HER confessions? Sabi na nga ba. Hindi pala nito nakalimutan ang sinabi niya over the phone earlier. Nais niyang humindi sa bahaging iyon dahil hindi naman iyon ang ikukumpisal niya dapat. But, then, she nodded her head slowly. Breathing could be a relief, so she dropped a sudden deep breath. “Y-yes. Pwede mong basahin iyon bago ko ipasa.” “No. It would be fine. Alam ko naman na maganda ang kalalabasan niyon.” Tumango si Leigh. “It’s easy for you to say it. Iiwan ko sa `yo ang kopya at basahin mo.” She rolled her eyes, seeing Jhonel shaking his head. “No whys and buts...” aniya na nagpatawa rito. “Alright,” pagsukong sagot niya. Pinaikot niya ito na nagpatili ng bahagya kay Laceyleigh. Wala ito sa expectations niya pero hindi naman kaliwa ang dalawang paa nilang dalawa para hindi ma-enjoy ang slow dance na ito. Naisip niya na kung sana ang confidence ni Jhonel ay lumipat sa kanya para umamin na rito, at para makauwi na siya. Pero sadyang humina ang loob niya pagkakita niya rito
JHONEL smiled with a mixture of happiness and embarrassment. Matagal siya nitong tinitigan. Then he bent his head slowly. Napalunok si Leigh. But her throat didn’t respond. Pati ba naman laway niya ay sasama rin sa pagtakas ng hiya niya? This is damn! And she loved this damn feeling inside her. His hand presses the nape of her neck thoroughly na para bang sinasadya nitong maramdaman niya ang kiliti ng bawat haplos nito. Hindi niya ikakaila ang nararamdaman niya. Na kung hindi sa pagpipigil niyang huwag sumigaw ay baka kanina pa niya ginawa. In a reverse way, a sweet moan came out of her dried throat. Ramdam niya ang init ng palad nito. Ganoon din ang tumataas na ring init sa katawan niya. Then he pulled her close to him. He kissed her gently, then it suddenly became rough and hungry. Dumiin ang pagkakahawak nito sa likod ng ulo niya. Sa loob ng bibig niya, ramdam ni Leigh ang dila nitong animo’y may hinahanap doon.Kasabay niyon ang marahan na pagbaba ng isang kamay nito sa likod ni
NAGPAKAWALA ng malalim na hininga si Jhonel pagkatapos niyang mailapag ang dalawang pumpon ng preskong Daisy sa magkatabing puntod ng kanyang mga magulang sa Heritage Memorial Park. Hindi naalis sa kanya ang paniniwalang nasa paligid lamang ang kaluluwa ng mga pumanaw na kaya nakagawian niya ring kausapin ang mga ito. “It’s been two years, Mom.” Muli ang pagbuga niya ng hangin at pagngiti ng mapakla. Memories crosses his mind as his heart started recollecting the pain. Bagaman natanggap niyang ulila na silang tatlong magkakapatid, hindi pa rin ganoon kadali sa kanya na makalimutan ang sakit na idinulot ng parehong pagkawala ng kanilang mga magulang. Heaven knows how much that hurt! Nasaksihan ng dalawang mata niya ang paghihirap ng kanyang ina, na sa paglipas ng maraming araw na pakipaglaban nito sa sakit na Lupus, binawian din ito ng buhay. Parang kailan lang, 2018 na, pero hanggang ngayo’y dala niya sa puso ang labis na pangungulila
“WHY are you so excited?”Smiling, Jhonel shook his head. “Mind your necktie and not my business.” Nilinga niya si Junix na tumapat sa kinatatayuan niya sa harap ng long length mirror sa kwarto ng groom. At inayos ang kurbata.“I noticed someone outside.”“Babae?”“Of course!” Tumatawang tumalikod si Junix. “Beautiful and sexy. At tsinita...” pahabol nitong lumabas na ng pintuan.Nag-isip siya. May ibang tsinita ba itong tinutukoy maliban sa girlfriend niya? Bukod sa ibang kasamahan nila noon sa bar na dating pinagtatrabahuan niya sa Japan kasama si Akime ay ngayon niya muling narinig na may humanga sa nobya.Malamang ay nahila ni Junix pabalik ang dila kung alam lang nitong girlfriend niya ang tinukoy nito.Ang kasal ay sa family ancestral home nila sa San Ignacio. Sa bahay rin na ito ikinasal ang mga magulang niya at iba pang kasapi ng pamilya.
“F******K LIVE BROADCAST? You can’t be serious, Jhon!”“Why not?” Tiningan niya si Tayler at tumango. “Mas magandang paraan `yon kaysa magbayad pa ako ng tao para hanapin `yong babae na `yon. I don’t want to waste money for this.”“Hindi pa ba pagsasayang ng oras `tong ginagawa mo? At sinisira mo ang pangalan mo. Hindi ka dapat padalos-dalos.”Somehow, Tayler was right. Pero desidido siyang ituloy ang plano. “Hindi hahantong sa ganito kung mas maaga niyang isinauli ang bagay na hindi naman sa kanya.”“Blame yourself for that carelessness.”“Hindi ka nakakatulong. Mas kinakampihan mo pa ang babaeng hindi mo kaano-ano.”“Don’t be so childish. Concern kami sa career mo. Ayaw naming mga kaibigan mo na mapahamak ka. Nasaktan ka na nga dahil kay— never mind— pagkatapos ay heto ka ngayon at parang tangang naghahabol sa babaeng hindi mo talaga kilala. What if masamang tao pala talaga `yon at binenta na pala ang singsing?”Mukhang kailangan niyang i-apply ang second option niya. Kung tatalab,
She would have ignored him, or ran away from him. But here she is… following the flow! Hindi mawari ni Laceyleigh kung tama ang desisyon niya. One thing is so sure, hapon na’t pahirapan ang pagsakay nang ganitong oras. Baka gabihin siya at baka mag-alala si Mickey sa kanya. Sasabay siya sa sasakyan ni Jhonel hindi dahil gusto niya, kundi dahil ito lang ang choice niya. Hindi rin ang sinasabi nito na ‘date’ ang concern niya, kailangan niya lang talaga na makauwi sa saktong oras. Pero sa kabilang banda, ano naman kung makipag-date siya? She is single, Jhonel is single. Wala siyang nakikitang mali roon. Ops, mayoon pala. Kahihiwalay lang nito at ng fianceé nito. Whatever! Wala rin namang malisya sa kanya kung sasama siya rito ngayon. Maliban kung ito na ang magbibigay malisya sa pagsama niya. At wala na siyang pakialam doon. Nahabol ng paningin niya ang pagngiti ni Jhonel, ngiting tila nagtagumpay sa dwelo. “Napakabilis naman magbago ng isip mo, fianceé.” The way he pronounces fianc
IPINAGTATAKA ni Laceyleigh ang grupo ng mga tao sa labas ng bahay nila. Pinigilan siya ni Jhonel sa akmang pagbaba sa sasakyan. “Sino ang mga iyan at bakit nandiyan sila sa harapan ng bahay ko?” “Look at them carefully. Mga Media sila.” Namilog ang mga mata niya. Ano ang ginagawa ng Media sa bahay nila? Doon lamang niya napagtanto na tama si Jhonel. Hindi niya maiiwas ang ekspresyon ng pagtataka. “Bakit nandito sila?” “Natunton ka na nila.” Gusto sana niyang sumbatan si Jhonel. Dahil in the first place ay kasalanan nito iyon. Kung hindi dahil sa pag-post nito tungkol sa kanya sa social media ay hindi siya makikilala ng Media. In between shock and confusion, Laceyleigh managed to grabb her cellphone from her chest bag. Hinanap niya sa dialled lists ang contact number ni Mickey. “Nasaan ka? May mga press sa labas ng bahay natin. Huwag ka munang umuwi. Or susunduin ka namin diyan!” Inignora niya ang tanong ng kapatid sa tinukoy niyang 'namin' dahil hahaba lang ang diskusyon nila.
Tumikhim ito na nagpabalik sa malayong daloy ng isip ni Leigh.. Bago magsalita ay tumikhim din siya. “Huwag mo na akong alalahanin. Tama na ‘yung kokopkopin mo kami ng isang araw. Kung nababahala ka rin na humarap ako sa Media at magsasalita, don’t worry, iiwas ako hanggang kaya ko.”Tahimik lang na nakikinig si Jhonel. Hindi tuloy alam ni Leigh kung ano ang iniisip nito.“Saka hindi ko naman sisirain ang career mo kung iyon ang isa pa sa ikinababahala mo. At mabahiran ng kahihiyan ang pangalan mo’t ng grupo ninyo.” Naiisip pa lamang niya ang sinabi nitong itutuloy nila ang drama nila bilang mag-fiancée ay tila nahihirinan na siya.“You will stay in my house as long as I want, whether you like it or not. Pwede kang mangatwiran pero hindi ka pwedeng tumanggi.” “May sarili akong buhay, Jhonel.”“Pero ako ang masusunod ngayon.”“At may kapatid akong binubuhay,” pangatwiran niya ulit.“I can feed you both.”“That’s not my point!” Tumaas ang boses ni Leigh sa inis niya sa lalaki. Minamalii