Bumyahe na kami papunta kina Atty. Cha at dala ko na rin ang mahahalagang gamit ko, pati ang pusa ko. Hindi ko alam kung matutuloy pa ako sa birthday ni Bliss dahil kay Marcus. Hindi pa kasi nila alam ang tungkol doon. Dagdag pa na matampuhin siya, baka 'di niya na ako kilalaning kaibigan.
"Thank you, Leo, for bringing Almira here," sabi ni Ate Jaida na nandito sa bahay. Nasa trabaho sina Atty. Cha at Atty. Calisto kaya sila ni Nixon lang ang natira rito sa bahay.
"Wala po 'yun, Ate Jaida," nakangiting sabi ni Leo sabay tingin sa'kin. "Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka."
"Dito ka na maglunch," sabi ko sa kanya kasi mukhang aalis na siya.
"Yes, Leo. Apat lang tayo ngayon. Mom and Dad aren't here," nakangiting sabi naman ni Ate Jaida. "Gonna excuse myself, first. Al, ikaw muna bahala sa kanya."
Tumango lang at bago siya umalis. Dinala ko si Leo sa garden, sa likod ng bahay. Maraming guard dito kaya safe kami. Pero paano si Sol? Dapat magin
"How was Jaida there?" tanong ni Alanis nang makita ako."Okay lang. Patapos na rin."Pinilit kong ngumiti at hindi ko magawang tumingin sa kanya nang diretso. Ano ba naman 'tong nangyayari sa'kin? Hindi mo naman na iyon uulitin, 'di ba, Luna? Kaya kumalma ka na diyan."Can we talk?" tanong pa niya dahilan para mapatingin ako kay Sol na nakapoker face lang. Aba, kinabahan ako dun tapos siya, kalmado lang?"Sige. About sa'n?" tanong ko."Labas tayo, Luna," nakangiting sabi niya sabay hila sa'kin palabas ng bahay. Nagpunta kami sa garden. "About Sol," mahinang sabi niya at kitang-kita ko kung paano nagpalit from masaya to malungkot ang mga mata niya. "Ayos lang ba siya? These past few days, dumadalang ang pag-uusap namin. He's busy lately and he's up to something. Then everytime that we were talking, he's acting cold. Seems like I'm not his girlfriend. I just want to know if he's okay or is there a problem? May nasasabi ba siya sa 'yo?"Nagbago
Byahe na namin papunta sa Batangas at may service na pinrovide si Bliss kaya sama-sama kami sa sasakyan niya. Dalawang van ang nagamit namin. Ang huling naaalala kong tao na nasa van na bago ako makatulog ay si Ate Jaida, Andrei, Amy at Bliss. Nasa bandang likod ako kasi balak ko talagang matulog sa byahe. Nagsuot din ako ng earphones para hindi marinig ang ingay nila. Hindi ako iniistorbo ng mga kasama ko kasi sinabihan sila ni Ate Jaida na huwag. Puyat talaga ako at pagod. Kahapon kasi, maghapon akong naghanap ng info about sa doctor ni Marcus. Gabi na nga kami nakauwi ni Sol at hindi naman kami totally magkasama. Mahahalata kasi kami kung nasa iisang lugar kami. Nang gabi naman, nireview ko lang 'yung pinapaaral sa 'kin ni Atty. Cha kasi wala na talaga akong energy.Ilang sandali pa ay nagising na ako at tumatakbo na ang sasakyan namin. Tahimik na rin ang mga nakasakay. Mukhang natutulog na ang iba sa kanila. Ang aga naman kasi naming bumyahe. Tiningnan ko ang katabi ko at
Parang gusto ko na lang lumubog muna sa lupa dahil sa tanong na iyon. Gusto kong umuwi bigla."I'm jealous, of course. But I trust Luna and Sol. They are just bestfriends and Luna is my friend. Sol was my friend and now my boyfriend. This really hurts me inside but I just want to hide this. Because this is just mine," nakangiting sabi niya pero nakikita kong naluluha siya. Hindi ko maiwasang masaktan dahil sa narinig ko. "I know that Sol loves me, right?" tanong niya kay Sol na katabi niya ngayon. Nakatingin sa 'kin si Sol kaya tuluyan na akong naluha. Agad akong umiwas ng tingin. Mabuti na lang at lahat sila, nakatingin kay Alanis kaya hindi nila ako nakita."Right," tugon ni Sol kaya nakahinga ako nang maluwag. Nasasaktan ako para kay Alanis. Gusto kong ayusin lahat-lahat. Ang nakikita ko lang na paraan, iwasan si Sol. Magpakalayo-layo. Kaso paano? Paano ako lalayo kung maiisip kong baka bigla na lang magpakita si Marcus at balikan niya ang mga kaibigan ko? Baka sa o
Kinaumagahan ay late na kami nagising dahil mga lasing na sila samantalang ako, umaga na nakatulog. Hindi ako nakatulog nang maayos kakaisip ng usapan namin ni Sol. Nag-aalala ako, baka ngayon siya makipag-break kay Alanis. Huwag naman sana. Baka magwalk out si Alanis, ang layo pa naman namin sa Maynila.Sabay-sabay kami ngayong naglalunch sa isang mahabang table. Nasa 30 lang naman kaming lahat or more? Baka tulog pa ang iba. Hindi ko na kasi sila maalala lahat. Hindi ko kilala ang iba, e."Later, may gig ang Moon band so I guess, we're going to enjoy again. I really love this birthday!" tuwang-tuwang sabi ni Bliss kaya natawa ang iba sa kanya. Spoiled talaga siya ng magulang niya. Palibhasa, solong anak. Kaya binibigay ang lahat."What time?" tanong ni Amy na parang sabog na sabog pa."5pm but I assume, they're going to start at 6," sagot naman ni Bliss. Sila iyong kumanta sa school dati noong nagconfess ako kay Leo. Kinanta pa nga nila ang Synesthesia,
Nakalunok ako at agad na tumango. "Then gagawin ko. Kahit anong gusto mo. I'm going to gain your trust again," sabi ko sa kanya.Napangiti siya at tumango, "thank you for being honest, Luna. Ang galing ng timing mo. Wala akong ibang mapuntahan dito," natatawang sabi niya kasi nasa gitna kami ng tubig. Balak niya yatang magwalk out."Sorry. Gusto ko lang na magkaayos tayo. Sorry, Pres," sabi ko pa."Basta huwag mo nang gagawin. Ang sakit kasi," natatawang sabi niya sabay hampas nang bahagya sa dibdib niya."Sorry." Pinunasan ko ang mga luha niya at ganun din siya sa mga luha ko. We're wiping each others tears na ako lang naman ang may gawa. "Sorry Pres. Sorry tala---"Natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya akong halikan. Gosh! I want this kiss! Parang uhaw sa lahat. Tinanggal ko ang salamin niya na nakakaharang sa mga mata namin nang hindi bumibitaw sa mga labi niya. Ramdam ko bawat hawak niya sa katawan ko na parang sinasabi niyang sa kanya lah
Nang hapon na at nakauwi na sina Aling Oryang, niyaya ako ni Ella lumabas. Pero sa totoo lang, napilitan lang siyang isama ako kasi hindi siya pinapayagan lumabas nina Aling Oryang at Mang Gabo nang mag-isa lalo pa't maggagabi na rin. Delekado raw lumabas mag-isa lalo pa't babae. Sus!May sayawan daw kasi sa baryong ito at gusto niyang dumalo. Darating din daw kasi ang mga kaibigan niya at ayaw niyang mapag-iwanan. Iiwan niya lang daw ako saglit at babalikan kapag uuwi na kami. Basta huwag daw akong aalis. Ayaw ko man ng ideya niya, wala naman akong magawa. Gusto ko lang, makasundo ko siya kasi ang bait sa 'kin ng pamilya niya.Nakarating kami sa may sayawan at iniwan niya ako sa labas. Huwag daw akong magpapakita sa mga kaibigan niya. Kinakahiya niya ba ako? Pangit ba ako? Sabi ni Tonyo, maganda naman daw ako, e. Sabi ni Aling Oryang, mukha naman daw akong mayaman. Kaya bakit ako kinakahiya ni Ella? Ganun lang siguro siya kagalit sa 'kin.Ilang minuto pa akong
Lumipas ang mga buwan na wala pa ring balita tungkol sa 'kin. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa ang totoong ako."Ano ba! Bibili ka ba o hindi? Ang daldal mo!" bulyaw ni Ella kay Tori na kanina pa nangungulit dito sa talilapa. Lalo tuloy umiingay ang paligid."Hindi ikaw ang kausap ko!" inis naman na sabi ni Tori kaya napailing na lang kaming dalawa ni Aling Oryang. "Sige na po, Aling Oryang, payagan niyo na si Tala sumama sa ‘kin. Hindi naman po kami magtatagal," pakiusap niya pa."Oo na, sige na basta mag-iingat kayo roon," nakangiting sabi ni Aling Oryang kaya napatalon sa saya si Tori at niyakap ito. Pagkatapos ay hinila niya na ako palabas ng talipapa. Ang ingay niya talaga. Matagal niya na kasi akong kinukulit na sumama sa Maynila para raw masamahan ko siyang magshopping doon.Simula nang iligtas ko siya, palagi niya na akong kinukulit. Feeling niya raw, kambal kami. Kapag wala siyang pasok, nakatambay siya sa talipapa o sa bahay
"'Di mo ba itatanong kung anong pangalan niya?" tanong ni Tori habang naglalakad kami papunta sa garden kung nasaan ang mga bisita at mga pagkain. Nasa table na raw kasi nila ang iba niyang kaibigan at sasama raw ako sa kanila. "Siya si Architect Dela Cuesta. Amorsolo Xavier ang pangalan niya pero mas kilala siya bilang Sol,” paliwanag niya paSol? Pamilyar talaga siya sa ‘kin. Parang ang lalim ng pinagsamahan namin. Pero hindi siya pumapasok sa alaala ko. Kilala niya kaya 'yung Pres?Pinakilala ako ni Tori sa mga kaibigan niya pero dahil hindi ako magaling makihalubilo, hindi ako makasabay sa usapan nila. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko. Kamamasid ko, nakita ko na naman si Architect Dela Cuesta na nakatingin sa ‘kin at kasama niya sina Mayor at ibang matatanda.Bakit niya ako tinitingnan? Kinakabahan na ako sa kanya. Baka siya 'yung gustong pumatay sa ‘kin. Naghihintay lang siya ng pagkakataon kasi marami
"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.
"Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak
"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai
Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho