, nagkakafeelings na rin si Sol for Alanis kasi minsan, nababanggit niya na out of the blue ang pangalang Alanis nang hindi ako ang nauunang mag-open ng topic. Natutuwa ako kasi mas naging open din kami ni Sol sa isa't-isa. 'Yun nga lang, mas naging pranka siya sa'kin. Nakakasakit na siya minsan pero at the end of the day, naiisip ko na para rin naman sa'kin ang mga sinasabi niya. Kailangan niya raw maging pranka kasi ang manhid ko raw. Duh! Nagigets ko naman agad ang mga sinasabi niya.
'Yung pakiusap ko naman kay Atty. Cha, naibigay niya na sa'kin. Inampon na nila ako. Ang kapal ko, sobra. Pero kailangan kong mag-paampon para pagbigyan niya ako sa gusto ko. Sa bahay nila ako tumitira kasi kailangan iyon. Baka maging void ang pag-adopt nila sa'kin e. Pero minsan, sa condo ko ako umuuwi.
Sina Nanay Anne, nasa probinsya na. Nakiusap na kasi si Ate Kiss na huwag nang magtrabaho si Nanay Anne dahil matanda na siya. Isa pa, malaki na rin ang kinikita ni Ate Kiss at wala naman siyang pamilyang binubuhay ngayon maliban kay Nanay Anne kaya hindi na kailangan pa ni Nanay na magtrabaho.
So iba na ngayon ang nangangalaga ng bahay. Hindi ko na kilala pero sabi ni Atty. Cha, mapagkakatiwalaan naman daw. Nandito pa rin si Kuya Teddy kaya paminsan-minsan ay dumadalaw ako.
"Ang OA," sabi ni Ate Jaida kay Alanis na parehong inaayusan ako. Wala raw kasi silang tiwala sa make-up artist na hinire ni Atty. Cha for this debut.
Nakauwi na rin pala si Ate Jaida and yes, graduate na siya. Ngayon ay magtitake siya ng medicine dito sa university rin namin para makapagdoctor na siya. Si Alanis at Sol, graduating na. Mabuti nga at gagraduate sila on time. Ako naman, college na. I took architecture! Yes, same kami ni Sol at Alanis. Ang saya kasi ng course niya kahit mahirap. Isa pa, may mga natututunan ako sa kanya kapag nagkakausap kami.
"That's not OA. Bagay 'yan sa gown niya," sabi naman ni Alanis habang minimake-up-an ako pero pinigilan siya ni Ate Jaida at siya na ang pumalit sa pwesto nito.
"Almira is a strong woman but she don't need to look strong during her debut. Make it light," aniya habang tinatanggal ang ibang make-up. Huminga ako nang malalim at tumayo.
"Magpupulbos na lang siguro ako. Mag-ayos na kayo," sabi ko at tumakbo papunta sa CR para maghilamos. Nilock ko ang CR para hindi sila makapasok kaya naman ngayon ay katok sila nang katok. Mukha tuloy akong barbie na makapal ang make up. Pinaglalaruan yata nila ako, e.
Tinawagan ko si Bliss na ngayon ay naghahanda na rin kasi kasali siya sa 18 candles ko. Hindi naman iyon nagpapahuli, e. Same kami ng strand sa senior high at same din kami ngayon ng course. Bestfriend na nga ang turing niya sa'kin. Mas madalas pa kaming magkasama kaysa kay Sol. Grabe talaga siya.
"Hey, debutant. Why did you call?" she asked. 'Di naman siya pala-english pero napipressure daw kasi siya kay Ate Jaida. Yes, nagpupunta siya sa bahay ni Atty. Cha kapag bored siya. Nakakaaway niya tuloy minsan si Nixon.
"Ang ganda mo nung debut mo," sabi ko na tinawanan niya naman.
"Of course, its in the blood, Luna. Gusto mong malahian?" pagmamayabang niya. Natawa ako at napailing. Baliw talaga.
"Ikaw nag-make up ng sarili mo nun, 'di ba?" tanda ko pa na pinagmamayabang niya ang sarili niya nun. Gagawa na nga raw siya ng YouTube channel dahil dun pero 'di naman natuloy.
"Yes! Why?---ah no! I knew it! Pangit mag-make up si Alanis, 'no? I told yah! Nagseselos 'yan sa'yo kasi close kayo ng boyfie niya. Ipapahamak ka talaga niyan." Blah blah blah ang dami niyang sinabing paninira kay Alanis but after more than one hour, dumating na siya sa k'warto ko. Nalungkot naman sina Ate Jaida at Alanis kasi pinagpalit ko sila sa isang madaldal na babae. "Ganda ko talaga. Come here, baby. Sit here. Simulan natin ang transformation mo," sabi niya habang pinapaupo ako sa upuan ko. Inalis niya ang salamin sa harapan ko para raw may spirit of surprise. "Subukan mo namang ngumiti all throughout the celebration kasi magmumukha kang multo if not. Remember, Spanish era ang theme ng debut mo," pag-papaalala niya.
Pang-Spanish era ang napili kong theme ng debut ko para maiba naman. Dito sa bahay ng parents ko gaganapin ang debut. Pupunta rin sina Ate Kiss at Nanay Anne. 'Yung friends ko noong high school sa dati kong school, nakalimutan na ako. Nakakalungkot pero okay lang. Ilayo na nila ang sarili nila sa kapahamakan. 'Yung friends namin ni Bliss noong SHS at JHS, darating. Lalo na 'yung dating SSG officers. Yes, kasama si Leo. Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko sila at ang mga kaklase namin that time despite of me kept on pushing them away.
Naging mabilis ang preperation. Magsisimula na ang debut. Soot ko ang ball gown ko na kulay ginto at off shoulder. Bagay na bagay ang make up ko sa gown ko. Thanks to Bliss na kuhang-kuha ang taste ko. Naging masaya naman sina Ate Jaida at Alanis nang makita ang ginawa ni Bliss kaya 'di na sila nagtatampo.
Hindi ko na sasabihin lahat ng nangyari sa debut. Basta ang alam ko, sobrang saya ko na nandito silang lahat. Naiiyak ako kasi kahit wala ang parents ko, kitang-kita at ramdan kong maraming nagmamahal sa 'kin. Ang dami kong pamilya. Pero natatakot din ako kasi marami palang p'wedeng mawala sa'kin kapag bumalik si Marcus. Though sinasabi ni Leo na hindi na iyon makakalabas, nakakaramdam pa rin ako ng takot.
Para kasi akong namamangka sa gitna ng tahimik na dagat. Sobrang tahimik ng alon, ng tubig. Ang dagat na ito ang buhay ko. Sa sobrang tahimik, alam kong malalim ang pinamamangkaan ko. At sa ilalim nun, mas mapanganib. P'wede akong mamatay kapag lumubog ang bangka ko. Wala akong makakapitan kasi lahat ng taong nasa bangka ko, malulunod din. Siguro, makakatagal kami ng ilang araw pero mamamatay pa rin kami. Kaya bago kami lumubog, dapat, makahanap na ako ng madadaungan. Kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magsagwan. Hindi ko alam kung saang direksyon ako pupunta. Baka mas mapalayo ako kapag mali ang tinungo ko.
"Thank you," sabi ko sa harap ng mic. Tapos na ang 18 candles. Pabibo talaga kahit kailan si Bliss. Magmodel ba naman papunta sa 'kin nang iabot niya ang kandila sa'kin. "I didn't expected that this debut would be this big. Ang dami niyo. I thought, only few will come. Pero ang dami ko pa palang kapamilya. Though my biological parents aren't here, nandito naman kayo. Ang saya ko. I don't know what to say."
Naiiyak ako habang tinitingnan silang lahat na nakangiting nakatingin sa 'kin. Kakayanin ko bang mawala sila? Of course no. I wanna keep them all. Sana wala ng problemang dumating. O kung meron man, sana kayanin ko.
To be continued...
Nagsimula na ang 18 roses at ang unang sinayaw ko ay si Atty. Calisto. Pero gusto niya, tawagin ko siyang papa. Ganun din si Atty. Cha. Pero hindi talaga ako sanay. Nagpapasalamat ako sa kanila kasi hindi nila ako pinabayaan. Pero ngayong 18 na ako, p'wede na akong bumukod sa kanila nang tuluyan. Naibigay ko na rin sa kanila ang dapat kong ibigay pero hindi pa rin nila ako papabayaan. Tinuturuan na rin ako ni Atty. Cha kung paano ko papalaguin ang mga iniwan sa'kin ng parents ko kaya sa ngayon, p'wede na akong makialam sa stocks ko at investments. Mas mapaglalaruan ko na 'yun.Si Nixon ang second rose ko. Medyo matangkad na siya pero kailangan ko pa ring yumuko nang bahagya. Haha ang cute niya. Hindi niya raw maimagine na magiging magkapatid kami. 13 na rin siya."Who's you 18th?" kunot-noong tanong ni Sol na kasayaw ko ngayon. Siya ang 17th ko. Hindi niya alam na may gusto rin sa'kin si Leo kaya wala siyang alam na parang MU kami ng kinaiinisan niya. Naiinis siy
"Uhm Atty. Cha, may kilala kayong Atty. Ibasco?" tanong ko tutal dito ko rin naman siya nakita kanina sa firm nila. "Atty. Ibasco? Yes. Just so you know, he's a good lawyer but not nice. He's the older brother of Marcus Ibasco. So I guess, you met him today?" seryosong tanong niya. Tumango ako dahilan para mapabuntong-hininga siya. Sinara niya ang folder na kanina niya pa ini-scan at humarap sa 'kin. "Mag-iingat ka sa kanya, Luna. Hindi ka gagantihan ng magulang ni Marcus pero kung gaganti si Atty. Ibasco, hindi ka niya papatayin. Paglalaruan ka niya. He really loves to play with people's life. So be more playful than him." "Opo." Nang umalis ako sa office ni Atty. Cha, mas napaisip ako sa kung sino ang Ibasco na iyon. I searched him online. Kakagraduate niya lang sa law school. Kasali siya sa topnotcher sa BAR. Napakatalino naman pala. Bago lang siyang abogado kaya wala pa akong masyadong makitang info sa kung paano siya lumaban. Mukhang hinintay niyang maka
"Next time, I'll buy you an engagement ring," nakangiting sabi niya habang hawak ang kamay ko. He kissed my knuckle and intertwined our fingers after. Then we started walking again. Hindi ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko kasi, e. Nahahawakan ko na siya."After PolSci mo, o after architecture ko ang engagement?" tanong ko.Natawa siya nang bahagya, "gusto mo, ngayon na, e.""Sus! Wala ka pa ngang singsing," biro ko sa kanya."After architecture na lang. Para free ka na," sabi niya na lang. Umupo kami sa isang bench pero 'di niya pa rin binibitawan ang kamay ko."Pres..." sambit ko. Nag-hmm lang siya habang nakatingin sa 'kin. Malapit na akong matunaw mga sis! "Balak ko yata
Natawa ako nang bahagya. Palagi niya na lang sinasabi sa 'kin 'yan. Kapag tinatanong ko naman siya kung saan, hindi niya ako sinasagot nang matino. Kapag nag-assume ako, sasabihin niya, assuming ako. Ang gulo niya!"Sol, sabihin mo kasi. 'Di ba, wala na dapat tayong secrets?" paliwanag ko sa kanya kaya napangisi siya.Nilagay niya ang kamay niya sa gilid ng leeg ko kaya hindi ako nakomportable. Kinakabahan ako. Lumalakas ang heartbeat ko. Bahagya siyang lumapit kasi akala ko, may ibubulong siya pero nagulat na lang ako nang lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nahihilo ako dahil sa paggalaw ng mga labi niya hanggang sa makagat niya ang labi ko at malasahan ko ang sarili kong dugo. Para akong natutunaw. 'Di ko namalayan na gumaganti na pala ako sa mga halik niyang nakakalunod.
Tumango si Leo kaya lumabas na muna ako. Pinasunod ko si Sol sa 'kin hanggang sa makarating kami sa rooftop. Buong paglalakad namin, tahimik lang siya. Kahit hindi ko siya tinitingnan, alam kong nakatingin siya sa'kin mula sa likod. Ramdam na ramdam ko ang mga titig niya at nasasaktan ako dahil dun. Sobrang malapit na kami sa isa't-isa. Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan ayokong may mawala sa'kin ni isa?"Pakiramdam ko, may kinalaman ang kapatid ni Marcus sa pagkakatakas niya," panimula ko. Hindi ko alam kung alam niya na ang tungkol kay Atty. Ibasco. Hindi ko rin makita ang reaksyon niya kasi nasasaktan ako kapag nakikita siya. Naaalala ko 'yung kataksilang ginawa ko.Nakapatong lang ang mga braso ko sa railings ng rooftop habang nakatingin ako sa malayo."Atty. Ibasco... I read about him," sabi niya pa. So alam niya na pala? Paano?"Kapatid siya sa labas ni Marcus. Hindi siya malapit sa Ina niya kasi anak ito ng asawa niya sa ibang babae. Kaya hindi
Bumyahe na kami papunta kina Atty. Cha at dala ko na rin ang mahahalagang gamit ko, pati ang pusa ko. Hindi ko alam kung matutuloy pa ako sa birthday ni Bliss dahil kay Marcus. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Dagdag pa na matampuhin siya, baka 'di niya na ako kilalaning kaibigan."Thank you, Leo, for bringing Almira here," sabi ni Ate Jaida na nandito sa bahay. Nasa trabaho sina Atty. Cha at Atty. Calisto kaya sila ni Nixon lang ang natira rito sa bahay."Wala po 'yun, Ate Jaida," nakangiting sabi ni Leo sabay tingin sa'kin. "Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka.""Dito ka na maglunch," sabi ko sa kanya kasi mukhang aalis na siya."Yes, Leo. Apat lang tayo ngayon. Mom and Dad aren't here," nakangiting sabi naman ni Ate Jaida. "Gonna excuse myself, first. Al, ikaw muna bahala sa kanya."Tumango lang at bago siya umalis. Dinala ko si Leo sa garden, sa likod ng bahay. Maraming guard dito kaya safe kami. Pero paano si Sol? Dapat magin
"How was Jaida there?" tanong ni Alanis nang makita ako."Okay lang. Patapos na rin."Pinilit kong ngumiti at hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin? Hindi mo naman na iyon uulitin, 'di ba, Luna? Kaya kumalma ka na diyan."Can we talk?" tanong pa niya dahilan para mapatingin ako kay Sol na nakapoker face lang. Aba, kinabahan ako dun tapos siya, kalmado lang?"Sige. About sa'n?" tanong ko."Labas tayo, Luna," nakangiting sabi niya sabay hila sa'kin palabas ng bahay. Nagpunta kami sa garden. "About Sol," mahinang sabi niya at kitang-kita ko kung paano nagpalit from masaya to malungkot ang mga mata niya. "Ayos lang ba siya? These past few days, dumadalang ang pag-uusap namin. He's busy lately and he's up to something. Then everytime that we were talking, he's acting cold. Seems like I'm not his girlfriend. I just want to know if he's okay or is there a problem? May nasasabi ba siya sa 'yo?"Nagbago
Byahe na namin papunta sa Batangas at may service na pinrovide si Bliss kaya sama-sama kami sa sasakyan niya. Dalawang van ang nagamit namin. Ang huling naaalala kong tao na nasa van na bago ako makatulog ay si Ate Jaida, Andrei, Amy at Bliss. Nasa bandang likod ako kasi balak ko talagang matulog sa byahe. Nagsuot din ako ng earphones para hindi marinig ang ingay nila. Hindi ako iniistorbo ng mga kasama ko kasi sinabihan sila ni Ate Jaida na huwag. Puyat talaga ako at pagod. Kahapon kasi, maghapon akong naghanap ng info about sa doctor ni Marcus. Gabi na nga kami nakauwi ni Sol at hindi naman kami totally magkasama. Mahahalata kasi kami kung nasa iisang lugar kami. Nang gabi naman, nireview ko lang 'yung pinapaaral sa 'kin ni Atty. Cha kasi wala na talaga akong energy.Ilang sandali pa ay nagising na ako at tumatakbo na ang sasakyan namin. Tahimik na rin ang mga nakasakay. Mukhang natutulog na ang iba sa kanila. Ang aga naman kasi naming bumyahe. Tiningnan ko ang katabi ko at