NAGPAKAWALA ng malalim na hininga si Jhonel pagkatapos niyang mailapag ang dalawang pumpon ng preskong Daisy sa magkatabing puntod ng kanyang mga magulang sa Heritage Memorial Park.
Hindi naalis sa kanya ang paniniwalang nasa paligid lamang ang kaluluwa ng mga pumanaw na kaya nakagawian niya ring kausapin ang mga ito.“It’s been two years, Mom.” Muli ang pagbuga niya ng hangin at pagngiti ng mapakla.
Memories crosses his mind as his heart started recollecting the pain. Bagaman natanggap niyang ulila na silang tatlong magkakapatid, hindi pa rin ganoon kadali sa kanya na makalimutan ang sakit na idinulot ng parehong pagkawala ng kanilang mga magulang. Heaven knows how much that hurt!
Nasaksihan ng dalawang mata niya ang paghihirap ng kanyang ina, na sa paglipas ng maraming araw na pakipaglaban nito sa sakit na Lupus, binawian din ito ng buhay. Parang kailan lang, 2018 na, pero hanggang ngayo’y dala niya sa puso ang labis na pangungulila rito.
Sa pagbaling niya sa puntod ng kanyang ama, animo’y may tumusok sa lalamunan niya. Sa sandaling iyon, naging mahirap ang paglunok para kay Jhonel.
“Uy, Dad, isang taon ka na rin palang wala na, no? Sayang dahil hindi mo man lang ako hinintay na makauwi at makita ka.”
Kahit na sino’y mahihimigan sa tinig niya ang labis na panghihinayang. Presko pa. Ang inakala niyang masayang pag-uusap nila ng gabing iyon habang nasa Japan siya ay magtuluy-tuloy na. Mali pala siya. Iyon na rin pala ang naging huli, counted as the most painful thing dahil wala siyang nagawang paraan para makauwi noon sa Pilipinas. At makita ang paglibing sa ama.Walang timbangan ang makakapagtimbang sa bigat ng sakit na mawalan ng dalawang magulang. Naunawaan man niya ang nangyari, may mga alaala naman na ayaw kumawala sa puso at ulo ni Jhonel na madalas ay nahuhulog na lamang sa mga luha.
Nangibang-bansa rin kasi ang dalawa niyang kapatid. Na nagpadagdag sa bigat ng kalooban niya. People can’t live alone, alam niya iyon pero inaral niyang mabuhay na sa sarili lamang umasa, sa sarili lamang kumapit at sa sarili lamang kumuha ng lakas. Ngayon ay inaaral naman niyang mabuhay na may nasusumbungan ng problema, may mga bisig na nasasandalan kapag malungkot siya at may mga nasasabayan sa pagtawa— Habibi Boyz were there— and Akime as well through his ups and downs.
Tila nabunot ang sarisaring emosyon sa dibdib niya nang makahugot siya ng malalim na hininga. Wala na nga yatang mas sasakit sa pagbabalik sa nakaraan. But past will remain in the past.
Bagaman may mga panahon na iba ang pakiramdam niya kapag siya na lang mag-isa ang umiikot sa loob ng modern bahay kubo niya. That strange feeling na hinahanapan niya ng kulang pero hindi niya matukoy.
“You have no idea guys how much I missed you. At hindi man lang ninyo napanood ang mga concerts ko sa big screen.” Mapait itong ngumiti.
Mabuti na lamang at nabuo ang Habibi Boyz, ang bandang nag-udyok sa kanya upang makilala ng mundo ang kanyang talento. Ito rin ang dahilan sa pagtigil niyang maging entertainer sa Japan. Bumabalik na lamang siya roon kapag may break sila, o kapag iniimbetahan ng mga dating katrabaho roon para mag-guest.
Pinagsawa muna niya ang sarili. Hindi naman kasi araw-araw na nakakadalaw siya rito dahil na rin sa sabay-sabay na trabaho. Kasunod nang pagtayo niya ay ang pagtingala sa langit.
“I have to say goodbye, Mom, Dad. See you some other time?” He wasn’t sure when will be that ‘some time’.
Napansin ni Jhonel ang paglamlam ng paligid, sign to head back home. And prepare himself. Susunduin niya sa airport si Akime. Lingid sa kaalaman ng kabanda na uuwi sa bansa ang kanyang girlfriend. Ang totoo’y wala siyang ni isang pinagsabihan sa mga itong may girlfriend siya. It was like cheating on them, pero minsan ay kailangan din ng privacy ang bawat isa sa kanila. Lalo’t nasa kanila ang mga mata ng media. Respeto na rin sa kagustuhan ni Akime na huwag itong ma-expose.
Nasa tapat siya ng kanyang sasakyan nang kulay pulang 1971 Volkswagen standard bettle ang humarang sa kotse niya sa kinapaparadahan nito. Para namang hindi professional driver ito, naisip niya. Nilinga niya ang bahaging likuran kung saan isang Toyota pick up naman ang naka-park doon, napagitnaan siya ng dalawang sasakyan na mabilis nagpataas ng inis niya.
Naman, o!
Sa mangilan-ngilan na taong nasa sementeryo ay hindi niya alam kung kanino ang mga sasakyang humarang sa sasakyan niya. Napailing na sumakay si Jhonel sa kotse niya, trying his best na makalabas doon.
Hindi niya plano ang maghintay sa pagdating ng driver ng Volkswagen pero sa ilang minutong pagpaandar niya ng makina ay nakita niya ang babaeng pumasok sa sasakyan na humarang sa harapan niya. Bumaba siya na siya namang pagharurot ng sasakyan.
“Langya naman, o!” Naihampas ni Jhonel ang palad sa bubong ng kotse dahil sa pagbangon muli ng kanyang inis. Bumalik uli siya sa loob at umalis na rin sa memorial park. Sa bahay ng Tita Ely niya sa Fort Bonifacio na siya dumiretso pagkagaling sa sementeryo.
“HOW do I look?” He stretch his arms sidewards nang madaanan niya si Tita Ely sa living room.
Inalis nito ang tingin sa kandong na laptop at sumulyap sa kanya. He’s wearing a plain white t-shirt na nasa ibabaw ng sleeveless denim jeans na jacket at tenernuhan ng itim na Levis jeans at kulay itim din na boots. At ng leather na Safari hat.
“Looks like a... of course, a rock star!”
“Iyan lang naman ang original at iisang impression mo sa `kin, Tita, eh!”
Tumatawang tinaasan siya nito ng kilay. “Natural, alangan namang magsinungaling ako, di ba? You asked me about how do you look at iyon naman talaga ang nakita ko sa `yo. You’re indeed a rock star!”
“A compliment or pambobola, thanks, Tita.”
“Hindi kita binobola,” protesta nito.
Nagkibit-balikat si Jhonel, na ginantihan ng parehong reaksiyon ng kanyang tita.
Umupo siya sa tabi nito at bahagyang sinilip ang screen. “Anything bothers you?”
Magazine publisher at editor sa isa sa pinakamalaking publishing company sa Pilipinas ang kapatid ng kanyang ina. Kung hindi man niya ito nakikitang may hawak na magazine at aklat ay ang laptop naman ang madalas nitong kinakalikot.
“A bit. I was pitching a manuscript from one of my favorite writer.” Umiling ito na tila dismayado.
“Then, what’s wrong with that?” Ipinilig niya ang ulo bilang pagpapatuloy sa nais niyang sabihin. Sinulyapan siya nito.
“I don’t know, Jhon, it’s something like...” She sighed. “May kulang. She’s the best for me pero parang nawalan ng inspirasyon at spark ang manuscript niyang `to.”
“Iyon lang iyon, Tita?”
“You don’t get it, Jhon.”
“Baka naman kasi po may pinagdadaanan ang writer mo na `to, baka heartbroken at hindi maka-focus sa sinusulat o may pinagdadaanang mas personal pa. You should talk to him.”
“Her,” pagtatama nito.
Sinilip niyang muli ang screen pero wala siyang naiintindihan sa nakasulat doon.
“Kung hindi mo gusto then reject it. O ipa-revise mo. O gumawa siya ng bago,” suhestiyon niya.
Tita Ely sighed. “Anyway, don’t mind me. Lumakad ka na at maipit ka na naman sa traffic. Kilala mo si Akime, mabilis iyon mabagot.”
Napaisip siya. Kung paano niya natagalan ang mayroon si Akime na kabaliktaran sa mga bagay na gusto niya sa babae; gaya ng ayaw nitong hinahalikan siya publicly, ni hindi pwedeng maghawak-kamay, and she hates surprises. Naputol ang iniisip niya nang magsalita muli si Ely.
“Tatapusin ko munang basahin `to at mag-iimpake na rin ako.
“To where?” Nagdikit ang mga kilay niya sa kuryusidad.
“Sa San Ignacio. Mauuna kami ni Nico sa wedding venue. Para sa prenup shoots at sa catering na rin.”
“Tatlong araw na lang at kasal ka na.” Malamig ang boses ni Jhonel. Sa mga panahon na nawala ang mga magulang niya, Ely voluntarily offered her shoulder to lean on. Hindi siya nito iniwan. Ngunit ilang araw na lang ay tuluyan na itong magkakaroon ng sarili nitong pamilya.
“Drama mo! Ikakasal lang ako, hindi ako mamamatay.”
“Tita naman, ikaw ang tumayong magulang ko kaya malungkot na masaya ako sa pag-sesettle down mo.”
Hinagod nito ang likod niya, parang batang pinatatahan sa pagmamaktol.
“You know what, sometimes, facing the reality is the most difficult journey in everyone’s life, but it is also the best way to find ourself. And who knows, matagpuan din natin ang pag-ibig. Like a bird that return to its nest after a long day of searching food, carefree and alive. Believe me, you’ll overcome your hardships and heartbreaks. But before winning each of our fights, may pinaka-main ingredient dito— rejection— so you’ll know your strengths and weaknesses beyond it.”
“Uhm... Sounds like— hindi ba galing sa binabasa mo iyon?” tumatawa niyang tanong.
Tumawa rin ito. “Sort of.”
Naengganyo siya na silipin sa pangatlong pagkakataon ang screen ng laptop nito. Malabo ang mga letra pero hinahanap ng mga mata niya ang linyang iyon. And there he found it, last two paragraph from the bottom. Perhaps an ending of the story.
“Okay, I should have get going, Tita.” H*****k siya sa pisngi nito.“Ingat ka.”
“Sila mag-ingat sa `kin,” birong sagot niya. “Bye-bye.”
Napailing siya nang mapahawak sa manibela. Why is he so much affected with those lines? Ewan at may hindi siya maipaliwanag na emosyon sa loob ng dibdib niya, parang excitement na makilala ang writer ng manuscript. Silly thing!
Ang excitement niya ay para kay Akime, sa muli nilang pagkikita makalipas ang isang buwan. Iyon ang dapat niyang pagtuunan ng oras na isipin at hindi ang kung anuman na fictional quoted messages ng isang writer. Mula sa long distance relationship nila, wala siyang ibang dapat isipin kundi si Akime. Si Akime lang!
“I MISS you.”
“I miss you, too. But you’re late.” Sinundot ni Akime ng hintuturo ang tagiliran niya nang salubungin niya ito ng yakap. “As always. You should have leave earlier dahil masakit na ang binti ko sa kahihintay sa `yo.”
“I’ll assure you na mas sasakit iyang binti mo mamayang gabi,” pabulong na panunukso niya.
“Huh! Bakit mamayang gabi pa kung pwede naman mamaya pagdating natin sa bahay mo, di ba?” ganting biro nito.
“Sure, but of course, will do my best na mawala rin ang sakit pagkatapos.”
“Naughty!” Hinampas nito ang braso niya.
“You too.”
Sabay silang tumawa.
“Next time, baka sunduin na kita ng chopper. Alam mo naman kasi ang isa sa problema ng bansa natin unlike Japan na kung ma-traffic man hindi ganito kabigat sa atin,” sincere niyang sabi na hinahagod ang likod ng nobya. He honestly misses her.
Kumawala ito sa kanya. Nakita niya ang pagsimangot nito ng bahagya. Then Akime rolled her eyes. “I know,” maikling sagot nito. “I like that chopper idea of yours, medyo romantic.”
“At least hindi surprise.”
Napangiwi ito. “I hate surprises you know that.”
Muli ay inakbayan niya si Akime at himalang hindi ito kumalas. Sa halip, sinuksok nito ang braso sa baywang niya at kumapit sa tagiliran niya. Gusto niyang magmura dahil tila tinutukso siya ng sarili sa kilig na nararamdaman niya.“Let’s go!” As Jhonel took steps, he distracted by his ringing phone. Kung kailan naman magkadikit ang mga katawan nila na hindi nila nagagawa sa pampublikong lugar ay saka mauudlot bigla.
“Who’s calling?”
Si Tayler ang tumatawag nang silipin niya ito. Magkasabay ang sana’y pagsagot niya sa tawag at ang pagkakaputol niyon. Hindi pa man niya napipindot ang number nito’y si Junix naman ang tumatawag.
“Take it! Mukhang importante at dalawa na sa mga bandmates mo ang tumatawag sa `yo.”
“Okay lang?”
Itinulak ni Akime ang braso niya, senyales na dumistansya siya rito. Hanggang sa binigyan siya nito ng nakauunawang ngiti ay nag-alangan pa rin siyang iwan ito.
“Go! Huwag mo nang hintayin na lahat sila ay tumawag pa sa`yo. I’ll wait here.”
“Saglit lang `to.” Ilang dipa lang ang inilayo niya. Ayaw man niyang iwan ito pero laging ganito si Akime, privacy is a prior. At iginagalang niya iyon.
Sermon ang ibinungad ni Junix nang tawagan niya ito pabalik. “Where are you? Nakakulong kami sa bahay mo sa kahihintay sa `yo. Hapon na’y wala ka pa rin.”
“Bilisan mo, Jhon!” Narinig niyang sigaw ng iba pa niyang kaibigan.
“I’m on my way, dude. May problema ba?” Senenyasan ni Jhonel si Akime na maghintay pa pagkatapos ay mariing pinakinggan si Junix na nasa linya.
“Sure, there is. Malaking problema, bro. Hindi mo raw na-i-set pa ang schedule ng ilang musicians para sa kasal ng tita mo, kulang ang violinist. Tita Ely called Tayler while ago at ipinaaayos ang grupo ng musicians including ‘you’ dahil ikaw ang aawit ng theme song nila na gagamitin din mismo sa wedding.”
His nose flared as his hands playfully rubbing his forehead. There’s something wrong with it.
“Yeah, alam ko. I’m working on it, dude,” pagsisinungaling niya. Dahil totoong hindi pa niya naaayos iyon. May isa pang kulang sa listahan ng mga violionists at wala pa siyang nahahanap na kukumpleto sa mga ito. At ngayon pa talaga sumabay ang pagrereklamo ng mga kaibigan niya, seriously?
“Nasaan ka ba? Ang ingay ng mga tao. Dude—Jhonel?! Hello?”
“H-hello? Hindi kita marinig. Hello! Junix!” Umiling na ibinaba niya ang cellphone na sinadya niyang i-switch off para ma-disconnect ang tawag ni Junix. Na-guilty man sa ginawa ay mas okay na iyon kaysa makipagtalo pa rito.
Lumakad siya pabalik kay Akime na bahagyang sumisilip sa hawak niyang cellphone. Hindi niya lang alam kung saan nagmula ang babaeng bumunggo sa kanya, dahilan para matapunan ng kape ang damit niya.
“Naku, sorry, sir.” Mabilis ang pagpunas nito ng panyo sa nabasang parte ng damit niya.
“Nagmamadali kasi ako. Pero hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nasunog ang balat mo. Pasensiya na talaga, sir.” Yumuko ito at tila hiyang-hiya na tingnan siya.
Nakangiting sinulyapan niya ang bitbit nitong kape. Imbis na sagutin ang babae, sabi niya, “Latte.”
Napasinghap ito at sunud-sunod ang pagtango. “Coffee addict ako, eh,” nahihiyang pag-amin nito.
“Favorite ko rin iyan.”
“We have things in common pala kung ganoon.” She smiled sweetly.
“I guess so.” Jhonel had never been in a short talk to strangers, ngayon lang. Nang maalala na kasama si Akime ay napalingon siya sa kinaroroonan nito.
Eksaktong lumapit sa kanila si Akime. “What took you so long?”
Tinuro niya ang babae saka sumagot. “Uh. She accidentally bumped onto me. Tara na?” yaya niya kay Akime.
“Late na naman tayo,” sagot ni Akime. But unlike her usual attitude, hindi pagrereklamo ang nahihimigan niya sa boses nito. Humawak ito ng mahigpit sa braso niya. Gusto ba siyang ilayo nito sa ibang babae? Nagseselos ba ito?
Sumingit ang babae sa kanila. “Again, sorry, sir.”
“Ayos lang iyon huwag mo lang ako tawaging sir. Kasalanan ko rin naman dahil nakatutok ako sa phone ko.” Pinigil niya ang kamay nito sa akmang pag-abot nito ng wet wipes. “Okay lang ako. I think you’re in a hurry.” He gave her a comfortable smile.
Nang hindi ito kaagad sumunod ay marahan niyang kinuha ang hawak nitong wet wipes at siya na mismo ang nagpunas sa puting t-shirt niya na nagmistulang mapa sa gitna ng dibdib niya.
“Mabuti at hindi masyadong mainit itong kape.” Mabagal ang pagkakatanggal ng kunot ng noo nito nang marahil ay makilala siya.
“Jhonel Hosoda.” Halos pabulong na wika nito, at saka sumilay ang ngiti sa labi. “Pwede bang magpapicture kasama ka? I love your songs.”
“Which one’s your favorite?”
“Pusong Bato Ka Ba?”
“Hindi bato ang puso ko.”
Tila natigagal ang babae. Lumingon ng mabilis kay Akime, at tumingin muli sa kanya.
“Hindi ka na mabiro,” tumatawang wika ni Akime, na dumapo ang palad sa siko ni Jhonel, nagpapahiwatig ng seguridad.
She clears her throat, then smiled back. “So, selfie?”
Tumalima nga si Jhonel pero sa pagsang-ayon muna ni Akime. And for the first time, kasama si Akime sa pagpapa-picture niya kasama ang isang fan. And what Akime did overwhelmed him.
Humarap siya sa front camera nito at halos magkasabay silang ngumiti.
“Thanks. Matutuwa ang kapatid ko `pag nalaman niyang na-meet ko ang vocalist ng Habibi Boyz.”
“Regards mo ako sa kapatid mo.”
“Oo ba!”
Sinundan niya ito ng tingin habang papalapit sa isang lalaki. The girl looks familiar. Hindi niya maalala saan niya ito nakita pero malakas ang kutob niyang nagkita sila somewhere. Naramdaman niya ang paghila ni Akime sa kanya. Nagpaalam na rin ang babae sa kanila.
“Hindi ko gusto iyong tingin mo sa babaeng iyon.”
“Ha?”
Ang dalawang salitang ito ay hindi niya alam paano susundan. Na-blangko si Jhonel sa naging reaksyon ng girlfriend niya.
Hindi niya na muling nilinga ang nakabungguan niya but he was sure na nagkita na sila.
Sa kotse niya, nauna siyang umimik. Tila walang balak si Akime na kausapin siya.
“So, susunduin na lang kita sa kasal ni Tita Ely. Nasa bahay ko ang mga lalaki kaya hindi kita pwedeng dalhin doon ngayon,” ani Jhonel nang nasa sasakyan na sila. Mananatili muna pansamantala si Akime sa bahay ng kanyang tita hanggang sa matapos ang kasal. Ito ang ipinunta nito sa bansa. Pero lingid dito ang isang mahalagang bagay na binabalak niya.
“Sure. Walang problema sa `kin as long as ma-e-enjoy ko ang ilang araw na stay ko rito nang walang ibang babae na aali-aligid sa `yo.”
“Nagseselos ka nga.” Napangiti siya.
“At gusto mo pa yatang matuwa ako?”
Hindi na nagsalita si Jhonel, ginagap niya ang isang kamay ni Akime, hindi rin ito nagprotesta.
Maikling katahimikan ang pumagitna sa kanila, pagkatapos ay binasag iyon ni Jhonel.
“M-may sasabihin sana ako...” Words slowly choked him. Paano niya ba uumpisahan gayong umaakyat ang kaba niya mula sa tuhod patungong dibdib niya? Bahala na!
Hindi niya nilinga si Akime pero alam niyang nakatingin ito sa kanya. Nasa kahabaan na sila ng EDSA at nasa ilalim ng traffic.
“Ano iyon?”
“Uh...”
“Nenenerbiyos mo ako.”
“Okay, kapag ba tayo na ang ikinasal, saan mo gustong ikasal?”
“Wala pa naman siguro sa plano mo iyan, di ba?” Tinaasan siya nito ng kilay.
“Hindi na tayo bumabata. Syempre, we have to make plans. Mabubuhay naman na kita,” biro pa nito.
Biglay tumahimik si Akime, na ikinabahala ni Jhonel.
Pinisil niya ang palad nito, saka dinala sa labi at dinampian ng pinong halik.
“Na-pressure ba kita?”“Hindi naman. Nabigla lang ako. At tama ka, kailangan na nga siguro nating magplano para sa atin, sa future natin.”
Ang kaba kanina ni Jhonel sa kaiisip sa proposal niya kay Akime ay nahalinhan ng pag-asa, at saya. Huwag lang sanang mabulilyaso ang mga plano niya.
“WHY are you so excited?”Smiling, Jhonel shook his head. “Mind your necktie and not my business.” Nilinga niya si Junix na tumapat sa kinatatayuan niya sa harap ng long length mirror sa kwarto ng groom. At inayos ang kurbata.“I noticed someone outside.”“Babae?”“Of course!” Tumatawang tumalikod si Junix. “Beautiful and sexy. At tsinita...” pahabol nitong lumabas na ng pintuan.Nag-isip siya. May ibang tsinita ba itong tinutukoy maliban sa girlfriend niya? Bukod sa ibang kasamahan nila noon sa bar na dating pinagtatrabahuan niya sa Japan kasama si Akime ay ngayon niya muling narinig na may humanga sa nobya.Malamang ay nahila ni Junix pabalik ang dila kung alam lang nitong girlfriend niya ang tinukoy nito.Ang kasal ay sa family ancestral home nila sa San Ignacio. Sa bahay rin na ito ikinasal ang mga magulang niya at iba pang kasapi ng pamilya.
“F******K LIVE BROADCAST? You can’t be serious, Jhon!”“Why not?” Tiningan niya si Tayler at tumango. “Mas magandang paraan `yon kaysa magbayad pa ako ng tao para hanapin `yong babae na `yon. I don’t want to waste money for this.”“Hindi pa ba pagsasayang ng oras `tong ginagawa mo? At sinisira mo ang pangalan mo. Hindi ka dapat padalos-dalos.”Somehow, Tayler was right. Pero desidido siyang ituloy ang plano. “Hindi hahantong sa ganito kung mas maaga niyang isinauli ang bagay na hindi naman sa kanya.”“Blame yourself for that carelessness.”“Hindi ka nakakatulong. Mas kinakampihan mo pa ang babaeng hindi mo kaano-ano.”“Don’t be so childish. Concern kami sa career mo. Ayaw naming mga kaibigan mo na mapahamak ka. Nasaktan ka na nga dahil kay— never mind— pagkatapos ay heto ka ngayon at parang tangang naghahabol sa babaeng hindi mo talaga kilala. What if masamang tao pala talaga `yon at binenta na pala ang singsing?”Mukhang kailangan niyang i-apply ang second option niya. Kung tatalab,
She would have ignored him, or ran away from him. But here she is… following the flow! Hindi mawari ni Laceyleigh kung tama ang desisyon niya. One thing is so sure, hapon na’t pahirapan ang pagsakay nang ganitong oras. Baka gabihin siya at baka mag-alala si Mickey sa kanya. Sasabay siya sa sasakyan ni Jhonel hindi dahil gusto niya, kundi dahil ito lang ang choice niya. Hindi rin ang sinasabi nito na ‘date’ ang concern niya, kailangan niya lang talaga na makauwi sa saktong oras. Pero sa kabilang banda, ano naman kung makipag-date siya? She is single, Jhonel is single. Wala siyang nakikitang mali roon. Ops, mayoon pala. Kahihiwalay lang nito at ng fianceé nito. Whatever! Wala rin namang malisya sa kanya kung sasama siya rito ngayon. Maliban kung ito na ang magbibigay malisya sa pagsama niya. At wala na siyang pakialam doon. Nahabol ng paningin niya ang pagngiti ni Jhonel, ngiting tila nagtagumpay sa dwelo. “Napakabilis naman magbago ng isip mo, fianceé.” The way he pronounces fianc
IPINAGTATAKA ni Laceyleigh ang grupo ng mga tao sa labas ng bahay nila. Pinigilan siya ni Jhonel sa akmang pagbaba sa sasakyan. “Sino ang mga iyan at bakit nandiyan sila sa harapan ng bahay ko?” “Look at them carefully. Mga Media sila.” Namilog ang mga mata niya. Ano ang ginagawa ng Media sa bahay nila? Doon lamang niya napagtanto na tama si Jhonel. Hindi niya maiiwas ang ekspresyon ng pagtataka. “Bakit nandito sila?” “Natunton ka na nila.” Gusto sana niyang sumbatan si Jhonel. Dahil in the first place ay kasalanan nito iyon. Kung hindi dahil sa pag-post nito tungkol sa kanya sa social media ay hindi siya makikilala ng Media. In between shock and confusion, Laceyleigh managed to grabb her cellphone from her chest bag. Hinanap niya sa dialled lists ang contact number ni Mickey. “Nasaan ka? May mga press sa labas ng bahay natin. Huwag ka munang umuwi. Or susunduin ka namin diyan!” Inignora niya ang tanong ng kapatid sa tinukoy niyang 'namin' dahil hahaba lang ang diskusyon nila.
Tumikhim ito na nagpabalik sa malayong daloy ng isip ni Leigh.. Bago magsalita ay tumikhim din siya. “Huwag mo na akong alalahanin. Tama na ‘yung kokopkopin mo kami ng isang araw. Kung nababahala ka rin na humarap ako sa Media at magsasalita, don’t worry, iiwas ako hanggang kaya ko.”Tahimik lang na nakikinig si Jhonel. Hindi tuloy alam ni Leigh kung ano ang iniisip nito.“Saka hindi ko naman sisirain ang career mo kung iyon ang isa pa sa ikinababahala mo. At mabahiran ng kahihiyan ang pangalan mo’t ng grupo ninyo.” Naiisip pa lamang niya ang sinabi nitong itutuloy nila ang drama nila bilang mag-fiancée ay tila nahihirinan na siya.“You will stay in my house as long as I want, whether you like it or not. Pwede kang mangatwiran pero hindi ka pwedeng tumanggi.” “May sarili akong buhay, Jhonel.”“Pero ako ang masusunod ngayon.”“At may kapatid akong binubuhay,” pangatwiran niya ulit.“I can feed you both.”“That’s not my point!” Tumaas ang boses ni Leigh sa inis niya sa lalaki. Minamalii
HIS eyes landed to Laceyleigh’s lips. Those lustful lips kissed him a month ago. Hindi na nawala kay Jhonel ang pakiramdam na ito magmula nang maglapat noon ang mga labi nila. Why is he craving for an another chance to kiss her willingly with all of his heart? Napalunok siya. Parehong nabaling ang tingin nila sa tumunog na cellphone sa tabi ni Laceyleigh. Nakatulong iyon upang makaiwas din siya sa pagnanasang halikan ito. “I will check the room.” Hindi niya mahagilap ang sasabihin. Itinuro niya ang bahaging likuran ni Laceyleigh kung saan naroon ang extra room na patutuluyan niya rito. Para lang mapansin nitong naghihintay siya ng sagot gayong nakita niya ang marahang pagtango ni Laceyleigh ay hindi siya kaagad umalis. Damn! Does he really needs a verbal conversation? “So, I’ll go ahead...” “S-sige. Susunod na lang ako,” matipid na ani Leigh. “Okay.” At nilagpasan na niya ito. Kung sino man ang tumatawag kanina ay tila nakaramdam siya dito ng inis. Sinundan ni Laceyleigh ng mara
KAYSA hintayin ang tagalinis na sinasabi ni Jhonel, kusang kumilos si Laceyleigh para siya na mismo ang maglinis sa silid. Isa pa’y hapon na para kumuha pa ito ng maglilinis. Sana pala’y kinontra niya na lang ito kanina dahil kaya niya naman ang trabaho. Hindi rin naman gaanong marumi ang kwartong ito. Binuksan niya ang closet at naghanap doon ng pamalit sa bed sheets at kurtina. Swerte at may nakita siyang naka-intack doon maliban sa ilang naka-hang na t-shirt. Set iyon ng punda, kobre kama at kurtina. Kulay berde, kulay panlalaki. Saglit siyang lumabas at naghanap ng mga gamit panlinis sa kusina. Nang makuha ang mga kailangan bumalik siya sa silid at nagsimula nang linisin ang kwarto. Tiyempo na wala si Jhonel habang nagtatrabaho siya. Hindi niya rin ito inabutan sa labas. Mabuti na rin iyon para walang sagabal at istorbo sa galaw niya. Nang matapos si Laceyleigh sa ginagawa ay ibinalik niya ang mga gamit sa pinagkuhanan. Ngayon niya naramdaman ang literal na pagod, pagod ng kataw
PAKIRAMDAM ni Jhonel ay may nagwawala sa sikmura niya. Aminado siyang minahal niya si Akime pero ang pakiramdam na ganito para sa isang babae na hindi niya mawari kung ano ay nag-e-exist din pala. Lalo pa’t sa hindi niya karelasyon. Naramdaman niya ang paggalaw ng labi ni Lacryleigh at ang pagganti nito sa halik niya. Pero nang marahil matauhan ay itinulak siya sa dibdib. “Akime...” Hinatak niya ito pabalik at muli ay naitukod nito ang mga braso sa dibdib niya. Nasa baywang nito ang isang kamay niya at ang isa ay nasa batok ng babae. At huli na rin para mabawi ni Jhonel ang sinabi. Sa kaiisip niya kay Akime ay naisatinig niya pa ang pangalan nito. Nakatitig si Laceyleigh sa kanya nang magmulat siya ng mga mata. Her eyes were questioning. And he could see the confusion behind her eyes. And pain? He wasn’t sure. But what for? Dahil ba sa hindi sinasadyang pagtawag niya rito sa pangalan ng ex-girlfriend niya? Sinagot niya ang sariling tanong. Malamang, dahil kung babaliktarin ang sitw
Napipilan siya sandali pero unti-unti ay bumawi ng lakas ng loob para humingi ng pasensiya sa lalaki. Ito lang naman ang kaya niyang gawin sa ngayon. Alam niyang sarado ang isip ni Jhonel at hindi niya ipipilit na makipag-ayos dito ngayon. “I’m so sorry. Please forgive me.” Words sincerely escaped from her throat. Then she looked away. Kung tatagal siya sa pakikipagtitigan dito ay baka sugurin niya na lang ng yakap si Jhonel o magmakaawa siya rito. Pero mabuti na rin na hindi niya makita pa ang sakit sa mga mata nito, at mabuti pa nang hindi na rin niya nararamdaman ang pag-usig ng budhi sa kanya. Mabigat ang loob, masama ang pakiramdam at lutang na lutang si Leigh nang hindi nilinga si Jhonel at nilakad ang pintuan. “And the dinner is ready kung gusto mong maghapunan. Sana magustuhan mo ang mga niluto ko, Jhon... Jhonel.” Kahit ang totoo’y hindi iyon ang ipinagdarasal niya dahil ang dasal niya ay pagbigyan siya nitong makasalo man lang sa huling pagkakataon. Pero malabo. Ipinagtata
Narinig niya ang pagtawag muli ni Ely sa pangalan niya, kaya binalik ni Leigh sa tainga ang cellphone. Tumikhim siya para tanggalin ang anumang bumabara sa lalamunan niya. “I can’t stay in writing. I have switched my plans. At gusto kong gawin iyon habang bata pa ako. Tungkol kay Jhonel, siguro kailangan muna naming maghiwalay. We need space. Isa pa’y ayoko rin na guluhin ang career niya. Ayokong maging pabigat pa sa kanya.” Purong walang katotohanan ang mga iyon. Kailangan niya lang panindigan.Hindi niya ito narinig na nagprotesta pero alam niyang hindi ito sang-ayon sa ibang sinabi niya. Sigurado siya roon. “Alam kong nauunawaan mo ako.”Ely sighed again. “I think hindi na talaga kita ma-co-convince pa. Pero bilang kaibigan at payong pangkaibigan, ayoko sanang iwan mo ang pamangkin ko.” Hindi iyon pakiusap. Hindi rin pagmamakaawa. It’s just a matter of concern. At duda siya kung mapagbibigyan siya ni Leigh this time. Ilang beses na rin naman siyang humingi rito ng pabor at walang t
Laceyleigh played the role of a real loving wife to Jhonel; prepared the dinner nook, organized the bedroom, put the stuffs in the bathroom in their order, cleaned the tiny living room. Hanggang sa paglalaba ng ilang naitambak na damit nila ni Jhonel ay ginawa niya. Only to forget Jhonel and Akime together. The scene she had seen downstairs at the mini store remain swinging in her head. Leigh busied herself. Ngunit hindi naibsan ng pagod na nararamdaman niya mula sa natapos niyang housechores ang sakit ng nakita niya. At the moment she closed her eyes and feel the air from the air-conditioned, Leigh also ignored the rats running in her chest. At ang nakita niya kanina ay kasama sa pilit na binalewala niya. Kung may magpapaliwanag at humingi ng pasensiya, siya dapat at hindi si Jhonel. At nakapagdesisyon na siya. Lahat ng kailangan na malaman ni Jhonel ay sasabihin niya sa lalaki mamaya. “I’ll be home at nine, honey. I love you...” sabi nito kasabay ng pagtanim ng pinong halik
JHONEL smiled with a mixture of happiness and embarrassment. Matagal siya nitong tinitigan. Then he bent his head slowly. Napalunok si Leigh. But her throat didn’t respond. Pati ba naman laway niya ay sasama rin sa pagtakas ng hiya niya? This is damn! And she loved this damn feeling inside her. His hand presses the nape of her neck thoroughly na para bang sinasadya nitong maramdaman niya ang kiliti ng bawat haplos nito. Hindi niya ikakaila ang nararamdaman niya. Na kung hindi sa pagpipigil niyang huwag sumigaw ay baka kanina pa niya ginawa. In a reverse way, a sweet moan came out of her dried throat. Ramdam niya ang init ng palad nito. Ganoon din ang tumataas na ring init sa katawan niya. Then he pulled her close to him. He kissed her gently, then it suddenly became rough and hungry. Dumiin ang pagkakahawak nito sa likod ng ulo niya. Sa loob ng bibig niya, ramdam ni Leigh ang dila nitong animo’y may hinahanap doon.Kasabay niyon ang marahan na pagbaba ng isang kamay nito sa likod ni
HER confessions? Sabi na nga ba. Hindi pala nito nakalimutan ang sinabi niya over the phone earlier. Nais niyang humindi sa bahaging iyon dahil hindi naman iyon ang ikukumpisal niya dapat. But, then, she nodded her head slowly. Breathing could be a relief, so she dropped a sudden deep breath. “Y-yes. Pwede mong basahin iyon bago ko ipasa.” “No. It would be fine. Alam ko naman na maganda ang kalalabasan niyon.” Tumango si Leigh. “It’s easy for you to say it. Iiwan ko sa `yo ang kopya at basahin mo.” She rolled her eyes, seeing Jhonel shaking his head. “No whys and buts...” aniya na nagpatawa rito. “Alright,” pagsukong sagot niya. Pinaikot niya ito na nagpatili ng bahagya kay Laceyleigh. Wala ito sa expectations niya pero hindi naman kaliwa ang dalawang paa nilang dalawa para hindi ma-enjoy ang slow dance na ito. Naisip niya na kung sana ang confidence ni Jhonel ay lumipat sa kanya para umamin na rito, at para makauwi na siya. Pero sadyang humina ang loob niya pagkakita niya rito
“LACE, is there any problem?” Good point kung nahihimigan nito ang pag-aalala niya dahil iyon naman ang totoong nararamdaman niya ngayon. Consolation na ang pag-asam niyang tugma ang feelings nila. Sandali niyang inilayo ang cellphone sa kanya, saka bumuga ng hangin sa bibig. “Wala naman, Jhonel... I’m sorry to interrupt. I just...” Bago ito makapagpatuloy ay sinalo niya ang linya ni Laceyleigh. “I’ll fetch you at your house tonight. Dito na lang tayo sa place ko mag-dinner if that sounds okay to you?” Narinig niya ang paghinga ng malalim ni Leigh. At nais niyang magtanong kung ano ang ikukumpisal nito pero naisip niya rin kaagad na makapaghihintay pa ang gabi. “Sounds great. Pero huwag mo na akong sunduin. May kotse naman ako.” Bigla ay humalili sa tono ang panghihinayang. “You sure?”“Huwag ka nang mag-abala. Alam ko naman ang address mo.”“Sige, ikaw ang masusunod. So, see you later?” “Yep! See you later. And...” Leigh lost her tongue in seconds. She releases another long and
MULA sa nagkalat na mga bubog sa sahig dahil sa nabasag na mug ay umangat ang mga mata ni Leigh sa taong nakatayo sa tapat ng lababo. Nagkasalubong ang mga mata nila. At mahahalata sa mga mata ng kaharap ang galit.“A-akime?” Ang naramdaman niya ay magkahalong usig ng budhi at awa sa halip na magulat siya sa presensiya nito. “Bakit ka nandito?” Mabilis din na naipilig ni Leigh ang ulo dahil sa klase ng tanong niya. Nahabol niya ang pagsingkit lalo ng mga mata nito. “Ibig kong sabihin, kanina ka pa ba nandito? Si Mickey?”Bahaw siyang tumawa. Alam niyang nagulat si Leigh na siya ang inabutan nito doon imbis na ang kapatid nito. “Akime...” pag-uulit niya, at tumango. “Ngayon mo lang ulit ako tinawag sa buong pangalan ko.”She was right. And she can sense trouble in her tone. Nickname nito ang madalas itawag niya rito. Ngayon lang ulit naging pormal ang pagtrato niya sa kaibigan. Feeling niya nanganganib maging ang friendship nila sa engkwentro na ito. At malakas ang kutob niya na hindi n
Naramdaman ni Jhonel ang interes ni Laceyleigh. Sa sarili ay alam niyang mapagkatitiwalaan niya ito. “Natakot si Tayler na baka ikaw ang dahilan para maungkat ang naging past relationship ko kay Divine.” Hindi masabi ni Jhonel ang nakita niyang picture nina Laceyleigh at Akime. Kuha iyon noong kasal ng tita niya. Larawan ng friendship at hindi basta nagkakilala lang. Kaya ba ito invited sa kasal? Gusto niyang pigain ang ulo sa mga gumugulo ngayon sa kanya. Ang lahat ba’y planado? Pero paano? Ayaw niyang panghawakan iyon. Ang masakit pa nito’y wala siyang nakikita ni katiting na concern mula kay Laceyleigh, na para bang wala itong pakialam sa sitwasyon niya. Another thing confuses him, Tita Ely never mention Laceyleigh to him. Ito ba ang sinasabi nitong paboritong writer nito? Napaungol siya. Heaven help! “What?” Hindi makapaniwalang napukpok ni Leigh ang hita. Ganoon na ba kasama ang tingin ni Tayler sa kanya? Pero hindi nga ba’t bukod sa magkaroon ng inspirasyon, may iba pa siyang
SA harap ng isang bungalow house huminto ang sasakyan ni Jhonel. Sa unahan ay may ilang naka-park din na sasakyan at motorsiklo. “This is Tayler’s house. The majority voted to have lunch in his place, kaya tayo narito,” paliwanag niya kay Laceyleigh nang mapansin ang pagtataka nito pagbaba nila. “Nice place,” komento niya naman na saglit nilibot ang tingin sa paligid. “Swerte ng lalaki na ‘yun. Besides, masarap din magluto si Nanay Elisa kumpara kung sa fancy restaurants pa tayo kumain. Here, we can smell the natural scent of nature, plus makakaiwas pa tayo sa mata ng maraming tao.” May pagmamalaki sa tinig nito. “At sa camera,” natatawang dugtong niya. “You’re right.” Ngumiti na rin siya. His voice is melodious. His smile is engaging. His stare was striking that forced her to look away. Totoo’y nakapanghihina ng kalooban na katabi si Jhonel. Nagpatiuna si Jhonel sa pagpasok sa loob ng bahay. Sumunod naman siya rito. Hindi alam ni Leigh kung tama pa ba itong ginagawa niya, pero