Share

Chapter 2

“WHY are you so excited?”

Smiling, Jhonel shook his head. “Mind your necktie and not my business.” Nilinga niya si Junix na tumapat sa kinatatayuan niya sa harap ng long length mirror sa kwarto ng groom. At inayos ang kurbata.

“I noticed someone outside.”

“Babae?” 

“Of course!” Tumatawang tumalikod si Junix. “Beautiful and sexy. At tsinita...” pahabol nitong lumabas na ng pintuan. 

Nag-isip siya. May ibang tsinita ba itong tinutukoy maliban sa girlfriend niya? Bukod sa ibang kasamahan nila noon sa bar na dating pinagtatrabahuan niya sa Japan kasama si Akime ay ngayon niya muling narinig na may humanga sa nobya. 

Malamang ay nahila ni Junix pabalik ang dila kung alam lang nitong girlfriend niya ang tinukoy nito.

Ang kasal ay sa family ancestral home nila sa San Ignacio. Sa bahay rin na ito ikinasal ang mga magulang niya at iba pang kasapi ng pamilya. Dahil sa sentimental value ng kanyang mga ninuno. 

Binalikan niya ang tanong ni Junix pagkatapos ay sandaling tinanaw ang repleksyon sa salamin. Nakitaan siya nito ng excitement pero hindi lang iyon ang nararamdaman niya ngayon. 

Paano kung magbago ang sitwasyon at tanggihan siya ni Akime? Paano kung ito rin ang gawin nitong dahilan para maghiwalay sila? 

Huminga siya ng malalim at marahas itong ibinuga. Kahit sino’y ginagawang pain reliever ang pagbuntong-hininga. Na para bang mawawala lahat ng bigat ng kalooban sa paraan na iyon. Sana nga ganoon. Pero daig niya pa ang hopeless romantic. Kinapa niya ang kaheta sa bulsa ng blazer niya.

He’s damn nervous!

Matagal siyang nakatayo roon hanggang sa mag-decide na siyang sumunod sa mga kabanda sa labas. Ang theme ng kasal ay isang garden wedding. Sa malawak na bakuran mismo nila ito iraraos.

 

Nakapwesto na ang mga musicians. Nasa drums sana siya dahil iyon naman talaga ang secret file niya maliban sa singing. Nahagip ng kanyang tingin ang lalaking nasa airport noong nakaraang araw na nilapitan ng babaeng nakabunggo sa kanya, nasa hanay ito ng mga violinists. Ito siguro ang nagkumpleto sa bilang. Request ito ng tita niya. Dapat ay sentimental ang kasal kaya halos lahat ng musicians ay naroon. 

Si Akime ay kanina niya pa hindi nakikita. Kinampante niya ang sarili at hinanda ang lahat ng lakas ng loob. Sanay naman siya sa maraming tao, pero dahil na rin siguro sa ibubulgar niyang sekreto tungkol sa girlfriend niya, samahan pa ng planong proposal. Nagsama-sama tuloy ang emosyon niya at nag-umpukan sa gitna ng dibdib niya dahilan para muli na naman ang pagbangon ng kanyang kaba.

He then focus to the song’s lyrics bago pa man tangayin ng nerbiyos ang magandang mood niya sa pagkanta. Ipinaalala niya sa sarili na para ito sa kanyang tita. 

The wedding ceremony started. And he started singing.

Every time our eyes meet

This feeling inside me

Is almost more than I can take

Baby, when you touch me

I can feel how much you love me

And it just blows me away

I've never been this close to anyone or anything

I can hear your thoughts

I can see your dreams

I don't know how you do what you do

I'm so in love with you

It just keeps getting better

I wanna spend the rest of my life

With you by my side

Forever and ever

Every little thing that you do

Baby, I'm amazed by you

Ipinagpatuloy niya hanggang matapos ang kanta. Nakatuon ang mga mata niya kay Akime habang kumakanta siya, na sinundan din ng tingin ng mga naroon ang babaeng tinitigan niya.

WALANG naganap na paghagis sa bouquet ng bride. Sa halip ay inabot iyon ni Tita Ely kay Akime na naghatid ng pagkabigla sa lahat ng naroon. Usual na paraan ng proposal na napanood niya sa social media pero ang mahalaga’y ang araw na ito, ang pag-YES ni Akime sa alok niyang kasal dito.

Nilinga siya ng tita niya. Ramdam niya sa mukha niya ang init mula sa mga matang nakatingin sa kanya habang bilang ang mga hakbang patungo kay Akime. Na maluha-luha. He ignored those eyes staring at him. 

“Alam kong halos lahat sila ay nagulat, I’m sorry for not telling you, guys.” The sentence addresses to his bandmates.

 

“Everyone, I want you to meet my girlfriend, Akime. And now that we gathered here for an special event, gusto ko rin sana na samahan ninyo ako sa espesyal ko ring paghingi sa kamay ni Akime.” Nasa harapan na siya ng nobya na tuluyang naiyak. 

“I’m sorry...” bulong niya na ang tinutukoy ay ang sorpresa na ito. “Alam kong ayaw na ayaw mo sa sorpresa pero ito lang ang tanging paraan ko. I love you, and I want to spend the rest of my life with you. I know how corny I am.” Mahina ang kumawalang tawa sa kanya. 

Lumuhod siya pagkatapos niyon. Totoo’y nakalimutan niya ang iba pa niyang sasabihin. “W-will you marry me?”

Napanood niya ang paglunok at marahas na paghinga ni Akime. Nabibingi siya ng tahimik na mga tao. Naghihintay sa susunod na mangyayari. Siya man tumatambol na ang dibdib sa maaaring resulta, sa posibleng isagot ni Akime. He prayed silently, na sana’y um-oo ito. Pero gayun na lang ang tila pagsabog ng fireworks sa langit pagkatapos ay biglang dumilim nang marahan na umiling si Akime. 

Nagsimula ang pag-panic ng mga tao. Sinundan ng kabilaang bulungan. 

“I’m sorry... but I’m engaged with another man, Jhon. Ito rin ang isa sa rason kaya ko tinanggap ang invitation dahil gusto kong matapos tayo ng maayos. My parents set my marriage to our business friend. Patawarin mo ako pero hindi ako pwedeng magpakasal sa `yo. Oo, mahal kita pero hindi ko rin pwedeng suwayin ang mga magulang ko.” Akime was crying.

Everyone was shocked. Mas malala sa pagkabigla ng mga ito kanina. 

Biglang nagdilim ang paningin niya. At gusto niyang ihampas ang kamao sa kahit anong bagay na mahawakan niya bunga ng sakit at kabiguan niya. 

Sinakluluhan siya ng mga kaibigan, maging si Tita Ely ay dumalo na rin. Pero pinili niyang mapag-isa. Pinalis niya ang kamay ng mga ito. “It’s all right, folks.” Mapait ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Hindi siya dapat kinakaawan sa sandaling iyon. Iniwan naman siya ng mga ito dahil sa kagustuhan niya. 

Lumayo si Jhonel sa mga tao pagkatapos ng kasal ni Tita Ely. Naramdaman niya ang labis na pag-aalala nito pero siniguro niyang okay lang siya. Hindi na rin nagpaalam si Jhonel sa mga kabanda dahil nakatitiyak siya na kung mauunawaan man siya ng mga ito, hinding-hindi siya makakatakas sa mga katanungan, o pagsisi. Nainda niya ang pagkapahiya pero hindi niya matanggap ang ginawa sa kanya ni Akime. 

NARAMDAMAN niya ang pagluhod ng kung sino man sa tabi niya sa harap ng puntod ng mga magulang.

“L-latte girl,” mapakla ang ngiting wika niya nang makilala ito.

“Rejected groom-to-be, hello.” Sinuklian siya nito ng mapanuyang ngiti. 

“Imbitado ka pala?”

“Nakita ko ang lahat kanina.”

“Nakita mo pala kung paano ako iniwan ng babaeng mahal ko.”

“Here!” Inabot nito ang palad sa kanya.

“Para saan iyan?”

“Bakit hindi na lang ako ang alukin mo ng kasal?”

Tumawa si Jhonel. “Nagbibiro ka ba? Hindi kita kilala. Hindi mo ako kilala, bakit pakakasalan kita?”

“Arrange marriage kagaya ng sa girlfriend— ex-girlfriend mo pala kanina.”

“Siya lang ang mahal ko.” Dinukot niya ang kaheta, binuksan. Napakaganda ng singsing na may diyamante sa gitna nito, na hindi tinanggap ni Akime. 

“Pero sige, sa `yo na `tong singsing. Walang kwenta sa `kin `yan!”

“Talaga? Baka naman bawiin mo `to kapag hindi ka na lasing.”

Sa halip na sumagot, kinuha ni Jhonel ang kamay ng babae at isinuot ang singsing sa daliri nito. 

“Looks beautiful on you.” Sandali niyang pinagmasdan ang kamay nito. She have the cute naked nails yet beautiful hand. Umangat ang tingin niya sa mukha nito. Unlike every woman in the ceremony, she is damn pretty. Pero mukha ni Akime ang nakikita niya na nagpabigat sa kalooban niya.

“Hindi ako siya kaya huwag kang tumitig ng ganyan sa `kin,” anito na itinaas ang kamay. 

“Come here,” bulong ni Jhonel.

Sumunod ito at niyakap siya. At nang kumawala ay masuyo siyang hinalikan. The kiss was gentle. Nagpadala siya sa sensasyon at ginantihan ang halik nito. Masarap iyon sa pakiramdam niya. Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso nito sa leeg niya, na gumising sa diwa niya. Marahas itong itinulak ni Jhonel.

Nang makahuma ang babae tumayo ito at lumayo mula sa kanya. Hindi niya ito hinabol para tanungin sa pangalan nito. Humilata siya sa damuhan, saka pumikit. Pagkatapos siyang i-dump ni Akime ay heto siya’t nagawa pang makipaghalikan sa babaeng hindi niya personal na kilala. He then cursed himself.

“HOW do you feel?” Inabot ni Leigh kay Michael ang bote ng beer saka umupo sa tabi nito. 

“Thanks. I’m good...” Tumungga ito.

“I think there’s a better word than good.” 

“Well, I’m great. Meeting the Habibi Boyz was fulfilling. Salamat, Leigh.”

“S-siguradong proud ngayon sa `yo ang mga magulang natin. You’re a great violinist... and a singer as well. And I’m grateful of having a handsome, sweet, adorable, and loving brother like you, Mickey.” Laceyleigh bit her lower lip, blocking her emotions.

Nagpapahirap sa kanya ang pagbanggit sa mga magulang. Na mahigit apat na taon ng nawala sa kanila ni Michael. Sa parehong dahilan ng sakit na cancer ang sanhi.

Michael held her hand. “Alam mo rin ba kung gaano ako ka-proud sa `yo? Of course, you have no idea kasi iniisip mo na salungat ako lagi sa mga desisyon mo. Lalo na ang ginawa mo kanina sa sementeryo.”

Mabilis na nilinga ni Laceyleigh ang kapatid. “Sinundan mo ako hanggang sa sementeryo?”

“Nang makita kitang sinundan mo si Jhonel, nagpaalam din ako kay Ely.”

Napalunok si Laceyleigh. 

“Leigh, you’re not Cupid. I know how good-hearted you are. Pero iba ang sitwasyon kanina sa pag-eksena mo.”

Galit si Michael pagkagaling nila sa kasal. Pati siya ay hindi rin alam ang nagawa. Basta na lamang siya nagpadala sa magandang scene na iyon. Mali. Basta na lamang siya sumunod kay Tita Ely.

“He was in the middle of his confusion... and heartbreak. Gusto ko lang siyang tulungan.”

“You took advantage, can’t you accept that?” Tumaas ang tono nito at nagbuhol ang mga kilay. Isang taon lang ang tanda niya kay Michael pero sa ganitong conversation nila. Ito ang tila mas matanda. At siya ang laging talo.

“Naawa ako roon sa tao...” patuloy niyang pagdedepensa gayong kung pritong isda lang siguro siya ay malamang kanina pa siya nasunog sa init ng sitwasyon nila. 

“Hindi pa rin dahilan para halikan mo siya!”

Napahiya siya sa sinabi ni Michael. 

“Reality and fictional are not in common, Leigh. Alam mo sana ang pagkakaiba niyon dahil ang paggamit ng ilusyon sa pagsusulat at pag-apply nito sa totoong magaganap ay parang experiment lang, you’ll gonna fail after so many failures.”

“Hindi naman na siguro kami magkikita kaya okay lang iyon...” pagwawalang bahala niya pagkatapos. Tumayo siya at iiwan sana si Michael sa porch pero natigil siya nang muli itong nagsalita. 

“He’s your boss’ nephew. Huwag kang kampante na hindi kayo magtatagpo. Lalo’t nasa sa `yo pa iyang engagement ring na iyan.”

“Shut up, Michael Javelona!” 

“I will... kapag ibinalik mo iyang singsing. I know you, Leigh. Stop creating mess.”

“Look who’s talking.” Iniwan niya ito ng tuluyan. Hindi siya pagsasalitaan ng kapatid ng ganoon kung alam nito ang totoong rason. But for now, tama ito. Kailangan niyang maibalik ang singsing. The question is how?

“IS it about the ring? Or the woman who wore it?” 

Wala siyang balak na lumingon kay Tayler pero siguradong nanunukso ang anyo nito. 

“The ring was my mother’s kaya napakahalaga niyon.” Totoong isa iyon sa dahilan. Ngunit isang buwan na ay wala pa siyang balita tungkol sa babaeng iyon na ni pangalan ay hindi niya alam.

“Hindi mo ba talaga siya kilala?”

“I recognized her. Sa Hong Kong. He was that girl in the hotel’s restaurant.”

“Sabi ko na nga ba,” Tayler replied. “Siya iyong hahabulin mo sana pero lumapit ako dahil sa paghingi ko sa `yo ng pabor na mapag-solo kami ni Dan. At iyon din ang araw na nagsabi siya sa akin ng totoo. Naalala ko,” he added, summarizing. 

“At ang araw din na nagkaayos kayo ni Winona.”

“Yeah!” Tayler nodded his head.

“I met her again at the airport. Natapunan niya ng kape ang damit ko. She’s also the owner of the Volkswagen that blocked my way in the cemetery. Then...” Inunan niya ang mga braso nang sumandal siya sa couch.

“Who is she anyway?” mayamaya pa ay tanong nito. 

“Silly!” Jhonel shook his head. “She’s hard to catch kasi maski pangalan niya ay hindi ko talaga alam.” Sinalat niya ang buhok at bahagyang sinabunutan. 

“Dalawang idea na lang ang naiisip ko. I don’t think it really work.” Nilinga niya si Tayler. Makatutulong ang mga ito sa gagawin niya. He stood up and grab his laptop. Then started scrolling F******k. Malabo na matiyempuhan niya ito sa sementeryo. But there’s one more effective thing.

He’s desperate! At ito lang din ang nakikita niyang paraan. Social media will be a huge help! 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status