"Sidechick ba ako noon?" hindi makapaniwalang tanong ko kaya siya naman ngayon ang hindi makapagsalita. Nabigla siya sa taong ko. Nakasira ba ako ng relasyon noon? Ganun ba ako kasama noon? Napahawak na lang ako sa dibdib ko. Ang sakit.
"No, you're not,” mahinang sabi niya. Dudugtungan niya pa sana ang sinasabi niya pero kumatok na naman si Tori. Nasa labas pa pala siya. Narinig niya kaya?
"Labas na kayo. Hindi na ako manggugulo sa inyo,” mahinahong sabi ni Tori kaya nang makahanap ako nang pagkakataon, agad kong tinulak si Architect Dela Cuesta paalis sa may pinto. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Tori na umiiyak. Nakatulala lang din siya sa ‘kin na para bang nakakita ng multo.
"Tori...” sambit ko at mabilis ko siyang niyakap, "sorry,” iyon na lang ang nasabi ko. Sobrang nasasaktan akong makita siyang nasasaktan. Siya lang ang kaibigan ko rito tapos nasaktan ko pa siya. Napakasama ko.
"Magkakilala pala kayo?" mahinang tano
"He's not dead. Si Pres? Where is he? Is he fine? Sol, si Pres, baka balikan siya ni Marcus. Hindi p'wede!"Ayoko! 'Di ko kakayanin! Alam ni Marcus na may relasyon kami ni Leo."Shush don't cry! How can you say that he's not yet dead? He's dead! That house in Laguna was burned to ashes and his body is included to those ashes,” paliwanag niya pero umiiling lang ako habang nagsasalita siya kasi alam ko ang totoo. Kailangan niya 'yung malaman.Napatingin ako kay Tori na naguguluhan sa pinag-uusapan namin ni Sol. Hindi niya ‘to p'wedeng malaman. Ligtas siya kung wala siyang alam. Iyon ang napatunayan ko nang makita ko ang krimeng iyon. "Tori…” sambit ko."N-nakakaalala ka na?" pagtataka niya kaya ngumiti ako at tumango nang bahagya. "Hala, hindi na Tala ang tawag ko sa ‘yo?" tanong niya pa kaya bahagya akong natawa."Ako pa rin 'yung Tala na kilala mo. Salamat, Tori. Pero... p'wede bang iwan mo muna kami? Confidential kas
"Kung gusto mo mag-aral, gagawan ko ng paraan. Basta mag-aaral ka nang mabuti?" tanong ko pa kaya napangiti siya at tumango. Matalino si Tonyo at ayokong masayang ang talino niya. Bata pa siya. Malayo pa ang mararating niya. "Anong gusto mong maging?""Doctor po, Ate Tala!" excited niyang sabi kaya natawa ako nang bahagya. Ang mahal naman ng course niya haha pero sige, why not? Si Ate Kiss nga, pinag-aral nina Mama at Papa, ano ba naman 'yung dagdagan ko ang scholar nila? Si Tonyo lang naman. Si Ella kasi, parang sasayangin niya lang. Siya 'yung tipo na magbubulakbol. Wala siyang hilig mag-aral. Hindi siya nagsisikap. Hindi siya madiskarte. Iyon ang napansin ko sa kanya."Naku, Tala! Isipin mo muna ang sarili mo. Huwag mo kaming alalahanin dito,” ani Aling Oryang kaya ngumiti ako at umiling."Ayos lang po,” sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila kasi nandito na si Sol. Nang pasakay na ako sa kotse niya, humabol naman si Tori. Pagkababa niya sa kotse ng
Nandito ako sa sasakyan ni Sol at papunta kami ngayon kay Leo. Hindi ko alam kung nasaan siya pero sabi ni Sol, alam niya raw. Hapon na rin at kahit summer ngayon, umuulan pa rin."'Di ka pa graduate nang magsimula 'yung project mo sa province. Anong nangyari?" tanong ko. Nakapagtataka lang. Ngayon lang siya grumaduate at mag-aapprenticeship pa siya bago siya mag-board exam. So hindi pa talaga siya ganap na Architect.Napangiti siya at napailing, "they liked my plan. Simple and appropriate for their clinic,” aniya kaya napangiti ako at napatango. Sa college kasi namin, maraming nagkakagusto sa plan ng archi student. Kapag gusto ang sa ‘yo, p'wedeng mabili. Kaya nagkakapera agad sila kahit estudyante pa lang. Pero kung hindi ka naman magaling, wala rin."Wow! Congrats to that. Pero ba't ang tagal matapos?" Inabot siya ng ilang buwan doon, e. Ang liit lang naman ng project. Aside from that, he don't need to stay their everyday. He could visit the site
"A-ang sarap kasi ng spaghetti,” pagsisinungaling ko na lang sabay iwas ng tingin sa kanya at nagpunas na ng luha. "Grabe, wala kasi nito sa 'min. Ang sarap talaga,” natatawang sabi ko habang sumusubo kaya natawa rin siya nang bahagya."If you want more, meron pa dun. P'wede mo rin dalhan ang pamilya mo,” sabi niya kaya tumango ulit ako. "You know what, you look familiar. Have we seen each other before?" he asked at muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.Shems! Naaalala niya ba ako? Pero pamilyar lang naman. Ganyan din naman ako dati. Hanggang pamilyar lang."Oo. Sa parking lot dati. 'Yung nabungguan mo?" sabi ko kaya napaisip siya kung kailan iyon. Then his lips parted while he's nodding with amusement on his face."That curly hair girl! Yea! I remember you. 'Di ba, may nangyari sa ‘yo pero tinulak mo lang ako noong tutulungan kita?" natatawang sabi niya kaya natawa rin ako. Hindi ko alam that time na siya pala ang boyfriend ko
"Stop threatening me, Sol. I'll do this so they won't recognized me," kunot-noong sabi ko. Pinigilan niya pa ako nang pinigilan pero hindi ako nagpapigil. Muntik niya na nga akong buhatin paalis sa lugar na 'yun pero binalaan ko siya na sisigaw ako ng kidnap. Mabubugbog talaga siya rito. Ha!Medyo masakit ang ginawa sa ‘kin sa loob pero nang makita ko naman ang result, natuwa naman ako. Bagay naman pala sa ‘kin. Nakangiti akong lumabas pero nakabusangot si Sol nang makita ko."Bagay ba?" tanong ko habang pinapakita ang pinatattoo kong nunal sa kaliwang bahagi, lower part ng pisngi ko. Maliit lang naman pero at least, may differences na kami ni Luna. Si Luna, straight hair at walang spot sa mukha. Ako meron."No!" masungit na sagot niya at naglakad na palayo sa ‘kin habang nakapamulsa.Napabuntong-hininga na lang ako at napailing bago siya sinundan sa kotse niya. Nandun na rin ang mga pinamili namin, e. Tinext na ako ni Atty. Cha kung saa
Lumipas ang mga araw ko at nakokompleto ko na ang mga gamit ko sa bahay. Ang unang binili ko, laptop, papers and pen. Kasi kailangan ko nang masimulan ang paghahanap kay Marcus. Si Atty. Ibasco ang makakapagturo sa ‘kin kung nasaan ang kapatid niya kaya siya ang uunahin kong imbistigahan. Isusunod ko ang parents nila.May kakaunti na rin akong gamit dito na pinadadala ni Atty. Cha gaya ng mga gamit sa pagkain, sa banyo at mga ibang basic need such as higaan ko at kumot ko. Hindi pa nakokompleto. Ayoko kasing bumili nang bumili ng mga gamit kasi baka hindi naman ako magtagal dito.Pero gusto ko nang makabili ng sofa. Hindi ako makahiga sa upuan ko rito na gawa sa bamboo, e.Mula sa pagkakadapa ko sa kama ko, kinuha ko ang laptop ko at naghanap ng couch online. Papadeliver ko na lang. Nakapag-order ako ng light brown na couch na medyo malaki. P'wede ko nang kama, e. Nagustuhan ko kasi p'wede ko nang gawin sa sala ang mga gagawin ko nang hindi umaakyat sa k'w
"Hindi niya man lang maramdaman na may mahal siyang iba. O baka ganun lang ako kadaling mapalitan kasi 'di niya naman ako kilala. Nakakatawa," natatawang sabi ko. "Mahal niya lang ako kapag naaalala niya ako. Akala ko, hindi makakalimutan ng puso ang nakalimutan ng utak. Siguro... nasa utak niya lang talaga ako. Wala sa puso." Natawa na naman ako pero iyak pa rin ako nang iyak. "Masyado kasi akong naniniwala sa true love, e. Dapat, maniwala ako na love is a choice. That I can choose to forget him and unlove him not the way on how I loved him."Naramdaman ko na lang na niyakap ako nang marahan ni Sol mula sa likod. Hindi niya 'yun p'wedeng higpitan kasi may bali pa ako sa braso. "I'll help you to forget him," bulong niya.Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin dun. Pinabitaw ko siya sa pagkakayakap niya sa ‘kin mula sa likod at hinarap ko siya. Umiiyak pa rin ako pero hindi na humihikbi.Kitang-kita ko sa mga mata niya '
Napangiti siya at tumango nang bahagya, "that's my girl,” he said and started the engine.Bumyahe na kami papunta sa Laguna. Para walang makakilala sa 'min na maaaring tauhan ni Marcus o Atty. Ibasco, nagdisguise ulit kami. Medyo initiman ko ang mukha ko. Hindi ko na sinoot ang wig ko na binili namin ni Sol nung nagpatattoo ako kasi bago na ang hairstyle ko. Gagamitin ko 'yun next time. Nakamaong jacket kami at pants na black and white shoes. Nakasoot din kami ng sombrero at sunglasses."I'll be second year this year. What's your advice?" I asked. Hindi ko na magiging kaklase si Bliss kasi third year na siya sa pasukan."Work hard and study hard,” nakangiting sagot niya so I frown. 'Yan na ang advice niya sa ‘kin dati, e. "And time management. You have to maintain your high grades for scholarship. You can do that,” sabi niya pa kaya tumango ako at bumuntong-hininga.Kailangan ko palang taasan ang grades ko para hindi magtaka ang mg