"He's not dead. Si Pres? Where is he? Is he fine? Sol, si Pres, baka balikan siya ni Marcus. Hindi p'wede!"
Ayoko! 'Di ko kakayanin! Alam ni Marcus na may relasyon kami ni Leo.
"Shush don't cry! How can you say that he's not yet dead? He's dead! That house in Laguna was burned to ashes and his body is included to those ashes,” paliwanag niya pero umiiling lang ako habang nagsasalita siya kasi alam ko ang totoo. Kailangan niya 'yung malaman.
Napatingin ako kay Tori na naguguluhan sa pinag-uusapan namin ni Sol. Hindi niya ‘to p'wedeng malaman. Ligtas siya kung wala siyang alam. Iyon ang napatunayan ko nang makita ko ang krimeng iyon. "Tori…” sambit ko.
"N-nakakaalala ka na?" pagtataka niya kaya ngumiti ako at tumango nang bahagya. "Hala, hindi na Tala ang tawag ko sa ‘yo?" tanong niya pa kaya bahagya akong natawa.
"Ako pa rin 'yung Tala na kilala mo. Salamat, Tori. Pero... p'wede bang iwan mo muna kami? Confidential kas
"Kung gusto mo mag-aral, gagawan ko ng paraan. Basta mag-aaral ka nang mabuti?" tanong ko pa kaya napangiti siya at tumango. Matalino si Tonyo at ayokong masayang ang talino niya. Bata pa siya. Malayo pa ang mararating niya. "Anong gusto mong maging?""Doctor po, Ate Tala!" excited niyang sabi kaya natawa ako nang bahagya. Ang mahal naman ng course niya haha pero sige, why not? Si Ate Kiss nga, pinag-aral nina Mama at Papa, ano ba naman 'yung dagdagan ko ang scholar nila? Si Tonyo lang naman. Si Ella kasi, parang sasayangin niya lang. Siya 'yung tipo na magbubulakbol. Wala siyang hilig mag-aral. Hindi siya nagsisikap. Hindi siya madiskarte. Iyon ang napansin ko sa kanya."Naku, Tala! Isipin mo muna ang sarili mo. Huwag mo kaming alalahanin dito,” ani Aling Oryang kaya ngumiti ako at umiling."Ayos lang po,” sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanila kasi nandito na si Sol. Nang pasakay na ako sa kotse niya, humabol naman si Tori. Pagkababa niya sa kotse ng
Nandito ako sa sasakyan ni Sol at papunta kami ngayon kay Leo. Hindi ko alam kung nasaan siya pero sabi ni Sol, alam niya raw. Hapon na rin at kahit summer ngayon, umuulan pa rin."'Di ka pa graduate nang magsimula 'yung project mo sa province. Anong nangyari?" tanong ko. Nakapagtataka lang. Ngayon lang siya grumaduate at mag-aapprenticeship pa siya bago siya mag-board exam. So hindi pa talaga siya ganap na Architect.Napangiti siya at napailing, "they liked my plan. Simple and appropriate for their clinic,” aniya kaya napangiti ako at napatango. Sa college kasi namin, maraming nagkakagusto sa plan ng archi student. Kapag gusto ang sa ‘yo, p'wedeng mabili. Kaya nagkakapera agad sila kahit estudyante pa lang. Pero kung hindi ka naman magaling, wala rin."Wow! Congrats to that. Pero ba't ang tagal matapos?" Inabot siya ng ilang buwan doon, e. Ang liit lang naman ng project. Aside from that, he don't need to stay their everyday. He could visit the site
"A-ang sarap kasi ng spaghetti,” pagsisinungaling ko na lang sabay iwas ng tingin sa kanya at nagpunas na ng luha. "Grabe, wala kasi nito sa 'min. Ang sarap talaga,” natatawang sabi ko habang sumusubo kaya natawa rin siya nang bahagya."If you want more, meron pa dun. P'wede mo rin dalhan ang pamilya mo,” sabi niya kaya tumango ulit ako. "You know what, you look familiar. Have we seen each other before?" he asked at muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.Shems! Naaalala niya ba ako? Pero pamilyar lang naman. Ganyan din naman ako dati. Hanggang pamilyar lang."Oo. Sa parking lot dati. 'Yung nabungguan mo?" sabi ko kaya napaisip siya kung kailan iyon. Then his lips parted while he's nodding with amusement on his face."That curly hair girl! Yea! I remember you. 'Di ba, may nangyari sa ‘yo pero tinulak mo lang ako noong tutulungan kita?" natatawang sabi niya kaya natawa rin ako. Hindi ko alam that time na siya pala ang boyfriend ko
"Stop threatening me, Sol. I'll do this so they won't recognized me," kunot-noong sabi ko. Pinigilan niya pa ako nang pinigilan pero hindi ako nagpapigil. Muntik niya na nga akong buhatin paalis sa lugar na 'yun pero binalaan ko siya na sisigaw ako ng kidnap. Mabubugbog talaga siya rito. Ha!Medyo masakit ang ginawa sa ‘kin sa loob pero nang makita ko naman ang result, natuwa naman ako. Bagay naman pala sa ‘kin. Nakangiti akong lumabas pero nakabusangot si Sol nang makita ko."Bagay ba?" tanong ko habang pinapakita ang pinatattoo kong nunal sa kaliwang bahagi, lower part ng pisngi ko. Maliit lang naman pero at least, may differences na kami ni Luna. Si Luna, straight hair at walang spot sa mukha. Ako meron."No!" masungit na sagot niya at naglakad na palayo sa ‘kin habang nakapamulsa.Napabuntong-hininga na lang ako at napailing bago siya sinundan sa kotse niya. Nandun na rin ang mga pinamili namin, e. Tinext na ako ni Atty. Cha kung saa
Lumipas ang mga araw ko at nakokompleto ko na ang mga gamit ko sa bahay. Ang unang binili ko, laptop, papers and pen. Kasi kailangan ko nang masimulan ang paghahanap kay Marcus. Si Atty. Ibasco ang makakapagturo sa ‘kin kung nasaan ang kapatid niya kaya siya ang uunahin kong imbistigahan. Isusunod ko ang parents nila.May kakaunti na rin akong gamit dito na pinadadala ni Atty. Cha gaya ng mga gamit sa pagkain, sa banyo at mga ibang basic need such as higaan ko at kumot ko. Hindi pa nakokompleto. Ayoko kasing bumili nang bumili ng mga gamit kasi baka hindi naman ako magtagal dito.Pero gusto ko nang makabili ng sofa. Hindi ako makahiga sa upuan ko rito na gawa sa bamboo, e.Mula sa pagkakadapa ko sa kama ko, kinuha ko ang laptop ko at naghanap ng couch online. Papadeliver ko na lang. Nakapag-order ako ng light brown na couch na medyo malaki. P'wede ko nang kama, e. Nagustuhan ko kasi p'wede ko nang gawin sa sala ang mga gagawin ko nang hindi umaakyat sa k'w
"Hindi niya man lang maramdaman na may mahal siyang iba. O baka ganun lang ako kadaling mapalitan kasi 'di niya naman ako kilala. Nakakatawa," natatawang sabi ko. "Mahal niya lang ako kapag naaalala niya ako. Akala ko, hindi makakalimutan ng puso ang nakalimutan ng utak. Siguro... nasa utak niya lang talaga ako. Wala sa puso." Natawa na naman ako pero iyak pa rin ako nang iyak. "Masyado kasi akong naniniwala sa true love, e. Dapat, maniwala ako na love is a choice. That I can choose to forget him and unlove him not the way on how I loved him."Naramdaman ko na lang na niyakap ako nang marahan ni Sol mula sa likod. Hindi niya 'yun p'wedeng higpitan kasi may bali pa ako sa braso. "I'll help you to forget him," bulong niya.Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin dun. Pinabitaw ko siya sa pagkakayakap niya sa ‘kin mula sa likod at hinarap ko siya. Umiiyak pa rin ako pero hindi na humihikbi.Kitang-kita ko sa mga mata niya '
Napangiti siya at tumango nang bahagya, "that's my girl,” he said and started the engine.Bumyahe na kami papunta sa Laguna. Para walang makakilala sa 'min na maaaring tauhan ni Marcus o Atty. Ibasco, nagdisguise ulit kami. Medyo initiman ko ang mukha ko. Hindi ko na sinoot ang wig ko na binili namin ni Sol nung nagpatattoo ako kasi bago na ang hairstyle ko. Gagamitin ko 'yun next time. Nakamaong jacket kami at pants na black and white shoes. Nakasoot din kami ng sombrero at sunglasses."I'll be second year this year. What's your advice?" I asked. Hindi ko na magiging kaklase si Bliss kasi third year na siya sa pasukan."Work hard and study hard,” nakangiting sagot niya so I frown. 'Yan na ang advice niya sa ‘kin dati, e. "And time management. You have to maintain your high grades for scholarship. You can do that,” sabi niya pa kaya tumango ako at bumuntong-hininga.Kailangan ko palang taasan ang grades ko para hindi magtaka ang mg
Kinaumagahan, madilim pa ay bumyahe na ako papunta sa Batangas. Alam kong may hindi sinasabi si Aling Julie sa ‘kin at iyon ang importanteng dapat kong malaman. Kaya niya tinatago kasi mahalaga.Umaga na ako nakarating sa bahay nila. Nakita ko siyang nagwawalis sa bakuran nila kaya nilapitan ko siya. "Ikaw na naman?" tanong niya na mukhang nagulat sa ‘kin.Bahagya akong ngumiti, "sorry po. Kailangan ko lang talagang gawin 'to. Kapag natapos ko po 'to, mapapawalang-sala ang asawa niyo. Malilinis ang pangalan niya." Lilinisin ko ang pangalan ni Mang Jose pero hindi ako p'wedeng maglantad para sa kaso niya kasi inaayos ko pa ang kaso ni Marcus. Kung nakakaalala lang si Leo, siya ang p'wedeng magsabi na mali ang paratang ng Prosecutor kay Mang Jose. Kaso hindi mapapatunayan ni Leo na si Marcus ang bumangga sa'min kasi malabo ang mga mata niya nun. Nahulog ang salamin niya, e.Pumasok kami sa bahay ni Aling Julie at doon na naman kami nag-usap. "Nasabi ko
"Nagtitipid ka siguro 'no! Anong kinain mo? Pahingi nga,” biro ni Amy kay Bliss kaya napasimangot si Bliss at tinarayan si Amy. "Ang ingay mo. Lunurin kaya kita?" inis na sabi ni Bliss. "Be thankful, I'm going to celebrate kahit natrauma ako sa last last birthday ko,” dagdag niya. "Happy birthday!" sigaw ko na lang para hindi sila mag-away-away. Mas lumakas naman ang pamusic ng DJ kaya mas tinodo pa namin ang sayawan dito sa gilid ng pool nina Bliss. May banda rin na tutugtog. Birthday niya ngayon at napagdesisyunan niyang sa bahay na lang nila magcelebrate. Poolparty naman at invited kaming lahat na kaibigan ni Bliss. Nandito ako, si Amy, Andrei, Leo, Sol, Ate Jaida, Alanis, David and Ron. May iba pa na hindi ko kilala. Kakaunti lang kami kaya nabobored si Bliss. "Ang ingay ni Luna. Parang ang laki ng pinagbago mo,” reklamo ni Bliss kaya natawa ako. "'Di ako nagbago. Ganito talaga ako noon. Ito talaga ang totoong Luna Almira. Tanggapi
"Bakit feeling ko, magiging si Mrs. Dela Cuesta ako na Nanay mo kapag kasal na tayo?" tawa ko kaya hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.Ayaw niyang Mrs. Dela Cuesta ang tawag ko sa Mom niya pero doon na ako nasanay. Isa pa, karibal ko ang Nanay niya."She wants you to call her Mom, so just do it, Love,” nakangiting sabi niya kaya 'di na lang ako kumibo.Kaagaw ko siya palagi kay Sol. Gusto niya, siya ang nag-aalaga lagi kay Sol noong nasa ospital pa ito pero bigla nilang sinukuan kaya hindi nawawala ang hinanakit ko sa kanila. Gusto kong maging mabait sa kanila pero kapag naaalala ko 'yung nangyari noon, hindi ko maiwasang mainis sa kanila. At hindi iyon alam ni Sol.Wala na rin akong balak ipaalam sa kanya na muntik na siyang sukuan ng magulang niya. Baka lalo pang tumindi ang tampo niya sa mga ito. Though naiintindihan ko naman sila na ayaw lang nilang mahirapan pa lalo si Sol kasi mag-iisang taon na itong comatose. Nagkataon lang na hind
"Are you sure, kaya mo na?" tanong ko kay Sol habang tinutulungan ko siyang mag-ayos ng mga gamit na dadalhin niya.Inagahan ko talaga ang pag-aayos ng gamit ko para matulungan siya rito. Ayoko siyang nahihirapan lalo pa't ilang buwan pa lang siyang nakakalabas sa ospital. Masasabi kong mabilis naman siya nakarecover pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala kaya araw-araw ko siyang dinadalaw rito sa bahay nila at sinasamahan magbilad at magjogging sa labas. Oo, nandito na siya sa bahay ng parents niya.Ayos naman na sila. Pero hindi ko pa rin maiwasang mag-hinanakit sa nanay at tatay niya. Mabait naman sila pero ewan! Kaagaw ko sila kay Sol lalo na ang nanay niya."Yeah, stop worrying. I can do this,” nakangiting sabi ni Sol pero umiling lang ako at tinulungan ko pa rin siya.Nandito kami sa room niya kasi kailangan niya nang mag-empake. Magtatanan kami. Charot! Pupunta kami kina Tori. Ang tagal na nun nangungulit, e, at isasama rin namin si Atty. I
Ang huling naaalala ko, umiiyak ako nun at halos hindi na ako makahinga dahil noon ko lang nailabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Noon lang ako umiyak hanggang sa mapagod na ang katawa ko at mawalan na lang ako ng malay tao.Nagising ako na nasa ibang k'warto pero nasa ospital pa rin. Sa takot ko na baka tinuloy nila ang binabalak nila kay Sol, mabilis akong tumakbo papunta sa k'warto niya. Bawat hakbang ko, nauubusan ako ng hangin sa katawan. Natatakot ako na baka wala na siya.Baka hindi ko na siya makita ulit.Pero laking pasasalamat ko nang makita ko siyang nakahiga pa sa kama niya. Napangiti ako at humakbang palapit sa kanya. Niyakap ko siya habang tumutulo ang luha ko. Sa wakas, nakakaiyak na ako."Huwag kang mag-alala, ilalaban kita. Magiging matatag ako para sa ‘yo,” sabi ko. Natigil lang ako sa pag-iyak nang magsalita si Atty. Cha na bigla na lang pumasok sa pinto."Do you want to visit a doctor? 'Di ba, matagal mo nang pl
Nang makarating kami sa unit ko, agad kaming nagtungo sa kusina para kumain."Namimiss ko na ang bayan namin. Doon kasi, kapag birthday, parang pyestahan. Imbitado mga kapitbahay,” k'wento ni Tori kaya natuwa naman si Atty. Ivan."Punta naman tayo dun,” ani Atty. Ivan kaya napatingin sa ‘kin si Tori."Oo, Luna. Dalawin naman natin sila. Miss na miss ka na ni Ella, e,” natatawang sabi niya pero hindi ako natawa. Ang hirap tumawa ngayon. Kahit pagkain namin ngayon, mukhang masarap pero hindi ko malasahan. Kahit tubig, mapait. Pakiramdam ko, namamanhid na ako. "Sorry,” mahinang sabi ni Tori nang hindi ako kumibo."Luna, umiyak ka na ba? Kahit isang beses man lang?" nag-aalalang tanong ni Atty. Ivan na inilingan ko lang. Napabuntong-hininga sila pareho. "Nood tayong movie? 'Yung drama?""Oy totoo. Maganda raw 'yung scarlet heart,” sabi naman ni Tori."Movie, hindi series. Anong oras tayo matatapos niyan? Baka
Ipinagpatuloy nila ang pagkik'wento. "Binalikan namin si Marcus. Ang plano, gagawin lang namin siyang high at bubugbugin pagkatapos ng car racing nila. Pero bigla na lang siyang nawala. Iyon pala, pinuntahan niya ang girlfriend niya na balak na talagang makipaghiwalay sa kanya. And that was the time that you saw him commiting his crime. Hinanap ni Sol kung nasaan si Marcus kasi alam niyang may gagawin 'tong masama sa girlfriend niya. Sol tried to save her from Marcus but he saw you there, shouting for help. Kaya ikaw ang niligtas niya."Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nagsinungaling sa ‘kin noon si Sol. Sabi niya, napadaan lang siya nang marinig niya akong sumisigaw. Hindi pala..."I thought, you didn't do anything against the law. Pinainom niyo siya ng drugs,” sabi ko na inilingan nila."We didn't. Iba ang naglagay nun,” matapang na sabi ni Ron."Paano ako maniniwala? Baka nagsisinungaling na naman kayo,” sabi ko.
"Well, Why don't you ask him instead?" natatawang sabi niya sabay turo mula sa likod ko and then I saw Atty. Ivan there."Hi, Adira, Tori!" nakangiting bati niya sa 'min."Your friend was asking me why you talked about her a lot,” nakangiting sabi pa ni Lance Villaflor habang nakangisi sa ‘kin at mukhang alam niya na kung bakit bigla kaming nagkita noon sa firm. "Excuse me,” ani Lance at pinasunod niya sa kanya si Sol. Sinenyasan pa ako ni Sol na huwag sumunod sa kanila.Ano kayang mangyayari ngayon? Ang alam ko, ngayon mahuhuli si Lance. Anong pinaplano ni Sol?"Oh I'm sorry, Adira. Sinabi ko kasi kay Mr. Villaflor na may gusto ka sa kanya tutal aalis naman na siya,” sabi ni Atty. Ivan."Okay lang. Umuwi na kayo. May kailangan lang akong gawin,” sabi ko pa at tiningnan ko nang taimtim si Tori. Sana maintindihan niya ako. "Umuwi na kayo. Please! Alam niya na,” mahinang sabi ko sahilan para kabahan siya at hinawak
"Luna?" gulat na tanong niya nang makita ako pero agad ding nabaling ang tingin niya kay Leo. Agad niya itong nilapitan. "What happened?" Bigla niya akong hinarap at naluluha siya. "Akala ko patay ka na,” sabi niya pa. Hindi ako kumibo. Hanggang ngayon kasi, hindi ko alam kung sasabihin ko nang ako si Luna tutal alam naman na ni Marcus na buhay ako. Nadamay pa si Leo. "Anong nangyari sa kanya? Palagi mo na lang siyang pinapahamak!" galit na sabi niya at bigla niya na lang akong sinampal. Doon na ako napaluha. Kasi ang sakit ng sinabi niya.Totoo kasi, e.Totoong palagi kong pinapahamak ang mga taong nakapaligid sa ‘kin."Arielle?" sambit ni Leo kaya nabaling sa kanya ang tingin namin.Kakagising niya lang. Namumula rin ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa mga ito. Nang mapatingin siya sa ‘kin, napangiti na lang siya at tuluyan nang umiyak. 'Yung iyak na parang sobrang sakit ng nasa loob niya pero wala siyang magawa. Hindi ko mai
Nagk'wentuhan pa kami ni Alanis ng kung anu-ano tungkol sa mga nangyari sa buhay namin at tinanong niya rin kung anong nangyari sa ‘kin. Dahil wala na akong balak magsekreto pa, sinabi ko na sa kanya lahat-lahat pero nakiusap ako na huwag niya munang sasabihin sa iba dahil may pinaplano kami ni Ate Jaida at Sol. Hindi nga siya makapaniwala sa mga pinagdadaanan ko, e.Kahit naman ako, hindi makapaniwala.Baka nga ako lang talaga ang nagpapakomplikado ng buhay ko. Baka nga wala naman talagang pumatay sa magulang ko. Baka aksidente lang talaga lahat. Masyado ko lang dinibdib kaya umabot ako sa puntong papunta na sa pagkapariwara ang buhay ko at nasaksihan ko ang krimen ni Marcus.Baka nga ako lang ang nagpapahirap sa sarili ko. Kailangan ko lang sigurong matanggap ang mga nangyayari sa ‘kin. Kasi sabi ni Ate Kiss, hindi tayo p'wedeng magpatali sa nakaraan. Hindi matutuwa sina Mama at Papa kung ganito kagulo ang buhay ko.Life is a choice. You cho