Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series)

By:  Rain Sevilla  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
16Chapters
1.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Lihim sa mga kabanda ni Jhonel Hosoda ang relasyon niya sa co-singer sa dating pinagtatrabahuan niya sa Japan, not until he proposed to Akime, upang matanggap lamang ang rejection mula rito. Ang matagal niyang pinaghandaan at inasam ay nasira sa isang sandali lang. Ngunit kung bakit sa gitna ng pag-iwan ni Akime sa kanya ay biglang may isang babaeng nais pumalit sa ex-girlfriend niya para maging asawa. Sa labis na awa at concern ay inalok ni Laceyleigh ang kamay niya kay Jhonel para siya na lang ang pakasalan nito, pero sa halip ay pinagtawanan siya. But her guts reached to its next level. She kissed him, and then... he kissed her back! Mula niyon ay umiwas na siya rito. Sadyang mapagbiro lang ang tadhana dahil sa kagagawan ni Jhonel ay nag-viral sa social media ang pictures niya, hindi dahil sa gusto siya nitong makita kundi para mabawi ang engagement ring na ninakaw niya. Mahanap pa kaya muli nila ang isa’t isa?

View More

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
16 Chapters

Chapter 1

NAGPAKAWALA ng malalim na hininga si Jhonel pagkatapos niyang mailapag ang dalawang pumpon ng preskong Daisy sa magkatabing puntod ng kanyang mga magulang sa Heritage Memorial Park.  Hindi naalis sa kanya ang paniniwalang nasa paligid lamang ang kaluluwa ng mga pumanaw na kaya nakagawian niya ring kausapin ang mga ito. “It’s been two years, Mom.” Muli ang pagbuga niya ng hangin at pagngiti ng mapakla.  Memories crosses his mind as his heart started recollecting the pain. Bagaman natanggap niyang ulila na silang tatlong magkakapatid, hindi pa rin ganoon kadali sa kanya na makalimutan ang sakit na idinulot ng parehong pagkawala ng kanilang mga magulang. Heaven knows how much that hurt! Nasaksihan ng dalawang mata niya ang paghihirap ng kanyang ina, na sa paglipas ng maraming araw na pakipaglaban nito sa sakit na Lupus, binawian din ito ng buhay. Parang kailan lang, 2018 na, pero hanggang ngayo’y dala niya sa puso ang labis na pangungulila
Read more

Chapter 2

“WHY are you so excited?”Smiling, Jhonel shook his head. “Mind your necktie and not my business.” Nilinga niya si Junix na tumapat sa kinatatayuan niya sa harap ng long length mirror sa kwarto ng groom. At inayos ang kurbata.“I noticed someone outside.”“Babae?” “Of course!” Tumatawang tumalikod si Junix. “Beautiful and sexy. At tsinita...” pahabol nitong lumabas na ng pintuan. Nag-isip siya. May ibang tsinita ba itong tinutukoy maliban sa girlfriend niya? Bukod sa ibang kasamahan nila noon sa bar na dating pinagtatrabahuan niya sa Japan kasama si Akime ay ngayon niya muling narinig na may humanga sa nobya. Malamang ay nahila ni Junix pabalik ang dila kung alam lang nitong girlfriend niya ang tinukoy nito.Ang kasal ay sa family ancestral home nila sa San Ignacio. Sa bahay rin na ito ikinasal ang mga magulang niya at iba pang kasapi ng pamilya.
Read more

Chapter 3

“F******K LIVE BROADCAST? You can’t be serious, Jhon!”“Why not?” Tiningan niya si Tayler at tumango. “Mas magandang paraan `yon kaysa magbayad pa ako ng tao para hanapin `yong babae na `yon. I don’t want to waste money for this.”“Hindi pa ba pagsasayang ng oras `tong ginagawa mo? At sinisira mo ang pangalan mo. Hindi ka dapat padalos-dalos.”Somehow, Tayler was right. Pero desidido siyang ituloy ang plano. “Hindi hahantong sa ganito kung mas maaga niyang isinauli ang bagay na hindi naman sa kanya.”“Blame yourself for that carelessness.”“Hindi ka nakakatulong. Mas kinakampihan mo pa ang babaeng hindi mo kaano-ano.”“Don’t be so childish. Concern kami sa career mo. Ayaw naming mga kaibigan mo na mapahamak ka. Nasaktan ka na nga dahil kay— never mind— pagkatapos ay heto ka ngayon at parang tangang naghahabol sa babaeng hindi mo talaga kilala. What if masamang tao pala talaga `yon at binenta na pala ang singsing?”Mukhang kailangan niyang i-apply ang second option niya. Kung tatalab,
Read more

Chapter 4 — Muling Pagkikita

She would have ignored him, or ran away from him. But here she is… following the flow! Hindi mawari ni Laceyleigh kung tama ang desisyon niya. One thing is so sure, hapon na’t pahirapan ang pagsakay nang ganitong oras. Baka gabihin siya at baka mag-alala si Mickey sa kanya. Sasabay siya sa sasakyan ni Jhonel hindi dahil gusto niya, kundi dahil ito lang ang choice niya. Hindi rin ang sinasabi nito na ‘date’ ang concern niya, kailangan niya lang talaga na makauwi sa saktong oras. Pero sa kabilang banda, ano naman kung makipag-date siya? She is single, Jhonel is single. Wala siyang nakikitang mali roon. Ops, mayoon pala. Kahihiwalay lang nito at ng fianceé nito. Whatever! Wala rin namang malisya sa kanya kung sasama siya rito ngayon. Maliban kung ito na ang magbibigay malisya sa pagsama niya. At wala na siyang pakialam doon. Nahabol ng paningin niya ang pagngiti ni Jhonel, ngiting tila nagtagumpay sa dwelo. “Napakabilis naman magbago ng isip mo, fianceé.” The way he pronounces fianc
Read more

Chapter 5 — No Choice

IPINAGTATAKA ni Laceyleigh ang grupo ng mga tao sa labas ng bahay nila. Pinigilan siya ni Jhonel sa akmang pagbaba sa sasakyan. “Sino ang mga iyan at bakit nandiyan sila sa harapan ng bahay ko?” “Look at them carefully. Mga Media sila.” Namilog ang mga mata niya. Ano ang ginagawa ng Media sa bahay nila? Doon lamang niya napagtanto na tama si Jhonel. Hindi niya maiiwas ang ekspresyon ng pagtataka. “Bakit nandito sila?” “Natunton ka na nila.” Gusto sana niyang sumbatan si Jhonel. Dahil in the first place ay kasalanan nito iyon. Kung hindi dahil sa pag-post nito tungkol sa kanya sa social media ay hindi siya makikilala ng Media. In between shock and confusion, Laceyleigh managed to grabb her cellphone from her chest bag. Hinanap niya sa dialled lists ang contact number ni Mickey. “Nasaan ka? May mga press sa labas ng bahay natin. Huwag ka munang umuwi. Or susunduin ka namin diyan!” Inignora niya ang tanong ng kapatid sa tinukoy niyang 'namin' dahil hahaba lang ang diskusyon nila.
Read more

Chapter 6 — Hindi komportable

Tumikhim ito na nagpabalik sa malayong daloy ng isip ni Leigh.. Bago magsalita ay tumikhim din siya. “Huwag mo na akong alalahanin. Tama na ‘yung kokopkopin mo kami ng isang araw. Kung nababahala ka rin na humarap ako sa Media at magsasalita, don’t worry, iiwas ako hanggang kaya ko.”Tahimik lang na nakikinig si Jhonel. Hindi tuloy alam ni Leigh kung ano ang iniisip nito.“Saka hindi ko naman sisirain ang career mo kung iyon ang isa pa sa ikinababahala mo. At mabahiran ng kahihiyan ang pangalan mo’t ng grupo ninyo.” Naiisip pa lamang niya ang sinabi nitong itutuloy nila ang drama nila bilang mag-fiancée ay tila nahihirinan na siya.“You will stay in my house as long as I want, whether you like it or not. Pwede kang mangatwiran pero hindi ka pwedeng tumanggi.” “May sarili akong buhay, Jhonel.”“Pero ako ang masusunod ngayon.”“At may kapatid akong binubuhay,” pangatwiran niya ulit.“I can feed you both.”“That’s not my point!” Tumaas ang boses ni Leigh sa inis niya sa lalaki. Minamalii
Read more

Chapter 7 — Masakit na Katotohanan

HIS eyes landed to Laceyleigh’s lips. Those lustful lips kissed him a month ago. Hindi na nawala kay Jhonel ang pakiramdam na ito magmula nang maglapat noon ang mga labi nila. Why is he craving for an another chance to kiss her willingly with all of his heart? Napalunok siya. Parehong nabaling ang tingin nila sa tumunog na cellphone sa tabi ni Laceyleigh. Nakatulong iyon upang makaiwas din siya sa pagnanasang halikan ito. “I will check the room.” Hindi niya mahagilap ang sasabihin. Itinuro niya ang bahaging likuran ni Laceyleigh kung saan naroon ang extra room na patutuluyan niya rito. Para lang mapansin nitong naghihintay siya ng sagot gayong nakita niya ang marahang pagtango ni Laceyleigh ay hindi siya kaagad umalis. Damn! Does he really needs a verbal conversation? “So, I’ll go ahead...” “S-sige. Susunod na lang ako,” matipid na ani Leigh. “Okay.” At nilagpasan na niya ito. Kung sino man ang tumatawag kanina ay tila nakaramdam siya dito ng inis. Sinundan ni Laceyleigh ng mara
Read more

Chapter 8 — First Kiss

KAYSA hintayin ang tagalinis na sinasabi ni Jhonel, kusang kumilos si Laceyleigh para siya na mismo ang maglinis sa silid. Isa pa’y hapon na para kumuha pa ito ng maglilinis. Sana pala’y kinontra niya na lang ito kanina dahil kaya niya naman ang trabaho. Hindi rin naman gaanong marumi ang kwartong ito. Binuksan niya ang closet at naghanap doon ng pamalit sa bed sheets at kurtina. Swerte at may nakita siyang naka-intack doon maliban sa ilang naka-hang na t-shirt. Set iyon ng punda, kobre kama at kurtina. Kulay berde, kulay panlalaki. Saglit siyang lumabas at naghanap ng mga gamit panlinis sa kusina. Nang makuha ang mga kailangan bumalik siya sa silid at nagsimula nang linisin ang kwarto. Tiyempo na wala si Jhonel habang nagtatrabaho siya. Hindi niya rin ito inabutan sa labas. Mabuti na rin iyon para walang sagabal at istorbo sa galaw niya. Nang matapos si Laceyleigh sa ginagawa ay ibinalik niya ang mga gamit sa pinagkuhanan. Ngayon niya naramdaman ang literal na pagod, pagod ng kataw
Read more

Chapter 9 — Napilitan

PAKIRAMDAM ni Jhonel ay may nagwawala sa sikmura niya. Aminado siyang minahal niya si Akime pero ang pakiramdam na ganito para sa isang babae na hindi niya mawari kung ano ay nag-e-exist din pala. Lalo pa’t sa hindi niya karelasyon. Naramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Lacryleigh at ang pagganti nito sa halik niya. Pero nang marahil matauhan ay itinulak siya sa dibdib. “Akime...” Hinatak niya ito pabalik at muli ay naitukod nito ang mga braso sa dibdib niya. Nasa baywang nito ang isang kamay niya at ang isa ay nasa batok ng babae. At huli na rin para mabawi ni Jhonel ang sinabi. Sa kaiisip niya kay Akime ay naisatinig niya pa ang pangalan nito. Nakatitig si Laceyleigh sa kanya nang magmulat siya ng mga mata. Her eyes were questioning. And he could see the confusion behind her eyes. And pain? He wasn’t sure. But what for? Dahil ba sa hindi sinasadyang pagtawag niya rito sa pangalan ng ex-girlfriend niya? Sinagot niya ang sariling tanong. Malamang, dahil kung babaliktarin ang sitw
Read more

Chapter 10 — Doubts

“You’re beautiful. Iyon ang ikinababahala ko. Now, go!” Gustong magalit ni Jhonel sa sarili. Ano nga ba ang dapat niyang ipag-alala kung pagtinginan ng ibang lalaki si Laceyleigh? Bukod sa wala silang relasyon, wala rin siyang karapatan na bakuran ito. Sa kanya nanggaling ang ideya na ito na pansamantalang mananatili ang babae sa poder niya. At dapat lang ay bigyan niya ito ng kalayaan, imbis na ikulong sa sarili niyang mga kagustuhan. Matagal silang nagtitigan. Tinatantiya niya ang nasa isip ng babae pero kaagad itong nagbaba ng tingin. Sumandal siya sa hamba ng pintuan nang tuluyang isara ni Laceyleigh ang dahon ng pinto. Sa tinagal-tagal niya sa relasyon, sa ilang babaeng dumaan sa buhay niya, idagdag doon ang nakarelasyon niya dati sa Japan na may asawa. Ngayon lang tila natalo ang puso niya sa mga titig at ngiti pa lamang ng isang babae. Sumingit sa ulo niya si Divine. Ang babaeng iyon ang hiniwalayan niya bago niya nakilala si Akime. Hindi nito sinabi na may asawa ito. Mula sa
Read more
DMCA.com Protection Status