Home / Romance / Tayo Na Lang (Habibi Boyz Series) / Chapter 4 — Muling Pagkikita

Share

Chapter 4 — Muling Pagkikita

She would have ignored him, or ran away from him. But here she is… following the flow!

Hindi mawari ni Laceyleigh kung tama ang desisyon niya. One thing is so sure, hapon na’t pahirapan ang pagsakay nang ganitong oras. Baka gabihin siya at baka mag-alala si Mickey sa kanya.

Sasabay siya sa sasakyan ni Jhonel hindi dahil gusto niya, kundi dahil ito lang ang choice niya. Hindi rin ang sinasabi nito na ‘date’ ang concern niya, kailangan niya lang talaga na makauwi sa saktong oras.

Pero sa kabilang banda, ano naman kung makipag-date siya? She is single, Jhonel is single. Wala siyang nakikitang mali roon. Ops, mayoon pala. Kahihiwalay lang nito at ng fianceé nito. Whatever! Wala rin namang malisya sa kanya kung sasama siya rito ngayon. Maliban kung ito na ang magbibigay malisya sa pagsama niya. At wala na siyang pakialam doon.

Nahabol ng paningin niya ang pagngiti ni Jhonel, ngiting tila nagtagumpay sa dwelo.

“Napakabilis naman magbago ng isip mo, fianceé.”

The way he pronounces fianceé is seemingly real. Pero alam ni Leigh na kalakip ito sa larong gusto ni Jhonel. And she will not retreat, or else, she will be in another mess again. Ayaw niyang isugod na naman sa kahihiyan ang sarili niya.

Stop calling me that! sigaw pa ng isip ni Leigh na kung naisatinig niya marahil ay baka lalo siya nitong aasarin.

Sumakay siya bago sumagot. “Ginagawa mo ba talagang big deals ang mga maliliit na bagay?”

“Dahil mahalaga sila. Unless...” He paused intentionally, nakangisi itong inayos ang pagkakaupo.

“Unless what?” Itinuon niya sa ignition key ang pansin, pero sa pagdududa ay umarko ang isang kilay niya.

“Natatakot ka bang makipag-date sa ‘kin?” sa halip ay tanong ni Jhonel.

Umingos siya at umiling. “No! I mean… The truth is, I‘ve been dating a colleague kaya hindi ko matatanggap ang alok mong i-date ako.”

“Sorry to hear that. Ibig bang sabihin ay binabasted mo na agad ako?”

“Bakit? Nanliligaw ka ba?” Huli na para bawiin iyon.

Jhonel stared at her, intently.

“Bakit? Pinapayagan mo na ba akong ligawan ka?”

“Kasasabi ko lang na I’m seeing someone else.”

“Mas gusto mo ba siya kaysa sa ’kin?”

“Kailangan na nating umalis.” In-start niya ang ignition para iiwas ang atensiyon sa usapan. Hindi siya makatatagal sa ganitong scenario sa totoo lang. Baka mabuko pa siyang nagsisinungaling tungkol doon sa colleague na dini-date niya dahil wala naman talagang nanliligaw ngayon sa kanya.

“You made me think of two reasons why you chose to drive.”

Saglit niyang sinulyapan si Jhonel.

“First, I left you with no choice.”

“And the second?”

Malakas itong tumawa pero maagap ding pinutol na para bang sasakyan na bilang nagpreno. “You really had no choice dahil wala kang masakyan pauwi.”

Nahiya siya bigla buhat sa narinig Para pakawalan ang pinipigilang tawa, sumulyap siya sa labas ng bintana. Nabasa ba nito ang iniisip niya kanina o nanghuhula lang?

“Alin ang tama ko?”

“Wala kang tama,” maikling sagot niya, pinigilan ang tawa.

“Dahil sa ‘yo ako totoong may tama.”

Gustong masamid ni Leigh sa narinig. Malakas pala itong magbiro.

Nahuli niya pa ang mapang-asar na ngiti ni Jhonel nang sulyapan niya. Then he pins an icy glare at her. Para bang may muzzle na nakatutok sa kanya. At mas gugustuhin niyang pumutok na lang kaysa tumagal pa sila sa ganoong ayos.

“Laceyleigh Javelona...” Jhonel whispered. “Kasingganda mo ang pangalan mo,” patuloy nito. “I like your name. And… I like you, too.”

It doesn’t matter how long she was silent. What matter to her is to breathe. Huminga siya nang hindi ipinahahalata kay Jhonel. Saka niya pinatakbo ang sasakyan.

Nagwelga ang sarisaring damdamin sa dibdib ni Leigh. But she’s good at that. Oh, well, she‘s trying to be good in their conversation. Kung ipahahalata niya na kinikilig siya, para na rin niyang ipinagsigawan dito na gusto niya rin ito.

“Thank you.” Mas okay na iyon pakinggan kaysa manatili siyang tahimik.

Natawa si Jhonel. Anuman ang sabihin ni Laceyleigh, kilos nito ang traydor. Sigurado siya na may damdamin itong espesyal para sa kanya. “Seryoso ka ba doon sa lalaking nanliligaw sa ‘yo?”

“Bakit personal kong buhay ang pinag-uusapan natin dito?”

“Then let’s talk about the ring, my ring.”

Naramdaman ni Leigh ang pag-iba ng tono ni Jhonel. Bigla itong sumeryoso.

“Or the kiss, instead?”

Then, there was a long silence between them.

“Wala tayong kailangan pag-usapan, Jhonel. Isasauli ko ang singsing, tatantanan mo ako. Period!” Nang makabawi ay sabi niya.

“Talaga?”

“At burahin mo ’yung post mo sa social media.”

“At kung ayoko?”

“Pareho tayong nasisira dahil sa maling paniniwala ng karamihan. Ayokong kahit saan ako pumunta ay may nakasunod na camera, o kahit saang panig ng balita nakabuntot ang pangalan ko sa pangalan mo. Gusto ko ng tahimik na buhay.”

“Pero ginulo mo ang buhay ko simula nang magtago ka. At naisip mo sana ang mga bagay na iyan bago mo ako hinalikan.”

“ What? It was just a kiss! Anong masama sa halik na ’yun at apektado ka?”

Natigilan si Leigh nang masulyapan ang madilim na anyo ni Jhonel.

“Pwede ka namang umalis na lang kanina at tumanggi, instead of manipulating the steering wheel now.”

“So, sinasabi mo ngayon na parang ako ang lumalabas na naghahabol sa ‘yo gayong ikaw itong pinapili ako nang choices na wala akong pwedeng atrasan? You’re impossible!”

“Hindi ko naman alam na may boyfriend ka na pala.”

“He‘s not my boyfriend... Yet. At hindi ka rin naman nagtanong.”

Para silang mga bata na nagbabangayan. Ayaw magpaawat ni Leigh. At ayaw rin magpatalo ni Jhonel sa diskusyon.

Napabuntong-hininga si Jhonel. Hindi na niya kinulit ulit si Laceyleigh. Hinayaan niya itong mag-focus sa pagmamaneho. Ganoon din naman, kung makikipagtalo siya rito, hindi sila matatapos na dalawa.

Maya-maya ay may inamin si Leigh. “Tama ka kanina, gagabihin ako kung maghihintay ako ng taxi pauwi. It was taking advantage, I hope you don’t mind.”

“I don’t mind,” mabilis na sagot nito, tonong walang pakialam.

Lumuwang ang pagkakahawak ni Leigh sa manibela pero humigpit iyon nang palabas na sila sa highway at marahas na tinabig pakaliwa dahilan para mabuwal si Jhonel sa kinauupuan.

Napaungol siya nang bumalik sa swabeng takbo ang sasakyan. “That was dangerous,” he whispered.

“Pasensiya ka na.”

“You’re becoming too dangerous, Laceyleigh. I wonder if you are mad at me. O ginagawa mong pagpraktisan sa pag-drive itong kotse ko.” Totoo’y natakot siya sa ginawa nito. Pero hindi niya magawang magalit.

Nahihimigan ni Leigh ang takot sa tono ni Jhonel. Marahas niyang tinapakan ang brake na nagpasubsob sa ulo nito sa dashboard mayamaya lang.

“What the hell! Gusto mo bang mamatay tayo?” He finally blew his anger through hammering the door.

Nanatili si Leigh sa posisyon na ang mga mata ay nakatitig sa taho vendor na tumawid sa kalsada at muntik niyang mabunggo. Ganoon na ba siya kapabaya at pati sa seryosong bagay ay nawawala siya sa focus?

Kinapa niya ang binabayong dibdib. A sudden vivid image from four years ago flashed back. Nag-aalalang mukha ni Jhonel ang nalingunan niya. “Is he okay?” tukoy niya sa lalaking papalayo.

“A-are you okay?” balik ni Jhonel sa tanong na tinanguan niya. “Akina ang manibela.” Bumaba ito pagkasabi niyon.

She remained frozen. And scared to death.

Busina ng ilang motorista sa likod na bahagi nila ang nagpabalik sa daloy ng isip ni Leigh. Her chest filled with a bundle of fear. Hawak na siya ni Jhonel sa braso at inalalayang lumipat sa kabilang upuan. Nang palitan siya sa driver‘s seat ay saka pa nito itinabi ang kotse sa gilid ng highway.

“Fasten your seatbelt.”

Sa trauma ay hindi niya napansin na ito rin ang gumawa ng mismong ipinag-uutos sa kanya. Kasunod niyon ay niyakap siya ni Jhonel na wala naman sa inaasahan niya.

“It was my fault.” Tila nakonsensiya si Jhonel sa nangyari kani-kanina lang. Kapag nagkataon, baka ay nasa hospital na silang dalawa kung tuluyan silang naaksidente. Pasalamat siya’t walang masamang nangyari sa kanilang tatlo ng tindero ng taho.

Gustong isipin ni Leigh na friendly comfort iyon pero humigpit iyon, isinubsob pati nito ang ulo sa leeg niya. It’s like he’s kissing her. Hindi nag-react ng pagtutol ang katawan niya gayong panay sa pagkontra ang isip niya.

Pinakawalan siya nito nang magsalita siya. “I—I’m fine, Jhonel. Salamat!”

“Gusto mo bang pag-usapan? Makikinig ako,” anito na muling pinausad ang sasakyan.

Hindi siya kaagad kumibo. Ang gusto niya ay huwag nang pag-usapan ang tungkol sa dahilan ng pagpanaw ng mga magulang niya. Kaso ay hindi lang nangungumbinsi ang panghuling sinabi ni Jhonel, his eyes are also engaging.

Bumuga siya ng hangin sa bibig bago magkwento. “Namatay sa aksidente ang mga magulang ko. When I almost hit the taho vendor, pakiramdam ko namatay ako.”

Nahabol niya ang pagbaba ng kamay nito at sa akmang pag-landing sa kamay niya pero mabilis nitong binawi iyon.

“I’m sorry. Pareho na pala tayong ulila na sa mga magulang. But it’s alright, walang masamang nangyari sa lalaki at lalo na sa ‘yo.” Lumamig ang boses nito at nawala ang kaninang sigla nito.

“P-pasensiya ka na rin. Akala ko’y sinadya mong mag-hire ng private detective para ipahanap at sundan ako hanggang sa sementeryo.”

Mahina itong tumawa. “Doon din nakalibing ang mga magulang ko. Naalala mong hinarang mo itong sasakyan ko mismo sa pinaradahan ko kanina?”

“My memory isn’t really good...” Nakangiwing umiling siya.

“That’s okay. ‘Nga pala, saan kita ihahatid?” Napakagat si Jhonel sa pang-ibabang labi at bumuhol ang kilay.

“I’m your tour guide, so straight ahead!” Tumatawang aniya na sumabay sa pagturo niya sa mahabang highway. Gumaan ang loob niya kahit papaano.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status