Nang hapon na at nakauwi na sina Aling Oryang, niyaya ako ni Ella lumabas. Pero sa totoo lang, napilitan lang siyang isama ako kasi hindi siya pinapayagan lumabas nina Aling Oryang at Mang Gabo nang mag-isa lalo pa't maggagabi na rin. Delekado raw lumabas mag-isa lalo pa't babae. Sus!
May sayawan daw kasi sa baryong ito at gusto niyang dumalo. Darating din daw kasi ang mga kaibigan niya at ayaw niyang mapag-iwanan. Iiwan niya lang daw ako saglit at babalikan kapag uuwi na kami. Basta huwag daw akong aalis. Ayaw ko man ng ideya niya, wala naman akong magawa. Gusto ko lang, makasundo ko siya kasi ang bait sa 'kin ng pamilya niya.
Nakarating kami sa may sayawan at iniwan niya ako sa labas. Huwag daw akong magpapakita sa mga kaibigan niya. Kinakahiya niya ba ako? Pangit ba ako? Sabi ni Tonyo, maganda naman daw ako, e. Sabi ni Aling Oryang, mukha naman daw akong mayaman. Kaya bakit ako kinakahiya ni Ella? Ganun lang siguro siya kagalit sa 'kin.
Ilang minuto pa akong
Lumipas ang mga buwan na wala pa ring balita tungkol sa 'kin. Nawawalan na ako ng pag-asa na mahahanap ko pa ang totoong ako."Ano ba! Bibili ka ba o hindi? Ang daldal mo!" bulyaw ni Ella kay Tori na kanina pa nangungulit dito sa talilapa. Lalo tuloy umiingay ang paligid."Hindi ikaw ang kausap ko!" inis naman na sabi ni Tori kaya napailing na lang kaming dalawa ni Aling Oryang. "Sige na po, Aling Oryang, payagan niyo na si Tala sumama sa ‘kin. Hindi naman po kami magtatagal," pakiusap niya pa."Oo na, sige na basta mag-iingat kayo roon," nakangiting sabi ni Aling Oryang kaya napatalon sa saya si Tori at niyakap ito. Pagkatapos ay hinila niya na ako palabas ng talipapa. Ang ingay niya talaga. Matagal niya na kasi akong kinukulit na sumama sa Maynila para raw masamahan ko siyang magshopping doon.Simula nang iligtas ko siya, palagi niya na akong kinukulit. Feeling niya raw, kambal kami. Kapag wala siyang pasok, nakatambay siya sa talipapa o sa bahay
"'Di mo ba itatanong kung anong pangalan niya?" tanong ni Tori habang naglalakad kami papunta sa garden kung nasaan ang mga bisita at mga pagkain. Nasa table na raw kasi nila ang iba niyang kaibigan at sasama raw ako sa kanila. "Siya si Architect Dela Cuesta. Amorsolo Xavier ang pangalan niya pero mas kilala siya bilang Sol,” paliwanag niya paSol? Pamilyar talaga siya sa ‘kin. Parang ang lalim ng pinagsamahan namin. Pero hindi siya pumapasok sa alaala ko. Kilala niya kaya 'yung Pres?Pinakilala ako ni Tori sa mga kaibigan niya pero dahil hindi ako magaling makihalubilo, hindi ako makasabay sa usapan nila. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid ko. Kamamasid ko, nakita ko na naman si Architect Dela Cuesta na nakatingin sa ‘kin at kasama niya sina Mayor at ibang matatanda.Bakit niya ako tinitingnan? Kinakabahan na ako sa kanya. Baka siya 'yung gustong pumatay sa ‘kin. Naghihintay lang siya ng pagkakataon kasi marami
Maaga akong gumising at nagpunta sa dalampasigan. Hinintay ko lang na magbukangliwayway. Ang gaan kasi sa pakiramdam. Para bang may bagong pag-asa sa bawat paglubog ng araw ng kahapon."Ang aga mo naman, Tala,” nakangiting sabi ni Mang Gabo na may dalang tasa ng kape niya. "Kamusta ang kasiyahan kina Mayor?" tanong niya pa."Ayos naman po. Maraming bisita,” sagot ko at napatango naman siya. "Mang Gabo, paano niyo po ako natagpuan dito?" tanong ko. Dito niya raw kasi ako nakita. Akala niya nga, patay na ako kasi may tama ako sa ulo."Diyaan sa may batong iyan, nakadapa ka. May sugat sa ulo at namumutla. Wala ka ring pang itaas. Nakapanloob ka lang. Mukha ngang turista ngunit wala namang naghahanap sa iyo rito sa aming Bario."Natigilan ako sa sinabi niya. Walang naghahanap sa ‘kin? Paano nila iisipin na patay na ako gayong wala naman silang nakitang bangkay ko? Sabagay, sa tagal kong nawawala, malamang iisipin nilang kinain na ako ng mga
Ang selfish niya dun sa part na gusto niya akong makuha samantalang wala akong maalala ngayon. Hindi ko pa nga maalala masyado 'yung Pres tapos heto naman siya? Mukhang seryoso talaga siya sa sinasabi niyang mahal niya ako. Pero paano kung may mahal pala akong iba bago ako magkaamnesia?Sino ba 'yung Pres? 'Yung nerd? At bakit galit na galit sa kanila si Architect Dela Cuesta? Kahit ako, natatakot na rin kay Architect pero kapag nakikita ko ang mga mata niya, nagiging pamilyar ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Siya lang 'yung pamilyar sa ‘kin ngayon. Kahit medyo naiilang ako sa kanya, alam ko na ligtas ako kapag kasama siya. Ang alam ko lang, nalulungkot ako kapag nakikita kong malungkot at nasasaktan siya. Siguro kasi kaibigan ko siya, sabi niya? Ganun naman talaga kapag kaibigan mo.Sana maalala ko na siya...Hapon na at nandito ako sa dagat, nakalubog lang. Baka may maalala ako kapag nagtagal pa ako."Luna!"Napalingon ako sa sumigaw a
Umaasa na lang ako na walang makakahalata rito dahil sa mga tingin niya sa akin at sana, wala siyang babanggiting pangalan ko kasi hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyong magiging tanong nina Aling Oryang."Si Tori?" tanong ni Ella.Umiling si Architect, "si Tala,” sagot niya dahilan para mabuga ko kay Ella ang tubig na iniinom ko. Sa inis niya ay napatayo siya habang sumisigaw. Sinamaan ko ng tingin si Architect Dela Cuesta na ngayon ay natatawa na lang."Nakakainis ka talaga Tala!" sigaw ni Ella sabay punta sa k'warto namin para magpalit."Sorry,” bulong ko na ako na lang ang nakarinig."May gusto ka ba kay Tala, Iho?" seryosong tanong ni Mang Gabo kaya tumingin ako kay Architect Dela Cuesta habang umiiling. Huwag! Kapag nalaman nila na kilala ako ni Architect, baka paalisin na nila ako rito. Ayoko pa. Hindi pa ako handa."Mahal ko po siya,” sagot niya kaya napapikit na lang ako nang mariin."Ganun ba? May amne
"I miss you... so much... Luna,” wika niya sa gitna ng mga halik niya kaya mabilis ko siyang tinulak at agad akong tumayo habang umiiling.Hindi 'to p'wede! Pakiramdam ko, may mali! Alam kong may mali sa ginagawa namin. Sabi niya, may boyfriend ako. Kahit pa iniisip nilang patay na ako, dapat tapat pa rin ako sa nararamdaman ko para sa boyfriend ko. Pero bakit ako naguguluhan ngayon? Bakit ramdam ko rin na mahal ko si Architect Dela Cuesta?"Mali 'to,” mahinang sabi ko sa kanya kasabay ng pagbagsak ng luha ko. Tumakbo ako pabalik ng bahay at hindi ko na siya hinintay pa. Bahala na siya kung saan niya gustong matulog. Basta gusto ko lang tanggalin 'tong bigat na nararamdaman ko.Wala pa akong naaalala pero natatakot na ako sa maaaring gulong kaharapin ko kapag nakaalala na ako. Natatakot akong malaman kung anong klaseng tao ako bago ako mawalan ng alaala.Gusto kong maalala si Leo. Wala akong pakialam kung hindi niya ako naaalala basta gusto ko
"Sidechick ba ako noon?" hindi makapaniwalang tanong ko kaya siya naman ngayon ang hindi makapagsalita. Nabigla siya sa taong ko. Nakasira ba ako ng relasyon noon? Ganun ba ako kasama noon? Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Ang sakit."No, you're not,” mahinang sabi niya. Dudugtungan niya pa sana ang sinasabi niya pero kumatok na naman si Tori. Nasa labas pa pala siya. Narinig niya kaya?"Labas na kayo. Hindi na ako manggugulo sa inyo,” mahinahong sabi ni Tori kaya nang makahanap ako nang pagkakataon, agad kong tinulak si Architect Dela Cuesta paalis sa may pinto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Tori na umiiyak. Nakatulala lang din siya sa ‘kin na para bang nakakita ng multo."Tori...” sambit ko at mabilis ko siyang niyakap, "sorry,” iyon na lang ang nasabi ko. Sobrang nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Siya lang ang kaibigan ko rito tapos nasaktan ko pa siya. Napakasama ko."Magkakilala pala kayo?" mahinang tano
"He's not dead. Si Pres? Where is he? Is he fine? Sol, si Pres, baka balikan siya ni Marcus. Hindi p'wede!"Ayoko! 'Di ko kakayanin! Alam ni Marcus na may relasyon kami ni Leo."Shush don't cry! How can you say that he's not yet dead? He's dead! That house in Laguna was burned to ashes and his body is included to those ashes,” paliwanag niya pero umiiling lang ako habang nagsasalita siya kasi alam ko ang totoo. Kailangan niya 'yung malaman.Napatingin ako kay Tori na naguguluhan sa pinag-uusapan namin ni Sol. Hindi niya ‘to p'wedeng malaman. Ligtas siya kung wala siyang alam. Iyon ang napatunayan ko nang makita ko ang krimeng iyon. "Tori…” sambit ko."N-nakakaalala ka na?" pagtataka niya kaya ngumiti ako at tumango nang bahagya. "Hala, hindi na Tala ang tawag ko sa ‘yo?" tanong niya pa kaya bahagya akong natawa."Ako pa rin 'yung Tala na kilala mo. Salamat, Tori. Pero... p'wede bang iwan mo muna kami? Confidential kas